Tumango si Carson bilang sagot at itinuon ang atensyon sa pagkain.
"Hindi ka ba aalis ngayon, ate Carson?"
Nag-angat s'ya ng tingin at tiningnan si Yel Yel na nagtatanong. "Hindi naman, bakit?"
"Mabuburyo ka rito sa bahay dahil si nanay at tututok na iyan mamaya sa tindahan at malimit lang yan dito. Kung wala ka namang lakad, gusto mo ba sumama sa akin sa bukid?"
"Sa bukid?"
Tumango ito at ngumiti. "Opo. May taniman si kami ni nanay ng mga gulay doon. Iyang mga gulay na paninda ni nanay sa tapat ng tindahan ay doon namin kinukuha."
"May kaputikan ngayon dahil umulan kaninang madaling araw. Baka mahirapan ka roon, Carson."
Ngumiti s'ya, kahit na alam n'yang ang ngiti na iyon at hindi umaabot sa kaniyang mga mata. "Ayos lang po, Aling Mierna. Hindi naman po bago sa akin ang bukid at putik."
"Anong oras tayo pupunta roon, Yel?"
"Alas 9 ng umaga ako umaalis dito sa bahay dahil kukunin ko ang mga gulay doon upang mai-display tapos ihahatid ko rito ulit tapos pagbalik ko pagkatapos ng tanghalian ay sama ka na sa akin," nakangiting saad nito.
"Sasama na lang din ako sa 'yo ngayong umaga."
"Sigurado ka? Tirik na ang araw ng mga ganyang oras. May dala ka bang jacket?"
Tama si Yel Yel, tirik ang araw at sobrang init. Umulan kaninang madaling araw pero dahil sa init ay natuyo na rin naman ang putik.
"Ang ipinagabago lang ay naging semento na ang daan. Pero ang dating bukid kung saan kami madalas kumukuha ng panggatong mga kaibigan ko noon ay gano'n na gano'n pa rin."