Chapter 36

254 Words
2nd semester na kaya ngayon nakikita ko ang mga graduating na busy dito busy doon. Naalala ko tuloy yung binigay ni Dean na hanggang ngayon ay di ko pa alam kong ano yun. "Audrey" Napalingon ako sa paligid ng marinig ko ang pangalan ko. Kumaway naman ang isang magandang babaeng tumatakbo papalapit sa pwesto ko. "Hi, grabe ang bilis mong maglakad." natatawa nyang sabi sabay salampak ng bag nya at umupo sa tabi ko. Classmate nga pala kami. So di nakapagtataka na katabi ko sya dahil Torres din naman ang apilyedo nya. "Bakit?" "Wala naman, tatanungin lang sana kita kung may assignment tayo, feeling ko kasi may nakalimutan ako" Mahabang sabi nito habang nilalabas mula sa bag nya ang yellow paper at ballpen nya. Tumango ako at kinuha ang notebook ko na pinagsulatan ko ng question at inabot ko sa kanya. "Ito lang naman. Magsagot kana habang may 10 mins kapa" "Salamat" Matalino din naman sya kaya di sya nahirapan. At gaya nga ng sabi ko 10 mins dahil on time palagi ang dating ng prof namin na tinaguriang THE ONE. Paano ba naman kasi sobrang terror tapos ang kuripot pa sa grade. Naging normal naman ang klase at na di nagkaroon ng sungay si ma'am. "Audrey, sabay na tayo sa canteen?" napahinto ako sa paglalakad ng biglang tumabi si Yira. Yira Torres. "Sorry, sa library kasi ako didiresto, mamaya pa ako pupunta ng canteen" "Ay ganun, sige mauna na ako, gutom na mga alaga ko eh." Natawa nalang din ako sa sinabi nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD