Chapter 11

1126 Words
At dahil hindi naman s'ya nagpapigil ay sinamahan s'ya ni Yel Yel na papunta sa terminal ng bus sa Claribben sakay sa isang tricycle." "Mag-iiingat ka, ate Carson. Kumain ka rin ng marami, sa plastik na iyan ay nariyan ang pagkain na pinabaon ni nanay sa 'yo. Nalipasan ka na ng gutom, ate Carson, hindi matutuwa ang mga anghel ng buhay mo sa ginagawa mo," ani Yel Yel habang mahigpit itong nakayakap sa kaniya. "Ako na ang bahala, Yel Yel. Maraming salamat. Aalis na ang bus, mabuti ay nakaabot tayo, kailangan ko nang pumasok." Ngumiti sa kaniya si Yel Yel at saka tumango, "bukas ang pinto ng bahay namin ano mang oras mo maisipan na bumalik sa Domago. Heto nga po pala, isinulat ko sa papel na ito ang numero namin ni nanay sa cellphone. Tawagan po ninyo kami, ate Carson kapag nakarating kayo ng maayos sa Mosalla." Tiningnan ni Carson ang isang maliit na papel bago n'ya ito tinanggap at inilagay sa kaniyang bulsa. "Salamat." "Gagabayan ka ng Diyos sa byahe mo, ate Carson," nakangiting sabi nito. Nang makapasok s'ya sa loob ng bus ay ramdam n'ya agad ang mga tingin sa kaniya ng mga tao. Hindi n'ya kilala ang mga ito at hindi n'ya alam kung kilala ba s'ya ng mga tao rito pero hindi na iyon importante. Dumiretso s'ya sa dulong upuan na naa tabio ng bintana at iyon na lamang ang bakante. Wala naman s'yang gaanong dala dahil ang mga pasalubong na dala n'ya noong pumunta s'ya rito ay iniwan na lamang n'ya at bahala na si Aling Mierna at Yel Yel kung ipapamigay nila iyon sa mga bata sa Domago. Itinuon n'ya lamang ang kaniyang atensyon sa labas nang tumakbo na ang bus. Habang tahimik na nakatingin sa labas ng bintana ay nag-unahan naman sa paglandas ang kaniyang mga luha mula sa kaniyang mga mata. Tinutuyo n'ya ito gamit ang kaniyang kamay ngunit hindi ito natigil hanggang sa nakatulog s'ya. Nagising s'ya nang marinig ang maingay na paligid at nang idilat n'ya ang kaniyang mga mata ay nakita n'ya ang ibang pasahero na nagsibabaan na kaya umayos s'ya ng upo at tumingin sa labas ng bintana. Nasa pier na sila at kailangan nilang bumaba ng bus upang makasakay ng barko. Binitbit n'ya ang plastik na inabot sa kaniya ng mag-ina na sinasabing naglalaman ng mga pagkain. Ngayon n'ya palang naramdaman ang gutom. Nang makaakyat sa barko ay agad s'yang kumain at tahimik lang na nakatingin sa gitna ng dagat habang tumatakbo ang barko. *"Nay, Tay, babalik po ako ng Domago. Hindi ko po alam kung kailan pero babalik po ako. Hihinga lang po muna ako para sa pagbalik ko ay may lakas na ako."* aniya sa isip. Mahigpit n'yang pinipigilan ang paglandas ng kaniyang mga luha at naupo sa upuan saka pumikit. Wala naman s'yang ibang magawa at ayaw n'ya ng umiyak. Ubos na ang lakas n'ya sa kakaiyak at tama si Yel Yel, hindi ikakatuwa ng kaniyang mga magulang at mga kapatid kapag nagpakain s'ya sa sakit at lungkot. Alas 4 ng umaga nang makarating s'ya ng Mosalla at dahil may kalayuan pa ng kaunti ang kaniyang apartment na tinitirhan mula sa binabaan n'yang terminal ay naghahanap na lang muna s'ya ng pwede n'yang matuluyan. "Tatlong araw lang ang pinakamatagal na pinapayagan naming tumira rito, miss," saad ng babaeng cashier at dahil pagod na s'yang paikot-ikot ay tumango na lang s'ya. Inabot n'ya ang susi ng kwartong papahingahan n'ya at tiningnan ang numero ng kwarto. Maayos naman, may sariling banyo kaya hindi s'ya mahihirapan, ang problema lang ay walang lutuan. Bawal magluto kaya kailangan n'yang lumabas upang makakain. Walang kahit na anong salita ang lumabas sa bibig ni Carson habang nakahiga s'ya at nakatingin sa ceiling ng kaniyang maliit na apartment. Hindi pa n'ya kayang tumuloy sa dating apartment nilang magkaibigan dahil hindi n'ya alam kung ano ang sasabihin. Alam n'yang kapag pumunta na s'ya roon ay tatanungin s'ya ng mga iyon kung kamusta ang probinsya. Ni sa sarili n'ya ay hindi n'ya alam paano tanggapin ang lahat ng nangyari, ang lahat nang kaniyang mga nalaman. Wala pa s'yang lakas at ang kaniyang isipan ay wala pa sa ayos. Ilang oras na s'yang narito pero hanggang ngayon ay hindi pa s'ya nakakapagbihis. Hindi pa s'ya kumakain pero hindi man lang s'ya nakaramdam ng gutom. Walang pasabing lumabas ang kaniyang mga luha nang bigla na lamang naglaro sa kaniyang isipan ang hitsura ng bahay na kinalakihan n'ya. Ang bahay kung saan s'ya hinubog ng kaniyang mga magulang. Ang tahanan kung saan masaya silang mag-anak. Ang tahanan na gusto nyang balikan nang paulit-ulit. Pero ang tahanan na iyon, ay wala na ngayon. Wala na s'yang babalikan dahil ang mga taong kasama n'yang gumawa nang mga masasayang ala-ala ay wala na. Iniwan na s'ya ng mga ito. Durog na durog ang kaniyang puso dahil hanggang ngayon ay hindi n'ya pa kayng tanggapin ang katotohanan. Kung panaginip man ang lahat ng ito ay gusto n'ya nang magising. Kung panaginip man ang lahat ng ito ay gusto n'ya nang bumalik sa kaniyang diwa. "Ibibigay ko sa inyo ang hustisya na nararapat sa inyo, nay, tay at mga kapatid. Hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung kailan at kung kaya ko pero pangako, hindi ako papayag na maging ako ay mawala sa mundong ito nang hindi naibibigay sa inyo ang hustisya." Umiiyak na saad n'ya sa sarili. Hindi namalayan ni Carson ang oras at nakatulog s'ya. Nagising na lamang s'yang kumakalam ang kaniyang sikmura kaya madali s'yang nagbihis at doon n'ya pa lang napagtanto na hindi pa pala s'ya nakabihis simula nang dumating s'ya rito. "Saan kayo pupunta, ma'am?" Tanong sa kaniya ng babaeng nasa cashier nang akmang didiretso na s'ya sa labas. "Maghahanap ng makakainan," sagot n'ya rito. "Ay kayo po ba iyong kumuha ng tatlong araw dito?" Tumango s'ya bilang sagot. "Sige po, ma'am, pasensya na po. Akala ko po kasi mag-out na kayo." Hindi na s'ya sumagot at tumuloy na sa paglabas. Hindi n'ya kabisado ang lugar na ito pero naglibot-libot na lang din s'ya hanggang sa nahagip ng kaniyang mga mata ang isang lugawan. Tumawid s'ya at tumungo roon, mabuti na lang din at hindi gaanong matao. "Ano ang sa inyo?" Agad na tanong ng babaeng nagbabantay nang makalapit s'ya. Hindi s'ya sumagot at itinuon ang kaniyang atensyon sa mga pagkain na nasa harapan n'ya. May lugaw at kanin naman at sa tingin n'ya ay magugutom kaagad s'ya kapag lugaw ang kakainin n'ya. "Isang kanin at isang pritong tilapia," aniya at tumango naman agad ang babae. Umupo s'ya sa bakanteng upuan. "Gusto ba ninyo ng sabaw, ate?" Tumango na lang din s'ya rito. *"Gabayan ninyo ako, nay, tay. Gabayan ninyo ako upang magawa lahat ng kailangan kong gawin sa buhay."*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD