Kabanata 2
Kinagabihan ay napagpasiyahan ng dalawa na dito natulog, habang nasa hapag kami kanina ay hindi kami nag-iimikan. Hindi naman ako galit sa kanilang dalawa dahil wala naman akong karapatan. Ako pa nga ang may utang loob sa kanila dahil hindi nila ako iniwan sa mga panahon na gustong gusto ko ng sumuko, pero ang aking lang ilayo o huwag ng sambitin pa si Rihav sa usapan namin lalo na nandiyaan ang kambal.
Lahat ay gagawin ko para hindi lang makita ni Rihav ang kambal. Hindi maiwasan na hindi maghanap ng ama ang kambal, alibi lang ang sinasagot ko sa kanila o hindi kaya ay binibiro sila ni Amer na nalunod na sa sabaw ang kanilang ama.
Kasalukayan ako ngayon ay narito sa balkonahe ng bahay namin, hindi naman ganon kalaki itong bahay pero sapat na sa aming tatlo ng kambal. Ang baba ay yari sa cemento at ang taas ay yari na sa kahoy, hindi ito natapos dahil linisan ko na ang Mansion Madreal. Hindi din sapat ang paglalabada ko, hindi ko nga napagamot si Nanay.
Tahimik lang ako habang tinatanaw ang kapaligiran, sa La Meyanda kami nakatira dito sa Isla Fera. Halos lahat ng tao dito ay magsasaka, nasa parte kami ng Isla Fera na hindi gaanong pinapahalagahan. Walang gaanong turista sa dito sa amin, halos mga taga rito lang. Medyo malayo din ito sa bayan o ang La Fera.
Kahit gaanon ay tahimik naman at hindi malayo kami sa gulo. Hindi man sikat ang lugar na ito ang importante ay matiwasay ang pamumuhay namin. Sa susunod na pasukan gusto ko sanang ipasok ang dalawa sa isang paaralan dito, pero ang tanong naman kong sino ang magbabantay sa kanila. Tatlo nalang kaming nandito sa bahay at walang kasiguraduhan kong uuwi pa si Amer o hindi.
Malayo ang tingin ng maramdaman ko na may umupo sa tabi ko, si Zoe.
Dinig ko ang paghinga niya nang malalim bago siya nagsalita, "I'm sorry for what happened earlier, sorry sa mga sinabi ko, Fay. I know what happened in the past years, I saw you crying for how many times, ilang beses ka na ring sumuko sa buhay." Huminto siya sa pagsasalita at hinawakan ang aking kamay, "But always remember, me and Zav are always here for you. Alam ko rin na hindi maganda ang ginawa ni Kuya sa iyon dati kaya hindi niya deserve na makita ang dalawa, pero ang akin lang sana hindi sila kinakawawa."
"Hindi naman sila kinakawawa dito, Zoe. Nakakain naman sila tatlong beses sa isang araw, iyong mga gusto nila ay pag-iipunan ko. Alam ko naman na hindi basta basta ang dugo na nanalaytay sa kanila, sa kulay palang ng mata alam na natin kong sino ang ama nila. Pero Zoe ang sakit..." tinuro ko ang aking puso, "Narito parin, hindi ko alam kong mapapatawad ko pa ba si Rihav sa lahat ng nangyari o maghihilom lang ito sa paglipas ng panahon." Sunod non ang pagpatak ng luha ko.
Ang sakit na nararamdaman ko ay narito parin sa puso ko. Ang mga asasalit na salitang binigkas ng bibig niya nakaukit parin sa puso ko. Si Rihav lang ang lalaking minahala ko kahit na ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako iibig sa mayaman dahil isa lang akong taga-probinsyang babae.
Ang pangakong iyon ay pinako ko mismo dahil sa pag-ibig ko sa kanya. Hindi dahil sa gwapo niyang mukha, sa pera niya, sa kayaman o maging sa kapangyarihan nila, inibig ko siya dahil nakikita kong mabuti siyang tao. Nasa kanya na ang lahat ng hinahanap ko sa lalaki, iyon pala hindi ko alam na may tinatago din siyang baho, mapagpanggap din pala.
Iyon ang masakit.
Binuhos mo lahat ng pagmamahal mo sa isang tao pero sa huli...wala, masasaktan ka din. Parte na siguro iyon ng pag-ibig, na kapag nagmahal siguradong masasaktan.
"Darating ang panahon na kong mahaharap mo man si Kuya ay sana pakinggan mo parin siya. Kahit baliktarin ang mundo anak parin ni Kuya iyong dalawa kahit na nagkasakitan kayo, oo hindi niya deserve ang dalawa pero sana magkalinawan kayo kong magkikita man kayo sa huli."
Umiling ako, "Hindi na kami magkikita pa Zoe." Matigas kong sabi.
Suminghot si Zoe at tumango, "Kung iyan ang nais mo, hindi kami gagalaw ni Zav hanggat ayaw mo."
Hindi na ako nagsalita pa at niyakap ko si Zoe ng mahigpit. Hindi ko alam kong kapatid ba ang turing nila kayy Rihav o hindi. Parang ako na iyong kapatid nila kong makatulong sila sa akin. Ewan ko nalang kong saan kami pupulutin ng kambal kong wala silang dalawa ni Zav.
Humiwalay kami sa pagkakayap ni Zoe, akmang magsasalita na sana ako ng marinig kami ng hiyawan ng kambal sa baba. Sabay kaming panapatayo ni Zoe at agaran kaming bumaba sa unang palapag ng bahay.
Nasa hagdan na kaming dalawa, napahawak ako sa dibdib ko at nakahinga ng maluwag na walang nangyari sa kambal akala kong ano na.
"Fay!" si Amer pala ang dumating.
May dala itong pasalubong sa kambal kay ganon nalang ang hiyaw nilang dalawa. Nako naman...
"Amer, akala ko bukas pa ang dating mo?" sabi ko at tumulay ng bumaba.
Ibinigay niya muna sa kambal ang kani-kanilang regalo bago siya magsalita.
"Ano kaba! Hindi ako si Amer, ako si Amera! Nakakaloka kana day! Ilang beses na kitang pinagsasabihan na babae nga ako, lalaki lang manumit pero si Amera ako!" boses babe niyang sabi at tumli pa.
Simula noong bata pa kaming dalawa alam ko na talaga na bakla itong si Amer. Makalakad kumikinding, kapag naglalaro ayaw niya na kalaro lalaki dapat kaming mga babae. Noong palang alam na alam ko na, iyon ang pinagtaka ko dati kay Rihav kong bakit siya parating nagseseslos kay Amer.
"Ewan ko sayo, Amer." Sabay pag-upo ko sa sofa de kawayan namin.
"Ninang Amera ang ganda nitong bigay mo!" si Hera sabay pakita pa ng barbie doll na karaniwang laki lang.
Pumalakpak ang bakla dahil sa sinabi ni Hera.
"Mabuti pa itong junakis mo alam kong ano ako, pero ikaw maka Amer ka sa akin—" hindi na niya natapos ang kaniyang sinasabi ng makita ang kambal. "Narito pala kayo Madreal Twins, dito kayo matutulog?" casual nitong sabi.
Noong libing ni Nanay sila nagkakilala. Hindi pa nga makapaniwala noong una itong si Amer na ang dalawang Madreal ay narito sa Isla Fera. Apat na taon narin iyon, ngayon si Zoe ay namamahala narin ng negosyo nila. Itong si Zavia naman ay pagmomodelo ang kinahiligan.
"Yes, we are going to sleep here. I have chika for you Amera, new model. Boylet..." hindi ko na sunod na narinig ang kanilang usapan dahil hinatak na ni Zavia si Amer palabas ng sala.
Si Amer basta lalaki talaga sige na agad. Parang dati lang ayaw niya ng mga kalaro naming lalaki ngayon lalaki na ang gusto niya. Sayang nga si Amer dahil malaki ang kanyang pangangatan, gwapo din pero iyon ngalan ayaw niya sa kapwa niya kuno babae.
"Nanay," napatingin ako kay Hacov na tumawag sa akin, umupo siya tabi ko ay niyakap ang aking tagiliran. "Alam niyo po ba ang cellphone? Gusto ko pa sana manood ng pinapanood ni Obet pero sabi niya sa cellphone lang daw iyon makikita."malumanay na sabi nito.
Hinaplos haplos ko ang kanyang buhok, "Alam mo ba kong paan gamitin iyon? Mag-aapat na taon ka palang Hacov baka lumabo iyang mata mo kapag nagbabad ka sa cellphone." Sambit ko at hinalikan ang kanyang ulo.
"Susubukan ko pong alamin, ayaw nila akong papanoorin ng pinapanood nila kasi anak daw ako ng engkanto." Dinikit niya ang kanyang mukha sa aking dibdib.
"Engkanto? Anong engkanto?" kumunot ang noo ko.
Simula noong umuwi ako dito sa Isla Fera at halos nalaman ng kabaranggay namin na buntis ako pinagchismisan kaagad ako. Daming nagsasabi sa akin na kong sino daw akong mukhang santa pero magpapabuntis din pala, hindi ko nalang sila pinatulan pa dahil hindi nila alam ang totoong istorya. Hindi nila ako kilala, at ako lang ang nakakilala sa sarili ko.
Noong naglalaro nadin ang dalawa ay may mga araw na umuuwi silang umiiyak dahil tinutukso daw sila ng mga kapit bahay namin. Mayroon pa nga na tinanong ako ni Hera kong ano ang bayarang babae dahil ako daw yon. Minabuti kong tumahikim nalang at pinangaralan ang mga anak ko sa tungkol sa pagrespeto sa kapwa.
Wala kami pera at hindi kami mayaman pero alam namin ang salitang respeto.
"Kasi ganito ang kulay ng mata namin ni Hera, sabi pa ng nanay ni Obet Amerikanong hilaw daw ang tatay namin. Nasaan ba kasi si Tatay, nay? Baka kong naarito siya hindi kami inaapi ng mga nasa labas."
Napapikit ako at napabuga ng hangin sa kanyang tanong,
"Hindi ka engkanto, Hacov. Hindi karin anak ng hilaw na amerikano, nasa malayo ang tatay mo—"
"Nalunod na sa sabaw ang tatay mo, Hacov!" singit ni Amer na nakikinig na pala sa amin.
Mabuti nalang narito si Amer para saluhin ako sa tuwing nagtatanong ang dalawa kong sino ba ang kanilang ama. Alam ni Amer kong sino ang ama ng kambal, dati pumupunta siya sa Mansion Madreal para ibalita kondesyon ni nanay at pumupunta rin siya doon para makita si Rihav. Kapag nasa harap naman niya si Rihav ay kong sinong barakong lalaki kapag nagsasalita.
"Dahil good girl and good boy kayong dalawa pupunta tayo ng La Fera!" ani Amer at binuhat ang dalawa gamit ang kanyang bising.
Masayang tumawa naman ang dalawa at pinagigilan pa si Amer habang buhat buhat sila. Nang magtama ang mata namin ni Amer ay nilakihan ko siya ng mata. Nagbeautiful eyes lang siya at ngumuso sa akin bago hinalikan ang dalawa sa leeg.
"Sama kayo Tata Zoe at Tata Zav?" tanong ni Hera sa kambal na Madreal.
Kinuha ni Zoe si Hera kay Amer at pinangigilan, "Sorry, Tata Zoe and Tata Zavia is not available for tomorrow, we have work." Nag-inarte pang malungkot si Zoe habang kinakausap nnni Hera.
"Okay lang po, Tata. Sa susunod, sama kayo samin ha." Hirit pa nito.
"Sure, Hera." Si Zavia at ngumiti.
"Dahil aalis tayo bukas, kailangan na nating matulog." Sabi ng bakla dala dala si Hacov papuntang sa ikalawang palapag.
Ewan ko kong anong trip nitong ni Amer. Dati sa isang sikat nakainan siya nagtatrabaho ngayon isa na siyang sikat na fashion designer. Si Zavia ang parati niyang kasama sa ga event. Malaki narin ang kita niya, kay nag-aya siguro ng mall.
Kinaumagahan ay nagising ako ng maaga dahil uuwi na ang kambal ng mga Madreal. Kumain lang sila saglit dahil nagluto ako, masyadong malayo ang Manila baka magutom sila daan. Pagkatapos nilang kumain ay nagtungo sila sa taas para humalik sa dalawa kong anak bago sila tuluyang umuwi.
Nilinis ko ang buong bahay hanggang sa nagising narin si Amer. Agad niyang hinanap ang kambal ng Madreal at sinabi ko namang umuwi na sila. Nagtimpla siya ng kape at umupo sa sofa de kawayan bago siya nagsalita.
"Naghahanap ka ng trabahod diba?" aniya at humikab.
"Oo, may alam ka ba?"
Tumingin siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Ano na naman ang pakulo ng baklang ito? Dati sa isang CEO niya ako pina-apply para maging secretarya, noong nalaman kong mala dragon kong magalit ang CEO ay nagback out ako. Nakaintindi naman ako ng English at nakakapagsalita din pero natatakot ako baka pagsalitaan niya ako ng masama sa madaming tao.
"Nakita mo na ba katawan mo sa salamin, Fay?" sabi niya at pinaikot ako, "Ang liit liit muna, pero keri ka para maging model—"
"Huwag mo kong isama diyan sa mga kaartehan mo, Amer." Sabay irap ko sa kaniya.
Matagal na nya akong pinipilit na pumasok sa pagmomodelo. Hindi ko nga naisip kong maganda ba ako o hindi. Hindi din ako naglalagay ng kolorete sa mukha, wala din kaartehan sa katawan. Wala naman akong hilig sa pagmomodelo kaya yaw ko ring subukan.
"Amera kasi! Nakakapikon kana Fayre, maganda ka dati hanggang ngayon naman pero kapag ako ang naunang nakilala ni Rihav baka kami ang nagkaanak."aniya pa.
"Wala kang matris, Amer." Sapol ko sa kanya.
Kita ko ang pagsimangot niya , gano din ang pag-ikot ng kanyang mata. Bumalik siya sa pagkakaupo at uminom ng kape.
"Pero real, may alam akong trabaho para sayo pero baka hindi mo kayanin. Masyado kanang payat, baka magkasakit ka."
Tumingin ako sa kanya, "Paano ko mabibili ang gusto ni Hacov kong hindi ako magtatrabaho? Sige, kahit anong trabaho basta marangal payag ako." hinawakan ko pa ang kanyang braso.
Tumili siya at kinuha ang kanyang braso sa akin kamay, ang arte ng baklang ito!
"Oo na pero don't touch me, virgin pa me." Lumayo pa siya sa akin, "Ako magbabantay sa mga junakis mo, namiss ko sila tatlong buwan din kaming hindi nagkita. Dito nalang muna ako matutulog kapag wala kapa."
"Ano ba ang trabaho?"
"Waitress sa Club sa La Fera Dos. Binigay na kita kay Tessa, iyong manager. Alam niya kong anong trabahong inapllyan mo doon. Siya ang magsasabi ng mga rules sa iyon. Basat ibigay mo ito sa kanya, beshie kami non."
Hindi ko mapigilang hindi mayakap si Amer. Isa rin siya sa mga taong hindi ako sinukuan sa laban ko. Isa rin siya sa mga tumulong sa akin para mainagat ko ang aking salita. Kahit ganong problema ang dumating sa akin ay hindi parin ako pinabayaan ng diyos at binigyan niya ako ng mga taong makakapitan ko sa panahon na hinahamon ako ng buhay.
"Don't hug me!" maarte nitong sabi tinulak pa talaga ako.
Ala una ng hapon ay umalis kami ng bahay para makapunta nga sa La Fera. May bagong tayong mall daw doon sabi ni Amer, iyon daw ang pinakamalaking mall sa Isla Fera. Dalawang linggo palang daw iyong bukas kaya medyo dinudumog pa ng mga tao.
Sumakay kami sa sasakyan ni Amer, madami ng pera ang bakla pero hindi ako pwedeng panghingi lang ng manghingi sa kaniya at sa kambal ng Madreal kailangan ko ring tumayo sa sarli kong mga paa.
Isa at kalahati ang aming byenahi bago kami nakarating ng La Fera. Ang mata ng dalawa parang lalabas na ng bintana dahil bukas iyon, hindi sila sanay sa aircon kaya binuksan ni Amer. Kita ko ang kisap sa kanilang mata habang nakatingin sa bagong mall na tinutukoy ni Amer.
RMall iyon ang nakalagay sa mataas na mall.
Lumundag sila palabas sa kotse ni Amer ng maiparada na ito ng mabuti. Ito ang kauna unahang nakatungtong ang dalawa sa La Fera. Hawak ko sila ka kamay sabay kaming pumasok ng mall. Nilibot namin iyon hanggang sa mapunta kami sa mga laruan, na pakay nila sa mall na ito. Habang sila ay namimili inibot ko ang aking mata sa buong mall.
Malaki nga ito kumpara sa mga unang mall dito sa La Fera. Busy sila sa katuturo ng gusto nila kay Amer ay umalis muna ako doon. Lumabas ako sa store, madaming tao nga dito ngayon dahil kakabukas lang at maganda din ang pasilidad.
Nagulat ako ng biglang dumami ang tao sa bandang kaliwa na papunta sa gawi ko. Nakita ko ang isang lalaki na naka tuxedo, mukhang pamilyar ito sa akin kahit pa medyo nakatagid pa. Nang makaharap na siya ng mabuti ay lumaki ang aking mata ng makitang si Rihav iyon. Nagsalubong ang aming mga mata, wala akong sinayang na oras pa at bumalik sa loob ng store.
"Umalis na tayo," mabuti nalang at nabayaran na nila ang kanilang napamili.
Inakay ko si Hera at kay Amer naman si Hacov.
"Anyare bhe? Hindi pa kami tapos mamili." Angal ni Amer na makapasok na kami ng sasakyan niya.
"Nakita ko si Rihav sa loob!" hindi ko mapigilang tumaas ang aking boses.
Nandito ang dalawa may posibilidad na makita niya ang dalawa kapag nagtagal pa kami doon. Hindi...hindi niya dapat makita ang dalawa. Wala siyang karapatan, simula noong pinagsalitaan niya ako ng masama at ibinalitang magpapakasal siya parang tinaboy niya narin ako.