"Tita. May gusto sana akong hilingin."
"Ano iyon?"
Nagpakawala muna ako ng malalim na paghinga.
"Pwede po bang lumipat kami ng eskwelahan? O kahit si Luna lang."
"Bakit? Bakit bigla mo itong nasabi? May problema ba?"
"Hindi naman po sa may problema. Gusto ko lang po kasi ng magandang eskwelahan para kay Luna. Yung magkakaroon siya ng mataas na tsansang makapunta sa pangarap niyang lugar."
"Ganon ba? Susubukan kong maghanap ng mas maganda. Ngunit ayokong lumayo kayo saakin."
"Naiintindihan ko po. Susubukan ko rin pong mag hanap. Yung malapit lang po dito sa bahay."
Pagkatapos ko silang kausapin ay naghanda na ako para magpunta sa eskwelahan. Ngayon na kasi ang graduation namin at ngayon din namin malalaman kung sino ang top 1.
"Hi." Bati saakin ni Damon nang magkasalubong kami.
"Hi. Nasaan sila Amara?"
"Nauna na. You look good." Aniya.
"You too." Wala sa sarili kong sagot kaya ako napaiwas ng tingin at napapikit ng mariin.
Napatawa siya ng marahan dahil sa sinabi ko. Pasimple ko naman siyang hinarap.
He has a light brown hair, pale skin, black and thick eyebrows, emotionless eyes, thin nose and thin lips. Ang gwapo niya.
Naalala ko noong hinala niya ako dahil sa muntik na akong mabunggo. Doon ko natitigan ng malapitan ang kaniyang mukha.
Bakit kasi naging kaibigan ko siya.
Nagsumpaan kami na hindi pwedeng makipag relasyon sa aming kaibigan. Hindi ko naman alam na magkakagusto ako dito kay Damon. Kung alam ko lang ay hindi na ako sumumpa o kaya'y hindi ko na siya kinaibigan.
Natigilan naman ako sa pagtitig nang humarap siya sa akin.
"s**t" mahinang mura ko sabay iwas ng tingin.
.
"We have a tie. Oh, tatlo pala sila." Tawang sabi ni Ms. Wen. Ang head ng eskwelahang ito.
Ayon kay Amara, si Ms. Wen ay may anak at asawa ngunit namatay. Nakakabighani lang na sakabila ng pasakit na iyon, nakukuha niya pang ngumiti ng bukal sa kaniyang puso.
Kung bukal nga ba.
Ang Principal naman sa gilid ay may pagkakatulad kay tita Clara. Hindi ko alam pero siguro, dahil lang ito saakin.
"Mr. Zack, Mr. Jasper, and Ms. Amara from ruby section."
Pagkatapos nilang umakyat sa stage ay bumalik ulit ang kaba at bilis ng t***k ng puso ko.
"Woah. May tie nanaman. Parang masyadong mahigpit ang labanan ahh." Wika nila.
"Our lovely top 2 are... Mr. Damon from ruby section and Ms. Luna from pearl section." Nagkaroon ng malakas na hiyawan pagkasabi nila.
"Ang talino ng kapatid mo." Sambit ni Amara saakin.
Pagkababa ulit nila ng stage ay niyakap ko ng mahigpit si Luna na umiiyak dahil sa tuwa. Si Damon naman ay nginitian ko lamang.
"Now. The dazzling and shining name of our top 1 is on my hand. Are you ready to know it?"
"Yes!!" Sigaw nila.
"I know this, Tala. I know this." Nakangiting sambit nila Zack.
"Ms. Talisha from ruby section. Give her a round of applause students."
"Sabi ko na nga ba." Malakas na wika ni Amara sabay yugyog saakin.
"Get on that stage and grab the moment-"
"To slap those bitches whose stepping on you." Singit ni Amara kay Jasper.
"Bitches huh." Ani ni Zack atsaka sila nagtawanan.
Pagkababa ko ng stage ay sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Amara.
"I'm so proud of you. Sabi ko na nga ba't tamad ka lang talaga." Aniya.
"Yeah. I wish I have the same mind like her."
"I agree with that. 'Yong hindi mo sinseseryoso pag aaral mo pero mataas pa rin grado mo. That's dope, Tala." Sang ayon ni Zack kay Jasper.
"Baka naman. Pwede kami sumakay sa eroplano kahit anong oras. Kahit saang lugar, ayos kami." Natatawang sambit ni Amara.
"Anywhere." Tango ni Jasper.
"That's my girl."
Kahit malakas ang tugtogin ay narinig ko pa rin ang sinabi ni Damon.
...
"Tita Clara mauna na po ako." Aniko kay tita clara na hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin sa nabalitaan niya.
Sinabi saakin ng Principal na bumalik ako doon pagkatapos ng dalawang araw, at hindi ko na kailangan magdala ng kahit anong gamit. Kaya ito ako't nag aayos lamang.
"Mag iingat ka Talisha. Please mag iingat ka. Wag mo pababayaan sarili mo Tala"
"Opo" nakangiting tugon ko.
"Ate mag iingat ka ha. Pag nag ka trabaho ka doon kunin mo na kami dito" ani naman ni Luna na umiiyak.
"Oo mag hahanap ako ng magandang trabaho doon para madala ko na kayo." Tugon ko.
Nagpaalam na ako atsaka umalis. Pagkarating ko sa eskwelahan ay naabutan ko sila Zack na nag-aasaran. Hinahanap ko ang gusto kong makita ngunit wala siya.
"Uy Tala" bati sa akin ni Jasper.
"Ngayon na ba ang alis mo?" Tanong ni Zack.
"Oo" tipid kong sagot.
"Bakit andito ka na? Nasaan si Damon? Nagpunta siya sa bahay niyo para sunduin ka!" Nagtataka ngunit pasigaw na sabi ni Amara sa akin.
"Huh?"
"Oo nga. Humiwalay siya saamin kanina para sunduin ka." Dagdag ni Zack.
"Yeah. Kaya nagmamadali siyang umalis" dugtong rin ni Jasper.
Hindi ko nakita o nakasalubong si Damon kanina. Kahit hibla ng buhok niya'y hindi ko nakita.
"That prick again." Iritang sambit ni Zack nang mapansin ata na naguguluhan ako.
"Sabi namin sa kaniya na sabay sabay na kaming mag punta sa bahay niyo, para naman makasama ka namin at makapagpaalam kami sayo ng maayos. Pero matigas ang ulo niya at nagpumilit na siya na lang daw ang magsusundo sa'yo" mahabang paliwanag ni Jasper.
"But look at us now. Magkakasama tayo at siya naman ang wala ngayon. That hardheaded boy" natatawang wika ni Amara.
Nagkasama pa kami ng ilang minuto hanggang sa hinatid na nila ako sa harap ng opisina ng Principal.
"Hanggang dito lang kami. Hindi na kasi kami puwedeng pumasok sa loob." Ani ni Amara kaya ngumiti lang ako ng maliit sakanila.
Gusto ko mang sabihin ang nalaman ko'y ayoko ng dagdagan ang kung ano mang problema na mayron sila.
"Mag iingat ka Tala" sabi naman ni Zack.
"Wala kami sa tabi mo para maprotektahan ka, malayo pa naman ang pupuntahan mo." singit ni Jasper.
"Salamat" sagot ko sakanila.
"Basta... anywhere."
"Anywhere and anytime." Dagdag ni Jasper kay Zack.
Pagkaalis nila ay kumatok ako ng marahan sa pinto. Ilang yabag pa ang narinig ko hanggang sa bumukas ito at bumungad saakin ang walang emosyon niyang titig.
Parang lalabas na ang puso ko pagkapasok ko. Nabibingi rin ako sa katahimikang bumabalot saamin.
Bakit siya nandito?
Ilang sandali pa kaming nakaupo hanggang sa tumayo siya't nag lakad-lakad. Ako naman ay tumitig sakaniya.
I am going to miss everything about him.
Sa paglalakad niya'y sinalubong niya ang tingin ko. His dark red eyes is like a magnet that's pulling me towards him.
"Why didn't you tell me Tala?" Mariin niyang tanong.
"Kung sinabi mo sa akin, pwede kitang tulungan. Kahit ano gagawin ko Tala" sambit niya ulit.
Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Akala ko ba at nasa bahay namin siya.
"Look. I can't do anything for now to stop them but remember this, I am going to follow you." Mariin niyang sabi.
Hindi ko alam kung para saan at kung ano ang mga sinasabi niya. Bakit ganito siya kung makapag salita.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang buhok ko.
"I'm going to follow you there. Just give me a little time and I will be there beside you." Pagkasabi niya no'n ay hinalikan niya ang noo ko atsaka niya ako niyakap.
Fuck this. Bakit ganito ang ginagawa mo sa akin. Mas lalo mo lang akong pinahihirapan.
Mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin atsaka ako tinitigan sa mata.
"I'm going to follow you at any cost. I will be there beside you. I will protect you Tala"
Nanlalambot ako sa mga titig at sinasabi niya. Hindi ko maalis ang mga mata ko sa mata niya. Parang may kung ano itong enerhiya na unti unting kumukuha ng lakas ko.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at inilapat niya ang mga labi niya malapit sa labi ko. Hindi nagdikit ang mga labi namin pero nanghihina na ako.
"Damon don't do this." Aniko at humiwalay sakaniya.
Ayoko mang humiwalay ay kailangan ko ito para hindi na ako mas masaktan. Akmang lalapit ulit siya ng magsalita ulit ako.
"Damon nahihirapan na ako. Please lang wag mong gawin sa akin 'to." Napatigil naman siya at nakatitig lang sa akin.
Masasaktan lang ako ng paulit ulit kung hahayaan ko itong mangyari.
Hindi ko na siya inantay sa ano mang sasabihin o gagawin niya at lumabas na ako kaagad. Hindi na ako halos makahinga dahil sa bilis ng t***k ng puso ko.
Pinakalma ko ang sarili ko at umayos sa pagkakatayo.
"Iha anjan ka na pala."
Napatayo ako ng maayos nang makita ko ang Head, Principal at Direktor na naglalakad papunta saakin.
"Yung kaibigan mo nanjan pa ba sa loob?" Tanong naman ng Principal.
Alam nila? Pa'no nila nalaman?
"O-opo" nauutal na sagot ko.
Unang pumasok si Ms. Wen at sumunod ang Principal at Director, ako ang huling pumasok sa loob. Naabutan naming nakaupo si Damon sa isang upuan na naka krus ang binti.
"Damon andito ka pa pala"
"Paalis na din po ako Ms. Wen" Aniya at naglakad papunta sa may pinto.
Bago siya tuluyang lumabas ay tumingin muna ako sakaniya. Buti na lamang at nakatalikod siya.
"I'm sorry Damon." Mapait akong ngumiti kasabay ng pagsarado niya ng pinto.
~~~~~~~~~~~~~~~
Song: Daylight by Maroon 5