KABANATA 1

2143 Words
Kabanata 1 Sabay ng pagtayo ko sa kauupo ay ininat ko ang aking katawan. Hinilod ko ng kaunti ang aking beywang dahil medyo masakit na ito dahil sa pagkakayuko. Dalawang bandehera ng labahan ang nilalabhan ko ngayon galing sa kapitbahay. Iyong ang trabaho ko para may ipantawid kami sa araw araw. "Ito ang sweldo mo, Fay." Sabay abot ni Aling Nena ang isang libong piso. Nagulat ako sa laki ng kanyang binigay sa akin kaya ibinalik ko iyon sa kanya, "Nako, sobra po ito Aling Nena dapat po five hundred lang." ani ko at inabot pabalik. Umiling iling ang matanda at hindi kinuha sa akin ang isang libong piso, "Hindi, ibili mo iyan ng laruan ng kambal o pagkain para sa kanila. Naawa ako sa kanila, tumitingin tingin sila noong nakaraang araw sa mga apo ko na para bang gustong gusto din nila ng ganong laruan. Ibili mo ang kalahati para sa kanila." Hindi ko mapigilang mapangiti at hindi mapayakap kay Aling Nena. Simula noong bumalik ako dito sa Isla Fera apat na taon na ang nakakaraan ay parati niya akong tinutulungan sa lahat ng bagay. Pinapautang niya ako ng walang dagdag at hindi niya naman ako pinipilit na magbayad ako pero hindi ko naman pinagsasamantalahan ang kabaitan niya kaya binabayaran ko siya kapag may pera ako galing sa paglalaba. "Maraming salamat po, Aling Nena. Babayaran ko po ito kapag nakakuha na ako ng panibagong labahan." Sabi ko ng mahiwlay na kami sa pagkakayakap. "Huwag na, para talaga iyan sa kambal." Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat bago ko nilisan ang kanilang bahay. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay ni Aling Nena sa bahay namin kaya nilakad ko nalang papunta sa bahay namin. Apat na taon na simula noong tumakas ako sa Mansion Madreal parang naging impyerno ang buhay namin. Napatay si Nanay dahil sa sakit niya, hindi namin nakayang ipagamot siya dahil walang wala kami. Ang nagawa namin ay pinapanood nalang siya na hinahabol ang kanyang hininga hanggang sa hindi niya nakayanan. Walang kaming magawa kundi ang umiyak ng umiyak. Nalubog kami sa utang sa pagpapalibing kay nanay, wala akong matakbuhan kundi ang kambal na Madreal at si Amer. Tinulungan ako nina Zav at Zoe, sila ang nagbayad ng kalahati at ako naman ang kalahati noon. Pinag-igihan ko ang pagtatrabaho ko sa munisipyo ngunit seguro sa walang pahinga at puspus sa trabaho ay nahimatay ako, dinala ako sa hospital doon nalaman na nagdadalang tao ako. Hindi ako makapaniwala na may nabuo sa p********k namin ni Rhav bago niya ako pagsalitaan ng masasama at sinaktan ng sobra sa araw na iyon. Pumasok sa isip ko noon na ipalaglag ang bata sa sinapupunan ko dahil hindi ko sila kayang buhayin, hindi ko nga kaya pakainin ang pamilya ko tapos dadagdag pa sila sa pasanin ko? Pero hindi ako nagtagumpay na ipalaglag sila. Oo, malaki ang galit ko kay Rihav, pero hindi ibig sabihin non na ang galit ko ay ipupukol ko sa mga bata. Inosente sila at hindi alam kong ano ang nangyari. Tinuloy ko ang pagbubuntis ko hanggang sa nalaman nina Zav at Zoe. Maging sila ay nagulat nakita na malaki na ang tyan ko. Simula noon halos linggo linggo silang pumupunta sa bahay para kamustahin ako, mas excited pa sila sa akin na lumabas ang bata sa sinapupunan ko. Sinabihan ko sila na kahit kailan ay huwag sabihin kay Rihav na may anak kami, simula rin noong umalis ako sa kanila ay wala na akong naging impormasyon kay Rihav dahil ayaw ko na siyang pumasok pa ulit sa buhay ko. Sa tulong nina Zav at Zoe ay naitawid ko ang pagpapanganak, sila rin ang bumili ng mga gamit dahil daw pamangkin naman nila ang mga anak ko. Noong araw na nanganak ako hindi ko alam na kambal pala ang magiging anak ko dahil hindi ako nakapagcheck-up basta ang alam ko lang ay buntis ako noong nahimatay ako sa munisipyo. Mas dumoble ang pasanin ko sa buhay. May mga panahon na gusto ko nalang sumuko at ipaampon nalang ang dalawa, ngunit pinigilan ako ng dalawang magkapatid na Madreal. Sa lahat ng kabutihan nina Zav at Zoe sa akin ay hindi ko na alam kong paano ko sila masusuklian. Naging maayos ang pag-aalaga ko sa kambal kong anak. Kahit na wala akong tulog sa pagbabantay ay nagtatrabaho ako para may maibili ng gatas para sa kanila, hindi parati na kina Zav at Zoe ako sasandal kailangan ko rin buhayin ang mga anak ko sa sariling pinaghirapan ko. Akala ko noon tapos na ang paghihirap ko dahil masaya ako na nakikitang malusog ang mga anak ko pero hindi pa pala tapos ang paghihirap kong iyon dahil si tatay naman ang sumunod kay Nanay. Siya mismo ang tumapos sa buhay niya, nakaramdam ulit ako ng depresiyon noong namatay si Tatay. Hindi ko na naalagaan ng maayos ang mga anak ko, hindi ko sila napapadede sa tamang oras. Ilang linggo hindi ko sila hindi nahawakan, sina Zav at Zoe ang nag-aalaga sa kanila habang ako naman ay kinukulong ko ang sarili sa silid ng bahay namin. Hindi ako kumakain, parang wala ng dahilan pa para mabuhay. Ang dalawang pinaka-importante sa buhay ko, ang dalawang gusto kong mabigyan ng magandang buhay ay wala na sa tabi ko. Wala na ang dalawang nagpapalakas sa akin, wala akong hinangad simula noong bata ako kundi ang maiahon sila sa hirap. Pero wala, huli na ako, wala na sila, iniwan nila kami ni Coleen.   Isang araw sa pagmumukmuk ko sa loob ng silid ko ay hindi nalaman nina Zav at Zoe na nilalaganat pala si Hera, isa sa mga anak ko. Wala silang kaalam alam sa pagbabantay sa dalawa kaya hindi nila alam ang gagawin, sumisigaw sigaw sila sa labas kay lumabas ako ng aking silid. Umiiyak silang dalawa nakaramdam ako ng takot, ibinigay nila sa akin si Hera at ganon na ang aking kaba ng maramdaman ko na sobrang init niya. Itinakbo namin si Hera sa pinakamalapit na hospital, mabuti nalang ay naagapan ng mga doktor. Simula non napagtanto ko na hindi lang ako ang nabubuhay sa mundo, napagtanto ko na may dalawang paslit na kailangan ng aruga at pagmamahal ko. Hindi dahil nawala sila sina Nanay at Tatay ay hahayaan ko narin ang buhay ko. Ngayon, ang kambal ko na ang tinutuan ko ng pansin. Kung hindi ko man natupad ang gusto ko sa mga magulang ko, sa kambal ko naman tutuparin ang pangakong iyon. Sila ang dahilan kong bakit ako nagtatrabaho, sila ang dahilan kong bakit ako malakas, at paalagaan ko sila sa abot ng makakaya ko. "Nanay!" bungad sa akin ni Hera pagkabukas ko ng pinto. "Anak," sabay yakap sa kanya. Ngayon tatlong taong gulang na sila. Marunong na silang magsalita at parang matanda na talaga magsalita lalo na itong si Hera. Si Hacov naman ay kasalungat ni Hera, palagi itong tahimik at parang walang pake sa buhay. "Nandito si Tata Zoe at Tata Zav, Nanay." Aniya at pinapunta ako sa kusina. Naroon nga ang dalawa na naglalagay ng grocery sa cabinet. Ngumiti sila sa akin at nginitian ko naman sila pabalik. Tuwing katapusan ng buwan ay narito sila para bigyan kami ng pagkain, noong una ay hindi ko gusto na parating pumunta dito dahil may trabaho silang dalawa. Ayaw nilang pagpaawat kaya wala na akong magawa pa. "Nasaan si Tata Coleen, Her?" tanong ko kay Hera. Nagkibit balikat ito, "Ewan, umalis siya kanina, may dala malaking bag." Aniya na ikinagulat ko. "May nakuha daw siyang trabaho sa Maynila, Fay. Sa amin siya nagpaalam, kung matanggi ka sa amin mas matanggi pa iyong kapatid mo. Nagvolunteer ako na pagmamaneho ko siya papuntang Manila o hintayin ka niya. But she refuse it, we had a lot of offers for her para hindi siya mahirap. All of those, tinanggihan niya. Wala na kaming magawa ni Zav kundi pakawalan siya." sumingit na si Zoe sa usapan namin ni Hera. Iniwan ko si Hera sa sala kasama si Hacov at pumunta ako sa dalawa, "Hindi man lang niya ako tinawagan. Ganon talaga iyon, mataas ang pangarap ni Coleen. Maprinsipyo din ang babaeng iyon, sana kayanin niya ang Manila." Tinulungan ko ang dalawa sa pag-aayos ng pagkain. May nakiya akong chocolate na gustong gusto ng kambal, napatingin ako kay Zav at Zoe. Ito na naman sila inispoil na naman nila ang dalawa. "Don't look us like that, Fay. Itong si Zav ang kumuha niyan, sabi ko huwa—" pinutol ni Zav si Zoe. "No, Fay. Not me, si Zoe talaga ang kumuha niyan. I told her that the kid wants that but I didn't put that in our cart. Ikaw Zoe hindi ako." hirit pa ni Zav. "Anong ako? hindi ako, ikaw!" "Ikaw!" Napatampal ako ng aking noo dahil sa kanila. Wala pa naman akong sinabi pero ito na sila, kilalang kilala na talaga nila ako. Sa apat na taon na sila ang nakakasama ko parang lahat ng kilos ay kilala na nila. Ang dalawang ito hindi nagsasawang tulungan ako, pero sana naman huwag nilang spoil ang dalawa dahil wala akong pera para ibigay ang gusto nila. Kong mayaman lang ako lahat ng gusto nila ibibigay ko, pero hindi, mahirap lang kami. "Stop na, Zav at Zoe. Wala pa nga akong sinabi," ani ko at nahinto naman silang dalawa, "Hindi naman ako galit kong binibilhan niyo ang dalawa ng mga ganito pero sana hindi buwan buwan baka hanap hanapin nila ito at magpabili sa akin. Wala akong pera na ipangbili dito, Zav at Zoe." Kita ko ang pagbuntong hininga ni Zav at hinawakan ang balikat ko, "They are the heiress of Madreal Empire, Fay. Hindi dapat sila naghihirap ng ganito, dapat naroon sila sa Mansion ngayon. I know what you've been through for the past years but the twins didn't deserve this kind of life. Ako ang naaawa sa kanila, Fay." Seryosong sabi ni Zavia. Tagapagmana ba talaga sila? O mga anak sila sa labas ni Rihav? Alam ko na kasal na ngayon si Rihav at siguro ay may mga anak narin ito ngayon. Ayaw kong masaktan ang mga anak ko na malalaman nilang anak sila sa labas. Ayaw kong darating ang panahon na isumbat nila sa akin na anak sila sa labas. Ayos na sa akin na simple lang ang pamumuhay namin dito sa Isla Fera kesa naman nasa mansion nga sila ng Madreal pero hindi naman sila katanggap-tanggap. "Ayos naman sila dito, Zav. Hindi naman na nila kailangan si Rihav, may mga anak naman si Rihav ngayon kaya hindi na niya pa kailangan ang dalawa." Makahulugan na nagtitigan ang dalawa bago nagsalita ulit si Zavia, "Hindi nagsasabi sa amin ang dalawa tungkol sa mga gusto nila pero noong pumunta kami dito ay natagpuan namin silang dalawa na nasa labas. Si Hera ay titig na titig sa kalaro na may hawak hawak na life size Barbie doll. She was looking at the doll like she wants that too, I saw her playing with her paper doll that you made for her." "And, I saw Hacov looking at his playmate using a phone or IPad I think. I heard him na kung pwede ba siyang manood ng pinapanood nila, pero iyong bata ay iniba ang way ng pagkakahawak ng IPad kaya napasimangot si Hacov at umalis nalang doon." Kwento pa ni Zoe. Napatingin ako sa dalawang anak ko na nanonood ng TV. Matagal ng gusto ng dalawa ang mga iyon lalo na ni Hacov ang IPad. Ngunit hindi ko mabili dahil hindi ko kaya ang mga iyon, kahit patayin ko ang katawan ko sa pagtatrabaho ay mukhang hindi ko mabibili ang kanilang gusto. Ang bagay na mabibigay ko sa kanila ay iyong pagmamahal... Wala kaming pera, hindi ko mabibigay ang gusto nila. Kahit noong birthday nila hindi ko sila kayang bilhan ng cake. Walang wala ako... "Makahanap ako ng isa pang trabaho bibilhin ko ang gusto nila pero sa ngayon tiis muna sila." Sabi ko habang nakatingin sa kanila. "Fayre, huwag mong patayin ang sarili mo kong kaya namang ibigay ni Kuya ang gusto ng mga anak niya." napatingin ako kay Zoe dahil sa kanyang sinabi. Akala ko magkakampi kami? Alam niya lahat ng sakit na pinagdaanan ko sa kamay ng Kuya niya. bakit ganito na siya ngayon? Ano kakalimutan ko nalang ang lahat ng ginawa sa akin ni Rihav para lang maibigay ang gusto ng dalawa kong anak? Hindi ako ganon babae, kahit na magkandakuba-kuba ako sa pagtatrabaho para lang maibigay ko sa dalawa ang gusto nila ay gagawin ko basta hindi na masali pa si Rihav sa usapang ito. Hindi na siya masala pa sa buhay namin. Hindi namin siya kailangan! "Hindi ko kailangan ang tulong ng Kuya mo, Zoe. Akala ko ba, ayos na sa inyo ito? Akala ko nagkalinawan na tayo? Akala ko alam niyo ang pinagdaanan ko? Huwag na natin isali ang tao na matagal ko nang binura sa buhay ko." Ani ko at umalis ng kusina. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD