Kabanata 6
The next day, medyo tanghali na akong nagising dahil medyo late nagsira ang club dahil sa dami ng tao na pumunta kagabi. Inayos ko ang aking higaan at inabala ang aking sarili sa pag-aayos. Matapos ko ang aking mga gawain ay bumalik ako sa kama at hinanap ang aking cellphone.
Umiba ang aking mukha ng wala man lang ni isang text o tawag mula kay Amer. Initipa ko ang keyboard ng aking cellphone para ma tawagan siya, ilang minute ang hinintay ko sa pagriring bago niya sinagot ang aking tawag.
"Amer, bakit ang tagal mo namang sagutin ang tawag ko?" inis kong sambit.
Dinig ko ang boses ng dalawa sa kabilang linya bago nagsalita ang bakla, "Wait lang, Fay may ginagawa pa kasi kami. Nagbobonding kami panira ka naman."
"Hoy! Ako ang ina ng dalawang 'yan, kapag may nangyaring masama sa kambal ko, makakalimutang mo magkaibigan tayo Amer!" galit kong sabi.
Hindi ko alam kong anong ginagawa niya sa kambal at bakit hindi man lang nila ako hinahanap. Alam kong may mga sinasabi na si Amer sa kanila, at kapag talaga ang baklang iyon may kunuwento tungkol kay Rihav malilintikan talaga siya sa akin.
"I know that girl, ayan ka na naman eh, high blood masyado, kalma nga kasi may dibdib ka." Aniya tsaka humalakhak, umirap ako ng wala sa oras dahil sa mga linyahan niya.
"Si nanay ba 'yan, Ninang Amera?" dinig kong sabi ni Hera sa kabilang linya.
Napangiti ako ng marinig ang kanyang boses, isang araw palang kami hindi nagkikita pero miss na miss ko na silang dalawa ni Hacov. Simula noong nakaraang taon na tumungtong sila sa tatlong taong gulang ay hindi na ako nawalay sa kanila kahit isang araw lamang. Hindi ko hinahayaan ang sarili ko na hindi matulog sa bahay at hindi sila makatabi sa pagtulog.
Ngayon ito nagsasakrepesyo ako para mabigyan sila ng magandang buhay. Ayaw ko na darating sap unto na mas pipiliin nila si Rihav kapag nagkataon man na magkita kami. Hindi malabo iyon lalo na't narito na siya sa Isla Fera, isang mundo na ang gingalawan namin.
"Yes, baby girl si Nanay mo. Gusto mong makausap?" Si Amer sa kabilang linya.
"Hello nanay! Si Hera ito, miss na kita nanay. Sabi ni Ninang Amera matagal pa daw uwi niyo kasi hinahanap niyo si Tata—" naputol ang sasabihin ni Hera dahil sa pagsabad ni Amer sa kabilang linya.
"Hera!" putol ni Amer na ikina-irap ko.
"Ay sorry ninang, bawal kasi magsinungaling sabi ni Nanay. Bad daw 'yon, mapupunta ka sa impyerno ninang." Inosenteng sabi ni Hera.
Dinig kong humalakhak lang si Amer sa sinabi ni Hera sa kanya. Mabuti pa ang bata, alam na niya na bawal magsinungaling. Na-guilty tuloy ako, nagsisinungaling kasi ako sa kanilang tungkol sa kanilang tunay na ama.
"Nanay, nandyan ka pa po ba? Nanay, nanay."
"Opo Hera, narito pa si Nanay. Anong ginagawa ng prinsesa ko diyan?" magiliw na sabi ko.
"Nanay, diba malapit na kami ni Kuya magfour? Gusto sana namin nanay na magpunta ng Mall sa La Fera Dos, kasi noon hindi tayo naglibot doon." Cute na sabi ni Hera.
Sa susunod na buwan na ang kanilang kaarawan, kaya pala minsan napapansin ko na medyo madaldal na itong si Hera at hindi na rin bulol kong magsalita. Mag-lilimang taon narin simula noong huli kong naka-usap ang kanilang ama, paano kaya kong sasabihin ko na lang ang totoo sa dalawa kong anak ang tungkol sa ama nila? Na hindi na nila makikita ang ama nila? Na anak sila sa labas...
Parang may gumuhit sa puso ko ng maisip ang huli kong inisip. Masasaktan ang dalawa kapag sasabihin koi yon sa kanila lalo na't itong si Amer ay binibigyan sila ng pag-asa na makita ang kanilang ama. Sa huli naman masasaktan din sila, pero ngayon ang babata pa nila, hindi pa nila kayang eproseso ang ganong mga pangyayari.
"Pwede naman tayong maghanda diyan sa La Meyanda, Hera. Diba sabi mo noon sa akin gusto mo matikman ang donut? Bibilhan ko kayo ni Kuya Hacov ng maraming donut." Sabi ko.
Kahit na gustong gusto ko silang papuntahin dito para malaman naman nila ang ganda nang syudad ng La Fera ngunit narito si Rihav. Kahit na siguro ay magkikita palang sila malalaman niya agad na anak niya ang dalawa dahil sa kulay ng mata at magkasinghawig talaga sila ni Hacov.
"Nanay, sabi kasi ni Obet maganda daw ang tinatawag na..." huminto si Hera na pawing nag-iisip, "Ano nga iyon Ninang? Ang maraming mga laro?" kailangan na niya ang back-up ni Amer.
"Arcade baby girl."
"Iyon po Nanay, Arcade." Walang kahirap hirap na sabi ni Hera sa huling salita.
Talagang hindi na siya bulol magsalita. Sa kanilang dalawa siya ang unang nagkapagbigkas ng salita at ang salitang iyon ay 'tata' dahi ang kambal n'on ang may hawak sa kanya.
"Pag-iisipan ni Nanay Hera, sa ngayon dito muna si Nanay para may panglaro kayo sa Arcade kapag nagkapagdesisyon na ako, okay?"
"Okay Nanay, salamat po. Miss na po kita... Nanay si Kuya hinahablot sa akin ang cellphone... hindi pa nga ako tapos Kuya Hacov." Mukhang nagkakaagawan na sila sa kabilang linya.
"Bigay mo muna kay Kuya mo, Hera. Mukhang may sasabihin siya."
Dinig ko ang pagreklamo ni Hera, bago ko narinig ang boses ni Hacov na binati ako.
"Ano 'yon Hacov?" tanong ko.
"Nanay, bakit po kayo hindi umuuwi? Hindi po ako sanay na hindi kita katabi sa pagtulog nanay, mabuti nalang po nandito si Ninang."
Pati si Hacov nakiki-ninang narin, mukhang may sinabi talaga siya sa dalawa. Ninong ang tawag ni Hacov sa kanya e, bakit naging ninang na? NAKO, AMER.
"Nagtatrabaho si Nanay, Hacov. Pinag-iipunan ni nanay ang gusto mong cellphone, diba gusto mo 'yon? Bibilhin ko 'yon sayo sa kaarawan niyo ni Hera." Malambing na ani ko.
"Nanay ayaw ko na po nang cellphone, gusto ko po nandito nalang kayo. Balik na po ikaw dito, hindi na ako manghihingi nang kahit ano b-asta b-balik k-ka lang d-dito." Ramdam ko ang pangungulila sa boses niya.
Hindi talaga sila sanay na wala ako sa tabi nila. Maging ako din ay hindi, pero kailangan ko talagang gawin ito.
"Hacov, hindi pa pwede. Siguro sa susunod na linggo ay uuwi ako diyan o hindi kaya..." nagdadalawang isip ako kong papapuntahin ko ba sila dito o hindi. Humigpit ang hawak ko sa aking cellphone sabay ng aking pagpikit. "Ganito nalang, sa birthday niyo pupunta nalang kayo dito para makapaglaro kayo sa arcade ni Hera." Ani ko at bumuga nang hangin.
Wala akong magagawa kundi iyon lamang. Hindi ko pwedeng iwan ang trabaho ko, malaki ang sahod na makukuha ko kapag wala akong liban. Iyon na lang ang solusyon ko, ang papuntahin sila dito.
"Nanay, matagal pa iyon. Gusto na kitang makatabi sa pagtulog."
Nahihirapan akong magsalita, "Hacov, gusto ka rin ni Nanay makatabi sa pagtulog pero kailangan ni Nanay magtrabaho. Miss na rin ikaw ni Nanay, sa ngayon kay Amer ka nalang muna tumabi sa pagtulog."
Bumuntong hininga si Hacov sa bilang linya, ramdam ko ang lungkot niya kahit hindi ko nakikita ang kanyang mukha. "Basta bumalik ka dito, Nanay."
"Opo Hacov, babalik si Nanay diyan at ako na ulit ang katabi mo sa pagtulog."
Isang 'opo' at nagpaalam na si Hacov bago niya binalik kay Amer ang cellphone. Binilin ko ulit sila kay Amer at pinagsabihan narin si Amer na huwag isali si Rihav kahit sa anong usapan nila. Pumangako naman ang bakla na walang sasabihin, kahit ganon ay hindi parin ako kumbinsidp na hundred percent na wala siyang sasabihin sa dalawa tungkol kay Rihav.
Nagpaalam na si Amer at tsaka ko binaba ang aking cellphone ng marinig ko ang pagkatok galing sa pinto ng aking silid. Inayos ko ang aking damit bago ako tumayo para mabuksan si Farah.
Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto laking gulat ko na si Sean ang nakita ko na may dalang dalawang supot ng kilalang food chain. Nakangiti siya habang pinapakita ang pagkain na dala niya.
"Paano ka nakapunta dito?" tanong ko.
"I used the elevator and I walked to came here." Pilosopo niyang sabi kaya napairap ako.
Siya parin ang Sean na kilala ko noong college days, pilosopong Sean. Kong hindi ko lang ito kaibigan baka nabigwasan ko na siya ngayon. Mabuti na nga lang ay tinulungan niya ako kagabi kong hindi singhal ang maabot niya sa akin ngayon.
"Edi wow."
"Fay, seryoso ako. Magtatanong ka tapos kapag sinagot ko magmamaldita ka sa akin? Bawal 'yon fay." Aniya pa.
Lumiit ang mata ko at nagtitimpi na hindi siya masasaktan sa akin.
"And, can you please stop calling me Sean? Call me Semon instead." Sabi niya habang pumapasok na siya sa loob ng aking silid.
"At bakit?" sabay halukipkip ko.
Noong mga college kami wala naman siyang reklamo sa kanyang pangalan ah, bakit ngayon ayaw na niyang tawagin ko siyang Sean?
"Cause Sean sounds like a baby name and I'm not a baby, Fay. While Semon sounds like a matured name and hell yeah I'm matured." Pangatwiran pa niya.
"Sa bibig mo pa talaga lumabas iyan Sean ah." Sabi at tumawa.
Si Sean na parang baby kong umasta magsasabi na matured na daw siya. Parang hindi lang kami nag-away dati dahil lang sa shanghai na naubos ko. Hindi naman nagsabi na titirhan ko siya kaya inubos ko. Ilutuan ko talaga siya dati ng shanghai para lang magkabati kaming dalawa.
"Stop laughing Fay." Malalim na boses nitong sabi.
"Okay, Semon." Diniinan ko talaga sa pagbigkas ng pangalan niya.
Tumango lang siya bago niya inisa-isa na inilabas ang mga pagkain sa plastic. Kong narito lang ang kambal siguradong magugustuhan nila ito. Noong nagdala kasi ang kambal ng ganito, madami ang kanilang kinain at mukhang sarap na sarap sila. Hindi bale na kapag may pera na ako mabibilhan ko na sila ng ganito.
Umupo na ako sa harap ni Sean at sabay kaming dalawa sa pagkain. Sinadya niya daw talaga na hindi kumain ng agahan at tanghalian para magkasama kaming kumain. Sweet and Caring naman itong si Sean, habulin din ng babae noong college. Pero wala akong alam kong may girlfriend na ba siya o wala.
Hindi nalang ako nagtanong tungkol sa kanyang buhay pag-ibig baka mapunta pa sa akin at maikwento ko pa si Rihav sa kanya.
"Tell me about your twins, Fay. May hawig ba sila kay Rihav? Kapag mayroon patay ka kapag na kita niya ang dalawa iyon."
Muntik na akong mabulunan sa sinabi ni Sean. Agaran niyang kinuha ang soft drinks na kasama ng kanyang inorder para ipainom sa akin. Ininom koi yon hanggang sa bumuti na ang lalamunan ko.
"Sean naman eh!" sabay hampas sa kamay niya.
"Semon." Pagtatama niya.
"Ewan ko sayo!" inirapan ko siya at tumuloy sa pagkain.
Kita ko ang kanyang pagngiti kaya inirapan ko siya ulit. Akala ko ba matured na itong SEMON na ito, mukhang pinaglalaruan pa niya ako ngayon.
"Tell me Fay, kapag totoo na may hawig ang dalawa sa kay Rihav unang pagkikita palang nila wala kanang kawala sa gagong 'yon."
"Ano?" pag-uulit ko sabay sa pagtigil ko nang aking pagkain.
"Wala, saan ba nagkahawig ang kambal kay Rihav? Sabihin mo na para maiwas natin sila kay Rihav." Ginalaw galaw niya pa ang kamay ko.
Tumingin ako kay Sean mata sa mata bago ako tuluyang nagsalita, "Same eye color, Carbon copy niya si Hacov, matangos na ilong niya ay kay Hera." Pag-aamin ko.
Nagsabi ako ng totoo kong sakali ay matutulungan niya ako. Kahit ayaw sabihin ni Sean sa akin alam kong marami siya tauhan sa paligid, ramdam ko ang mauturidad niya mukha kahit malayo sa kanyang personalidad.
"Talagang matatali ka, Fayre." sabay ng pagngisi nito.
"Gago!" sighal ko at sinapak siya.