KABANATA 3

2855 Words
Kabanata 3 Hawak hawak ang papel na binigay sa akin ni Amer, kasalukuyan ako ngayon na katayo sa harap nitong club na tinuro niya sa akin. Halos lahat ng gusali dito sa La Fera Dos ay malalaki kumpara sa La Fera Uno, ngunit sa lahat ng gusali dito isa ang building nasa harap ko ang pinakamalaki. Magara din ang labas nito at parang mayayaman lang dito sa Isla Fera ang makakapasok sa loob. Hindi naman ako mapili sa trabahong mapapasukan, ang importante ay marangal ito at karespe-respeto. Ang sabi naman ni Amer sa akin ay waitress ang kinuha niyang trabaho sa akin at hindi magpapaligaya ng lalaki, ayos na iyon sa akin ang importante mabili ang gusto ng mga anak ko. Ayaw kong manghingi lang ng manghingi sa Kambal at kay Amer. Ayaw ko rin manghingi ng sustento sa tatay nila. Noong nakita ko si Rihav sa mall na iyon nakaraang linggo nakaramdam ako ng panliliit sa sarili ko. Mayaman siya mahirap lang ako, salat sa pera. Natatakot ako na baka isang araw ay iwan ako ng mga anak ko at sumama sila sa tatay nila. Bata pa sila at walang kamuwang muwang sa mundo, bibigyan lang ng kung anong nais nila baka kakagat sila. "Miss, mag-aapply ka din?" parang bumalik ang kaluluwa sa akin sarili dahil sa presensyang iyon. Napahawak ako sa aking dibdib at hinarap siya, "May binigay na sa akin ang kaibigan ko, ibibigay ko lang daw ito sa may-ari tapos pwede na akong makapagtrabaho." Sabi ko sa kanya. Tumango tango siya at nilagay ang daliri sa kanyang panga, "Ah, may backer. Swerte mo girl, ako nahirapang makapasok diyan. Isa ang Club Highden, sa pinakamalaking gusali dito sa La Fera Dos kaya medyo mahigpit. But don't worry, alam kong kaya mo naman dito. You're pretty naman at makakabingwit ka ng papi!" aniya at parang kinikilig. "Aso?" inosente kong tanong. Tumawa siya at hinila na ako papasok ng gusali, "Gwapo na mayaman, hindi aso." Sagot niya at pinapasok ako isang silid. Akmang lalabas na sana ako ng sinirado niya ito at ay binigyan ng maliit na uwang, bumulong siya ng 'Goodluck' bago tuluyang sinirado ang pinto. Huminga ako ng malalim at naglinga-linga dito sa loob ng silid. Isang babae ang nakita ko na nakaupo at nakaharap na pala sa akin. Ngumiti siya sa akin kaya napangiti din ako sa kanya. Lumakad ako papunta sa kanyang gawi at binati ko siya. "You must be Amer's Friend, Am I correct?" panimula niya. "Yes, Ma'am. I am Amer's Friend." Sabi ko sa ingles na lingwahe. Nakatungtong naman ako ng college kahit papaano kaya alam ko rin ang lingwaheng iyon. Iyon din ang ginagamit na lingwahe sa bahay ng mga Madreal kay nakasanayan ko na rin kahit papaano. "Amer is right, you looked pretty. Waitress lang ba ang gusto mo dito sa Highden Club? Or you want other job for better earnings?" sabi niya at pinaupo ako sa upuan na malapit sa akin. Umiling kaagad ako sa kanyang tanong, alam ko kong anong tintukoy niyang trabaho at iyon daw ay tangihan ko sabi ni Amer. "I just wanted to be a waitress here, Ma'am. Sabi ni Amer iyon naman ang kulang dito kaya iyon po ang kukunin kong trabaho." Sagot ko naman. Binasa niya ang kanyang bibig, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago ulit siya nagsalita, "Sure, you can start later. Don't be late, three times late you will be fired immediately. Your uniform is now on your locker, every end of the month you get salary from me. The owner of this club is here every first week of the month, better to meet him soon." Paliwanag nito tungkol sa akin trabaho. Ngayon ay unang linggo ng buwan kaya ibig sabihin narito ang may-ari nitong club. Hindi ko naman kilala kong sino iyon, baka makikilala ko rin siya mamaya. Bumalik sa isipan ko ang binigay sa akin ni Amer, ibinigay ko iyon sa nangangalang Tessa base sa nakalapag sa kanyang mesa. Kinuha niya iyon at may pinermahan bago ako nginiti'an. "Your work starts 6:00 pm and it well end around 11:30 pm. Alam kong malayo ang lugar mo dito sa La Fera Dos, you have free room naman upstairs. You have rest day which is Sunday only. Farahline will guide you in your room.." "Whose Farahline po?" may respeto kong tanong. "The girl who pushed you here, she is waiting outside." At tinuro pa niya ang pinto. Tumango naman ako at nagpaalam na dahil mukhang wala naman na siya sasabihin pa. Isa pa ay nilahad na niya ang kanyang kamay na pwede na akong lumabas ng kanyang opisina. Yumuko muna ako bilang respeto bago ako tuluyang lumabas ng silid. Hindi nga siya nagkakamali dahil narito nga si Farahline sa labas. "Hi!" panimula ko. Hindi ko alam kong magkakasundo ba kami nitong ni Farahline pero mukha naman siyang mabait na babae. Maganda siya at kita ang hubog ng kanyang katawan dahil sa suot na maikling damit at isang pants. "Layo mo pala dito sa LFD, bakit dito ka nagtrabaho?" usisa niya habang naglalakad kami. Pumasok kami sa elevator nitong gusali, siya din ang pumindot ng tamang palapag para sa amin. Wala akong alam dito, baka si Farahline ang makakatulong sa akin. "Hindi kalakihan ang sahod doon sa La Meyanda kaya naisipan kong lumuwas dito sa La Fera Dos." Sagot ko naman. "True, ako nga sa Los Dias pa eh. Mahirap lang ang buhay namin kaya lumuwas din ako dito sa LFD." "Siya nga pala, kilala mo ba kong sino may-ari nitong gusali?" hindi ko kilala ang may-ari, baka nakakatakot iyon. Ayaw kong pumalpak at mapagsabihan ng masama sa harap ng madaming tao. "Si Sir Haiden ang may-ari nitong gusali at club sa baba. Hindi naman iyon masungit pwera lang kong pumalpak ka sa ginagawa mo." Tumango tango naman ako. Sana naman hindi ako pumalpak habang ginagawa ko ang trabaho ko, ayaw ko na nang ganon, ayaw kong mapagsalitaan ng masama. Hindi na kami nag-imikan pa dahil naging busy si Farahline sa kanyang cellphone. Naisip ko tuloy si Hacov, ito ang gusto gustong niyang bagay. BUmuntong hininga ako, 'Di bale na anak, mabibili na iyan ni nanay kapag nakatatlong sahod na ako dito. Hindi kana makikinood pa ng paborito mong panoorin. Ilang segundo pa ay bumukas na ang pinto ng elevator. Unang lumabas si Farahline at sumunod naman ako sa kanyang likod. Madaming silid dito at may nakalagay ding mga numero sa bawat pinto. Ngayon nasa tapat kami ng 21, may kinuhang susi si Farahline sa kanyang bulsa at binuksan na ang silid. "Ito ang silid mo..." tumigil siya at tumingin sa akin. "Fayre," pakilala ko. "Ito ang silid mo, Fayre. Bawal kang mapapasok ng lalaki sa silid na ito kong hindi patay ka kay Boss. Kompleto na ang silid na ito kaya pwede mo nang malagay ang mga damit mo. Kukunin ko lang sa locker mo ang uniform mo para masukat mo." Aniya ng makapasok kami sa silid. "Nako, huwag na ako na ang kukuha." Nahihiyang sabi ko. Baka makaabala pa ako sa kanya. Baguhan lang ako dito kaya nakakahiya kong siya pa ang kukuha non para sa akin. "Ako na ang kukuha, ayusin mo na ang trabaho. Magpahinga ka narin, malayo layo ang byenahe mo." Hinawakan niya ang magkabilaang braso ko at pinaupo sa kama. Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya baka kong saan pa kaming abuting dalawa. Nagpaalam na siya na kukuha at ako naman ay inilapag ko na ang bag ko sa mesa. Inilibot ko ang aking mata sa buong sulok nitong silid. Hindi naman ito kalakihan kasya ang isa o dalawa sa kam dahil medyo malaki din. May build in cabinet sa harap na malaki, may mesa at isang upuan naman sa gilid ng kama. Tumayo ako sa pagkakaupo at binuksan ang nag-iisang pinto dito sa loob. May sariling banyo ito, inidor tsaka lababo lang naroon pero maganda naman. Bumalik ako sa kama at umupo. Binuksan ko ang maliit na bag na nakakabit parin sa akin at kinuha ko ang de keypad na cellphone ko. Miss ko na ang mga anak ko kahit na ilang oras palang kami hindi nagkikita. Noong umalis ako kaninang madaling araw ay tulog pa sila, ayaw ko na nakikita silang umiiyak kapag umaalis ako baka hindi na ako tumuloy at magpaiwan nalang sa bahay. Ginagawa ko naman ito sa kanila, para mabigay ang gusto nila kahit papaano. Hindi naman sila nagsasabi sa akin ng kanilang gusto, kong hindi sinabi nina Zav at Zoe hindi ko iyon malalaman. Ilang segundo ang pang-ring ng telepono ni Amer bago niya nasagot ang tawag ko. "Kamusta diyan mamsh?" bungad ni Amer sa akin. "Kamusta mga anak ko diyan? Umiyak ba noong nalamang wala ako diyan? Hinanap ba ako? anong nangyayari diyan ngayon? Inaalagaan mo sila ng mabuti?" sunod sunod kong tanong sa kanya. Nag-aalala ako sa kambal baka hinanap na ako, o kaya nagwawala sila. Mga bata iyon at hindi maiwasan na ganon ang kanilang reaksyon. "Mamsh, kalma may dibdib ka. Okay naman mga junakis mo dito, iyon ngalan kaninang umaga hinanap ka. Umiyak ang dalawa, wala kana daw sa tabi nila. Mabuti nalang gumana ang sinabi ko sa kanila kaya tumahan na din. Kumakain sila ngayon ng chocolateng nakita ko sa cabinet niyo, paborito daw nila iyon." Sabi ng bakla sa kabilang linya. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Amer. Akala ko kong ano na ang nangyari baka mapauwi ako kapag nagkataon na nagwawala sila. Mabuti nalang at magaling mang-uto itong si Amer sa kanilang dalawa. Nakatulong din iyong chocolateng binili nina Zav at Zoe. "Ano naman ang inuto mo sa mga anak ko bakla?" strikta kong sabi. Dinig ko muna ang pagtawa niya sa kabilang linya, may pa-ubo ubo din siya bago siya nagsalita. "Well, sinabi ko na hahanap ko tatay nila basta tumahan silang dalawa. And guess what, effective siya mamsh." Parang sumabog ang kaluob-looban ko dahil sa sinabi ni Amer, "Effective mo mukha mo gaga! Paano kong naghanap ang dalawa dahil sa pinagsasabi mo Amer? Hindi sila pwedeng makita ni Rihav! Paano kong kunin sila sa akin dahil wala akong pera?! Amer naman!" tumaas na ang boses ko at nainis na kay Amer. Kay daming daming alibi o uto sa dalaw bakit ang tatay pa nila? Hindi ba talaga sila na kakaaintindi na ayaw kong makita ni Rihav ang dalawa kong anak?! "Mamsh, sorry na. Hindi ko kasi alam gagawin ko dalawa pa sila. Sorry na, uutuin ko ulit sila na nalunod na sa sabaw ama nila. Sorry talaga, Fay. Hindi na mauulit promise ko 'yan. Sige na baka magtatrabaho kana bye!" mabilis niyang sabi at ang gaga binaba na ang linya hindi pa ako nakapagsalita. Napabuntong hininga ako. Kapag nakabalik ako ng La Meyanda patay ka talaga sa akin, Amer. Kinahapunan ay trabaho na dito sa Highden. Medyo nagulat lang ako sa iksi ng paldang binigay sa akin ni Farah kanina. Farah nalang daw ang itawag ko sa kanya, masyado daw'ng mahaba ang Faraline. Hindi naman ako gaanong masilan sa kasuotan pero hindi talaga ako sanay na ang paldang sinusuot ko ay hanggang itaas ng aking tuhod. Nagsusuot naman ako ng mga shirts pero hindi gaanong kaikli. Tinignan ko ang aking buong katawan, nakaharap ako sa malaking salamin dito sa loob ng aking silid. Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng aking damit bago ko sila pinagtagpo sa aking likod. Napailing ako ng makitang napakaliit ng aking beywang. Simula noong bumalik ako dito sa Isla Fera at sunod sunod ang problema sa buhay ko ay hindi na ako nakakain ng maayos. Nalilipasan din ako ng gutom minsan dahil inuuna ko talaga ang trabaho ko kesa sa pagkain ko. Nakakain lang ako ng maayos kong naroon si Amer o ang kambal na Madreal sa bahay, pinapagalitan nila kasi ako kapag hindi ako kumain at uunahin ko ang trabaho. Wala akong magawa kaya kakain nalang. "Girl, ready ka na diyan mag-sstart na work natin." Dinig kong sabi ni Farah mula sa labas. Inayos kong muli ang aking sarili bago ako lumabas ng silid. Bumulaga agad sa aking si Farah na iba ang sautan sa akin, hindi ko alam kong ano ang kanyang trabaho. Maiksi pa ang kanyang palda sa akin at ang pangtaas naman ay isang bra na itim at see through na crop top. Naka medyas din na hanggang itaas ng tuhod at boots na mataas. "Ba't gulat na gulat ka?" si farah at mahinang natawa sa reaksyon ko. Kumurap kurap ako, "Bakit iyan ang suot mo? Anong trabaho mo dito?" kuryoso kong tanong. Hindi naman ako chismosa kong ano ang trabaho niya, nagulat lang talaga ako sa kanyang kasuotan. Masyadong kita na ang kaluob-luoban ng kanyang katawan. Hindi ba siya naiilang? Ito nga nakasuot palang ako ng paldang maikli nakakailang na, ano pa kaya kong ganyan na. "Call girl..." aniya at tumingin sa akin, "Basta mamaya makikita mo nalang ako sa stage na nagsasayaw." Tumango tango ako habang papasok kami ng elevator pababa na sa club. Naiintindihan ko naman ang trabaho ni Farah, hindi ko naman siya majujudge kong ganyan ang trabaho niya, wala ako sa posisyon. Hindi ko alam kong ano ang dahilan niya kong bakit ganyan ng trabaho niya. We can't judge the person without knowing her point of view. Iyon ang parating nakatatak sa utak ko simula noong college. Hindi natin maiiwasan ang ganong gawain pero sana ilagay natin sa tamang lugar. Lahat tayo ay may pakiramdam kaya pwede tayong masaktan sa isang masakit na salita lamang. "Natahik ka? I know, sasabihin mo na maruming tao ako? masama? Hindi na virgin? Hindi katanggap tanggap sa lipunan dahil ganito ako, parausan." Napatingin ako sa kanya, "Hindi kita huhusgahan sa trabaho mo, Farah. May rason kong bakit ganyang trabaho ang ginawa mo ngayon. Bilib nga ako sayo dahil nakaya mo 'yan, nakaya mo din ang mga masasakit na salita ng mga tao tungkol diyan sa trabaho mo." Napait siyang tumawa at inayos ang kanyang buhok, "We are leaving in a judgemental society, makapagsalita ang iba tungkol sa trabaho ko parang madumi na akong tao. Hindi nga nila alam ang rason kong bakit ganito ang trabaho ko." Aniya at nakita ko ang sakit sa kanyang mukha. "Huwag mo nalang pansin ang mga ganong tao, Farah. Mas kilala mo ang sarili, huwag mo nalang silang patulan." Ngumiti siya sa akin, "Minsan hindi ko kaya, napapatulan ko sila. Wala eh, sobrang baba ng tingin nila sa kin." Nalungkot ako sa sinabi niya. Hindi akong ganon tao hindi ako pumapatol sa iba dahil mas kilala ko ang sarili ko, pero minsan naiisip ko din kapag lumaban ako mas gugulo ang lahat. Kapag hahayaan ko namang silang apihin ako mas lalo nilang iisipin na isa akong disgrasyada. Hindi alam ang gagawin ko. Mas pinapaburan ko nalang ang sinasabi ng utak ko na huwag na silaang patulan pa. "Depende naman kong super below na belt na sila. Nasa sarili mo parin talaga kong papatul ka o hindi, basta isa lang masasabi ko huwag magpatalo sa hamon ng buhay. There's always a rainbow after the rain, ika nga nila." Tumawa siya, "Gusto na talaga kitang maging friend." Patili niyang sabi. Kumunot ang noo ko, "Bakit wala ka bang mga kaibigan dito?" Umiling siya, "Wala masyado, ikaw lang siguro." Aniya at tumawa, "Kung payag ka maging kaibigan ko." "Aba oo naman," mabilis kong sabi, "Pero bakit wala kang kaibigan dito?" tanong ko. Hindi na niya nasagot pa ang aking tanong dahil bumukas ang pinto nitong elevator at pumasok ang tatlong kababaehan na parang pareho ng trabaho nitong kay Farah. Ang isang babae ay tinignan ako mula ulo hanggang paa bago siya tuluyang pumasok. Nasaraduhan ka sana, sa isip ko. "Farah the girl, narito ka. Ang dakilang mang-aagaw, tapos na ba ang mga gabi mo kay Fabio? o pinagsawayaan kana?" tanong nito at malanding tumawa. "Wala akong alam sa pinagsasabi mo, Ella." Patol pa ni Farah. Nasa loob kami ng elevator pero ramdam ko ang initan nitong dalawa. okay naman kanina ah, pumasok lang itong si Ella parang nasa impyerno na kami dahil mukha siyang kaanak ni satanas. "Maang-maanangan pa ang gaga." Aniya bago tumingin sa akin. "Huwag kang didikit sa gagang 'yan, baka maagawan ka." Babala pa nito sa akin. Hindi ko nalang siya pinatulan pa at mas lalong dumikit kay Farah at pasimpling sinilid ko ang aking kamay sa kanya. Ramdam ko ang galit ni Ella kay Farah, habang wala akong alam sa side muna ako ni Farah. Hindi naman siya masama. Tahimik lang kami habang sa narinig ko ang kwentuhan nina Ella kasama ang mga kaibigan niya. "Nandito si Sir, kasama niya mga kaibigan niya." "Jockpot tayo mamaya!" sabay tili ng isang babae. "Basta akin si Fabio," parinig pa ni Ella, "Sayo Lyn kay Cydrile, sayo naman Karen kay Rihav." Naistatwa ako ng marinig ko ang huling sinabi nitong ni Ella. Narito si Rihav?! Anong ginagawa niya dito?! Bakit sa Isla Fera pa! Pasimple kong tinapa ang aking dibdib dahil sa bilis ng t***k, natatakot ako. Ganon nalang ang kaba ko ng bumukas na ang pinto, Fay, kailangan maingat ang galaw mamaya, hindi ka dapat niya makita. Iwasan ang pwesto nila at magtago, iyan ang gagawin mo Fay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD