Chapter 10

2096 Words
"Hoy!" Rinig kong sigaw ng kung sino. Napahawak naman ako sa aking ulo na sobrang sakit. "Hoy gumising ka na jan!" Sigaw niya ulit. Pinilit kong ibukas ang mga mata ko kahit sobrang bigat nito. Nakahiga ako sa malamig at matigas na sahig ngayon. May posas din ang dalawang kamay at leeg ko. Damn it! Ang sakit ng ulo't beywang ko. "Hoy wag ka ng magiinarte diyan. Bumangon ka na kung ayaw mong ako na mismo ang gagawa!" Sigaw ulit niya. Naka suot siya ng pang kawal at may nakasabit sa beywang niyang katana. May hawak naman itong tray na sa tingin ko ay pagkain para saakin. Pinilit kong umupo kahit nanghihina ang katawan ko. But these freaking chains are making it even worse. Mas nahihirapan akong gumalaw dahil sa mga ito, isama mo pa ang matinding sakit ng mga sugat ko. "Kaya mo naman pala bumangon, pinapatagal mo pa. O heto ang makakain mo!" Sigaw niya atsaka iniabot ang tray na may lamang pagkain sa akin. Lumakad na siya at isinarado ang pintuan na tanging mata lamang ang makikita doon. Tinignan ko naman ang paligid. Nasa isang madilim at walang maski bintana ang kinalalagyan ko ngayon. Nasaan ako? Napapikit ako bigla dahil sa hapdi ng beywang ko at sa sakit ng aking ulo. Tinignan ko ito at nakitang ang mga dugo kong umagos ay natuyo na ngunit hindi pa rin ito nagsasara ng tuluyan. Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sa pagkirot. May nahawakan akong basa at nang tignan ko'y mga dugo. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko din maalala ang nangyari at hindi ko alam kung saan ko nakuha ang mga sugat ko. "f**k" Napadaing ulit ako dahil sa sabay nitong pagkirot. Hindi ko alam kung may mahihingian pa ba ako ng tulong, wala ni isang butas sa kwartong ito kundi ang pintuan lamang. Masyado na din atang maraming dugo ang nawala sa akin. I need to escape, but how? Napatingin ako sa kwintas ko nang kumislap ito ng maliit. Pinilit ko itong hawakan gamit ang dalawa kong kamay na nakaposas. Tita Clara. Gusto ko ng bumalik sakanila. Ayoko na dito, gusto ko ng umuwi. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung may tutulong pa ba sa akin. Hindi ko alam kung katapusan ko na ba. Nawawalan na ako ng pagasa. Gusto kong tumakas pero hindi ko alam kung papa'no at kung makakaya ko pa ba. Hinawakan ko na lamang ng mahigpit ang pendant ng kwintas ko. Hindi ko alam kung pa'no ako makakaalis ng buhay dito. Masyadong masakit ang aking katawan. Lalo itong lumiwanag at sa hindi ko malamang dahilan ay naalis ito sa aking leeg. Binitiwan ko ito at lumutang papunta sa harapan ko atsaka ito lumaki ng lumaki hanggang sa naging totoo. Lumaki ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon. My necklace is real. It's f*****g real! It's freaking longsword! Hindi na ganon ang kulay nito. The grip right now is made of black diamond, and the blade is made of shining amethyst. How in the world did this happened? Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Saan ba 'to kinuha ni tita clara? Napakaganda. Ang talim nito ang dahilan kung bakit bahagyang gumuhit ang aking mga labi. Nagkaroon naman ako ng pagasa. Nanginginig kong kinuha ang longsword at ginamit 'yon bilang alalay sa aking pagtayo. Nang makatayo ako ay hinarap ko ang mga chains na nakasabit sa akin. Please maputol ka. Buong lakas kong pinutol ang mga chains na naka sabit sa akin. Namamangha ako dahil sabay sabay itong naputol. Inipit ko naman sa aking tuhod ang longsword na hawak ko atsaka idinikit doon ang chains na nasaaking kamay. Hindi ako nagbigay ng lakas dito pero naputol ito ng maidikit ko ito sa blade. Pinilit kong tumayo ng maayos at hinawakan ng mahigpit ang espada. Hindi ko alam pero nang nahawakan ko ito ay may bigla akong naramdaman na kakaibang enerhiya na pumasok sa aking katawan. Nanggaling ata ito sa longsword. Napatingin ako sa may beywang ko na unti unti ng sumasara ang mga hati. Hindi ko alam kung may kapangyarihan ba ang longsword na hawak ko ngayon, pero nagpapasalamat ako. Sumilip ako sa may butas ng pintuan para tignan kung may mga nagbabantay, ngunit wala. Agad kong idinikit ang blade ng espada sa may doorknob at dahan dahan itong sinira. I can escape from this freakin' place. I just need to be strong and alert. Nakayuko akong lumabas at alertong tinatahak ang tahimik na koridor. May iba't ibang kulungan katulad ng presohan at ganon sa pinanggalingan ko, ngunit walang nasa loob. Nakakapagtaka lang dahil wala akong makitang nagbabantay dito. Asa'n kaya sila? Mga ilang minuto akong naglakad hanggang sa marating ko ang isang mataas na pintuan- gawa ito sa makapal na kahoy at may mga itim na bakal na nagsisilbing disensyo. Nakarinig naman ako ng ingay sa loob. Mga taong nagkakasiyahan at nagkukwentuhan. "Everyone make some noise!" sigaw ng lalaki nang idikit ko ang aking tenga upang makinig. Narinig ko namang naghiyawan ang mga tao. "We have the child of a former prince!" Muli nanamang nagsigawan at kasabay ng palakpak ang mga tao. "One more and our king will be an emperor of this empire!" Sigaw ulit nito. Naghiyawan nanaman ang mga tao. "His Majesty will be the most powerful emperor in this entire world" "They're going to bow down to us." Dagdag niya. This time sobrang lakas na ng palakpakan at sigawan ng mga tao sa loob. Hindi ko naman alam kung ano ang sinasabi nila. Anong Empire ang pinag uusapan nila? Wala naman akong mapapala kung makikinig ako dito sa mga 'to. Kailangan ko ng makatakas habang abala pa sila sa kasiyahang ginagawa nila. Baka biglang may makakita sa'kin dito, lagot na. Naglakad na ako pabalik kung saan ako nanggaling kanina. Wala akong madadaanan dito sa mga pintuan, kaya't sa bintana na lamang ako dadaan. Naghanap ako ng bintana sa bawat nadadaanan ko at sa may di kalayuan ay may nakita ako. Hindi siya gaano mataas kaya't maingat ko itong inakyat para hindi gumawa ng ingay. Nasa ikatlong palapag ako pero kaya ko naman 'tong talunin. Binati ako ng madilim na kapaligiran at malamig na simoy ng hangin nang makatalon ako. Halos walang punong nakapalibot dito kaya't madilim ang paligid. Inilibot ko lamang ang mga mata ko, nang wala akong makitang bantay ay nagumpisa na akong tumakbo. Hindi ko alam kung nasaan ako at kung paano ako nakapunta dito. Hindi ko din alam kung saan ako dadaan at kung saan ako pupunta para makatakas dito sa kastilyo. Bahala na kung saan ako mapupunta. Habang tumatakbo ako ay bigla kong naalala ang mga nangyari sa'min nila kuya at ang mama niya. Unti unti ng dumadami ang mga puno kaya't medyo nabibigyan na ng liwanag ang dinadaanan ko. Nakalayo na siguro ako? Napahinto naman ako sa isang puno nang may maramdaman akong kakaibang enerhiya sa paligid. Maingat akong umupo atsaka ko hinanap ang pinanggagalingan ng enerhiyang 'yon. Nakita ko ang isang matangkad na lalaki at ang isang babae na naglalakad papunta sa pinanggalingan ko kanina. "Kailangan mo ng mag punta sa loob, Agnes. Huwag ng matigas ang ulo" sabi ng lalaki. I think I heard his voice somewhere "Sino ka para utusan ako?" Sagot naman nung Agnes. May kakaibang enerhiya dito sa babae pero hindi ko alam kung ano. "I'm your bestfriend" sagot naman ng lalaki. "Halika na kasi. Baka mapatay nila ako" dagdag pa nito. Padabog namang naglakad ang babae at sumunod doon ang lalaki. Hindi ko alam pero may kakaiba akong naramdaman no'ng tignan ko 'yong babae. Parang may kung ano sa pagitan namin at hindi ko alam kung ano. Noong makalayo na sila ay tumayo ako para tumungo kung saan sila nanggaling. Baka daan 'yon palayo dito. Nagulat ako ng biglang may magtakip ng bibig ko at ipinulupot ang kaniyang braso sa akin upang hindi ako makapalag. Nag pupumiglas ako hanggang sa mabitawan ako nito. Kinuha ko 'yong oras na iyon para umikot at itutok ang espada sa leeg niya. Hindi ko makita ang mukha nito dahil sa itim na telang bumabalot sa kaniyang mukha. Kikitilin ko na sana ang buhay niya ng magsalita siya. "Tala, it's me" I frozed when I heard his voice. Maingat niyang inalis sa kaniyang leeg ang aking espada. "Its's been a while. I missed you so much" sabi nito at yinakap ako ng napakahigpit. Hindi ako makapaniwala. Is this a f*****g dream? Pagkatapos niya akong yakapin ay inalis niya ang nakatakip sakaniyang mukha. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko atsaka pinag dikit ang noo namin. I can hear his breathing and even smell it. "I'm sorry." Aniya at tinitigan ang aking mga mata. Inilapat niya ang mga labi niya sa tuktok ng ulo ko at nagsalita ulit. "I thought I'll never see you again" marahang wika niya atsaka ako hinalikan sa noo. "Please talk" Hindi ako makapagsalita. Parang umurong ang dila ko at nawalan ako ng boses. "Tala" sambit niya ulit at hinalikan ako sa ilong. Ibubuka ko na sana ang bibig ko ng takpan niya ito gamit ang dalawa niyang hinlalaki. Inilapit niya ang mukha niya hanggang sa maglapat ang mga labi namin. Hindi ako makagalaw. Para akong tuod sa kinatatayuan ko ngayon. Dahan dahan niya itong ginalaw at ramdam ko ang halo halo niyang emosyon. Hinawakan ng isang kamay niya ang batok ko, at ang isa naman ay sa gilid ng ulo ko. I f*****g miss him. I really do. Ipinikit ko ang mga mata ko at tumugon sa mga halik niya. I missed him. Nakipagsabayan ako sa ritmo ng kaniyang nakakalunod na paghalik hanggang sa dahan dahan na niyang binubuksan ang mga butones ko. Ibinalik niya ulit ang isang kamay niya sa batok ko, samantalang ang isa ay nakapulupot sa aking beywang. Bahagya niya naman akong binuhat ng hindi pa din napuputol ang mga halik namin sa isa't isa. Wala na akong pakialam sa paligid ko. I missed everything about him. Ipinulupot ko ang mga hita ko sa beywang niya habang patuloy pa rin kami sa paghalik. Naramdaman ko naman ang pagdapo ng likod ko sa puno. Masyado ng nagliliyab ang katawan ko. Hindi sapat ang malamig na hangin sa init ng katawan namin. "I missed you" Aniya at inangkin ulit ang mga labi ko. "Damon" I moaned his name. Mas nilaliman niya ang mga halik niya atsaka dahan dahan itong bumababa papunta sa aking leeg. "I missed you too" I moaned again. Diretso lang siya sa paghalik niya sa aking leeg. "Damon" I moaned his name again. Pababa na ang mga halik niya papunta sa dibdib ko. Masyado na akong nag iinit. Pinapakiramdaman ko ang mga maiinit niyang halik sa aking dibdib. Ang mga dila niyang kung saan saan napupunta. Ang mga kamay niyang abala sa pagbukas ng natitira ko pang butones. Kung magpapatuloy pa kami, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Masyado pang maaga para gawin namin 'to. Hindi pwede. "This isn't the right time Damon" aniko. Tuluyan na niyang nabuksan lahat ng butones ng kasuotan ko at nararamdaman ko ang malamig na hangin na humahampas sa aking balat, ngunit hindi ito sapat para labanan ang init ng katawan ko. Hindi pwede 'to. Kailangan kong pigilan ang aking sarili. Hindi niya naman napansin ang sinabi ko kaya nagsalita ulit ako. "Damon" pagkuha ko ng atensyon niya. Napatingin siya sa akin ng ilang segundo atsaka ako marahang ibinaba. "I'm sorry" aniya at inayos ang kaniyang damit. Isinara ko naman ang mga butones ng suot ko upang harapin siya. Masyado pang maaga para gawin namin 'to. Hindi pa puwede. Marami pang problema na kailangan kong masolusyunan. "Paano mo ako nahanap?" Tanong ko ng masara ko na ang huling butones ng aking damit. Hindi ko alam kung pa'no siya nakapunta dito at kung papa'no niya ako nahanap. "It's a long story. We should move first before we get caught." Mahinang wika niya. Ibinalot niya ang itim na tela sa mukha ko na kanina ay nakatakip sa mukha niya. "We'll continue this Tala" "In the right time.... and in the right place" dagdag niya at tinignan ang likuran ko. Nag init naman ang mukha ko sa sinabi niya. Alam ko ang tinutukoy niya. This isn't the right place to make love. Ito ang kuta ng mga kalaban, at hindi namin dito gagawin ang muntik na naming gawin kanina. Damn it Damon. How could you do this to me. Hinalikan niya muna ang tuktok ng ulo ko at hinawakan na ang kamay ko. Tinahak naming dal'wa ang madilim at matarik na daan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD