Kabanata 7
Matapos ang pagsasalo namin ni Sean ay nagpaalam na din siya para makaalis. Ako naman ay inabala ang aking sarili sa paglilinis ng silid na ito, hindi naman ganon kadumi, unting linis lang at ayos ng mga kadamitan ko sa isang cabinet ay ayos na. Sunod kong kinuha ang aking uniform sa baba, pitong uniform narin ang kinuha ko para hindi na ako pabalik balik tuwing nagpapalit ako ng uniporme.
Pabalik na sana ako nang aking silid ng makita ko si Ella kasama ang kanyang mga kaibigan. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa bago ako tuluyang nilapitan. Napalunok ako dahil nararamdaman ko ang galit sa kanyang mga mata.
Wala naman akong naisip na atraso sa kanila, ni hindi ko nga sila nilalapitan o kinakausap tapos makatingin sila sa akin parang kay laki ng kasalanan ko sa kanila.
"Akala ko si Farah lang ang mang-aagaw, ikaw din pala Fay. Kay bagong salta dito pero nilalandi na agad si Sir Semon, talaga bang waitress ka dito? O call girl karin?" sabi niya at sinamahan pa nang irap.
Umiling ako sa kaniyang mga sinabi, "Hindi ko nilalandi si Sea—semon, tsaka waitress ako dito at hindi call girl." Matapang na sabi ko.
Akmang aalis na ako nang hinawakan ng isa sa mga kaibigan niya ang aking kamay. Medyo mapwersa at madiin iyon kaya gumuhit ang sakit sa akin mukha. Ganito ba talaga sila? Kumpetensya ang lahat? Hindi naman sila maagawan ah, lahat ng lalaki sa kanila kong ganon, isaksak nila sa baga nila.
"You b***h! Hindi pa kami tapos sayo, bastos karin e no!" sigaw ni Ella at pinaharap ako sa kanya ng dalawa niya kaibigan.
Nalaglag ang dala kong uniporme dahil ang dalawang kamay ko ay hinawakan na nang dalawa niya kaibigan. Umirap si Ella sa akin at hinarap ako. Medyo matangkad siya sa akin gayon din ang dalawang nakahawak sa akin, hindi ko alam kong dahil ba sa heels na suot nila o sadyang matangkad lang talaga sila.
"Ano ba kasalanan ko sa inyo, bitiwan niyo nga ako!" sabay ng aking pagpupumiglas ngunit hindi ako nagtagumpay na makawala.
"Tsk! Maang-maangan kapa, alam namin na nanggaling si Sir Sean sa room mo! Alam mo ba kong ano ang gagawin sayo ni Sir Haiden kapag nalaman niyang napapasok ka nang lalaki sa silid mo?" tanong niya at mas lumapit pa sa akin.
Ang kanyang malaking hinharap ay sumasalubong na sa akin. Totoo ba iyon o hindi? Malaki kasi, hindi ko naman siya huhusgahan kong hindi. Pero malaki talaga, nahiya ang dibdib kong nadikit sa kanya.
Fayre! Nasa piligro na ang buhay mo, boobs pa iniisip mo!
"Sagot Fayre!" sigaw niyang malapitan.
Napapikit ako dahil doon, "H-hindi ko alam, bago lang ako dito. Hindi din nasabi ni Ma'am Tessa at Farah..." mahina kong sabi.
Sarkasmo siyang ngumiti, "Iyan hindi mo alam pero nagpapasok ka, tanga ka? Bobo ka?" huminto siya at tinitigan ako, "Alam mo na ipapa-ban ang mga lalaki na pumasok sa mga silid sa taas? Kapag pina-ban si Sir Semon dahil sayo malaking kawalan iyon sa amin!" sabay ng hawak nito sa aking pisngi.
Pinisil niya ito hanggang sa masakit na, sinukan kong kunin ang aking mukha sa kanyang kamay ngunit mas lalong sumakit dahil ang mahahaba nitong koko ay parang pumapasok na.
"A-aray!" daing ko sa sakit.
"Huwag kang magreklamo, Fayre. Lahat ng kababaehan dito ay nakadaan sa kamay ko bago sila nagtanda, at ikaw na ang susunod non. Ito ang bagay sayo!" sigaw niya at lumagapak ang kanyang kamay sa aking pisngi.
Iyon ang bumalot na tunog dito sa lockers area. Ramdam ko parin ang kanyang kamay doon, napapikit din ako dahil sa sakit. Ang mga mata ko ay nanggigilid. Parang lumapas ang kaluluwa ko dahil sa kanyang sampal.
"Isa palang 'yon, Fay. Ito p—"
"What's happening here?" boses ng lalaki sa likod namin.
Nanginig ang aking tuhod sa boses na iyon, kilalang kilala ko kong sino ang nag-mamay-ari ng boses na 'yon. Kahit maglilimang taon kaming hindi nagkita, hindi ko narinig ang kanyang boses alam kong siya 'yon. Hindi ako magkakamali...
Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko. Matutuwa ba ako dahil hindi natuloy ang pagsampal sa akin ni Ella o matatakot ako dahil magkikita na naman kami ulit. Alam kong dadating ang puntong ito, pero hindi maiialis sa aking isipan kong ano ang susunod na mangyayari. Kukunin niya ba ang mga anak ko sa akin o hindi.
"S-sir R-Rihav," uutal na sabi ni Ella.
Sinenyasan niya ang dalawa niyang kaibigan na pakawalan ako sa pagkakahawak. Sinununod naman iyon ng dalawa ay humarap narin kay Rihav. Ako naman ay nanatiling nakatalikod, ang kaba sa puso ko ay abot abot langit na sa sobrang tindi.
Kita ko kong paano yumuko ang tatlo. Nakarinig din ako nang yapak mula sa aking likod at parang papalapit si Rihav sa amin gawi. Initaas ko ang aking kamay hanggang sa lumebel ito sa aking dibdib na kanina pang-nagwawala.
"What you three doing with that girl? I warned you about this right?" matigas na english nito.
"K-kasi Sir R-rihav," sabay siko nang isang kaibigan ni Ella sa kanya para magsalita sa kanilang ginawa. Hindi umimik si Ella at nakatingin lang sa sahig, "Sir itong babae may atraso kay Ella, binigyan lang namin ng leksyon..." sabay siko ulit niya kay Ella.
"All of y'all always reason is that, wala na bang bago?" huminto siya sa pagsasalita, "Anong ginawa niyo sa kanya? You slapped her too like what y'all did with the girl last time?"
Hindi nagsalita ang tatlo, si Ella naman ay tumango lang habang nakayuko parin. Inamin naman ni Ella ang kanyang ginawa pero ramdam ko parin ang kanyang kamay sa akin pisngi. Mahapdi parin.
May tinanong ulit si Rihav sa kanila ngunit hindi koi yon tinuunan ng pansin dahil ang pagtatago ko gamit ang aking buhok ang aking ibala. Kinuha ko ang mga uniforme ko na nalaglag kanina. Nang nasakop ko na lahat ng aking uniporme ay humakbang na ako papaalis doon.
"Stop, hindi pa humihingi nang tawad ang tatlong 'to." At hinawakan niya ang aking braso.
Naramdaman ko ang kanyang malamig na kamay sa mainit kong braso. Ang mahabang buhok ko ay nakatakip parin sa aking mukha. Hindi ko siya hinarap, nanatili ako sa aking posesyon, kinuha ko ang aking kamay sabay nagsalita.
"D-don't need S-Sir..." kinakabahan ako, natatakot ako na makilala niya ang boses ko.
Muli niyang hinawakan ang aking kamay, "You three, umalis kayo dito. Kapag nakita ko ulit na sinasaktan niyo ang mga kapwa niyo empleyado dito ay mawawalan na kayo nang trabaho! Nakakapuno na kayong tatlo!" sigaw niya.
Dinig ko ang mabilis na yapak na pawang paalis sa gawi namin. Kita ang mamahaling sapatos ni Rihav na humarap sa akin. Kinuha ko ang kamay ko sa kanya at nagmadaling naglakad papalis. Wala pang sampung baitang ay nahawakan niya ulit ang aking braso.
"You sounds familiar..." aniya na ikinaba ng dibdib ko.
Sinubukan ko ulit kukunin ang kamay ko pero ngayon hindi na ako nagtagumpay. Madiin na ang pagkakahawak niya sa akin ngunit wala akong naramdamang sakit gaya nang pagkakahawak kanina nang dalawang kaibigan ni Dana.
Agaran niyang hinawi ang aking buhok na ikinasinghap niya.
"F-Fayre," bigkas nito na parang gulat.
"Magkunwari ka nalang na hindi tayo nagkita Rihav." Kinuha ko ang aking kamay at tumakbo papaalis sa lockers area.
Bumalik ako sa aking silid na parang kinakain ang aking Sistema nang kaba dahil sa pagkikitang iyon namin ni Rihav. Ang bawat hakbang ko ay nagdudulot nang kirot at sakit dahil don. Hindi ko alam kong pasasalamatan ko ba siya sa pagligtas sa akin sa kamay nina Ella o magagalit ako sa kanya dahil sa mga ginawa at sinabi niya sa akin noon.
Nanginginig ang aking kamay, dahan dahan akong umupo sa aking kama. Niyakap ko ang aking tuhod at nagsimula nang mag-isip tungkol sa mga susunod na mangyayari. Hindi ko kaya mawala sa akin ang kambal, lalong lalo na ayaw ko silang masaktan.
Kinuha ko ang aking cellphone sa lamesa at tinawagan si Amer. Ang bakla hindi talaga alerto sa pagsagot sa aking mga tawag, ilang ring pa ang nangyari bago niya nasagot ang aking tawag.
"Mamsh, napatawag ka?" Bungad niya sa akin.
"Ang dalawa nariyan?" tanong ko.
"Mamsh, kanina kalang tumawag tapos tumawag ka ulit. Okay naman sila dito, huwag mo na silang isipin pa, nasa pangangalaga sila ni Super Ninang. Isipin mo nalang ang trabaho mo diyan, paalala Fay, huwag kakagat sa mga fafang diyan. Isang kalabit kalang baka maging tatlo ang anak mo." At humalakhak pa ang bakla.
"Ewan ko sayo Amer, basta ingatan mo sila. Huwag na huwag mo silang isama sa mga lakad mo." Paalala ko.
"Okay mamsh, copy." Huling narinig ko bago niya binaba ang tawag.
Inilagi ko muna ang saliri ko sa pag-iisip ng paraan kong paano maiiwasan si Rihav mamaya gayong alam na niya na narito ako sa club. Alam kong mamaya ay magkikita kaming dalawa. Kasal na si Rihav, tatatantanan na niya siguro ako. Wala na siyang makukuha sa akin, lahat nabigay ko na sa kanya.
Kinahapunan ay inayos ko na ang aking sarili, ang pulang marka na sinampal kanina ni Ella ay naroon parin. May mga parte sa aking kaliwang pisngi na sobrang pula talaga, mestisa akong babae kaya kaunting pisil lang sa aking balat ay mag-iiwan talaga iyon ng pulang marka.
Sinuot ko ang aking uniporme bago ko sinuklayan ang aking mahabang buhok. Hanggang itaas ng pwetan ko na ang aking buhok, wala akong oras para magpagupit kaya hinayaan ko muna iyon. Pero sa susunod ay baka ipaputol ko narin.
Nasa harap ako nang salamin at inaayos ayos ang aking sarili nang marinig kong may kumatok sa pinto nang aking silid. Nakaramdam agad ako nang kama pero imposible namang si Rihav dahil bawal iyon dito. Si Sean lang ang pwede dahil kaibigan siya nang may-ari o 'di kaya ang mga kapwa girls ko dito sa building.
Suminghot ako, inilagay ko ang nakalugay kong buhok na nakatakip sa aking mukha sa likod ng aking tenga. Pumunta ako sa bandang pintuan at dahan dahan kong binuksan ang aking pinto. Nakahinga ako nang maluwag ng makita si Farah ang kumatok sa aking pintuan. Naka-suot na siya nang kanyang damit, iba ang desinyo kahapon at noong nakaraang araw. Malapad ang kanyang ngiti habang may hawak hawak na box.
"You so gulat, Fay." Maarte niyang sabi at walang sabi sabing pumasok sa loob ng aking silid.
"Nasaan ka kanina? Ngayon lang kita nakita," sabay ng aking pagnguso.
Hindi ko talaga siya nakita kanina, wala din akong kasamang kumuha kanina nang aking uniporme dahil wala siya. Si Farah lang ang pinagkakatiwalaan ko dito sa lahat ng girls sa club na ito.
"Sekretong malupit. I bought you a new shoes pala, mukhang matagal na 'yang shoes mo." Inilahad niya sa akin ang box.
Makahulugan ko siyang tinignan, "Gago kaba? Bakit ka nag-aksaya nang pera para sa akin? Sana pinadala mo nalang 'yan sa pamilya mo." Sabay tanggi ko sa box na hawak niya.
Oo, matagal na itong sapatos ko. Mga limang taon na, binili ito ni tatay sa akin dati. Ayaw ko namang palitan kasi wala naman akong ipapalit at isa pa may sentimental value sa akin dahil galing iyon sa mapagmahal kong ama.
"I mean, hindi talaga ako ang bumili...basta Fay, bawal tangihan ang grasya ika nga nila kaya palitan mo 'yang shoes mo." Dinukdok niya talaga sa dibdib ko ang box, kukunin ko na sana nang inilayo niya ang box. Inilapag niya iyon sa lamesang nasa gilid namin at mariing tinitigan ang aking mukha.
"A-ano?" itinulak ko siya.
Hinawi niya ang buhok na kanina pa palang natanggal sa aking tenga.
"Tangina, sinampal ka? O sinuntok?" mariin niyang tanong.
Iniwas ko ang aking mukha sa kanya, nilapitan ko nalang ang box sa lamesa. Umupo ako bago ngumuso tsaka binuksan ang sapatos na dinala ni Farah. Parang may bahagharing lumabas sa aking mata nang makita ang sapatos. Ito ang gusto kong sapatos simula noong college ako, hindi ko mabili-bili dahil umaabot ng libo ang presyo.
"Gagi, ang mahal nito Farah."
"Don't change the topic, Fay. Sino ang may gawa niyan sa pisngi mo?" napatingin ako sa kanya, agad niya akong inirapan dahil sa galit niya. Ang kulay itim niyang eyeshadow at eyeliner ay mas lalong nagpapakita na galit siya.
"A—ah wala 'to, nabangga l—lang ako diyan sa CR kanina." Pagdadahilan ko, nginitian ko pa siya para maniwala.
"Don't try to lie on me, Fay. I'm just protecting you, alam ko na ako din ang rason niyan kong bakit na mumula ang pisngi mo. Hindi na talaga natakot si Ella, lahat nalang ng dumidikit sa akin ay pinapahirapan niya para mawalan ako nang kaibigan." Humalikpkip siya.
"Kaya ko naman Farah, hindi naman masakit...konti lang." ngumisi ako at may ginawang porma sa daliri ko na ibig sabihin ay kaunti lang.
"Gago mo! Namumula tapos hindi masakit?" maldita niyang sabi, hinawi niya ang upuan sa larap ko at umupo.
"Medyo nga lang eh," ngumuwi ako.
"Sa susunod kapag ang tatlong impokretang iyon ay may ginawa ulit sayo sabihin mo sa akin o kay Sir Sean. Hindi ka siguro kumaban ano? Masakit ang sampal nang gagang iyon, ilang beses na akong makatikim non, kaya huwag mo kong ma konti konti diyan."
Ano kaya ang dinanas ni Farah sa kamay nina Ella? Bakit hindi mapaalis si Ella sa club na ito? Madami na siyang nilabag at ginawang mali kay Farah pero nandito parin siya at parang kay taas ng tingin sa kanyang sarili. May inambag ba siya sa club na ito? Nagtatrabaho lang din naman siya ah.
"By the way, bilisan na natin mamaya na natin chikahan 'yan. Pero totoong akin talaga 'to? No joke?"
"Sayo nga, huwag ng makulit sige na lumalalim na ang gabi baka bugahan pa tayo ni Maam Tessa nang apoy."
Simunod ko naman ang kanyang sinabi. Sinuot ko iyon kahit na hindi nagdadalawang isip ako, baka pagalitan nga kami ni Ma'am Tessa kapag nahuli kaming dalawa. Tuluyan ko nang naisuot ay nagulat ako dahil saktong sakto ang size ko sa sapatos. Hindi ko na inisip pa iyon at pinalupot na sa braso ni Farah ang aking kamay.
Sabay kaming lumabas ng aking silid, nagkwentuhan kaming dalawa tungkol sa mga ginawa niya kanina. Nakarating kami sa area na kong saan lahat ng empleyado ay naroon. Kita ko agad ang matulis na tiningin sa akin ni Ella, inilayo ko nalang ang aking tingin at nakinig kay Ma'am Tessa.
Sunod ay oras na para sa trabaho. Kahit hindi linggo ngayon ay madaming customer ang narito, dito sila siguro umiinom dahil sa magandang pasilidad nitong club o sadyang afford nila ang mamahaling alak. Naging sunod sunod ang mga custumer na binibigyan ko, mayroon pang nagti-tip sa akin ng pera. Noong una akala ko hindi pwede iyon pero nong nakita ko ang iba ay tumatanggap n'on, tumanggap nadin ako. Sayang dagdag pa ito sa sahod ko.
Nang matapos kong nilahad ang order ng costumer ay bumalik ako sa bartender para kunin ang susunod na tray. Nailapag ko na ang tray na hawak ko nang makita ko si Rihav na nakaupo sa high chair.
Nagtama ang aming mga mata, agad akong nag-iwas at kinuha ang tray. Hindi ko siya pinansin at hinanap nalang ang numero nang hawak kong tray. Isang giya ko lang ng aking mata ay nakita ko na agad. Pumunta ako doon at maingat na inilapag ang alak nila.
Ngumiti ako sa kanila nang tuluyan ko nang malapag lahat. Isang malagkit na tingin naman ang ginawad sa akin ng isang lalaking may edad narin basi sa kulay puti nitong buhok. Nawala ang ngiti ko nang hawihin niya ang beywang ko papaupo sa kanyang hita.
"50K for a night?" dinig kong bulong niya sa aking tenga.
Ilang beses ko pang papatunayan sa mga taong nandito na hindi ako bayarang babae! Ginagawa ko ang lahat para sa anak ko at hindi para mapuno ang init sa katawan nila.
Hinawi ko ang kanyang kamay sa aking bewyang, nakatayo namana ko ngunit muli niya akong hinila. Sa pakakataong ito hindi na siya nagtagumpay na mapaupo ako sa hita dahil may kumuha sa aking kamay at nilayo ako sa matandang lalaki.
"Mr. Madreal, that's my girl." Ani nang mayakis na matandang lalaki.
"She's not yours Mr. Gumba. You forced her, I saw you." madiin na sabi ni Rihav.
"No Mr. Madreal, she gave herself to me."
Parang nasuka ako sa sinabi niya. Kay tanda na m******s padin. Hindi ba sila marunong rumespeto? Kahit kailan hindi ko bibigay sayo katawan ko gago!
"She's only for me, Mr. Gumba. You should not touch my girl." Sabay higit niya sa akin papaalis doon.
Kinuha ko ang aking kamay sa kanya ngunit mas lalo niya itong niligpitan. Kinuha niya sa akin ang tray na hawak ko at dinala niya ako sa likod na kong saan doon din ako dinala ni Sean dati.
"Bitiwan mo ko, Rihav!" sabay ng papupumiglas ko.
Huminto siya sa paglalakad, hunubad niya ang itim niyang coat at pinalupot sa akin. Kinuha ko iyon pero muli niyang pinulupot.
"Don't try me Fayre Aphrodite!"