Chapter 29

313 Words
"Nanay naman ang sama naman agad ng inisip ninyo sa akin." Ngumuso ito. "hinarang po kasi kami ni Janeth, nay." Nanlaki ang mga mata ni Aling Mierna dahil na narinig at nag-aalala itong tumingin agad kay Carson. "May ginawa bang masama sa iyo ang babae na iyon? Hinarass ka ba nila? Ano ang sinabi ng batang iyon sa iyo? Tinakot ka ba?" Sunod-sunod na tanong nito. "Hindi naman po." Umiiling na sagot ni Carson kaya napahinga ng maluwag ang ginang. "Pero nay, sinabihan si ate Carson ng Janeth na iyon na huwag nang ungkatin ang nangyari dati. Napakatigas talaga ng balunbalunan ng pamilyang 'yon." Padabog na inilagay ni Yel Yel ang kutsara dahil sa inis. Hinawakan ng ginang ang kamay ni Carson na nakapatong sa mesa. "Hangga't maaari ay iwasan mo ang kahit na sino sa pamilya at kaibigan nila, anak. Hindi makakabuti sa 'yo kapag palagi mo silang nakakasagupa. Sasaktan ka lang nila at dudumihan lang nila ang pangalan ng iyong mga magulang sa tainga mo." Tumango si Carson dahil tama ang sinabi nito. "Huwag po kayong mag-aalala, nasasaktan man ako dahil sa kanila sa loob loob ko, hindi ko sila hahayaan na saktan ako sa pisikal. Alam ko po na hindi magiging madali para sa akin ang pagharap sa bagay na ito lalo na po't wala akong kahit na ano at hindi ko rin po alam kung saan at paano magsisimula." "Ano ba ang plano mong gawin?" "Huhukayin ko po ang katotohanan, Aling Mierna at ipaglalaban ko po ang hustisyang nararapat sa pamilya ko." Nanginginig ang kaniyang boses ngunit pinigilan n'yang tumulo ang kaniyang mga luha. Hindi na s'ya papayag na iiyak s'yang muli dahil ayaw n'ya nang mawalan ng lakas at maging mahina. Kailangan n'yang maging mas matapang at matatag dahil sa ilang araw na niyakap n'ya ang sakit ay pakiramdam n'ya nawalan s'ya ng pag-asa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD