Inikotan ko sya ng mata na ikinatawa nya. "I just want to clear things up." Tumingin ako sa kanya ng nagtataka. Malinaw na kasi ang lahat, mula sa umpisang nag kwento sya dito din sa library, sa paglalasing nya. Napag tagpi-tagpi ko ng lahat ng yun. "Before, I told you about the girl I like --no scratch that, I love. I know you got phrase already, alam ko naiintindihan mo na lahat. Ikaw pa ba? But gusto ko pa ring linawin---"
"Uulitin ko Grey kung nag-aalala ka na baka may pagsasabihan ako sa kung ano man ang nalaman ko, maging kampante ka dahil wala akong pwedeng pagsabihan at hindi ko gagawin yun. Pero kung ang inaalala mo din naman ay ang image ni Shirca, wag, hindi ko naman sya hinuhusgahan, wala akong alam sa kwento nyo. Pero ito lang sasabihin ko, wag kang duwag."
Napatawa ako ng mahina ng makita ko kung paano nanlaki ang mga mata nya sa huli kong sinabi. Pero mas natawa ako sa sarili ko dahil talagang yun ang lumabas sa bibig ko.
"Feisty, siguro natatakot manligaw sayo ang mga lalake -- aray!"
Leche! Buti nga sayo. Malas nya dahil almanac ang madali kong nahila para ihampas sa kanya. Kung anu-ano pinagsasabi.
"Mapanakit ka Audrey."
"Whatever"
"But Audrey, thank you for understanding. Friends?"