Chapter 31

329 Words
Napansin n'ya ang pagtingin nito sa paligid habang naglalakad sila at inangkla pa nito ang kamay nito sa kaniyang braso. "Maingay na pinag-uusapan ang nangyaring pagpatay sa kabilang barangay," pabulong nitong sabi kaya nanlaki ang kaniyang mga mata na napatingin sa kasama. "Ano?!" Hindi s'ya makapaniwala kaya ganoon na lang ang kaniyang agad na naging reaksyon. Malalaki at mabibilis ang kanilang bawat hakbang kaya agad silang nakarating sa bahay. "Hindi ko po alam kung kilala ninyo ang mga Jumarez sa barangay Sampaloc," unang saad nito nang makapasok sila kaya mas lalo n'yang itinuon ang kaniyang atensyon dito. Gusto n'yang marinig at malaman ang patungkol sa bagay na ito. "Natatandaan ko na may naging kaklase ako na isang Jumarez sa sekondarya. Bakit? Ano ang nangyari?" "Kaninang alas 7 ng umaga, pinatay po si Leon Jumarez." Mas lalong naging interesado s'yang marinig ang gustong sabihin at kwento ni Yel Yel nang masimulan n'yang pakinggan ang una nitong sinabi. Humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa sandalan ng kahoy na sofa dahil bigla na lamang n'yang nakita sa kaniyang isip ang eksena ng kaniyang pamilya dahil sa salitang pinatay. "Ano ang nangyari? Bakit s'ya pinatay? Sino ang pumatay?" Bakas na bakas sa kaniyang boses ang pagiging interesado n'ya sa bagay na ito kaya sa tingin n'ya ay tama lang na ginustong sabihin ni Yel Yel sa kaniya ang nangyari. "Ang sabi ay dinalaw daw ito sa bahay nila ng mga taong mismong kumitil ng kaniyang buhay. Humingi pa nga raw ito ng kape dahil ang tsismis ay nagpakilala raw ito na hindi ang mga iyon taga rito sa atin." "Sino ang pumatay, Yel Yel? At bakit s''ya pinatay?" "Kasing-edad mo lang yata si Leon Jumarez, hindi ba, ate Carson? " "Ang sumunod sa kaniya na kapatid n'ya ang kaedad ko. Hindi ko alam kung ilang taon pero mas Matanda sa akin si Leon." "Ang mga savior ang pumatay sa kaniya." Nang marinig ang salitang iyon ay pakiramdam n'ya bigla na na, an
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD