Chapter 2

1523 Words
Nagising si Carson sa tunog ng kaniyang alarm. Napangiwi s'ya nang maramdaman n'ya ang pagguhit ng sakit sa kaniyang ulo dahil sa alak na ininom nila kagabi. Ngunit hindi n'ya iyon alintana dahil bumangon pa rin s'ya at inihanda ang sarili. Naligo at inayos n'ya ang kaniyang mga gamit bago lumabas sa apartment na kaniyang tinitirhan. "Ate Carson, aalis ka na ba?" Napalingon s'ya nang marinig ang boses na iyon ng pinakabatang kaibigan na si Lea. Binigyan n'ya ng isang malawak na ngiti at saka tinanguan ito. Apat na taon ang tanda n'ya dito pero hindi iyon halata dahil matangkad si Lea. "Lea, bakit ang aga mo naman nagising? Himala yata at ikaw ang unang nagising sa inyong lima pagkatapos malasing," natatawang sambit n'ya kaya maging ang kaibigan ay natawa rin. "For sure, magiging proud sa iyo ang mga magulang mo, ate Carson. Sobrang tagal mo na silang hindi nakikita, pero lahat naman nang iyon ay worth it. Magsisimula na ulit ang buhay mo sa panibagong chapter, I know you're going to kill it for I, we know you. Alam namin na hindi ka papayag na hindi makamit ang pangarap mo, ikaw pa ba?" mahabang litanya nito kaya hinila n'ya ito at niyakap nang mahigpit. "Kami ba hindi kasali sa yakapan na iyang?" Pareho silang natawa na dalawa at napatingin sa pinanggalingan ng boses. Naroon ang lima pa nilang mga kaibigan nakatingin sa kanilang dalawa. "Bakit biglaang ang sweet na ninyo?" natatawang saad n'ya at saka binuka ang kaniyang dalawang braso. "Matagal na kaming sweet, Carson, hindi mo lang napapansin dahil palagi kang busy," sagot naman ni Sheina kaya napatawa silang lahat. "Salamat sa inyong lahat, pero hindi na ako puwedeng magtagal dahil baka maiwanan na ako ng bus, 30 hours ang ba-byahe-in ko papunta sa amin," seryosong sambit n'ya kaya agad din naman s'yang pinakawalan ng mga ito sa pagkakayakap. "Maraming beses na kaming nagbigay nito sa 'yo pero maraming beses mo na rin kaming tinanggihan. Sana sa pagkatataon na ito, tanggapin mo na, may reason ka na para tanggapin ang regalo namin dahil nakapagtapos na tayo, pinag-iponan namin na lima ang pinambili namin dito kaya hindi mo ito puwedeng tanggihan." Kumunot ang noo n'ya sa sinabing iyon ni Polly at lalo na nang makita n'ya ang box na alam n'ya kung ano ang laman. Naisipan n'yang bumili ng isa nito upang ibigay n'ya sa kaniyang pamilya dahil babalik pa naman s'ya dito sa siyudad upang maghanap ng mas maayos na trabaho. Iyong trabaho na maging ang kaniyang pamilya ay maiahon n'ya sa hirap.  "Hala, bakit ninyo ito ginawa? Alam n'yo na hindi ko pa naman kailangan iyan," naiiyak sa sambit niya pero dahil inilapag ni Polly ang cellphone sa kaniyang kamay ay wala na s'yang nagawa. Hindi n'ya na ito inabalang buksan pa at inilagay na lang n'ya sa kaniyang bag.  "Walang reason para hindi ka namin ma-kontak. Naka-save na riyan ang number naming lima,  sabihan mo kami kapag naka-uwi ka ng maayos sa ninyo. Pero teka lang, sure ka ba na alam mo pa kung saan ang lugar ninyo? Alam mo pa ba kung saan ka bababa ng bus?" kunot-noo naman na tanong ni Tanya sa kaniya.  "Ano ka ba,  kahit isang daang taon pa akong mawala sa amin, hindi ko iyon makakalimutan. Pero aminado naman ako sa sarili ko na possible talaga na nag-iba na ang lugar. 9 years is not a joke plus wala akong kontak sa kahit na sino na taga-roon," saad n'ya sa seryoyong boses.  "Sabi naman kasi namin sa iyo noon gawan ka namin ng account sa social media, ayaw mo naman," nakangusong sabi naman ni Polly.  "Ihahatid ka na namin." Napatingin naman s'ya kay Julie nanag magsalita ito. "Hindi na, kaya ko na ang sarili ko at isa pa, hindi naman masyadong malayo ang terminal ng bus," nakangiting sabi n'ya pero ipinakita lang ng mag kaibigan n'ya ang mga daliri nito at umaktong 'hindi pwede'.  "This will be the very first time that you will not be here with us for like 4 years. Mamimiss ka namin ng sobra 'no," saad naman ni Lea kaya wala na s'yang nagagawa.  "Bakit naman kasi kailangan pa na ang layo nang pinanggalingan mo." Umiiling na saad ni Polly na ikinatawa nilang lahat.  Katulad nang nangyayari kapag magkasama silang lima, siksikan ulit sila sa loob ng isang taxi at sa pagkakataon na ito ay si Lea ang inilagay ng mga kaibigan nila sa shotgun seat. Nang makarating sila sa terminal ay agad n'yang nakita ang signage kung saan nakalagay ang pangalan ng probinsya nila. Hindi pa man s'ya nakasakay sa bus na ito ay agad na kumalabog ang kaniyang dibdib. Matagal ang kaniyang magiging byahe pero pakiramdam n'ya ay sa pagpasok n'ya pa lang sa bus ay makikita n'ya na ang kaniyang pamilya.  "Hihintayin namin na aalis ang bus bago kami uuwi, mamaya ka na rin umakyat, ilagay na lang muna natin ang bag mo at tsaka kumuha na tayo ng ticket mo," sambit ni Julie kaya napatingin silang magkakaibigan dito.  "Are you sure you are living your entire life here in Mosalla? Bakit parang alam na alam mo kung ano ang gagawin?" Taas kilay na saad naman ni Sheina sa kaibigan kaya matulis na tingin ang ibinigay ni Julie dito.  "I did my research 'no. Ganoon daw ang ginagawa ng mga pasahero at nabasa ko iyon sa page ng terminal na ito," sagot naman ni Julie.  Napangiti at nagkibit-balikat na lamang si Carson at binuhat ang kaniyang bag upang umakyat sa bus. Napalingon s'ya sa kaniyang mga kaibigan nang maramdaman n'yang silang lahat ang sumunod sa kaniya.  "Ma'am saan po kayo? May ticket na ba kayong anim?" Salubong sa kanila  ng isang lalake na sa tingin n'ya ay ang kundoktor ng bus na ito. Umiling s'ya bilang sagot dito, agad naman na kumilos ang lalake at saka kinuha ang isang receipt na sa tingin n'ya ang magiging ticket n'ya.  Ito ang magiging pinaka-unang uwi n'ya sa kanilang probinsya simula noong nagpunta siya ng Mosalla upang makipagsapalaran sa kaniyang kinabukasan. "Mag-isa lang ako, hindi kasama ang mga kaibigan ko," aniya kaya napatingin sa kaniya ang lalake at naningkit ang mga mata.  "Akala ko po kayong anim, 1500 lang po ma'am," natatawa na tila ba nahihiyang sambit nito at saka inabot sa kaniya ang kaniyang ticket.  Nasa seat number 21 s'ya kaya pagkatapos n'yang iabot sa kundoktor ang kaniyang bayad ay dumiretso s'ya sa kaniyang upuan at inilagay sa taas nito ang kaniyang gamit.  "Kuya, anong oras ang alis ninyo dito?" Dinig n'yang tanong ni Tanya sa tingin n'yang ang tinatanong nito ay ang kundoktor.  "Alas 6 po ngayong umaga," sagot naman ng huli. Napasulyap s'ya sa suot n'yang relo at mag-aalas singko na, mahigit isang oras pa pala bago ang alis nila.  "Great! We still can have breakfast, ate Carson hindi ka pa kumain," saad naman ni Lea at tinanguan n'ya ito.  Sa hindi kalayuan ay naroon ang isang fast food chain na bukas nang 24 hours kaya dito na sila kumain. Habang pa-simple n'yang pinagmamasdan ang mga kaibigan ay lihim s'yang napangiti nang matamis. Hindi n'ya aakalin na makakatagpo s'ya ng mga kaibigan sa lugar kung saan wala s'yang kahit na isang kakilala. Masuwerte s'ya dahil mayroon s'ya nitong lima sa lugar na ito.  Hindi mapapantayan ng kahit na anong materyal na bagay ang pagkakaibigan na mayroon silang anim. Tinanggap s'ya ng mga ito kahit na pambili ng ballpen ay madalas wala s'ya. Hindi n'ya alam kung gaano s'ya mas nahihirapan kung nagkataon na hindi binigay sa kaniya ng Dyos ang limang ito.  "Thank you," wala sa sariling sambit n'ya kaya natahimik ang mga ito at napatingin sa kaniya.  "Thank you saan?" Polly.  "Thank you dahil palagi kayong nasa tabi ko. Tatanawin kong malaking utang na loob ang kabutihan na ibinigay ninyo sa akin," nakangiting sagot n'ya at binigyan ng tingin isa-isa ang kaniyang limang mga kaibigan.  "Ano ka ba! Magkakaibigan tayo natural lang na magtutulongan tayo ano. At isa pa, sa sampung tulong naman namin masuwerte na kung tumanggap ka ng tatlo," react naman din kaagad ni Sheina sa kaniya.  "Huwag ka ngang magpasalamat na para bang hindi na ka babalik dito," saad naman ni Tanya.  "Babalik ka pa dito, ate Carson, remember? Magtatrabaho pa tayo sa mga dream company natin at magbo-board pa tayong anim," dagdag pa ni Lea.  "Kung hindi ka babalik dito, pupuntahan ka namin sa ninyo," asar naman ni Julie.  "Babalik ako, that's for sure, pero kung gsuto rin naman ninyo na pumunta roon sa amin, ayos lang din naman iyan ay kung kaya ninyong humiga sa sahig ng walang kotson at kumain ng giniling na mais," natatawang sambit naman n'ya sa mga ito.  "Nag-research talaga ako about sa lugar ninyo, walang sinabi ang bukid nila mama. Sobrang gaganda ng mga bundok ninyo tapos ang tataas," saad naman ni Tanya.  "Ang lungsod namin ang pinaka-peaceful na lugar sa buong province kung saan kami nasasakop. Kaya maraming pumupunta roon na mga bisita o turista dahil sa magandang dagat, maraming beach at sa ganda nga rin na mga bundok. Next time, isasama ko kayo roon kapag may mapapahigaan na ako sa inyo na maayos." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD