Chapter 1
"Ate gising!"
Rinig kong sigaw ni Luna
"Ate!..."
Agad akong napabangon ng marinig kong humahagulgol na siya. Napatingin ako sa paligid at nakitang nasusunog na ito.
"Luna!?"
"Ate" sabay ubo ng kapatid ko sa kabilang kwarto.
Bumangon ako't nag punta sa kabilang kwarto upang kunin siya. Agad ko siyang hinanap at nang nakita ko siyang walang malay ay dali-dali ko siyang binuhat palabas sa nagliliyab na silid.
"Ma! Pa!" Sigaw ko at tinignan ang kanilang silid na nagliliyab na rin.
Nasan sila mama at papa?
Isinantabi ko muna ang katanungang iyon at pinilit na makarating papuntang kalsada.
Sa dinadaanan ko'y maingat ngunit mabilis akong tumatakbo dahil ano mang oras ay maari kaming matumbahan ng mga kagamitan dito. Sa sobrang kapal na ng usok ay mahapdi na ang aking mata, nahihirapan na rin akong huminga dahil na rin sa bigat ni Luna.
Pagkalabas ko ng bahay ay may nahagip ang mga mata kong apat na silwetang naglalakad palayo saaming tahanan papunta sa may kumikinang na lugar sa kakahuyan. Tumataas ang balahibo ko dahil sa mga nangyayari at nakikita ko.
Nagmadali akong tumakbo papunta sa kalsada at tinignan ang mala-higanteng apoy na tumupok saaming tirahan.
Paano nangyari ito? Sino ang mga iyon? May kinalaman ba sila sa nangyari? Nasaan sila mama?
Pinagmasdan ko lamang ang aming tahanan hanggang sa unti-unti na itong kumakalma. Inayos ko ng pagbuhat kay Luna saaking likuran at naglakad palayo.
Saan kami tutuloy?
Kailangan kong mag pakatatag sa mga oras na ito. Kailangan ako ni Luna, kailangan niya ng ate na mag poprotekta sakaniya. Masyado pa siyang bata at ayokong mag dusa kami pareho kaya't kahit hindi ko man lubos alam ang buong pangyayari, dapat ay makaisip ako ng paraan.
Biglang sumagi sa isipan ko si tita Clara- ang aming kasambahay mag mula pagkabata-. Sa kabilang bayan ang kaniyang tirahan. Alam kong may kalayuan ito dito sa kinaroroonan ko dahil paminsan-minsan ay dinadala niya kami doon kung wala sila mama at papa.
May kung ano saaking isipan tungkol sakanila mama at papa ngunit pilit ko itong iwinawaksi. Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko kahit ayoko mang isipin ang kalagayan nila.
Kung wala sila doon, maaring umalis sila. Baka umalis sila noong kami ay tulog pa.
"Who are those?" Mahina kong tanong saaking sarili.
Napaluha ulit ako nang tuluyan ng dumaloy saaking isipan ang maaring pagkuha nung mga silwetang nakita ko sakanila mama at papa.
Tinahak ko ang madilim at nakakatakot na kalsada hanggang sa makarating ako sa kabilang bayan.
"Isa." Pagbilang ko sa unang bahay na nakita ko.
Ang mga tirahan dito ay hiwa-hiwalay kaya't napaka payapang mamuhay dito kumpara saamin.
"Pito." Paghinto ko atsaka na dumiretso sa pintuan.
Pinilit kong wag ingayan ang pagkatok dahil sa ayokong mabasag ang heleng ginagawa ng hangin. Ang dilim at marahan ngunit malamig na paghampas ng hangin saakin ay kahit papaano'y nagpapakalma saakin.
Ilang minuto pa akong kumatok hanggang sa narinig ko ang marahang yabag sa loob. Pagkabukas nila ng pinto ay bumungad saakin ang paghikab ni tita Clara.
Napaka ganda niya. Nakakabighani kung papaano kuminang ang kaniyang mata dahil sa liwanag ng buwan. Her hazel eyes, brown shoulder length hair, glowing skin and a nice body shape. Nakakapag taka dahil hanggang ngayon ay wala siyang asawa o kahit kasintahan.
"Tala" Naghalong pangamba, takot at nalilitong bungad niya sa akin.
"Anong nangyari? Bakit karga-karga mo si Mayari?"
"Pagkagising-"
"Halika. Tumuloy ka muna." Pagputol nila.
Ipinahiga ko si Luna na wala pa ring malay sa kwartong tinuro ni tita Clara bago lumabas papunta sa sala kung nasaan sila nag aantay.
"Uminom ka muna ng tubig." Pagabot nila saakin.
"Ayos ka lang ba? You didn't get hurt, right? Si Luna?" Tanong nila atsaka ako marahang hinaplos sa ulo upang mapakalma.
Hindi ko kasi mapigilan ang panginginig ng katawan ko kaya napansin nila ito.
"Nagising ako dahil sa tawag ni Mayari. Nagkalat na ang apoy sa paligid kaya kinuha ko kaagad siya atsaka lumabas."
"Nasaan ang mama't papa mo?"
"Hindi ko sila nakita noong tinignan ko ang kanilang kwarto."
Bumuntong hininga muna sila bago uminom ng tubig.
"Buti na lamang at isa kang matapang na kapatid" sabay haplos niya ulit saaking buhok.
Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko sila. Parang may kakaiba sakanila, o dahil lang ito sa wala kaming tunay na ina kaya't sa kung kani-kanino ko na lang nararamdaman ang ganitong pakiramdam.
Wala namang pagkukulang si mama at papa, sadyang hindi ko lang maalis sa isipan ko kung sino at kung ano na ang nangyari sa tunay naming magulang.
May nasabi si mama saakin dati na iyong babaeng nakasuot ng itim na damit at may takip ang mukha na lumapit sakanila upang ibigay kami ni Luna.
"Take a good care of my princesses. I will be at peace knowing they're in good hands. May gusto ba kayong hilingin?" Tanong niya sakanila mama at papa, sa pagkakaalala ko.
Wala na silang hiniling dahil ang pinagdadasal nila dati pa'y natupad na ng dumating kami sa buhay nila, sabi ni papa saakin dati. Infertile si mama kaya't sobrang saya nila ni papa dahil saamin.
"Magpahinga ka na muna Tala" anila pagkalabas nila sa kwarto kung nasaan si Luna.
"Kailangan mong magpahinga. Samahan mo na ang kapatid mo sa loob."
"Maraming salamat po, tita. Pasensya na rin po sa abala. Kayo na lang po kasi ang naisip kong mapupuntahan."
"Don't be sorry, Tala. You two will always welcome. Para ko na kayong mga anak, kaya't ayos lang. Salamat at saakin ka dumiretso." Sagot nila bago ako ngitian.
Pagkahiga ko sa tabi ni Luna ay sinarado rin nila ang pinto.
Hindi ko akalaing mangyayari ito sa amin ng kapatid ko. Masyado pa kaming bata para maranasan ito.
Bahagya ko siyang tinitigan at ihinawi ang tumatakas na buhok niya.
"I will do anything for you Luna. I will protect you at any cost. I will try my very best to be a good sister and no one can harm you unless they go through me first." Mahinang sabi ko rito.
Bigla ko na lamang naramdaman ang antok ko. Sa kabila nito'y hindi maalis sa isipan ko iyong mga silwetang nakita ko papunta sa liwanag sa kagubatan.