"Congrats my Dear" wika ng Head na nakangiti.
"It's our privilege that you can go to abroad" sambit naman Principal.
Bahagya naman akong inalalayan ng Director papunta sa isa pang pinto at ipinag bukas ako.
Hindi ko napansin ang pinto dito kanina.
Napatingin naman ako sa kaniyang mga mata. His eyes is sapphire blue. Hindi ka magsasawang titigan dahil sa ganda ng mga 'to.
Napakagaan ng loob ko sakaniya at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung nakita ko na ba siya o nag aassume lang ako.
"After you my lady."
Pumasok kami dito atsaka pinaupo niya ako sa sofa.
His office is so spectacular. It is really heart warming once you stepped your foot inside. Ang ceiling nito ay kulay puti, ang kadalasang makikita mong gamit dito ay silver, puti at itim.
His office is so luxurious.
"Talisha." Bigkas niya sa pangalan ko.
Inilibot ko ang mga mata ko sa buong office at napatingin sa may pintuan sa likod ng table niya. Napaka antique ng pintuang 'yon. Hindi ko alam kung anong mayroon doon pero nako-curios ako.
Napatingin naman ako sa table niya na may pangalang nakalagay. 'Director Gerald'.
So Gerald ang pangalan niya.
"How's your feeling?" Tanong niya nang mailapag ang isang baso ng tsaa.
"Let's drink some tea first." Aniya atsaka uminom sakaniyang baso.
Uminom na rin ako upang bigay galang sakaniya. Kahit mukha siyang bata ay siya pa rin ang direktor ng eskwelahang ito.
Kung malaman ko talagang totoo ang mga nakasulat sa librong nabasa ko'y sisirain ko 'tong paaralang ito.
"So, tell me Talisha. How was your feeling right now?"
"I feel... nothing." Tugon ko kaya siya bahagyang nabigla.
Uminom ulit ako sa tsaa at napansin ang kakaibang dahon sa tea bag na nakalagay sa babasaging lalagyan sa lamesa. Tinignan ko rin ang tea bag na ginamit niya ngunit wala itong katulad ng saakin.
This f*****g asshole is trying to poison me?
"May I ask what's in this tea?" Tanong ko sakaniya kaya siya napatigil sa pag inom.
"I'm surprised. Hindi ko akalain na mapapansin mo ito. It's a leaf... upang makatulog ka."
"Bakit? Are you a r****t?"
"What? No." He chuckled.
Habang nagsasalita siya'y para akong hinihila ng kung ano sa antique na pintuang nasa likod ng table niya.
"It's been 3 years since he got to the other world."
Kahit pilit kong binibigay ang atensyon ko sakaniya, masyadong malakas ang enerhiyang humihila saakin sa pinto.
"Nakikita mo yan?" Aniya sabay turo sa pintuan sa likod ng table niya.
"Oo. I mean, yes sir"
Sa sobrang gaan ng loob ko sakaniya'y nakakalimutan ko kung ano siya sa paaralang ito.
Ngumiti naman siya ng marahan at sumipsip sa tsaa niya.
"Kilala mo si Clara?" Tanong niya.
"Opo. Tita ko."
Agad naman siyang tumango tango. Tumayo siya at inilahad sa akin ang kaniyang kamay.
Parang lumukso ang puso ko dahil sa ginawa niya. Pareho sila ni Damon.
Pagkaabot ko sakaniya'y napangiti ako ng mapait dahil sa nangyari saamin ni Damon. Ang huling yakap at halik niya at ang pagkakataong nakasama ko siya.
"Where are we going?" Tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot. Marahan niya akong hinili palapit sa pinto kaya't mas lumalakas ang enerhiyang humihila saakin sa loob.
Pinisil niya muna ng bahagya ang kamay ko bago kami pumasok sa loob. Nakaramdam ako ng pagkahilo kasabay ng napakaliwanag at kakaibang tunog pagpasok namin.
Unti-unting nag aadjust ang paningin ko at biglang napaawang ang aking bibig nang tuluyan kong nakita ang kapaligiran.
"Holy sh.. hold your jaw." Wala sa sarili kong sabi.
"I don't know where the hell is this place but, I think I'm in paradise. Am I?" Mahinang tanong ko.
It's overwhelming. Ang lugar na ito'y parang nag aantay talaga saakin matagal na panahon na.
Ang mga huni ng ibong malayang lumilipad sa himpapawid, mga nagtataasang puno na sinasayaw ng hangin ang kanilang mga dahon, at ang tunog ng nagraragasang tubig na nanggagaling sa talon.
"I gladly welcome you, Miss Tala, to the world were I belong."
Bigla akong napatingin sakaniya dahil sa gulat ngunit naagaw din agad ng pinasukan namin ang aking atensyon. Isa itong napakalaking bato na may nakadikit na... bato?
A stone on a stone?
Ngunit hindi lang basta bato ang nakadikit dito at hindi lang ito basta nakadikit. There's a pattern. May mga iba't ibang kulay ang bato na hindi ko alam kung para saan.
Sa gitna ng mga nagkalat na bato ay may maliit na walang laman. It's shape is odd so I can't figure out what is it.
"Nasaan tayo? This stone. Is this a portal? Does a portal even existing?"
"What the hell is going on? Kanina lang ay nasa opisina tayo." Dagdag ko at hinarap ang lalaking kasama ko.
Ang asul niyang mga mata ay sinalubong ang aking paningin. Ngayon ko mas napansin ang kakisigan at kagandahang lalaki niya.
"Welcome." Aniya kaya kumunot ang aking noo.
"Naguguluhan ako. Nasaan tayo? Anong lugar ito?"
"You'll know soon my lady. For now we should move. Trust me."
Para nanaman lumukso ang puso ko dahil sa mga salitang binitiwan niya.
Inilahad niya ulit ang kamay niya sa akin at ibinigay ko naman ang kamay ko sakaniya. Hindi ko alam kung bakit ang bilis kong ibigay ang tiwala ko sakaniya.
What's with him?
Sa paglakad namin ay may mga nadadaanan pa kaming iba't ibang klase ng bulaklak na sabi ni Sir Gerald ay may mga pang gamot at pang lason.
"Almost everything in here is balanced. Like if there is a cure there is also a poison that could kill you." Wika niya.
Marami pa siyang sinabi tungkol sa mga halaman ngunit walang tumatak sa isipan ko kundi ang halamang gamot at halaman na pang lason.
Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa nakita ko na ang sinabi niyang bahay na titirahan namin.
Sa pagkakasabi niya no'n ay maaring mag isip na ako ng kung ano ano, o dikaya'y bigyan ito ng malisya, ngunit hindi. Dahil sa gaan ng loob ko sakaniya'y hindi ko magawang isipin na gagawan niya ako ng masama.
Kung may balak siya'y sana kanina pa lang inumpisahan na niya. Maaring gamitin niya saakin ang mga halamang nasabi niya, ngunit ni isa dito'y wala.
The house is not that big. But so big for the two of us. Its designs are made of precious diamonds and gold.
Dumiretso kami sa harap ng bahay at kumatok siya sa pinto. Ilang segundo kaming nag antay bago nito iniluwa ang magandang babae.
Ang akala ko'y kaming dalawa lamang ang tutuloy dito. Mabuti na lang at may kasama kami kahit papaano.
She has an amber eyes like my sister, black hair, white and flawless skin, and a perfect body shaped like Tita Clara. I guess she's around mid thirties.
Yinakap ni Sir Gerald ang babae ng napakahigpit at ilang saglit silang ganon.
"Iha sino ka? Pa'no ka nakapunta rito?" Tanong nila nang mapansin ako sa likuran ni Sir Gerald.
"Ma si Tala, I mean Talisha nga pala."
How on earth this guy know my nickname? Is he stalking me?
"Ahhhh. I miss you." Balik ng mama niya sakaniya sabay haplos nila sa pisngi.
Nainggit naman ako bigla sa kanilang sitwasyon. Hindi ko kailanman nasubukang yakapin at halikan ang tunay kong mga magulang.
Pinapasok niya kami sa loob at pinaupo sa silya. Napaka antique ng mga gamit dito, magmula sa labas ng bahay hanggang sa loob. Ang mga kagamitan tulad ng upuan, lamesa, kagamitan sa kusina, ay gawa din sa ginto at diyamante.
Nakakabighani ang mga nakikita ko ngayon. This place is far from where we lived. Our place is full of greedy people and thieves. Makakita lang sila ng kahit katiting na ginto ay kikislap na ang mga mata nila at kukuhain ito. Kaya natuto akong huwag magtiwala sa kung sino-sino dahil na din doon.
Except these people. Ano ba ang mayron sa kanila? Is it them or me? Argh.
Nag-aral din ako ng mga kahit basic self defense kung sakaling may maglakas loob na manggulo sa akin at sa kapatid ko.
"Ano ang maitutulong ko sa iyo iha?"
Napatingin naman ako sa mama ni Sir na bigla na lamang nag tanong.
"For now, let her rest Mother. She needs strength to overcome what is waiting for her."
Tumango lamang ang mama ni Sir Gerald atsaka ngumiti.
"Tala, I mean Talisha, pumunta ka muna sa iyong silid at magpahinga. Marami kang kailangang gawin at malaman, pero sa ngayon mag pahinga ka muna" sabay turo niya sa kwarto sa gilid ko.
Tumayo na siya't akmang aalis na ng mag tanong ako.
"Ahh.. Ano pong puwede kong maitawag sa inyo?"
"Call me kuya" sabay ngiti niya. Ibang iba ang kaharap ko ngayon sa director na nakilala ko sa paaralan namin.
My world stops in a second. Hindi ko kailanman naranasan na magkaroon ng kuya o ate. I feel so overwhelmed.
Tuluyan na siyang umalis at nakita ko kung paano silang mag ina na masayang nag uusap kaya na ako tumungo sa kwarto.
Pagpasok ko doon ay hindi mawawala sa mukha ko ang pagkabighani. Ang paligid ay halos nababalot ng mga diyamante at ginto maliban sa sahig, kisame at pader na gawa sa kahoy. Sa kama, sa aparador, sa silya, sa lamesa, sa salamin at bintana, ang mga ito ay gawa sa diyamante at ginto.
Humiga ako sa dulo ng kama at pinagmasdan ang kisame. I don't know but I feel something strange here. Pagkatapak ko palang dito ay may kakaiba na akong pakiramdam, hindi ko mawari kung ano ito pero feeling ko ay napakagaan ng pakiramdam ko.