"Aba-aba Talisha. Parang nagbabago ka na ata ahh"
"Shut Up Amara"
Hindi ko naman ito gagawin kung hindi ko nabasa ang lintik na librong iyon.
Mabuti ng makasigurado ako na magiging ligtas si Luna.
"Eh kasi naman Tala, naninibago lang kami sa'yo" Ani naman ni Jasper
"Kita niyo ng nag babago na yung tao kinukwestyon niyo pa" sagot naman ni Damon. Medyo kinilig ako sa sinabi niya.
Damn it tala kaibigan mo siya. Hindi pwede.
"Kaya nga" sambit din ni Zack.
Inirapan ko lang silang lahat dahil sa kairitahan. Wala naman silang naitutulong sa'kin.
Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon. Naisip ko kasi na pumunta dito para magbasa-basa nang mag-kalaman 'tong utak ko. Kaso itong si Jasper tinawag si Amara, tapos si Amara tinawag yung dalawa para sumunod. Kaya ayun andito kaming lahat ngayon.
"Malapit na ang Finals. Kinakabahan na ako kung sino nanaman ang may pinaka mataas na average. Masyadong mahigpit ang laban ng mga estudyante pag dating sa grado" pag uumpisa ulit ni Amara.
"Pero sa tingin niyo, may trabaho na kaya yung mga estudyanteng naging Top 1 nung mga nakaraang taon?" Pagtatanong ni Damon.
"Siguro. Kasi sabi ng Director tas Principal, isa iyong opurtunidad sa kanila, at para din ito sa kinabukasan natin." Tugon ni Jasper.
Sana nga. Sana mali at hindi totoo 'yung nabasa ko. Sana nga yung naging top 1 noon ay masyado lang abala sa kaniyang trabaho kaya't hindi na siya nakukuhanan ng balita.
Malakas talaga ang kutob ko na may kakaiba dito sa paaralang ito. Nararamdam ko iyon at nararamdaman ko rin ang mga iba't ibang enerhiya dito.
"Pero bakit wala man lang tayong balita sa mga 'yon?" Tanong ni Damon.
Nagkaroon ng maikling katahimikan sa pagitan naming lima.
"Syempre busy sila sa ibang bansa." Natatawang sagot ni Zack.
Alam kong sinabi niya lang ito para gumaan ang awra na nakapalibot saamin. Hindi lingid sa kaalaman namin na may tinatagong baho ang eskwelahang ito. Lalo na ang mga nakatataas dito.
Inirapan lang siya ni Amara't Jasper na halatang nagiisip din sa sinabi ni Damon. Magsasalita na sana ulit si Zack ng tumunog ang speaker sa buong campus.
"Students. It's our pleasure to announce the present Top 1."
Hindi ko maalis ang tingin ko sa libro na nasa harap ko ngayon dahil sa halo halong emosyon.
"And that would be.... Miss Luna from pearl section."
Gaya nga ng inaasahan ko. Ang kapatid ko nanaman ang nangunguna. Hindi ko man nasisiguro na mahahabol ko siya, pero gagawin ko ang lahat para hindi siya makapunta sa 'mundong iyon'.
"My fellow students. Try a little harder and reach the golden average. Have a nice day."
Hindi na ulit tumunog ang speaker kaya't bumalik na ang ibang estudyante sa kaniya kaniya nilang ginagawa. Samantalang ako ay hindi pa din makagalaw.
"Iyong kapatid mo talaga" basag ni Jasper sa katahimikan namin.
Hindi ako makapag salita, walang kahit anong lumabas sa bibig ko.
Sana'y kung nalampasan ko ang kapatid ko, hindi sumama ang loob niya saakin. Pangarap niya kasing makapunta sa ibang bansa kaya siya nag aaral ng maigi. Pero dahil sa dahilang iyon kukuhanin ko sakaniya ang kaniyang pagasa para rin sa kaniyang kaligtasan.
Naramdaman ko ang malakas na pagtama ng beywang ko sa sahig nang itulak ako ni Amara.
"What the f**k?" Irita kong tanong
"Ano lutang ka girl." Aniya atsaka humalakhak.
"Mga walang kwenta" inis na sabi ko't umupo ulit.
"Owwww" wika naman ni Zack na halatang nangaasar din.
"Kalma Tala" pigil na sambit ni Jasper.
"Kasi naman girl, para kang naestatwa sa lagay mo kanina." Tumatawang sabi ulit ni Amara.
Nakita ko naman si Damon na nakatitig sa akin na para akong pinagaaralan. Agad ko siyang tinitigan ng masama para hindi siya mag isip ng kung ano-ano.
Mahirap magtago ng sikreto kay Damon dahil mahuhuli't mahuhuli ka niya. He's a keen observer and also his mind is really sharp. It's sucks really.
Baka mag hinala siya sa mga kilos ko. Kailangan kong mag ingat.
...
Natapos ang klase namin at dumiretso muna ako sa Cafeteria at umorder ng kape. Umupo ako sa may round table at uminom ng marahan sa aking inumin.
"Ate. Top 1 ulit ako!"
Muntik ko ng maibuhos ang kape sa sarili ko sa pagkabigla.
"Ang galing" tipid kong sagot.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong nakikita siyang ganito kasaya, pero hindi ako matahimik dahil sa nalaman ko. I need to do this for her, as her elder sister. She's my responsibility so I will do anything just to keep her safe.
"Ate pero nagulat ako nung nakita ko sa records namin na pangalawa ka" Aniya ulit habang nakangiti ng malawak.
Hindi ko alam pero bigla na lamang akong napangiti habang natatakpan ng baso ko ang bibig ko sa kaniya. Kaya ko ito, malalampasan ko siya.
"Talaga ba?" Sagot ko lang nang naibaba ko na ang aking inumin.
Dahil sa pagtaas ng grado ko'y pinag hinalaan ako ng nakararami na nandadaya ako. Ang iba naman ay sinasabing nadadala lang ako dahil sakanila Amara.
"Oo. Nabigla nga din yung mga kasama ko nung nakita nila eh. Kasi naman nung nakita ko pangalan nating dal'wa doon nagsisigaw ako sa saya."
Napatawa naman ako ng marahan at umiiling-iling sa pag kukwento niya.
"What if maging number 1 ako? Ano mararamdaman mo?" Bigla ko na lamang tanong.
Napatigil siya ng kaunti sa bigla kong tanong.
"Hhmm... Masaya syempre na malungkot."
"Bakit?"
"Ate kita kaya ako masaya para sayo. Malungkot, kasi hindi na ako makakapunta sa New York City, my dream place."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakaniya. Ayoko ng ganito.
"Pero ayos lang. Dadalihin mo naman kami doon pag nakahanap ka na ng magandang trabaho, diba? Diba ate?"
"Oo naman." Bahagyang tawa ko.