Chapter 30

321 Words
"Ano ba ang sinulsol sa iyo ni Mierna at ng anak n'ya? Sigurado ako may mga sinabi sila sa iyo na paninira tungkol sa amin kaya mas pinili mong manuluyan sa kanila 'no, tama ako, hindi ba?" Galit na saad nito. "Ano po ba ang dahilan ng pakikipag-usap po ninyo sa akin? Sana po noong nalaman ninyo na narito ako sa Domago at mas pinili ko nga pong manuluyan sa bahay ng hindi ko kamag-anak ay sana po hinayaan na lang po ninyo ako." "Tiyahin mo 'ko, Carson. Kapatid ko ang tatay mo kaya ayaw ko naman na gamitin ka ng ibang tao dahil lang matalino ka at dahil alam ko na kaya mong bigyan ng maayos at magandang buhay ang sarili mo. Kami ang kamag-anak mo, tama lang naman na dapat ay nasa tabi ka namin upang maprotektahan ka namin?" Tila gustong humalakhak ni Carson dahil sa narinig. Alam n'ya na ngayon kung bakit gusto ng tiyahin n'ya na ito na doon s'ya tumira sa bahay nito dahil malamang sa malamang ay iniisip nito na may pera s'ya. Matagal s'ya sa Mosalla at ang mga tao rito, simula pa man noon ay iniisip kaagad na may marami kang salapi kapag galing ka sa Mosalla. "Pasensya na po kayo, T'yang." Sumilay ang ngisi sa kaniyang mga labi na hindi pa rin abot sa kaniyang mga mata. "Hindi naman po ako ginagamit ni Aling Mierna. Katunayan nga po n'yan, inaalagan po nila ako dahil itinuring nilang pamilya ang pamilya ko at kahit na matagal akong nawala ay hindi pa rin po nakalimutan ni Aling Mierna ang pagkakaibigan nila ng nanay ko." "Ganyan ang mga mapansamatalang mga ----" "Huwag na pong pagurin ang sarili ninyo, T'yang. Hangga't narito po ako sa Domago ay mananatili po ako sa bahay ni Aling Mierna. Hindi po ako aalis doon. Hindi po ako lilipat sa kung saan at kaninong bahay. Wala rin po akong pera."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD