Chapter 12

2657 Words
"Sakay" Nakaupo siya ngayon at inaantay akong sumakay sa likuran niya. "Ayoko mabigat ako." Mariin ko namang sagot. Alam kong kaya niya akong buhatin pero natatakot kasi ako. Hindi ko pa nasubukan magpabuhat. "Sasakay ka sa likod ko o ipapasakay kita sa ibang parte?" Tanong niya ng may mapagbirong ngiti sa kaniyang mga labi. Namula naman ako sa sinabi niya. "Manyak!" Malakas kong wika. "Sumakay ka na kasi. Akala ko ba matapang ka? Tapos may tiwala ka naman sa akin diba?" Wala naman na akong nagawa kundi sumakay. Ipinulupot ko ang dalawang braso ko sa leeg niya at pumikit ng madiin. "Tala hindi ako makahinga" hirap niyang sambit kaya ako napabitaw bigla. Pa'no niya nalaman ang pangalan ko? Sa pagkakatanda ko'y hindi ko sinabi ang pangalan ko sakaniya. "Pa'no mo nalaman ang pangalan ko?" "I have my ways" sagot niya na parang manghang mangha kung papano niya nalaman ang pangalan ko. Akmang lalakad na ako paalis ng hawakan niya ang dalawang braso ko papunta sa leeg niya atsaka siya tumalon sa mataas na sanga ng puno. "f**k!!" Sigaw ko. Nakasakay ako ngayon sa likod niya at kitang kita ko ang pag dapo ng mga paa niya sa sanga ng puno. Tumalon ulit siya papunta sa isa pang sanga ng puno. Napakapit na lang ako ng mahigpit sa kaniya at napapikit. "Damn it Jack! If I die I would f*****g swear that I'll kill you at any cost! YOU JERK!!" Sigaw ko ng hindi pa din binubuksan ang mga mata. Hindi ko kayang tignan ang pagtalon niya sa iba't ibang puno. Natatakot ako. "Come on Tala. Open your eyes....little lady" Aniya at patuloy lang sa pag lipat lipat ng puwesto. "I f*****g cant!" Sagot ko ulit. Parang malalaglag ang puso ko o maiiwan kung bubuksan ko ang mga mata ko para tignan ang ginagawa niya. "Trust me" sambit niya. I can feel his assurance on his tone. Hinigpitan ko ang pag hawak ko sa leeg niya at dahan dahang binuksan ang mga mata ko. Tumingin ako sa ibaba at nakita kong napakabilis ng mga galaw niya. Tumingin naman ako sa gilid ko at hindi ko na halos makita ang paligid dahil sa bilis namin. Tumakbo siya ng mabilis na parang nasa lapag lamang kami at nagpa-palit palit ng mga sanga na tinatapakan. Tumalon naman siya ng napakataas papunta sa isa pang mataas na puno. Patuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa bahagya itong yumuko na parang kumukuha ng bwelo. "Do you trust me?" Tanong niya. "I f*****g do. Don't let me die" sagot ko naman. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kaniya. Tumalon siya ng napakataas at humawak sa manipis na sanga ng puno. "Wow" wala sa sarili kong sabi nang bumungad saakin ang tanawin. Napakaganda ng paligid. Kitang kita mo ang malawak na kagubatan sa ibaba at ang napakagandang kalangitan naman sa itaas. Halos abot kamay mo lamang ang mga bituin at ang buwan sa kinalalagyan namin ngayon. "Nagpupunta ako dito kung masyado akong maraming iniisip. Para sa akin, tuwing tumitingin ako sa kagandahang tinataglay nila ay nabibigyan ako ng kasagutan.... and peace of mind." "Everytime the world is mad at me, I simply look at these precious view." Wika niya. "They're beautiful" sabi ko sakaniya ng hindi man lang inaalis ang mga tingin sa kalangitan. Kitang kita mo ang bawat puno sa ibaba dahil sa liwanag na nagmumula sa bunga nito. Para silang christmas lights dahil sa iba't ibang kulay ng liwanag ng mga bunga ng bawat puno. "Hey. Do you want to see more?" Pagkuha niya ng atensyon ko. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "There's more?" Nakita ko sa gilid ng mukha niya ang pagguhit ng mga ngiti sa kaniyang labi. "Hindi naman ako magtatanong kung wala." sambit niya at bahagyang tumawa. Napakapilosopo talaga nitong lalaking 'to. Inayos niya naman ang pagkakabuhat sa akin atsaka nagsalita. "Hold me tight. This is going to be fun" Nakita ko ulit sa gilid ng mukha niya na may malapad na ngiti. Niyakap ko siya ng napakahigpit at ipinulupot ko ang hita ko sa kaniya. Natatakot ako dahil hindi niya ako hinahawakan. Nakasalalay ang buhay ko ngayon sa hita't braso ko. Tumalon siya sa isang puno at nag umpisa ng tumakbo. Naging mas maliksi ang mga galaw niya kaya't hindi ko ito masundan ng tingin. "f**k this world!!" Sigaw nito habang nakangiti. "You can shout all you want and say all you want to say. No one's gonna hear us anyway." Sambit niya sa akin habang tumatakbo. "Why is everything always against me?! why am I always being left behind?!" Sigaw niya ulit. "Damn this f*****g unfair world!" Sigaw ko naman. "This world sucks!" Sigaw ko ulit. "This world can't stop me from my decision!" Sigaw naman niya. "I am freakin' strong! I dont need anyone!" Sigaw ko. "We are free! it's our f*****g life!" Sigaw niya. "It's our freedom!" Dagdag ko naman. Ngayon ko lang naramdaman ang kalayaan ko. Para akong lilipad sa sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon. "I can decide on my own! It's my f*****g life! I f*****g dont care!" Sigaw niya. Hindi ko alam pero ramdam ko na sobrang bigat at sakit ang dinadala niya. Sa mga binibitiwan niyang salita ay ramdam ko 'yon. Tumigil siya sa taas ng puno at dahan dahan siyang tumalon pababa. Kinalas ko naman ang pagkapit ko sakaniya at ibinaba ang nanginginig kong mga paa sa lupa. Inalalayan niya naman ako at hinawakan. "We need to walk" wika niya. Ambilis naman mag bago ng mood nito. Daig pa ang babae. Hinila niya ako ng marahan papunta sa kung saan. Naglakad kami hanggang sa marating namin ang bangin. Hinampas ng malamig at malakas na hangin ang buhok ko. Napatingin naman ako sa dagat na kaharap namin ngayon. I can see the moon over the horizon. I can even see the blurred and dark reflection of sky in water. Napakatahimik ng paligid. Ang tanging maririnig mo lamang ay ang mga alon at malakas na hangin. Bahagya naman akong naupo at kasunod no'n si jack na umupo sa gilid ko. "This is so damn beautiful" Aniko sa kawalan. Wala akong masabi sa ganda nito. Sitting here and just stare at these beautiful place is so damn perfection. Staring at these beautiful sky and hear those calming waves coming from the sea is all I want. Napawi lahat ang mga napagdaanan ko nang masilayan ko ang magandang tanawin na nasa harapan ko ngayon. "This is my secret place......my escape. But now, it's ours." Sambit niya na nakatingin lang sa dagat. I guess beautiful things don't ask for too much attention. Hindi nila kailangan ng maraming atensyon para masabing maganda ito. Kung tunay nga talaga silang maganda ay mananahimik lamang sila at hahayaang may maka-appreciate nito; Like this place. I realized that precious things like this is so hard to find. Palagi na lamang kasi akong nakakakita ng mga bagay na wala rin namang pinagkaiba sa isa't isa. Naramdaman ko ang pagpapakawala ng malalim na paghinga ni jack. "Could you be my bestfriend?" Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko 'to inaasahan na manggagaling ito sakaniya. "Of course." Tugon ko. Magaan naman ang loob ko sakaniya. Besides, hindi niya ako pinapabayaan tuwing kasama ko siya despite those argument we have done. "Pinapangako ko na lagi akong nandito kung kailangan mo ako. Just call my name and I'll be there...." "Also, don't be afraid to be yourself when you're with me, I know you're just pretending to be tough. I'm saying this oath to you because you're my bestfriend now." Siya lang ang taong nagsabi sa akin ng ganiyan. May mga kaibigan ako pero hindi ko pinapakita na mahina ako, kahit kanino ay hindi ko pinapakitang mahina ako. Lumaki akong kailangang maging malakas, at hindi ko na maharap na maging mahina at umiyak kasi may mga pinorpotektahan akong taong mabilis panghinaan ng loob. Kung makikisabayan ako sakanila ay wala na kaming magagawa, kaya't kailangan kong ipakitang malakas ako para sakanila. And they all know that Talisha is a badass and strong, kaya't kailangan kong panghawakan iyon. "Ganon din ako sa'yo. I'll accept your true self, so don't worry. Andito lang ako kung kailangan mo ng mapagsasabihan ng dinadala mong problema. I can be whatever you need but..." "I can't be your wife nor lover." Patawang dagdag ko. Hindi siya sumagot ng ilang minuto at nagpakawala ulit ng malim na paghinga. "Thank you. Thank you for this night. Thank you for your time. Thank you that you trust me." Aniya nang hindi pa din inaalis ang mga tingin sa dagat. Tinignan ko naman siya. Hindi na ito ang Jack na una kong nakita. I can see the sadness, pain and loneliness on his eyes. "Asa'n ang pamilya mo?" Tanong ko. Hindi ko din alam kung bakit ko 'to natanong. Humarap naman siya sa akin at maya't maya ay binalik din ang tingin sa dagat. "I don't think I have one" malungkot niyang wika. "Why?" "Wala na ang mga magulang ko. May kambal ako pero wala siya sa tabi ko. Mas pinili niya ang bestfriend niya kaysa sa kadugo niya." Aniya. "I'm sorry" Wala akong masabi sakaniya. Alam kong masyado siyang nasaktan sa ginawa ng kambal niya. Pero siguro'y may dahilan ito kaya niya 'yon ginawa. Pero hindi niya na ba inisip ang mararamdaman o iisipin ng kambal niya? "Wag kang maawa sa akin. May kaibigan naman ako." Sagot naman niya. Nakita ko naman na bumalik na sa dating ekspresyon ang mukha niya. Napangiti ako sa sinabi niya. Buti na lamang at matapang siya. For me, the real strong is when you are falling apart but you still keep on fighting. "I am not. I'm just proud of you." Ngiti kong sabi sakaniya. Pareho kaming wala ng magulang. Pero may kapatid pa din ako at anjan din sila tita clara, kuya at ang mama niya para iparamdam sa akin ang pagmamahal na hindi kayang ibigay saakin ng mga magulang ko ngayon. "Can I ask you one more thing?" "Hhmm, it depends." Patawa kong sagot. "Come on, I'm not f*****g around." "What?" "What will I do- no, what will you do if you fail?" Bigla akong napaisip sa tanong niya. "You know, in my case, there's no room for failure. Why? Because I'm the eldest. I have younger sister and I can't fail." Sagot ko ngunit hindi siya sumagot agad. "Ok. Now I can understand him a little. But screw him." Aniya. "He thinks he's older than me? We're f*****g twins." Irita niyang dagdag. Ilang minuto ang lumipas bago ulit siya nagsalita. "Thanks Tala." Tumingin ulit kami sa dagat at hindi na nagsalita. Sapat na ito sa aming dalawa para pakiramdaman ang paligid at ang isa't isa. "Thanks Jack.. for this moment. Kahit sa ganitong kaliit na oras ay naramdaman kong malaya ako. Walang iniisip na iba. Walang problema walang pagpapanggap o kahit ano pa. Just sitting here and not do anything is one of my best moments." Nagpapasalamat ako sakaniya dahil ipinaramdam niya sa akin kung pa'no maging malaya. We ran away and we just forget the world for a moment. "We should go back. Any minute the dawn will come." Sambit niya. Masyado akong nabighani sa lugar na ito kaya't hindi ko na napansin ang oras. Una siyang tumayo atsaka ako inalalayan para itayo. "Sasakay ka ulit?" Tanong niya na natatawa. "Hindi na" sagot ko naman. "Come on Tala. I'll carry you like a bride." "No." Mariin kong sagot. Hindi na ako nakapagsalita ulit ng buhatin niya ako ng bridal pose at tumalon sa mataas na puno. "You giant asshole!" Napasigaw ako. "I love it when you're angry and annoyed. It makes me feel superior." Sabi nito at humalakhak ng napakalakas. Kung may mga nakatira lang siguro dito ay baka binato na kami sa sobrang ingay namin. Ipinaikot ko naman ang dalawang braso ko sa batok niya para hindi ako malaglag. Hindi siya humahawak sa kahit saan dahil hawak niya ako. Natatakot ako baka biglang maputol ang inaapakan niya't mahulog kaming sabay. "Malapit na tayo." Sabi nito na patuloy lang sa pagtakbo. Kung lalakarin ko 'yong pinuntahan namin ay baka abutin ako ng ilang oras, pero dahil may kakaiba atang spirito na sumapi dito sa gwapong nilalang na'to ay mabilis lang namin iyong mararating. Medyo bumagal na ang pagtakbo nito kumpara kanina na halos malabo na ang nakikita ko sa paligid sa sobrang bilis ng galaw niya. "Hold me tight Tala. I'm going to jump" sabi nito ng huminto kami sa isang napakataas na puno. Tumalon siya ng hindi gumagawa ng ingay. Bahagya kong binuksan ang mga mata ko atsaka niya ako maingat na ibinaba. Inayos ko rin ang aking kasuotan katulad niya. "I enjoyed our time together, Tala." Aniya habang nakatitig saaking mga mata. "No worries. I'm your bestfriend anyway." Tugon ko atsaka siya nginitian. Naglakad kami papunta sa bukana ng kuweba kung saan ako nakatayo doon kanina. Humarap ulit ako sakaniya atsaka ako nagulat ng yakapin niya ako ng marahan. "Thanks again, Tala." "Salamat din." Aniko. Kinalas niya naman ang pagkakayakap niya sa akin. Tumayo naman siya ng maayos at sa nakikita ko ngayon ay bumalik na ang jack na una kong nakita. "Hindi mo ba ako ipapakilala sakaniya?" Tanong niya ng may malapad na ngiti habang nakatingin sa aking likuran. Lumaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "Who the f**k are you?" Madiin nitong tanong. "f**k" mahinang mura ko. Mali ang iniisip ni Damon. s**t! "You don't know me? I am....." hindi na naituloy ni Jack ang sasabihin niya ng biglang sumugod sakaniya si Damon. Nakaiwas siya sa pagsuntok ni Damon kaya't kinuha niya iyon para tumalon sa isang mataas na sanga ng puno. "Hey little grumpy boy. Don't be mad at me. And please for f*****g sake, don't punch me on my pretty face." Sabi nito atsaka hinaplos haplos ang kaniyang mukha. Wala talagang alam gawin 'tong Jack na ito kundi mang asar. Well as he'd said before, he feels f*****g superior when he make someone angry or annoyed. "I don't care you little piece of s**t!" Sagot naman ni Damon. Susugod na ulit sana si Damon ng magsalita na ako. "Damon dont!" Pag pipigil ko sakaniya. Huminto naman siya atsaka humarap sa akin. "Who's this f*****g little s**t?" Tanong nito na nagpipigil pa din sa galit. "He's my bestfriend" Aniko naman atsaka ako lumapit sakaniya. "Pagod ka pa ba?" Pag iiba ko. No'ng umalis kasi ako ay nakatulog siya, dahil siguro sa pagod niya. "How can you ask that. Ikaw nga 'tong hindi natulog tapos tatanungin mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "I'm alright." Tipid na sagot ko. Inilapit niya naman ako sakaniya hanggang sa magdikit ang mga katawan namin. Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at ilalapit na sana ito ng magsalita si jack. "Hey! I'm still here, damn it. Could you two find some room. There's a word PRIVACY!" Sigaw nito na parang iritang irita. Narinig ko namang nagmura si Damon bago harapin si Jack. "Hey you little prick! Why are you still here?!" Balik ni Damon. "Hey, Tala. Nag enjoy ako sa ginawa natin kanina" sabi nito atsaka ako kinindatan nang makababa siya. This handsome creature is playing with Damon. Tumalon ulit ito sa mataas na puno at rinig ko ang malakas na halakhak niya. Nang makalayo ito ay hinarap ako ni Damon. "What is he talking about? Where were you two a while ago?" Tanong niya. Hindi ko alam kung papano ko uumpisahan. It is a f*****g long story. "Sinamahan ko lamang siya na maglabas ng sama ng loob. He's my bestfriend so I accompanied him." "Hindi ko gusto ang ugali nong lalaking 'yon" aniya kaya ako napatawa ng bahagya. "You're cute" wala sa sarili kong sambit kaya siya napatingin saakin na hindi makapaniwala. "Let me hear it again" "Minsan lang 'yon. Ayoko ng ulitin." Wika ko naman atsaka tumalikod papasok sa loob ng kuweba. ~~~~~~~~~~~~~~~~~ Song: Count on Me by Bruno Mars and Bettet Days by OneRepublic
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD