"Malapit na tayo" ani ni Damon.
Ilang oras na kaming naglalakad. Nararamdaman ko na din ang pagod ko.
"Here it is"
Napatingin naman ako sa tinutukoy niya. Isang madilim at malaking kuweba na napapalibutan ng mga nakasabit na halaman sa paligid nito. Tinungo namin iyon at pumasok sa loob.
Medyo madilim at maliit lamang ang espasyo na dinadaanan namin. May mga magkakalayong nakasabit sa gilid na bunga ng puno na siyang nagbibigay liwanag sa dinaraanan namin. Hindi ito ganon kaliwanag dahil magkakalayo ito, pero sapat na ito upang may makita kami.
Unti unti naman ng lumiliwanag ang paligid dahil sa bunga ng puno na nakasabit at lumuluwang na din ang dinaraanan namin.
"Sa'n tayo pupunta?" Tanong ko.
"There" sagot niya.
Napatingin naman ako sa tinutukoy niya.
How in the world....?
"Tala" bati sa akin ng mama ni kuya na halatang pinipigilan ang paglakas ng kaniyang boses.
Nakita ko namang may dahon na nakadikit sa tagiliran ni kuya na sa pagkakaalala ko ay do'n siya nasaksak.
They're alive.
"I thought we will never see you again" dahan dahan namang tumayo si kuya sa pagkakaupo at naglakad papunta sa direksyon ko.
Niyakap niya ako ng napakahigpit at nakita ko naman ang mama niya na sumunod papunta sa akin. Niyakap nila ako ng napakahigpit.
"I guess we can continue our discussion here" wika ni kuya na kumalas na sa pagkakayakap sa akin.
"Yeah. Marami kang dapat malaman tala" dagdag naman ng mama niya.
Tinignan ko naman si Damon na parang nagtatanong.
Hindi ko alam kung pa'no niya sila nahanap. Hindi ko alam kung pa'no siya nakapunta dito. Hindi ko din alam kung papano niya ako nahanap.
Hinila ako ng mama ni kuya papunta sa malaking bato at pinaupo doon. Umupo din silang tatlo sa iba pang bato. Sinindihan naman ni Damon ang mga kahoy sa gitna namin. Bahagya ko namang inilapag sa gilid ko ang espadang hawak ko.
"This might be a little confusing Tala, kaya makinig kang maigi." sambit ng mama ni kuya.
"This place is what you called Hepta Perfectus Locus or the perfect seven. But some living in here didn't know the real name of this place, so they call it Amantra Devada."
"Amantra Devada has seven empires but I will only say the two, Orchian Empire and Quindoma Empire. This two empire has a prolonged feud because of its ruler. Hindi ko alam kung ano talagang dahilan kung bakit masyadong mahigpit ang pag aaway ng dalawang emperyo, ang alam ko lang ay dahil dito'y napilitan ang iba't ibang namumuno sa kani-kanilang emperyo na lagyan ng harang ang hangganan ng Orchian at Quindoma para maprotektahan ang nasasakupan nila."
"The Emperor of Orchain Empire is, Emperor Marcus, while the Quindoma Empire is Emperor Caesar. We are in Quindoma Empire. This Empire has four kingdoms who ruled by the kings or queens; Xenia Kingdom, Bravilya Kingdom, Ceba Kingdom and Voreen Kingdom. Ang hari ng Xenia ay si Haring Claurio, sa Bravilya naman ay si Haring Steven, sa Ceba naman ay si Haring Deven at sa Voreen naman ay si Haring Arthur. We belong to the kingdom of Ceba, which means our king is King Deven."
"Here in Quindoma, you can find three types of witches; white witch, black witch and gray witches. We are witches Tala, but we are not bad. Those three types of witches has there own leader; Baron in white witch, Andy in black witch and Tyler in gray witch." Pagtutuloy niya.
"Ok so, to make it short. You're here on Quindoma Empire in kingdom of Ceba ruled by our king, King Deven." Ani ni kuya.
"Ang tatlong hari- king Deven, Claurio at Steven ay gumagawa ng paraan para mapaalis sa trono ang emperor ng Quindoma. Ayaw kasi nilang dinidiktahan at ang gusto nila ay magawa ng malaya ang masama nilang binabalak. Tutol si haring Arthur sa plano nila no'ng inalok siya ng tatlong hari. Wala namang magawa si haring Arthur dahil masyado silang marami para pigilan ito."
"Bakit? Dahil kanang kamay ni haring Deven ang leader ng black witch na si Andy. Hindi naman masabi ni haring Arthur sa emperor dahil hindi lamang ito maniniwala dahil mataas ang tiwala niya kay haring Deven." Sagot nila sakanilang tanong.
"Ang balak ng tatlong hari ay kung napaalis na nila ang emperor, si haring Deven ang papalit atsaka niya ipapapatay ang emperor ng Orchain na si Emperor Marcus. Gusto niya kasing pag isahin ang dalawang emperyo atsaka siya ang mamumuno dito." Anila.
"Pero hindi naging maganda ang balak niya." Dagdag din nila agad.
"May anak kasi si haring Deven na si Prinsipe Leon at si haring Claurio naman na si Prinsesa Rowena. Gusto nilang ipakasal ang dalawa upang magkaroon ng matinding koneksyon ang kanilang kaharian. Hindi kasi puwedeng ikasal o dikaya'y makipagsumpaan sa iba ang hari. Kung nagsama ito ay lalakas ito at makakayanan nilang isama ang isa pang kaharian na kaharian ni haring Steven."
"Mas magiging madali para sakanila na patalsikin si Emperor Caesar sa kaniyang puwesto dahil nagsanib pwersa na ang kapangyarihan nila bilang hari."
"Dito kasi sa mundo namin, kung napagdisisyunan ng mga hari at ang mga nasasakupan nito na palitan ang Emperador ay magagawa nila, kung marami na silang may gusto na palitan." Sabi nila ulit.
"Ngunit may Hepe pa ring tinatawag na kasama ng Emperador o Emperatris, pero hindi ko na ito pagtutuunan ng pansin." Anila.
"Si Prinsipe Leon at Prinsesa Rowena ay tutol sa kagustuhan ng kanilang ama, dahil hindi nila gusto ang isa't isa. Si Prinsipe Leon ay nagkagusto sa isang white witch at si Prinsesa Rowena naman ay sa isang bampira. Isang napakabigat na kaparusahan ang matatanggap ng isang may maharlikang dugo kapag nagkagusto ito sa isang pangkaraniwang nilalang." Patuloy nilang wika.
"Hindi alam ng dalawang hari na may ibang gusto ang kanilang anak." Singit ni kuya.
"Ang nagustuhan ni Prinsipe Leon ay ang anak ko na si Granada." Ani ng mama ni kuya. Nakita ko naman ang pagpipigil nila sa kanilang mga luha.
Napatingin ako kay kuya na biglang nagbago ang aura. Makikita mo ang galit sakaniyang mga mata. Hindi ko alam kung nararamdaman niya pa ba ang mga sugat niya sa lagay niya ngayon.
"Both Prince Leon and Granada are secretly meeting each other at dusk til midnight. Gabi gabi hinahanap ko si Granada, pero hindi ko siya makita. Sa umaga ko na lang ulit siya makikita na tulog na tulog sa kaniyang kwarto. Ilang buwan na ganon ang ginagawa niya hanggang sa umamin siya sa akin na kinikita niya ang isang prinsipe. Hindi ako nagalit sa kanila dahil nakikita ko sa kanilang dalawa na nagmamahalan talaga sila. Pinapatuloy ko pa nga ang prinsipe sa tahanan namin para hindi na sila umalis at baka mapahamak pa sila." Sabi ng mama ni kuya na parang inaalala lahat ng mga 'yon.
Bakit nila ito kinukwento saakin?
"Nalaman ni haring Deven na may namamagitan sakanila ni Granada kaya pinadakip niya ang anak ko atsaka niya kinulong sa ilalim ng kaharian nila. Nalaman 'yon ni prinsipe Leon kaya gumawa siya ng paraan para maitakas si Granada. Dinala niya ang anak ko sa akin atsaka siya bumalik sa kaharian nila para hindi na siya madamay. Itinaya niya ang buhay at kasiyahan niya para sa anak ko. Pero hindi pa doon natatapos ang lahat." Bahagya namang tumigil ang mama ni kuya atsaka nagpakawala ng malalim na paghinga.
Maybe it's a part of the story. Ngunit parang narinig o nakita ko na yung pangalang 'Leon'.
"Buntis si Granada at ang ama ay si Prinsipe Leon. Itinago namin 'yon hanggang sa maipanganak niya ang isang batang babae. Nalaman ito ng prinsipe kaya pinilit niyang kumbinsihin ang kaniyang ama na hindi siya payag na ikasal sa taong hindi niya naman mahal." Pagtuloy nila.
"Isang araw bigla na lamang dumating ang prinsipe sa bahay namin at gusto niyang hingin ang kamay ni Granada sa akin. Tinanong ko siya kung alam ito ng hari pero sinabi niyang walang nakakaalam nito kundi kami-kami lamang. Pumayag ako kasi alam kong hindi niya pababayaan ang anak at ang apo ko, hindi naman ako nagkamali doon. Nagpunta sila sa malayong lugar, walang may alam ni isa sa'min kung saan sila tumungo para tumira. Nagtagal ang samahan nila ng mahigit dalawang taon. Bumalik sila sa bahay na may dalang tatlong bata" hindi naituloy ng mama ni kuya dahil bahagya ito napaiyak.
"Tatlong anak nilang babae na napakaganda."
"You can stop now if you want, ma." Sabi ni kuya.
"I'm ok." Sagot nila atsaka ulit nagpatuloy.
"Nalaman ni Haring Deven na nando'n sila sa tahanan ko dahil kay Andy. Humingi naman ng tulong ang prinsipe sa kaibigan niyang si Haring Arthur. Si Granada naman ay humingi ng tulong sa iba pang white witch." Tumigil sila ulit atsaka pinunasan ang mga luha.
"Pinaalis kami ni Granada at ng Prinsipe papunta sa liblib na lugar. Ang sabi niya susunod sila doon pag natapos na ang laban nila. Masyado pang bata si Gerald no'n kaya wala siyang nagawa kundi sumunod sa utos ng ate niya. Nagtungo kaming dalawa sa sinasabi niyang lugar at nag antay sakanila. Pinang hawakan ko ang sinabi ng kaniyang kapatid na susunod sila sa amin kaya't hindi ako bumalik sa dati naming tahanan para tignan sila. Nakalipas ang ilang araw hanggang sa naging buwan at naging taon ay hindi pa sila sumusunod sa amin." Naiyak ulit siya at ngayon ay hindi na siya makapagsalita.
Hinaplos naman ni kuya ang likod ng mama niya at marahan itong pinapatahan.
"Bumalik ako doon sa dati naming tinitirahan at nakita ko lamang ang matalik na kaibigan ni Granada na si Lara. Sinabi niya lahat ang nangyari. Hindi ako naniwala no'ng una kasi sobrang sakit. Hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng lakas no'n noong nalaman ko 'yon. Bumalik ako kay Gerald kasama ang kaibihan ni Granada. Doon kami namuhay na tatlo. I need to be strong back then for my son, Gerald. I need to be ok even if i'm falling apart. Hindi ko puwedeng ipakita kay Gerald na wasak na wasak ako dahil tungkulin ng ina na maging matapang at malakas para sa kanilang anak."
"But now. He's old enough and we're both wreck."
"I'll let them pay for it, ma. Don't worry." Wika agad ni kuya kahit kita pa rin sakaniya ang iniindang sakit galing sa sugat sakaniyang tagiliran.
"Ilang taon ang lumipas nang umalis si Lara papunta sa hindi ko alam na lugar. Sinabi niya na may kailangan siyang puntahan at hindi muna siya makakabalik ng maraming taon. Hindi ko naman siya pinigilan doon kahit ayoko siyang umalis dahil karapatan niya pa rin ito."
"Hanggang ngayon ay wala pa din akong balita sakaniya." Dagdag nila.
"'Yong tatlong anak po nila?" Biglang tanong ko.
Ngayon lang ako nakapagsalita sa haba ng sinabi nila sa akin. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. Napaka komplikado, ang sakit din ng puso ko. Hindi ko alam kung anong meron dito, para itong pinipiga.
Hindi ko alam kung nakasama ba sila sa laban. Hindi ko alam kung buhay pa ba sila o patay na. Naawa ako sakanilang tatlo. Wala silang kamuwang muwang sa mundo pero nadamay pa rin sila.
"No'ng pinaalis kami ni granada ay wala na akong balita sa mga apo ko. Alam kong buhay pa sila ngayon dahil kilala ko si Granada at ang Prinsipe. Gagawin nila ang lahat para sa mga anak nila..... kahit buhay pa nila ang nakasalalay dito." Pagkasabi niya non ay tumulo nanaman ang kaniyang mga luha.
Bigla namang kumirot ang puso ko pero hindi ko ito pinahalata sakanila. Masyado akong nasasaktan sa nangyari sa pamilya nila. Nahihirapan na din akong huminga.
"Pero gumagawa si haring Deven ng paraan para mahanap ang anak ni prinsipe Leon para patayin ang mga ito." Dagdag niya habang umiiyak.
"Masyado ng malalim ang gabi. Mag pahinga muna tayo." Biglang sabi ni kuya.
Alam kong sinabi niya ito para pakalmahin ang kaniyang ina. Iyak ng iyak ang mama niya at alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa din sila, lalo na't walang hustisya ang pagkamatay ng anak niya at ng prinsipe.
Masyado ng malim ang gabi at ramdam ko na din ang pagod ko, ngunit sobrang sakit ng puso ko.
"Matulog na din kayong dal'wa. Alam kong napagod kayo sa lakad niyo." Wika ng mama ni kuya nang makahiga sila.
Ilang minuto ang lumipas at nakita ko silang payapa ng natutulog. Napatingin naman ako kay Damon na nakatulog na sa kaniyang kinauupuan, pero hindi ko gaano maaninag ang kaniyang mukha dahil wala na halos liwanag. Ang mga kahoy na sinindihan niya kanina ay ngayo'y usok na lamang ang ibinibigay.
Napagdesisyunan kong lumabas muna upang magpahangin. Sobrang daming nangyari at nangyayari kahit wala pa akong isang taon dito.
Parang kailan lang ay nag rereview ako para maabutan si Luna at maging Top 1.
Kamusta na kaya sila? Sana ay ayos lamang silang dalawa ni tita Clara.
Hindi ko alam kung ano pang nagaantay sa aking problema. Sana naman ay makayanan ko 'to. Ngayon pa nga lang ay nahihirapan na ako.
Parang kahapon lang ay nasa bingit na ako ng kamatayan.
Hindi ko maamin sa sarili ko pero natatakot ako na baka maulit 'yong nangyari sa akin kahapon. Baka hindi lang sugat sa beywang at ulo ang matatamo ko, baka kamatayan na. Baka sa susunod masusundo na talaga ako ni kamatayan.
Masyado akong naguguluhan sa mga nangyayari.
Napakaraming katanungan ang gusto kong masagot. Pero hindi ko alam kung papano ko 'to masasagot. Hindi ko talaga alam kung saan ako kukuha ng kasagutan.
This moment, I want to be free. Free from aches, responsibilities and all. I want to escape this cruel world for a while.
Biglang nakuha ng magagandang mata na nasa dilim ang aking atensyon.
Pa'no siya nakapunta dito?
"Hey baby, come here." Mahinang tawag ko kay Ana. Hindi ko alam kung bakit niya ako nahanap.
"How'd you get here?" Tanong ko. Huli ko siyang nakita no'ng nasa gilid kami ng talon ni kuya.
Napatawa naman ako ng mahina nang mapagtanto ko na hindi naman nakakapagsalita ang tuta.
"Because of me."
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Nakatayo ito sa may makapal na sanga ng puno habang nakatingin sa akin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"I found her beside the waterfalls" Aniya atsaka tumalon pababa ng puno. Naglakad ito papunta sa harap ko atsaka ngumisi.
"Buhay ka pa pala." Mahinang wika ko kasabay ng marahang pagtawa.
"Ganiyan mo ba talaga ako babatiin... little lady?" Tanong niya na parang nadismaya sa sinabi ko.
"Bakit kayo nandito? Pa'no niyo ako nahanap?" Tanong ko.
"It's a long long story. Ayoko ng mag kuwento, kaya buti pa ay wag ka ng mag tanong" tugon niya kaya tumaas ulit ang aking kilay.
"How are you? Long time no see." Pag iiba niya.
"I'm fine" tipid na sagot ko.
"Do you want to come with me?" Tanong nito.
Napatingin naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero pansin ko sa mukha niya na parang napakalungkot nito.
"Sure" sabi ko na lang. May tiwala naman ako sakaniya kahit may pagka-sira ang ulo niya.
"May I?" Tanong niya at inilahad ang kaniyang kamay.
Ibinigay ko sakaniya ang kamay ko at nakita ko siyang ngumisi ng napakalapad.
"Ipagkakaloob ko sa'yo ang kaligtasan ng buhay ko. Wag mo sanang sirain ang tiwala ko."
"Of course. I value your trust." Wika niya.
Inilapag ko muna si Ana atsaka kami nag lakad papunta sa kakahuyan. Wala akong nararamdamang kaba tuwing kasama ko siya. Pareho sila ni Damon... I feel secured when i'm with'em.
Kasama ko nanaman 'tong gwapong nilalang na'to.