KABANATA 4

2283 Words
Kabanata 4 Ramdam ko ang lamig ng aking kamay habang nakaupo ako at naghihintay ng customer. Hindi ko alam kong totoong narito si Rihav o na mali lang ako ng dinig sa sinabi ni Ella. Medyo maarte kasi ang pagkakasabi niya kaya siguro namali lang ako ng pagkakadinig. Nakaupo lang ako sa ngayon dahil hindi pa gaanoong kadami ang mga tao sa loob ng Highden, pero tama nga ang hinala ko noong una palang natungtung ang paa ko dito sa building. Halos lahat ng tao dito ay mayayaman, makikita iyon sa kanilang kasuotan at mga nakakabit sa kanilang mga katawan. "Okay lang ba, Fay?" tanong ni Farah sa gilid ko na kumakain ng lollipop. May makeup narin siya at ang ganda ganda niya. Dito sa likod ginagawa ang kanilang pag-aayos ng kolorete. Inaya niya din ako na maglagay pero hindi ako pumayag, pulbo lang ang inlagay niya sa aking mukha at kaunting lip shiner. Hindi ako maalam sa kolorete at wala rin ako pambili kaya nanibago pa ako sa ginawa nila kanina. "Okay lang ako," tipid kong sabi at ngumiti sa kanya. Inikot niya ang kanyang mata at hinahawakan ang kamay ko, "Bakit ang lamig ng kamay mo kong ganon? Nalalamigan kaba dahil diyan sa suot mo? Sasabihin ko kay boss Tessa na ibahin ang uniform mo." Aniya. Agad akong umiling sa kanya, "Hindi naman, ayos na 'to baka nanibago lang ang katawan ko. Hindi ako dati bababad sa aircon at sa araw ako sanay kaya siguro ganito ang pakiramdam ko." Tangi ko sa kanya. Baka kong anong sabihin ng ibang mga nagtatrabaho dito. Kay bago bago lang ako dito at may pa-special treatment agad. Baka maapi pa ako dito ng wala sa oras. Ayaw ko ng dagdagan pa ang problema sa buhay ko. "You looked so tensed girl, anyari ba?" tanong pa ulit nito, "Huwag mong sabihin na natatakot ka sa mga pangit na iyon?" tinutukoy niya ay sina Ella. Hindi ako takot kay Ella takot ako sa sinabi niya ang pangalan ni Rihav. Paano kong narito ang lalaking iyon?! Walang wala ako sa kanya. Umiling ulit ako, "Hindi ako sa mga iyon, ang totoo..." nahiihirapan pa akong magpasiya kong sasabihin ko ba kay Farah ang problema ko o hindi na. Akina ng problema na iyon baka kong ano pang isipin niya sa akin. Umiling nalang ulit ako at sinabihing wala nalang akong sasabihin. Hindi din ako sigurado kong magpagtitiwala ba si Farah o hindi. Bago lang kami nagkakilala at hindi pa namin kilala ang isa't isa, baka doon pa ang katapusan ko kapag sinabi ko ang sekreto ko sa kanya. Niyogyog niya ang kamay ko bago siya nagsalita, "Alam kong bago lang tayo nagkakilala at kita ko sa mga mata mo na wala kang tiwala sa akin. I will respect your decision Fay, pero kong handa ka na sabihin sa akin. I'm just here, ikaw na nga lang kaibigan ko dito..." pumaos ang kanyang boses sa mga huling salita. Napatingin ako sa kanya, ang kanyang mata ay puno ng kolorete at bagay na bagay sa kanya ang kanyang mapulang lipstick. Kita ko na nakanguso siya habang nakatingin sa kawalan. Bumuntong hininga ako, "M-May customer ba kayong... R-Rihav ang pangalan?" nahirapan pa ako habang sinasabi iyon. Napatingin siya sa akin at agad na tumango, "Meron, si Mr. Rihav Stallone Madreal ba? Siya lang naman ang Rihav na dinudumog ng mga kapwa ko. Bakit kilala mo siya?" sagot niya. Umiling ako, hindi ko pa alam kong sasabihin ko sa kanya, hindi pa ako sigurado. Ngayon aalamin ko nalang muna kong bakit siya naririto sa club na ito o dito sa Isla Fera. "Hindi ko siya kilala, narinig ko lang kanina kina Ella ang pangalan niya." pagsisinungaling ko. "Alam mo mayaman 'yon. Dinig kong tali na 'yon kaya hindi kami makalapit sa kanya, sina Lyn nga iyong kaibigan ni Ella. She stripped in front of Mr. Madreal, alam mo kong ano napala niya?" aniya na kinailing ko, "Deadma, walang pamana iyon siguro sa asawa ni Mr. Madreal kaya hindi siya pinatulan. Halos ng girls dito, parang walang maganda at matakam sa kanya." Kwento niya. Anong ginawa niya kong ganon dito? Pinayagan siya ni Dyessie na gumala dito sa Isla Fera? Alam kaya ng asawa niya? Kahit kailan matigas talaga si Rihav, hindi mababali ang kanyang mga gusto. Kung gusto niya, gusto niya talaga. Kagaya dati, siya parati ang masusunod sa amin, wala akong rights na magsalita dahil ang kanya lang parati ang masusunod. Control Freak! "Eh ano lang ginagawa niya dito kong ganon? Baka hindi mo lang nakikita na may babae siya dito." "Kaibigan siya ng may-ari nitong club, si Sir Haide, narito ata siya ngayon dahil unang linggo ng buwan. Truths talaga girl, hindi iyon lumalapit sa mga babae dito, iinom lang siya magkukuwentuhan tas uuwi na." patuloy niyang kwento tungkol kay Rihav. Bumuga ako ng hangin, "May asawa na iyon...siguro." "Meron nga dinig ko kina Fabio na meron. Mahal niya ng daw asawa niya kaya hindi siya lumalapit sa ibang babae, nasa manila ata asawa niya. Nandito siya for business sabi ni Fabio." Siguro nga mahal niya iyon. Pinaniwala niya pa ako dati na ako ang mahal niya, tapos ano ngayon? Sa ibang babae siya nagpasakal, at sa harap ko pa mismo siya nagsabi non. Pero kahit ganon, wala na akong pake sa kanya. Pagkakamali man na binigay ko sa kanya ang lahat pati ang iniingatan ko, hindi naman ako nagsisisi dahil may dalawang tao pa akong kinukuhanan ng lakas at iyon ang mga anak ko. Kung masaya na siya sa pamilya niya, masaya narin ako kong ano ang mayroon ako ngayon. Siguro nga ay totoong iyong, pinagtagpo ngunit hindi tinadhana, nagmahalan pero hindi pinakasalan. Masalimuot man ang importante nakaramdam ako ng kaunting kaligayahan kahit na binawi din iyon ng kasakitan. At least we shared memories. "Ahh..." iyon lang ang lumbas sa bibig ko bilang tugon sa kwento ni Farah. "Bakit ka matanong kay Mr. Madreal? Nagkakakilala ba kayo o—" Hindi na natapos pa ni Farah ang kanyang sasabihin ng bigla kaming nakarinig ng palakpak galing sa likod at kasunod non ang pagtawag sa amin para magtrabaho. "Girls! Maghanda na madami ng tao sa labas." Sabay kaming tumayo ni Farah, nagpaalam na siyang aalis na at pupunta na nang stage. Tumango lang ako sa kanyang bilang tugon ko at pumunta na kong saan naroon ang mga kapwa ko waitress. Nagpakilala ako sa kanila bilang bago nilang katrabaho, maayos naman nila akong binati. Kanya kanya na kaming trabaho ng mas dumami ang mga tao dito sa loob ng club. Ang iba ay naghihiyawan pa habang sila ay nagsasayawan sa gitna kasama sina Farah. Hindi ko na tinuon ang mata ko doon ng marinig kong tinawag ako ng isang bartender para sa order. Lumapit ako doon at kinuha ko naman iyon. Tinignan ko muna ang numero ng table bago ko tuluyan iyong inangat. Habang naglalakad ako naramdam ako ng ilang dahil sa aking damit. Sinasagi din ako ng iba habang naglalakad kaya hindi maiwasan na sumayaw ang mga alak na dala ko. Hindi ko pa alam ang bawat sulok nitong club kaya hindi ko alam kong saang table ang hawak ko. Kahit na maalon ang tao ay sinubukan ko parin na hanapin ang numero nang hawak kong order, nakadalawang minute din ako sa paglinga-linga ng tuluyan ko na iyong mahanap. Nakadikit sa pader ang numero na insakto sa hawak ko. Lumapit ako doon sa kanila at ngumiti para hindi naman ako nagmumukhang maldita na waitress. "Good evening sirs, ito na po ang order niyo." Magiliw kong sabi sabay lapag ng kanilang inumin. Napatingin ang tatlong lalaki sa akin, sa mukha palang nila kitanng kita na agad ang pagiging manyak nila. Hindi ako judgemental pero nang dinapuan na ng kanilang mata ang aking dibdib ay doon ko na iyon nakumperma. Mabilis koong inilapag ang mga bote nang alak bago ako nagpaalam. Akmang aalis na ako ng hinawakan ng isa ang aking braso. "Bago ka dito?" tanong niya habang ang mata ay nasa dibdib ko parin. Sa sobrang sexy nitong suot ko hindi talagang maiiwasan na mambabastos ka ng makikinid na tao. Hindi pa nga siya lasing pero ito na siya agad. "Yes po, Sir." Sagot ko naman, ayaw kong isipin nila na rude akong tao. Baka magsumbong pa sila sa may-ari tapos sesesantehin ako dito. Paano ko nalang mabibili ang gusto ni Hacov na cellphone? "You want extra income? One night for 20K?" alok niya. Umiling ako, "You can offer that to other girls sir. I'm a waitress here, not a call girl." Walang pereno kong sabi na kaagad ko ring pinagsisihan. Baka masesante ako! "I like you already, iyan ang gusto ko palaban. How about 50K?" "Still a no, Sir." Sinubukan kong kunin ang kamay ko sa kanya ngunit mas lalo niya iyong hinigpitan, "Sir, may trabaho pa po ako. Kong gusto mo maligaya ka sa kama doon ka nalang sa mga babaeng nasa intablo. They are willing to serve you." pagkatapos non ay hinablot ko na ang kamay ko. Kita ko ang galit sa kanyang mata dahil sa sinabi ko, hinablot niyang muli ang aking kamay at hinila niya ako papalapit sa kanya. Nakaramdam ako ng takot. Nagpumiglas ako para makawala. "Gago ka, baka pagalitan ka ni Sir Haiden kapag pinilit mo mga babae niya dito. Alam mo naman kong anong magagawa niya kapag may nabastos tayong mga empleyado niya." dinig kong sabi ng lalaki sa kanyang harap. Walang pagdadalawang isip na tinulak ako ng lalaki na malapit na sana akong makaupo sa kanyang kandungan. May kalakasan ang kanyang pagtulak kaya nabangga ang aking noo sa cemento na kong saan naroon ang kabilang table. Napasigaw ako sa sakit dahil sa kanyang pagtulak. Dahil maingay ang loob nitong bar ay walang masyadong nakarinig sa akin kundi ang table lang na nasa harap ko. Napatingin ang mga kakababaehan nakaupo doon pero hindi nila ako tinulungan bagkus ay inirapan pa ako at sinabihang lampa. Tumayo ako at hinawakan ang noong nakabangga sa kanto mismo, nakaramdam ako ng basa doon. Tinignan ko ang aking kamay at may nakita akong dugo nagmula sa parting nabunggo. Tumingin ako sa kalalakihan habang sapo ko ang aking noo, nakita ko ang awa sa mata sa kanilang mga kasama na iyon din ang nagsalita kanina. Yumuko ako bilang respeto bago tuluyang umalis doon. Dere-derecho ang lakad ko paalis doon. May iilang tao pa akong nabangga dahil sa paglalakad ko ng mabilis. "Aray!" daing ko ng masiko ang noo ko mismo na nabangga, kahit nanakatakip na ang kamay ko ay nakaramdam parin ako ng sakit. Unang araw halos palpak! Paano kong sesesantihin ako ni Sir Haiden? Huwag naman sana. "Aphro?" natigil ako sa boses na iyon. Dalawang tao lang ang tumatawag sa akin sa pangalang iyon. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin. "Sean?" sabi ko nang makita ang lalaki. Hinawakan ng lalaki ang aking kamay na nakatakip sa aking noo. Hinayaan ko siyang malaman kong ano ang nasa noo ko. Lumaki ang kanyang mata ng makita ang sugat ko sa noo ko. Agaran niyang hinubad ang kanyang coat at pinalupot iyon sa akin. "What happen to you Aphrodite?" may tunong galit sa boses ni Sean habang papaalis kami. Malayo na kami sa mga tao, nasa labas na kami ng club nasa harap narin kami ng sasakyan ng iniharap niya ako sa kanya. Sapo sapo ko parin ang noo ko, wala paring tigil sa pagdaloy ang dugo. "Damn Answer me, Fayre Aphrodite!" mataas na boses ni Sean sabay hampas ng sasakyan niya. Napatalon naman ako doon, ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Sean simula noong magkasama kami sa La Meyanda. Ibang iba narin ang kanyang mukha, mas lalo siyang gumwapo. Mayaman na sila dati pa, madami silang lupain sa La Meyanda ngayon siguro mas mayaman na siya. Kahit marami ng nagbago kay Sean hindi niya parin pala ako nakakalimutan. Matagal na simula noong kita namin, nasa college ata kami noon. Umalis na siyang La Meyanda at pumunta siyang ibang bansa, huminto na din ako sa pag-aaral dahil wala na kaming pera para sa pag-aaral ko. Siya din ang unang taong nagtawag sa akin sa second name ko. Ewan ko nga bakit iyon ang ipinangalan sa akin nila nanay hindi naman ako mala-aphodite. Hindi naman ako mala-goddess ang ganda. "Aphro, ano titignan mo lang ako? Anong nangyari diyan sa Noo mo at bakit ganyang ang kasuotan mo?" ulit niya at mukhang nagtitimpi. "Ikaw anong ginagawa mo dito, Sean? Nakauwi kana pala galing ibang bansa hindi mo man lang ako—" Pinutol niya ang aking sinasabi ng isang malutong na mura, "Ako ang unang nagtanong Aphro. Anong nangyari diyan sa noo mo at bakit ganyang ang noo mo?" mahinahon na ang boses niya at nilagay ang kanyang panyo sa sugat ko sa noo. Ngumuso ako bago siya sagutin, "Dito ako nagtatrabaho," sagot ko. Nagsalubong ang kanyang kilay at sabay humalipkip, "How about that?" gamit ang kanyang bibig ay tinuro niya ang aking noo. Wala talaga akong magagawa kong si Sean na ang kaharap ko, "Tinulak ako ng isang customer sa loob. Tinanggihan ko kasi siya sa kanyang gusto, kaya ayon nabangga itong noo ko sa kanto ng cemento." Binalot ng galit ang mukha ni Sean ng matapos akong magsalita. Hinila niya ako papalapit sa kanya at hinawakan niya ang aking beywang. Kinuha niya ang panyo sa aking noo at siya mismo ang nagpunas ng dugo doon. "Tangina kong sino man ang gumawa nito sayo sisguraduhin kong huli na ang araw niya sa mundo." Matigas niyang bigkas habang pinupunasan ang aking noo. ***** Sino kaya itong si Sean? Any guess?  Nasa kay Eros siya, clue. Mayroon bang Iloilo Reader dito? Hi! May ka-date kamo sa valentines? HAHAHAHA -SocMed-Twitter: 3rithreaIG: ThreyaaaaaFB: Erithrea WP -Threya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD