"Ate. Ate." Rinig kong sigaw ng babae sa bata.
Agad akong napatingin doon sa tumawag. Mga nasa dalawang taon pa lamang ito.
"Bakit Agnes?" Sagot naman nung tinawag niyang Ate. Sa palagay ko naman dito ay nasa apat na taong gulang ito.
"Halika laro na ulit tayo".
Masayang nakangiti ang dalawang bata ng dumating ang isa pang batang babae na sa tingin ko ay nasa isang taong gulang pa lamang. Naka simangot ito na nakaharap sa dalawa na masayang naglalaro.
"Bunso halika sama ka din dito" pagyaya sakaniya nung Agnes.
Agad umaliwalas ang mukha nung Bunso at sumama sa dalawa.
Bigla akong napaupo sa mga panaginip kong 'yon.
"What the hell? Sino 'yon?" Mahinang tanong ko.
"Bakit ate? Anong nangyari? May napanaginipan ka ba?"
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko naman kay Luna. Bakit nga ba siya andito sa kwarto ko?
"Tatawagin sana kita kasi gusto kong magpasama sa bayan"
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"Sabi kasi ni tita Clara bili daw tayo ng bigas sa kabilang bayan."
"Eh? Kelan lang sila bumili ng bigas."
Nag kibit-balikat lamang siya.
"Antayin na kita sa labas" sambit nito.
Nagayos na ako't lumabas na ng makita ko si Luna na nakaupo sa sofa.
"Ate pansin ko kanina pa hindi mapakali si tita Clara. Tignan mo kanina pa siya inom ng inom ng tubig" sabay tingin niya sa kusina.
Tumingin naman ako sa gawi ni tita Clara at nakitang lumilingon-lingon sa labas.
Naalala ko yung mga gabing naririnig ko silang parang may kausap, ngunit hindi ko na ito inalam. Kahapon naman nang makarating kami ni Luna ay nakaramdam ako ng kakaiba pagpasok namin ngunit hindi ko na ito pinansin.
May kinalaman kaya ang mga iyon sa kalagayan nila ngayon?
"Tita Clara ok lang po kayo" tanong ni luna.
Humarap siya sa amin at medyo nagulat. Ngumiti siya at lumapit atsaka kami nilapitan.
"Ok lang ako. Inaantay ko lang yung kaibigan ko, tsaka ba't andito pa kayo? Hindi ba pinabibili ko kayo ng bigas sa kabilang bayan?"
"Oo nga po. Sige alis na po kami" sagot naman ni Luna.
"Mag iingat kayo haa. Talisha yung kapatid mo ingatan mo"
"Opo" tipid kong sagot.
Nang makalayo kami ay may napansin akong itim na sasakyan papunta sa bahay. Tumigil ito sa mismong harap atsaka iniluwa ang matangkad na lalaking nakasalamin, may pormal na kasuotan at may tattoo sa gilid ng kaniyang tenga.
Bigla na lang tumaas ang mga balahibo ko sakaniya, pero hindi ko na lang 'yon pinansin at naglakad na palayo.
Siguro siya yung hinihintay ni tita Clara.
...
Pabalik na kami sa bahay ng magsalita si Luna
"Ate daan muna tayo sa school may nakalimutan ako sa library na libro eh"
"Dalihin mo na lang yung buong library sabi eh" naiinis kong sabi.
"Sige na. Mabilis lang talaga ako. 'Yong algebra tas geome-."
"Oo na. Huwag mo na ituloy." Pagputol ko.
Naglakad na lamang ako at dumerediretso sa school. Naiirita na ako.
"Kahit jaan ka na lang muna sa cafeteria. Mabilis lang talaga ako promise" aniya sabay takbo.
Wala naman na akong nagawa at lumakad ng dahan dahan sa loob ng library. Ayokong mag isa dito. Maboboring ako jusko.
Namili ako ng genre na pupuntahan ko at nakita ko ang bago sa aking paningin. Random. Ngayon ko lang napansin na may ganito na pala dito.
Wala lang siguro akong pakialam sa paligid ko kaya hindi ko 'to napansin.
Habang naglalakad ay may nakita akong malapad ngunit manipis na libro. Luma na siya base sa kulay at itsura nito. Binuklat buklat ko hanggang sa makarating ako sa may bandang dulo.
Unang dilag o binata'y magpupunta sa kabilang mundo. Lalaban at magpapaalipin sa kung sinong nag mamay-ari dito. Isasauli ang buhay na ipinagkaloob at bibigkasin ang salitang magpapatunay ng katapatan nito.
Napatingin ako sa paligid nang makaramdam ako ng presensya ngunit wala naman tao. Tumataas na rin ang balahibo ko.
Siyang nabigyan ng pagkakataong makabalik sa mundong ito'y huwag tatangkain pagtaksilan. Huwag iisiping tumakbo sa kaniyang tungkulin.
Kunot noo kong patuloy na binabasa ang mga nakasulat ngunit biglang humangin kaya ko ito nabitawan.
Saan galing ang ganon kalakas na hangin?
Lumunok muna ako at kinakabahang pinulot ang libro. Pagkakuha ko'y bumungad saakin ang pahina kung saan may mapa. Sa likod nito'y may nakasulat ulit ngunit hindi ko maintindihang salita.
Tao ay hindi nararapat sa trono. Kung sakaling nakapasok ay hindi na makakabalik sa pang-anim na araw.
Binalik ko sa pinaka unang pahina at pagkabasa ko'y bumilis ang t***k ng aking puso.
Any age but, 14, 17, 18 Top 1 - Female
•with. Chance to get out
•without. Goodluck
Any age but, 16, 19, 21 Top 1 - Male
•with. Chance to get out
•without. Goodluck
(Every 3 years.)
Agad kong binalik ang libro atsaka nagmadaling lumabas. Kumuha ako ng lakas sa pader na nasandalan ko dahil sa panghihina at panginginig ng binti ko. Hirap na rin akong huminga.
"Luna" wala sa sarili kong sabi.
She's always top 1 and... 14 years old.
Naalala ko tatlong taon na ang nakalipas ay 'yong naging top 1, wala na kaming narinig na balita sakaniya. Kahit kaunting balita'y wala. Hindi katulad noong nakaraang taon na isa na siyang Doktor sa ibang bansa.
"'Any age?' What does it mean? Ano itong mga ito?" Bulong ko.
Baka yung babaeng top 1 tatlong taon na ang lumipas ay nandoon siya sa tinutukoy na kabilang mundo. Ngunit may katotohanan ba iyon?
"Luna." Rinig kong tawag ng isang estudyante na sa pagkakaalala ko'y may gusto kay Jasper.
"Po?"
"Pinapabigay ng Principal at Head. Mag aral ka raw ng maigi." Ngiti niya atsaka inabot ang kahon.
"Wow. Sige po. Salamat." Sagot ni Luna.
Parang ang mundo ko ay gumuho dahil sa aking napagtanto. Ganiyan na ganiyan ang ginawa nila sa babae tatlong taon na ang lumipas. Binibigyan siya ng mga regalo.
Yung mga ibang naging top 1 naman ay palaging papuri lang ang binigay sakanila.
"Ate"
Nagulat ako dahil hindi ko na napansing kaharap ko na siya.
"Ayos ka lang? You look pale. What happened?"
Buntong hininga naman ako sa sinabi niya.
Anong dahilan? Yung maiintindihan ko sanang dahilan. Bakit nila ito ginagawa? Masyado pa kaming bata para dalihin sa ganong lugar, kung totoo man iyong mga nabasa ko.
This f*****g school!
Nabalik naman ako sa kasalukuyan ng tapikin ako ng marahan ni Luna sa braso.
"Ate may nangyari ba? Bakit ka tulala? Anong nangyari nung wala ako dito?"
Bumuntong hininga ulit ako at nagsalita na.
"Wala naman. Halika na? Yan lang ba yung kailangan mo?" Sagot ko naman.
Bahagya siyang ngumiti sa akin dahilan ng pagkakunot ng noo ko.
"Bakit?" Tanong ko
"Wala naman. Akala ko kasi iniwan mo na ako" tawa niyang sambit.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at tumalikod na sakaniya. Wala ako sa mood para makipag sabayan sakaniya.
"Ate naman. Halika na nga. Tsaka oo ito lang yung kailangan ko" sabay tabi niya sa akin.
"Binigyan nanaman pala nila akong ng regalo oh. I wonder what is it this time."
Napakabata niya pa para isabak sa kabilang mundo na hindi ko alam kung totoo. Ano ba ang mayron doon? Bakit katulad naming mga estudyante ang pinapapunta? Bakit itong paaralang ito pa?