Kabanata 8 "Rihav! Ano ba, bitawan mo ko!" asik ko kay Rihav habang hawak hawak ang kamay ko. Hindi na ito ang dinaanan namin ni Sean noong dinala niya ako dito. Ibang iba na ang paligid at hindi ko na alam kong saan ito. Wala akong tiwala kay Rihav ngayon, sinira na niya ang tiwala ko sa kanya, winasak na niya. Oo, niligtas niya ako sa mga bumastos sa akin kanina pero hindi ibig sabihin n'on na ayos na kaming dalawa. Inis na inis ako sa kanya habang naglalakad kami. Mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa akin at nagmamadali din siya kong maglakad. Naka-ilang sigaw na ako na pakawalan ngunit parang walang tenga itong si Rihav. "Rihav naman eh!" napagod na ang boses ko sa pagsisigaw sa kanya. Napahinto narin ako sa paglalakad dahil sa bago kong sapatos na sa tingin ko ay nagkasugat na ang