Chapter 9

1576 Words
Hindi ko alam kung ilang buwan na ako dito sa lugar na'to. Masyadong mabilis at marami ng nangyari sa akin nitong mga nakaraang linggo. "Hey. Where are you going little lady?" Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang boses ng kinakukuluan ng dugo ko. "Somewhere peaceful" sagot ko naman. Dumaan nanaman ako sa may bintana kanina para maglibot libot ulit. Hindi ko naman inaasahan na makikita ko nanaman 'tong lalaking ito. "You're kidding aren't you." Natatawang sabi niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Gusto ko lang kasing malibot ang kapaligiran dito. Nababagok na ako sa loob ng bahay. "Hindi ka ba natatakot?" Napaisip naman ako sa sinabi niya. Paano kung may maghabol nanaman sa akin? Bigla ko naman naalala 'yong panaginip ko. "No." Mariin kong sagot. Ayokong iparamdam na natatakot ako. Andito naman siya. Kung may mag tangkang kainin ako, siya ang iaalay ko. "Brave." Sagot niya na parang manghang mangha sa sinabi ko. Naglakad lang ako ng naglakad habang nakasunod sa akin 'tong gwapong nilalang. "Wala ka pa bang balak umuwi sa inyo? Mag gagabi na." Basag niya sa katahimikan. Ayoko pa kasing umuwi. Masyado pang komplikado ang lahat. Gusto ko muna ng kapayapaan ng aking isip. "Ayoko pa" tipid kong sagot. "Ikaw ba't andito ka pa?" Tanong ko naman sakaniya. Medyo natawa siya sa sinabi ko pero nagsalita rin siya. "You're out of your mind" Tumaas ng bahagya ang kilay ko sa sinabi niya. "Iwanan mo na ako. Kaya ko naman ang sarili ko." "As you wish." Wika nito at tumalon papunta sa mataas na puno. Nakakamangha ang ginawa niya. How can he do that? Gusto ko din matutong umakyat ng ganiyan. Bukas pagaaralan ko. Naglakad naman na ako pabalik. Mag gagabi na nga, kailangan ko ng bumalik. Baka hanapin na ako nila kuya, lagot ako. Tsaka baka may makasalubong pa akong pangit na nilalang. Tinahak kong mag isa ang tahimik at dumidilim na daan. Buti na lamang at umiilaw ang bunga ng mga puno. Hindi karamihan ang may bunga ngunit sapat na ito para makita ko ng bahagya ang aking dinaraanan. Sa paglakad ko ay may naramdaman akong kakaibang enerhiya. Inilibot ko ang mga mata ko. Sino nanaman kaya 'to? Maingat akong tumatapak sa mga natuyong dahon sa lapag para hindi ito gumawa ng ingay. "s**t" A f*****g shadow. Umupo ako ng dahan dahan habang nakatingin dito. How can I run without being caught? Kakaiba ang enerhiyang nararamdaman ko sakaniya. Masyadong malakas at hindi ko alam kung ano, basta ang nararamdaman ko ay may mali. Kung tatayo ako, baka makita niya ako dahil sa liwanag na binibigay ng bunga ng mga puno. If I'll wait here til that creature get lost is kinda good idea. But how long? I dont even have weapon to defend myself. Tsaka hindi ko din alam kung anong klaseng nilalang 'yan. May nahagip naman ang mga mata kong makapal na kahoy. Pwede ko sigurong gamitin ito sa mga makakasalubong ko pang nilalang. Hindi ko ito magagamit dito sa tinataguan kong nilalang, pero magagamit ko naman siguro ito sa iba. Akmang kukunin ko ang makapal na kahoy na nakita ko nang may nagtakip ng aking bibig sabay yakap upang hindi ako makagalaw. "Shhhhh... dont make a noise" mahinang sabi niya. Hindi na ako pumalag dahil siya lang naman ang lalaking iniwanan ako kanina. "I told you not to wander around little lady" bulong nito sa tenga ko. His husky voice shivers me. Nakatingin lamang kaming dalawa sa nilalang na 'yon hanggang sa makaalis na ito at hindi na namin nakita. Hindi ko na din nararamdaman ang enerhiya niya kaya siguro tuluyan na nga itong umalis. Kinalas niya ang pagkakahawak sa akin at dahan dahan kaming tumayo. "Why are you here?" Tanong ko naman sa kaniya. "Is that the way you say thank you?" He said and chuckled. This creature is Goddamn sexy Hindi ko na lang siya pinansin at lumakad na padiretso sa pupuntahan ko sana kanina. "Ihahatid na kita sa ayaw at sa gusto mo." Sabi niya naman at tumabi sa akin. Pangalawang beses niya na akong niligtas at hindi na ako natutuwa roon. "How did you get here anyway?" Tanong niya habang naglalakad kami. Napakadaldal niya. Alam ko naman ang tinutukoy niya, kung papaano ako nakapunta dito sa kung anong mundo 'to. "Through walking" tipid kong sagot. He chuckled again for the fifth time. "You're funny" wika niya lang at tumigil na sa pagtatanong. This time naglakad kami ng tahimik hanggang sa marating namin ang ilog. "Hanggang dito na lang. Baka kasi makita ka ng mga kasama ko sa bahay" Aniko. Tumaas naman ang kilay niya sa sinabi ko. "Hindi kasi nila alam na lumalabas ako. Makisama ka na lang kung ayaw mong makatikim sa akin." Mariin kong dagdag. Baka kasi malaman nila kuya na lumalabas ako. Sabi kasi nila nung mga nakaraang araw ay huwag akong lalabas kung wala akong kasama. Tumawa ulit siya ng marahan saaking sinabi ngunit hindi ko na siya pinansin atsaka dumiretso na sa bintanang madalas kong daanan. Umakyat ulit ako doon at dahan dahang inilapag ang mga paa sa sahig upang hindi gumawa ng ingay. "Thank you." Mahinang bulong ko nang makita ko siyang palayo. Inayos ko muna ang aking sarili atsaka napagdesisyunang lumabas. Pagkalabas ko'y nakita ko sila kuya at ang mama niya na halatang malalim ang pinaguusapan. Napalingon saakin si kuya kaya't lumingon din saakin ang mama niya. "Tala buti na lamang at lumabas ka na. Halika't may kailangan tayong pag usapan" Ani ni kuya. Medyo kinakabahan ako dahil sa intense ng aura na bumabalot sa kapaligiran. Lumakad ako papunta sa harapan ni kuya at sa gilid ko naman ang mama niya. "I think you should know the truth." Sabi ng mama ni kuya. "You're already in a right age, I think you can handle this. You're strong anyway." Wika ni kuya na parang kilalang kilala ako. Naguguluhan ako sa mga sinasabi nila. Magsasalita na sana ang sila nang may marinig kaming maraming yabag sa labas. Parang isang grupo ng mga tao na nakasakay sa kabayo. "s**t, they're here" sambit ni kuya. "Tala pumunta na kayo sa likod. Tumakas na kayo." Utos niya atsaka pumunta sa may kusina. "Anak mag iingat ka, please. Wag naman na pati ikaw mawawala rin sa akin." Naghahalong takot at pagmamakaawa na sabi ng mama ni kuya. "Halika na Tala" marahang paghila nila saakin. Nakita ko naman si kuya na may hawak na whip chain at sphere. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga 'yon. "Magkita na lang tayo sa likod. Hahanapin ko kayo doon!" Aniya atsaka lumabas. Nakarinig naman na ako ng mga pagsabog sa paligid. Hindi ako makagalaw sa mga nangyayari. "Tala halika na!" Pagtawag nila saakin. Sa pagsabog ulit ng paligid ay saka lang ako nakagalaw at tumakbo. Si kuya? Pa'no siya? Ang dami ng kalaban niya. "Si kuya" Wala sa sarili kong sabi. "He is strong, Tala. I know he can beat those guys" Alam kong pinapalakas niya lang ang loob naming dalawa, pero ramdam ko pa rin ang pagaalala at takot para sa kaniyang anak. Tumakbo kami sa kung saan at humarap ako ng marahan saaming likuran. Ang bahay na tinitirahan namin ay nag collapse na. Kahit medyo madilim ay nakikita ko pa rin ang paligid. May mga usok na sa kapaligiran dahil sa mga pagsabog. Nakita ko naman si kuya na tumatakbo na din papunta sa direksyon namin. "Si kuya" wala sa sarili kong wika. Humarap naman ang mama ni kuya sa likod at nakita ko kung paano sila napangiti. "Run!" Sigaw ni kuya sa amin. Mas binilisan namin ang takbo hanggang sa makarating kami sa may bangin. Tumingin ako sa ibaba at nakitang tubig ang nagaabang sa amin. Parang ganito ang napanaginipan ko nung hinahabol ako ng mga pangit na nilalang. Naabutan kami ni kuya at pare-pareho kaming habol ang hininga. "We dont have a choice. Ang dami nila." Sambit ni kuya. Puro galos siya habang hawak pa rin ang whip chain at kaniyang sphere. Gawa sa ginto ang hawakan ng whip niya at gawa naman sa diyamante ang chain nito. Ang sphere naman niya ay gawa din sa ginto, pero ang mga nagsisilbing blade nito ay gawa sa diyamante. "Ok then" sagot naman ng mama ni kuya atsaka tumalon. "Go on Tala. I'll guard you" Kinabahan ako nang marinig ko ang mga humahabol sa amin. Ang dami nila. Wala nga talaga kaming choice kundi tumalon. Tatalon na sana ako nang may biglang pumulupot sa beywang kong itim na tali na may mga tusok na bumaon sa aking balat. Hinila ako nito kaya't napadausdos ako sa lupa. "No!" Sigaw ni kuya na pilit akong inaabot. Napadaing ako sa sakit ng pagkakapulupot ng itim na tali sa beywang ko. Fuck! "Tala!" Sigaw ulit ni kuya habang pilit akong inaabot. Hinila ako ng hinila ng kung sino hanggang sa makarating ako sa paanan ng kabayo niya. May kung anong pinukpok sa ulo ko dahilan ng pagikot ng aking paningin. "s**t!" Paghawak ko dito. Napadaing ulit ako dahil sa pag kirot ng mga sugat ko. This freakin' blade! Napatingin ako sakanila kuya na hawak ng dalawang kalaban. "Now" sabi ng leader ata nila. "No, Tala!" Sigaw ni kuya atsaka siya sinaksak sa may tagiliran at tinulak sa bangin. "Kuya" mahinang bulong ko. Wala na akong lakas para tumakbo papunta sakaniya. Napadaing ulit ako sa sakit ng aking beywang. Punong puno na ako ng sarili kong dugo. "Let's get out of here"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD