"I'm gonna eat you" rinig kong sabi ng pangit na nilalang.
Tumatakbo ako ngayon sa kakahuyan. Hindi ko alam kung nasaan ako.
Lumingon ako sa likuran ko at nakitang sobrang dami ng humahabol sa aking pangit na nilalang.
"f**k!"
"Think Tala think!" Sabi ko habang patuloy sa pagtakbo.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung aakyat ako sa puno ay baka maabot nila ako dahil sobrang dami nila.
"Damn it!"
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa marating ko ang bangin.
"I may be the stupidest person in the world if I do this!"
"It's dead end little girl" sigaw ng isa sa mga pangit na nilalang na naghahabol sa akin.
Humarap ulit ako sa bangin. Tubig lamang ang mga nakikita ko doon sa baba. Kaya ko naman sigurong languyin yan?
"I claim it! I'm the stupidest person!!" Sigaw ko kasabay ng pagtalon ko sa bangin.
Sa pagtama ng balat ko sa tubig ay siyang pagbangon ko sa hinihigaan ko.
"Damn that dream" bulong ko sa sarili ko.
Napatingin naman ako sa labas. Umaga na?
Inayos ko ang sarili ko atsaka lumabas. Hinanap ko naman si kuya at ang mama niya.
Asa'n na sila?
"Kuya?"
"Kuya?" Tawag ko ulit.
"Mabuti't nagising ka na"
Napatalon naman ako sa gulat ng may magsalita sa likuran ko.
"Parang magugulatin ka ngayong umaga ha" sambit ng mama ni kuya atsaka tumawa ng marahan.
"Ahh...Ehh.. si kuya po?" Pagiiba ko naman.
"Ando'n sa labas nag papahangin" sagot nila.
Tumango lamang ako at lumabas. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko sa hiya.
Damn that Talisha! It's so embarrasing!
Nakita ko si kuya na tahimik na nakaupo sa duyan. Umupo naman ako sa may labas ng pintuan at hindi na lumapit.
"Palagi na lang siyang tahimik simula no'ng nawala ang kaniyang kapatid." Ani ng mama ni kuya.
Nagulat ulit ako sa pangalawang pagkakataon.
"Gusto ko mang ibalik siya sa pagiging masiyahin ay hindi ko kaya. Pati din kasi ako nahihirapan pa rin hanggang ngayon sa pagkawala ng anak ko"
Ramdam ko ang sakit sa bawat katagang sinasabi niya. Ito nanaman ang puso ko, sumisikip at nahihirapan nanaman akong huminga.
"Tayo na at kumain. Tawagin mo na siya para makapag umpisa na tayo" sambit nito at nagpakawala ng malalim na pag hinga.
Tumayo na ako at tumungo papunta kay kuya.
"Kuya halika na raw at kumain na tayo." Aniko sakaniya.
Napatingin lang siya sa akin at ilang minuto pa ay tumayo na siya at naglakad na papunta sa loob.
Naging tahimik ang pagkain namin hanggang sa kami ay natapos. Pumasok ako sa kwarto't nahagip ng aking mata ang aparador na gawa rin sa diyamante at ginto.
Ano kayang nasa loob nito?
Dahil sa kyuryosidad ko ay binuksan ko ito.
May mga damit na maayos na nakasabit at mga kahon na maayos ring nakalapag sa ibaba. Una kong kinuha ang isang kahon sa may kanang bahagi at binuhat papunta sa kama.
Pag bukas ko'y bumungad saakin ang mga lumang sobre. May tatak ang bawat sobre- a star nearly at the center of a halfmoon, and the sun rays beside the halfmoon. Kinuha ko ang isang sobre at maingat na binuksan at binasa ang laman.
Mahal ko. Mag iingat ka at aalagaan mo ang sarili mo, dahil wala ako sa tabi mo para ako na mismo ang gagawa ng mga 'yan. Gagawa ako ng paraan para maprotektahan kita, kahit buhay ko pa ang kapalit.
Hindi ko maipapangako na makakabalik ako sa piling mo, pero ito ang tatandaan mo, mahal na mahal kita at ang anak natin. Huwag mo na akong alalahanin dahil ginagawa ko ang mga ito para sa ating pamilya, upang mabuhay tayo ng walang takot o pangamba.
Susubukan ko ang lahat para makabalik sa tabi mo at mamuhay ng walang iniisip na panganib. Tandaan mo na mahal na mahal kita at kaya kong iwanan ang lahat para sa iyo.
Tumulo naman ang mga luha ko ng hindi ko inaasahan. Hindi ko alam pero kumikirot ang puso ko. Para itong pinipiga o dikaya'y tinutusok ng paulit ulit.
Kumuha ulit ako ng sobre at binasa ang nasa loob.
Mahal ko. Kamusta ka na? Pasensya ka na at ngayon lang ulit ako nakapagsulat para sa iyo. Nagkakagulo na kasi dito noong mga nakaraang araw.
Alagaan mo muna ang sarili mo habang wala pa ako diyan sa tabi mo. Pasensya ka na dahil nadamay ka dahil sa akin. Kung hindi lamang ako anak ni ama ay sana malaya tayong namumuhay ngayon. Pasensya ka na talaga mahal ko at nararanasan mo ito.
Hindi ko gustong iparanas ang mga ito sa anak natin kaya gumagawa ako ng paraan para maayos ang lahat. Lagi mo sanang iisipin na mahal na mahal kita at ang anak natin. Magtiwala ka lang sa akin at maayos din itong lahat.
Tuloy-tuloy ng tumulo ang aking mga luha sa mga nabasa ko. Siguro masyado silang nahihirapan sa estado nila? Hindi ko man alam ang buong pangyayari sakanila ay ramdam ko ang sakit at bigat ng kanilang damdamin.
Humiga ako sa kama at pilit na pinipigilan ang mga luha kong nag uunahan pumatak.
Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang totoo sa hindi, kung anong klaseng pakiramdam yon, at kung bakit. Napaka komplikado na ng mga nangyayari sa akin ngayon.
I hate it. f**k.
Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at hinayaan kong ang tanging marinig lamang ay ang nasa labas. Kailangan ko munang pagpahingain ang aking isipan.
Nagulat ako at napadilat ng marinig ko ang marahang pagkatok sa pintuan. Umupo muna ako bago ito bumukas.
"Tala. Gusto mo bang lumabas muna? I will tour you." Bungad sa akin ni kuya.
"Ahh... O sige po." Wala sa sarili kong sagot.
Tumayo na ako at lumabas kasabay si kuya. Nagpaalam muna si kuya sa mama niya na naabutan naming nagbabasa ng libro sa gilid at dumiretso na kami sa labas.
Habang naglalakad kami ay inililibot ko ang mga mata ko sa paligid. This place is so mesmerizing. Napakaganda at kakaiba halos lahat ng makikita dito.
Ngayon ko lang napansin na ang mga bunga ng mga puno ay kumikislap. Iba't ibang kulay ang mga ito kaya't hindi ko mawari kung ano ang mga ito.
Napatingin naman ako sa magkatabing dalawang puno na napakataas. Wala itong bunga at halos patay na rin ito. Nakakamangha lang na sakabila ng estado nito'y nakatayo pa rin ito.
Napunta naman ang tingin ko sa tatlong may di kataasang puno na nakahilera sa tabi ng dalawang patay na puno. Nagulat ako sa itsura ng pangalawang puno, halos makain na ng itim na bagay ang kabuuan nito. Tanging mga ugat na lamang ang makikita mong walang itim.
Kung ikukumpara ang punong ito sa iba'y hindi maipagkakaila ang angking kagandahan sa kabila ng itim na bumabalot dito. Hindi ito patay katulad ng dalawang puno, halos kulay itim lang talaga ang katawan at mga dahon nito.
Napatingin naman ako sa pinakaunang puno sa tatlo. Napakatamlay ng puno na halos wala na itong buhay. Ang mga berdeng dahon nito ay naglalagasan, ngunit nakatayo pa rin ito ng maayos.
Ang dulo sa tatlo ay buhay na buhay kumpara sa pang una at pangalawa. Ang mga dahon nito ay berdeng berde at malayang naisasayaw ng hangin.
Napangiti ako nang makita ko ang ugat ng tatlo na magkakadugtong.
I guess they're helping each other to survive.
Naalala ko naman bigla si Luna. Kamusta na kaya sila?
Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa marating namin ang talon. Napakaganda nito, ang bawat bato nito ay may nakadikit na diyamante at ginto. Sa ilalim ng tubig ay makikita mo ng malinaw ang mga nilalaman.
The chorals are made up of precious diamonds like Emerald, Ruby, Topaz, Opal, Aquamarine, Diamond and others. The living creature there like fish, jellyfish, and seahorse are extremely colorful and vibrant.
This is the only place where I could find bizarre things like this. It is so fascinating.
Napatalon ako bigla sa gulat ng lumabas ang itim na tuta sa may halaman. Nang malalalaglag na ako sa tubig ay nahawakan ni kuya ang beywang ko. Hinila niya ako at sabay kaming napahiga sa lupa.
Agad akong umalis sa ibabaw niya at siya naman ay tumayo't nag pagpag.
"Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin nang ilahad niya ang kaniyang kamay.
"Oo. Nagulat lang ako jan sa tuta" Sagot ko nang mapagpagan ko na rin ang sarili ko.
Lumapit naman sa akin ang tuta at nagtungo sa may paanan ko.
"She likes you" sabi ni kuya habang nakatingin sa itim na tuta.
Her eyes is amethyst like mine, and her fur is as black as night.
"Her name is Ana" sabi ulit ni kuya.
"Ana" sabi ko rito at binuhat siya papunta sa bato upang maupo.
"Sinong may ari sakaniya?" Tanong ko
"My sister" sagot naman niya.
"Pano niya tayo nahanap? Bakit siya nandito?" Tanong ko ulit.
Bigla bigla na lamang kasi siyang lumabas sa may halaman kaya nagulat ako.
"Hindi niya tayo nahanap. Ikaw ang nakahanap sakaniya" sagot naman ulit ni kuya.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Pa'nong ako ang nakahanap, hindi ko naman alam na may tuta dito.
Napailing na lamang ako atsaka hinaplos haplos ang ulo ni Ana.
"Ana" sambit ko ulit ng kaniyang pangalan. Dinilaan niya naman ang pisngi ko at ginewang gewang ang buntot na para bang nakita ang amo.
"Ipaalam mo naman sa ate mo na aampunin ko na lang siya" sabi ko naman na pinagsisihan ko rin agad.
Bumigat ang aura sa pagitan namin at alam kong naapektuhan siya ulit sa sinabi ko.
"You can take her. Besides, the owner is gone." sagot nito ng wala man lang emosyon.
Sumikip nanaman ang dibdib ko at nahihirapan nanaman akong huminga.
"Mabuti pa ay bumalik na tayo" sabi niya at tumalikod paalis.
Tumayo na ako habang buhat buhat si Ana. Sa bawat lakad ko ay mas sumisikip ang aking dibdib. Masyado na akong nahihirapang huminga.
Fuck.
...
"Ano bang nangyari, Ge?" Rinig kong tanong ng babae.
"I dont know. Bigla na lamang siyang nahimatay." Sagot naman ng lalaki.
Pamilyar ang mga boses nila at pamilyar din ang kapaligiran ko. Para akong nasa higaan.
Pag bangon ko'y bumungad saakin sila kuya at ang kaniyang ina.
"Buti na lamang at nagising ka na iha" bati sa akin ng mama ni kuya.
"What happened?" Tanong ko naman.
"Hindi ba dapat ako ang magtatanong sa'yo niyan?" Sagot nila.
"Anong nangyari sa'yo kahapon?"
Kahapon?
"Ma. Dont ask her that. Kita niyong kagigising lang." Singit naman ni kuya.
"Ikaw talaga, Ge. Hindi ka pa din nagbabago. Ganiyan na ganiyan ka din sa ate mo."
Naalala ko na ang nangyari saakin.
Nabalot kami ng nakakabinging katahimikan at nakikita ko ang pagbago ng kanilang ekspresyon. Pati ako'y nasasaktan dahil sa mga nalalaman ko kahit hindi ko sila kamag anak.
"Hindi ko pa din malimutan ang ngiti ng ate mo." sabi ng mama ni kuya na parang inaalala ang mga ngiti na tinutukoy niya.
"Huwag kayong mag alala ina. Ipaghihiganti ko si ate." Mariin ngunit mahinahon niyang sabi sa kaniyang ina.
Tuloy tuloy naman ng bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko man gustong umiyak na may nakakakita sa akin ay hindi ko ito mapigilan. Masyado na akong nadadala sa mga bagay bagay.
Damn it.
Tumayo na ako sa pagkakaupo at nilapitan ang mama ni kuya para ito'y patahanin. Hinaplos ko ng marahan ang buhok nila.
Natigilan sila sa pagiyak at humarap sa akin na parang gulat na gulat saaking ginawa. Napaatras din ako dahil sa kaba kung may mali ba akong nagawa.
Tinitigan niya ako diretso saaking mga mata at hinawakan ang mga kamay ko.
"Goodness!" Sambit nila.
Hindi ko alam kung bakit niya ako hinawakan sa kamay at tinitigan.
Niyakap niya ako na parang wala ng bukas at hindi ko napigilan ang sarili kong gumanti rin sakanila. Masyado akong nalulunod saaking emosyon. Hindi ko alam kung bakit pero parang namiss ko sila ng sobra kahit hindi ko naman sila kilala.
"Ge, why didn't you tell me!" Malakas na sabi niya kay kuya.
"I was about to, but you found out" sagot ni kuya.
I gave kuya the look of 'what's going on?' But instead of answering, he just look at me with his mother hugging me.
Naguguluhan na ako.
"Ma. Let her breath please. Mas lalo lang siyang maguguluhan kung ganito ang mga kinikilos natin."
Pagkasabi niya no'n ay humiwalay ng marahan ang mama niya at humarap sa akin. Hinalikan niya ako sa noo atsaka humarap kay kuya.
"I just cant control myself, Ge." Sabi niya kay kuya. Humarap naman siya sa akin at tinignan ulit ako sa mga mata.
"I'm sorry iha. Hindi ko na naisip ang mararamdaman mo." Anila.