KABANATA 5

2340 Words
Kabanata 5 "Saan mo ko dadalhin, Sean?" tanong ko sa kanya nang higitin niya ang aking kamay papasok sa building pero sa likod kami dumaan. Hindi ko alam ang pasikot-sikot nitong gusali pero nakakamangha nang sa likod kami dumaan. May exclusive elevator tapos mamahalin din ang mga bawat sulok, kakaiba talaga siya doon sa mismong harap ng gusali. Pinapasok ako ni Sean sa elevator habang hawak parin niya ang noo ko, pinipigilan ang panyo na matanggal. "Ako na, Sean." Sabi ko at inlayo ang aking ulo sa kanyang kamay. "Daming trabaho Aphro bakit dito kapa pumasok?" matigas na aniya. Bumuntong hininga ako, "Kailangan ko magtrabaho, Sean." Tipid kong sabi. Pwera kay Amer, isa si Sean sa mga kaibigan ko dati sa La Meyanda. Hindi ako gaanong mapalakaibigan sa mga kababaehan noong nag-aaral ako dahil nakakarinig ako ng mga kwento tungkol sa akin at sa kanilang bibig pa iyon mismo lumabas. Simula noon, wala na akong nilapitan. Simula bata palang kaming si Amer na lang ang kasama ko, pero umalis din siya noong college kami. Lumuwas siya ng Manila at doon ko naman nakilala si Sean, naging masaya ako kay Sean. Nakakarinig din ako sa campus na ginagamit ko siya kasi mayaman siya, pero kahit ganon hindi niya ako iniwan. Pwera nalang nong umalis na siya dahil kailangan talaga niya. "Narinig ko kay Lola Sonya na may anak ka na daw, Fay." Napatingin ako sa kanya. Iba talaga noong nalaman ng mga kabaranggay ko na buntis ako, nakaabot pa talaga sa Lola ni Sean ang balitang iyon. Malayo layo ang mansion nila Sean, pero hindi na ako nagtataka kong maabot pa iyon sa kanila ang balita. "Meron," ayaw kong magsinungaling kay Sean, isa pa siya iyong pinagkakatiwalaan ko noon pa man. "Nasaan ang ama? Mag-isa ka daw umuwi sa La Meyanda sabi ni Lola." Gigisihin pa talaga ako ng tanong nitong ni Sean. "Aray!" pag-iinarte ko sabay hawak sa aking noo. Dinig ko ang pagmura niya sa gilid ko at kinuha ang kamay ko para matignan ang aking noo. Hindi pa ako handa para sabihin sa kanya ang kagagahan ko. May tiwala naman ako na hindi niya ako pagsasalitahan ng masama pero nakakahiya parin talaga na ang isang desenteng babae, mataas ang pangarap, nabuntis lang ng isang gago. Pinunasan ni Sean ang aking sugat. Nang bumukas na ang elevator ay lumaki ang aking mata na kakaiba ang palapag na ito sa mga dinaanan namin ni Farah kanina. "Sean baka bawal tayo dito." Sambit ko ng pumasok kami sa isang silid. May kong ano siyang ginawa at kasunod non ang pagbukas ng pinto. Kahit ang silid na ito ay kakaiba din. Para siyang hotel na napasukan namin dati ni Rihav. Pinaupo niya ako sa kama at siya naman ay parang may hinahanap. "Sean, baka pagalitan tayo dito." Parang walang narinig itong si Sean dahil hindi man lang ako sinagot o kahit tinapunan man lang ng tingin. Nang tumayo siya ay madala na siyang emergency kit. Umupo siya sa gilid ko at siya ang gamamot sa sugat ko. "Makilala mo ba ang nagtulak sayo?" sabi niya habang tinatabunan na ang sugat. "Hindi ko masyadong nakita mukha niya kasi madilim. Pero dinig ko na tauhan daw siya ng may-ari nitong club." Sagot ko naman. Natapos siya sa pag-aayos sa sugat ko, "Ako nang bahala sa gagong iyon, huwag ka nang bumalik sa trabaho mo. Umuwi kana ng—" Pinutol ko ang kanyang sasabihin, "Hindi pwede Sean, wala kaming makakain kapag umuwi ako ng La Meyanda. Magtatrabaho ako dito pero iiwasan ko nalang ang mga taong ganon." "Hindi, Fay. Babalik ka nang La Meyanda, sa Mansion naghahanap sila ng pwedeng magbantay kay Lola. Doon ka, hindi dito sa La Fera Dos." Umiling ako, kahit matanda na si Lola Sonya alam kong malakas pa iyon. Hindi matitibag ang matandang iyon. "Hindi rin Sean, kaya ko ang sarili ko. Magtatrabaho ako dito, hindi ko kayang makitang nahihirap mga anak ko." "Mga?" agad niyang tanong. "They are twins." "The heck!" gulat niyang sabi. "Kaya huwag mo 'kong pigilan na magtrabaho para sa kanila." Natahimik siya. Nakatingin lang siya sa akin mata. "Sinong ama? Bakit niya kayo pinabayaan? Bakit ikaw ang kumakayod sa dalawa mong anak? Bakit hindi siya magtrabaho sa pamilya niyo, siya ang lalaki dapat siya ang kumakayod para may mapakain siya sa inyo!" kuyom ang kanyang panga. Umiwas ako ng tingin. Bumuga ako ng hangin, ang bigat sa aking dibdib ay narito parin. Siguro ito na ang pagkakataon na ilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko. Simula noong umalis ako ng Mansion Madreal ay iyak lang ako ng iyak. Nang namatay sina Nanay at tatay ay iyak din ako iyak. Pero hindi ko nilabas kina Amer at sa kambal na Madreal ang nasa puso ko. Mas ginusto kong magmukmok sa isang silid kesa ilabas iyong nararamdaman ko. Sa tingin ko handa naman siguro si Sean sa kadramahan ko sa buhay. "Nahinto ako sa pag-aaral Sean, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Dahil lubog kami sa utang lumuwas ako ng Isla Fera, pumunta akong Maynila para magtrabaho. Natanggap ako bilang katulong, maayos naman ang trato sa akin. Ngunit..." pimikit ako. "Ngunit?" si Sean. "Umibig ako sa anak nilang lalaki. Naging kami Sean, naging kami. Patago ang relasyon namin dahil isa lang akong katulong, natatakot ako napagalitan ni Senyora. Hindi nila iyon nalaman hanggang sa sinabi niya na magpapakasal siya, sa harap ko siya mismong nagsabi non." Maytumulong luha sa aking mata at agad ko iyong pinunasan. Hindi ko na masyadong dinetalye pa ang aking kwento sa kanya. Ayaw kong sabihin pa ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa akin noong may nangyari sa amin. "The f**k! Gago! Anong pangalan? sabihin mo sa akin, fayre!" Galit niyang sabi habang nakayukom ang kamay. Hindi naman niya siguro kilala. Impossible na sa laki ng mundo. "Si Rihav..." mahinang boses ko. Nakita ko ang paglaki ng kanyang mga mata, "Rihav Madreal?" agap niya. Kumunot ang aking noo sa kanyang tanong, sandali...kilala niya? "K-kilala m-mo?" nauutal kong sabi. "Kaibigan ko ang gagong iyon!" ggigil na sabi niya. Napapikit ako at napasapo ng noo. Sa laki ba naman ng mundo bakit magkakilala pa sila?! Ayaw ko ng kumunikasyon pa kay Rihav, baka siguro ay lalayuan ko muna itong si Sean para hindi na kami pagkita pa. "Sean, h-huwag m-mong sabihin kay R-Rihav na may a-anak kami p-please." Nangungung ang boses ko habang binibigkas ang mga salitang iyon. Hinigit ni Sean ang aking kamay at dinikit niya ako sa kanyang sarili. Niyakap niya ako ng mahigit habang hinhaplot niya ang aking buhok. Napapikit ako sa kanyang mga haplos. "Fay, hindi ko alam ang mga nangyari sayo sa mga nakalipas na taon. But when Rihav announced that he will getting married, I was there... gagong Rihav." Aniya habang hinahaplos parin ang aking buhok. "Paano mga anak niyo? Lalaki silang walang ama? Fay, baka kailangan niyong pag-usapan ito." Agad akong umiling, "Kaya ko naman silang buhayin kahit wala si Rihav, hindi naman siya namin kailangan." "Baka pwedeng pang—" "Hindi na nga Sean." Putol ko. Dinig ko ang pagbuntong hininga niya. Hindi ko pa kaya, sa ngayon. Masaya naman na si Rihav sa pamilya niya. Para wala nang gulo pa, hindi na niya dapat pang makita ang dalawa. Ang mga anak ko ang talo kapag pumasok pa sila sa buhay ni Rihav. "Kong iyan ang desesyon mo, Sige." Huminto siya sa pagsasalita, "Rihav is here, nasa baba siya ngayon. Better to avoid our area para hindi kayo magkita. Number 11 that table you need to avoid that." Humiwalay ako ng pagkakayap sa kanya at nagpasalamat. Nakahinga ako ng maluwag kahit papaano, kahit totoong narito man si Rihav ay maiiwasan ko naman siya dahil sa babala ni Sean sa akin. Nagpaalam na ako kay Sean na babalik na ako sa trabaho, hindi pa siya unang pumayag dahil daw sa sugat ko. Malayo naman ito sa bituka at kaya ko pa naman maglakad. Wala na siyang nagawa pa, nauna na akong lumabas sa silid at dumeretso na sa club area. Mas lalong dumami ang tao pagkabalik ko, ang iba ay mga lasing narin. Pumunta ako doon sa bartender na nagmimix ng inumin. Tumingin siya sa akin at inilahad niya ang isang tray na may nakalagay na alak. "Number 11," aniya na ikinalaki nang mata ko. "Ho?" sabi ko. Akmang magsasalita na siya ng may isang waitress pa na dumating, kinuha niya ang tray at tinignan ang number. Ngumiti siya, kinuha niya ang tray at naglakad na ng walang sabi sabi. Hulog ng langit! Ginawa ko na ang trabaho ko. Talagang iniwasan ko ang table 11 na kong saan naroon sina Rihav. Nakikita ko si Sean doon na nakaupo habang naka kwartro ang kanyang paa. Minsan ay nakikita niya ako at sinesenyasan na umalis sa gawi nila. Sa mga sumunod na oras ay naging busy na ang lahat, kaliwa't kanan na ang mga orders at madami narin ang kanilang order. Hawak hawak ko ang isang tray na puno ng alak ng maramdaman kong may humawak sa aking pwet. Tumalikod ako para makita kong sino ang humawak non, tinulak ko ang lalaking mukhang lasing lasing na. "Sir, stop!" sigaw ko para marinig niya, sa ingay ba naman ng club na ito hindi kayo magkakaintindihan kapg hindi mataas ang boses mo. Parang narinig ang lalaki sa sigaw ko sa kanya. Hinila niya ako papalapit sa kanya, muntik ko nang mabitawan ang tray na hinahawakan ko dahil sa malakas na pwersa. "Sir, she's a waitress here. Respect Sir Haiden's employee." Dinig kong may nagsalita sa likod. Ang pamilyar na tinig na iyon ay nagmula kay Farah, hinigit niya ako papalayo doon sa lalaki. Kita ko kong paano siya tignan ng lalaki mula ulo hanggang sa paa. Umirrap lang ang lalaki at tuluyan ng umalis. Gusto kong mamura sa lahat ng karanasan ko sa unang araw sa trabahong ito. Marangal nga pero may makikitid na utak talaga na tao. "Omayghosh! What happened on your forehead?" si Farah sabay hawi ng aking buhok para mas lalong makita kong ano iyon. "May nagtulak sa akin kanina doon, pero okay naman ako." sagot ko. "Dapat makakapunta yan kay Sir Haiden, hinding hindi na makakabalik ang gagong tumulak sayo." gigil na sabi niya. "Hindi na ayos naman ako, ginamot naman ni Se—" napahinto ako sa aking sasabihin. Napatingin sa akin si Farah at parang hinihintay ang kasunod ko na sasabihin. Tumawa nalang ako at hindi na lang siya pinansin pa. Tinungo ko nalang ang table na hawak kong tray. "Thank you." pasalamat ng babae. Nagpasalamat din ako sa kanila bago ako umalis sa gawing iyon. Bumalik ako sa counter at natanaw ko si Sean na nakaupo sa high chair. Nilapag ko ang tray at napatingin sa akin si Sean. Ngumiti siya at ngumiti din akoo pabalik. "Seat here." Sabay tapik niya ng high chair sa tabi niya. "Bawal Sean, narito daw ang may-ari." Tangi ko sa kanya. Totoo namang narito ang may-ari nitong club, paano kapag nakita niya ako na paupo upo lang at hindi nagtratrabaho? Edi masesesante ako ng wala sa oras non. Kita ko ang pag-ngusu ni Sean bago siya nagsalita, "Hindi ka aalisin ni Haiden, ako bahala sayo." aniya at saby kumindat. Umingos ako, "Huwag mong sabihin kaibigan mo rin ang may-ari nitong club..." sabay taas ng kilay ko. Ngumiti siya at hinila na ako papalapit sa kanya, "Sabihin na nating kaibigan ko nga, kaya akon bahala sayo. Sumbong mo sa akin na inalis ka ni Haiden dito akong bahal sayo, mawawala siya sa mundong ito." Cool na sabi niya. Tumawa lang ako at hinampas ang kanyang dibdib, natawa rin siya sabay lagok ng kanyang alak. Madami palang kaibigan na mayayaman itong si Sean, mayaman din siya baka siguro ganon sila nagkakilala. "Yabang mo naman Sean, hindi ka naman gwapo." Pagbibiro ko sa kanya. Nawala ang kanyang ngiti sa sinabi kong iyon. Inilapag niya ang kanyang baso at muli akong tinignan sa mata. Umiwas ako sa kanyang titig at kinurot ko ang kanyang tagiliran. Dati ito ang paburito kong gawin sa kanya, hindi kasi niya ako kinukurot pabalik, minsan kinikilita lang ganon pero hindi niya talaga ako sinasaktan. Ako pariting kinukurot siya kapag seryoso ang mukha niya, nakakatakot kasi si Sean kapag ganon. "Awww, Fay stop." Daing niya sa bawat kurot ko, hindi ako nakinig sa kanya at todo parin ako sa kakakurot. "Titigil ka o sasabihin ko kay Rihav na narito ka," bata ng gago kaya parang napaso ako at bumalik sa maayos na pagkakaupo. Inirapan ko siya at ngumuso. Pinalupot niya ang kanyang kamay sa aking beywang at pinapaharap sa kanya. Ako naman ay tudo sa pagtulak sa kanya, nag-iinarteng galit. Ang batang ugali ko ay sa dalawang tao ko lang napapakita, kay Sean att Rihav. "Wow Semon, naglalambingan ka pala dito kaya wala kana sa table natin." Napahinto ako sa pagtulak kay Sean dahil sa tinig na iyon. "Wala kang pake, Haiden." Alertong bumababa ako sa pagkakaupo sa high chair at humarap sa may-ari ng club na nangangalang Haiden. Yumuko ako at humingi ng tawad dahil sa ginawa ko. Ilang beses ko rin sinambit ang salitang sorry bago niya ako pinahinto sa pagsasabi non. Hinawakan ni Sir Haiden ang aking baba para makatingin sa kanya, kita ko ang pagngisi niya nang magtama an gaming mata. Agad na hinampas naman ni Sean ang kanyang kamay. "You looked familiar, I saw you in a phone wallpaper or in a picture I think, not sure though. But what happened on your forehead?" tanong nito. Akmang magsasalita na ako ng maunahan ako sa pagsasalita nitong ni Sean, "Your men did that to her, you must watch the cctv." Tumango tango si Sir Haiden, "Ready his coffin, Sem." Aniya at tumingin kay Sean, tumango naman ang gago parang sumang-ayon sa sinabi ni Sir Haiden. Coffin? As in kabaong? Dahil lang sa sugat na ito, papatay sila ng tao? "Go back to your work Fay, sabihin mo sa akin kong may gagawin pa ang mga gago sayo dito." Sabi ni Sir Haiden bago niya inakbayan si Sean at lumisan sila magkasama. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD