"Leon natatakot ako"
Napatingin ako sa babaeng nakasakay sa kabayo. Hindi ko gaano makita ang kaniyang mukha dahil sa balabal na nakatakip dito.
"Wala kang dapat ikatakot mahal. Andito lang ako, poprotektahan kita." Sagot naman ng lalaking naglalakad habang hawak ang tali ng kabayo kung saan nakasakay ang babae roon.
Hindi ko rin gaano makita ang lalaki dahil sa dilim ng kapaligiran at itim na kasuotan nila.
"Natatakot ako sa puwedeng gawin sa atin ng ama mo. Kilala ko siya Leon, hindi siya makapapayag na may humarang sa kung ano mang binabalak niya. Kahit pamilya niya pa ito."
Hindi naman nagsalita ang tinatawag niyang Leon at patuloy lang ito sa paglalakad. Mga ilang minuto ang nakalipas atsaka nagsalita ulit ang lalaki.
"Mahal ko. Magtiwala ka sa akin, gagawin ko ang lahat maprotektahan ka lang at ang magiging anak natin. Kaya kong kalimutan ang lahat para sa inyong pamilya ko, kahit pa ang posisyon ko."
Hindi agad nakasagot ang babae sa sinabi nung Leon.
"Mahal na mahal kita mahal kong Leon" pagsasalita ulit ng babae.
"Mahal na mahal din kita" sagot naman ng lalaki.
Ramdam ko ang takot at pangamba ng dalawa ngunit sa kabila nito ay ramdam ko rin ang pagmamahalan nila.
Napabalikwas ako sa pagkakahiga at hinahabol ang paghinga. Hindi ko alam kung ano nanaman ang napanaginipan ko.
Sino ang mga 'yon? Sino si Leon? Bakit ko napanaginipan 'yon? Ano ang gustong iparating nito sa'kin?
Bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang mama ni kuya.
"Oh iha, gising ka na pala. Halika na't saluhan mo na kami sa pagkain." Ngiti niyang wika.
"Susunod na po ako."
"Sige"
"Maaari ko bang tanungin kung ano ang puwede kong itawag sa inyo?" Tanong ko bago sila makalabas.
Hindi ko din kasi alam kung anong puwede kong maitawag sakanila.
"Kung ano ang gusto mo iha." Saka ngumiti at lumabas.
Nagayos muna ako't lumabas. Naabutan ko silang mag ina na nagkukwentuhan at nagtatawanan habang nasa harap ng hapagkainan. Napangiti ako ng maliit sa nakikita ko. Nakakainggit naman.
Ano kayang pakiramdam na kasama mo ang tunay mong mga magulang? Na nakakasabay mo sa pagkain, nakakausap mo, nahahawakan mo, at nakakatawanan mo? Anong pakiramdam na nararamdaman mo ang kanilang haplos? Anong pakiramdam na naririnig mo ang kanilang tawa? Ang kanilang boses?
Naalis naman ang mga ngiti ko ng tumingin sa akin si kuya.
"Tala. Anjan ka na pala. Halika na rito at tayo'y magumpisa ng kumain."
Pinipigilan ko namang mapangiti sa sinabi niya. Inantay nila ako bago sila magumpisa sa pagkain.
Umupo ako sa harap ni kuya at sa gilid ko naman ang mama niya. Naging tahimik ang pagkain namin hanggang sa matapos kami. Magaayos na sana ako ng pinagkainan namin ng magsalita ang mama ni kuya.
"Iha. Ako na diyan. Ang mga espesyal na bisita ay hindi dapat gumagawa ng ganiyan."
Napatingin lang ako sakaniya.
"Mag punta ka na sa iyong silid at ako na ang magaayos." Sabi niya ulit.
Ngumiti lamang ako sakaniya at nag punta na sa kwarto.
Pagkapasok ko sa kwarto ay pabagsak akong humiga sa kama. Naalala ko naman bigla ang napanaginipan ko. Bakit ako nananaginip ng mga gano'n?
Wala sa sarili akong bumangon at pumunta sa may bintana. Inilibot ko lamang ang mga mata ko at ang tanging nakikita ko lang ay ang mga puno.
Napatingin naman ako sa may di kalayuan at nakita ko ang payapang ilog doon. Parang gusto ko munang maligo at maglibang. Tumalon ako sa may bintana upang makalabas.
Habang naglalakad palapit sa ilog ay pumitas ako ng mga dahong naaabot ko atsaka pinaglaruan ito.
Pagkalapit ko'y nabighani ako dahil napakalinaw at napakalinis ng tubig.
Tumingin muna ako sa paligid at pinakiramdaman ito, nang wala naman akong naramdamang kakaiba ay isa isa ko ng inalis ang aking mga saplot.
Tumingin lamang ako sa langit. Pinagmasdan ang kagandahan ng mga ito. Hindi ko na alam no'ng huli akong tumingin sa langit, hindi ko na kasi maharap.
Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakinggan na lamang ang tunog ng kapaligiran. Mga huni ng ibon, tunog ng tubig, at sayaw ng mga puno. Hindi ko kailanman naranasan ang ganito katahimik na lugar.
Ilang minuto akong ganon hanggang sa nakarinig ako ng kaluskos sa may di kalayuan. Naging alerto ako, pero kinakabahan ako dahil wala akong armas na dala.
"s**t" mahina kong mura.
Nagdahan dahan akong umahon atsaka nagpunta sa mga damit kong nasa lapag. Agad akong nagbihis at piniga ang basa kong buhok.
Bakit hindi ko naisip na magdala ng armas. Damn it Talisha. You're so stupid!
This place is still foreign.
Nakarinig naman ako ng kaluskos sa may gawing kanan kaya't napalingon ako doon. Wala akong nakita. Dahan dahan kong sinundan ang mga kaluskos na naririnig ko. Masyado akong nagiingat sa mga tinatapakan ko para hindi ito gumawa ng ingay.
Nakalayo na ako sa bahay at hindi ko na makita ang ilog. Habang naglalakad ay may narinig nanaman akong kaluskos. Para itong mabilis na lumilipat lipat ng puwesto.
"Sino yan? Magpakita ka sa akin." Aniko.
Kinakabahan na ako pero hindi ko pwedeng ipahalata.
Nakarinig ulit ako ng kaluskos sa likuran ko. Lumingon ako dito pero wala din akong nakita.
Kumuha ako ng makapal na kahoy sa nadadaanan ko at hinawakan ito ng mahigpit.
"Lumabas ka diyan" sambit ko ulit.
Kung pinaglalaruan man ako ay hindi na ako natutuwa. f**k who's playing with me!
Naglakad lamang ako at may narinig akong kakaiba sa may di kalayuan. Sinundan ko ito at laking gulat ko ng makita ko ang isang nilalang na kumakain ng laman loob ng usa at iniinom ang dugo nito.
"f**k" mahinang mura ko ulit.
Napalingon sa akin ang tao na hindi naman mukhang tao atsaka ako nginitian.
Shit. His smile gives me chills.
Tumayo siya at tuluyan akong hinarap. Dinilaan niya pa ang mga dugong nagkalat sa bibig niya habang nakatingin saakin.
Hindi ko naman masasabing zombie ito dahil sa pinapakita niya saakin ngayon. Para siyang taong nawala na sa katinuan na punong puno ng saksak at nakalabas na ang ilang parte ng kaniyang katawan. Nakikita ko na din ang buto nito sa hita hanggang tuhod.
Hindi ko alam kung ano ito pero kailangan ko ng tumakbo.
Tumakbo ako ng napakabilis sa may gawing kaliwa ko. Hindi ko siya mapapatay kung ang gamit ko lamang ay ang makapal na kahoy. Itinapon ko ang kahoy at tumakbo lang ng tumakbo.
Marami na siyang sugat at hindi ko alam kung pa'no ko siya mapapatay. Damn it!
Humarap ako ng marahan sa likod ko at patuloy pa rin akong hinahabol ng napakapangit na nilalang. Nakangiti lang ito sa akin habang tumatakbo.
"God that's really hideous. f**k it."
Ang bilis niyang tumakbo.
Patuloy lang ako sa pagtakbo at hindi ko alam kung nasaan na ako. Tumakbo lang ako ng tumakbo at muli akong humarap sa likuran.
Where did it go?
"Where's that freaking ugly creature?"
Humarap ulit ako at laking gulat kong nasa gilid ko na ang pinaka-pangit na nilalang na nakita ko sa talang buhay ko.
"Ahhh! b***h!!!"
Mahahawakan na sana ako nito ng biglang may humila sa akin papunta sa itaas ng puno. Nawalan ako ng balanse at napahawak sa taong sumagip sa akin.
"Thank God. That was close." Sambit ko habang hinihingal.
Napatingin naman ako sa ibaba at nakita ko ang pangit na nilalang na pilit akong inaabot. Mataas ang puno na kinatatayuan ko kaya't hindi niya ito maabot.
"Who are you? Are you new here?"
Napatingin naman ako sa nagsalita.
"Sino ka?" Tanong ko naman.
Kaharap ko ngayon ang sobrang tangkad na lalaki. He has a white hair, light brown eyes, thick eyebrows, thin nose and lips, white skin and a chiseled jawline.
Shit! he's so damn gorgeous.
He chuckled.
Damn it. He's sexy too.
"You're new here aren't you?" Tanong niya.
"Yeah?" Patanong na sagot ko.
"It's not safe for you to wander around"
Kumunot naman ang noo ko sakaniya.
Bahagya siyang tumingin sa ibaba at sinundan ko naman ito. Ang tinutukoy niya ay ang pangit na nilalang na pilit kaming inaabot. Napatango naman ako sa sinabi niya.
Oo nga naman. Kung hindi dahil sakaniya ay baka ako na ang sinunod nito.
Nagulat naman ako ng tumalon siya sa likuran ng nilalang na pilit kaming inaabot.
"What the f**k are you doing?" Tanong ko.
"You think i'm stupid like you? We'll never get out of here once this s**t is still underneath us."
"This might call his clan" dugtong niya.
Uminit naman ang dugo ko sa sinabi niya. Did he just call me stupid? How dare he!
Natigilan ako sa pagsusumpa ko sakaniya ng ilabas niya ang dalawang dagger na nasa kaniyang hita. Isinaksak niya ito sa ulo ng pangit na nilalang atsaka niya ito tinapon sa kung saan. Pinunsan niya naman ang dalawang dagger niya gamit ang itim na tela na hindi ko alam kung saan nanggaling.
"Get down here" tawag niya sa akin ng hindi man lang ako tinignan.
Hindi ko naman alam kung pa'no ako bababa dahil sa taas ng kinalalagyan ko. f**k.
"I can't" sabi ko naman.
"What?!" Pasigaw niyang sagot. Halata ng naiirita ito.
Wala akong pakialam kung mairita siya o magalit siya sa akin, naiinis din naman ako sakaniya. Kanina ay nagpapasalamat ako dahil sakaniya, ngayon naiinis ako.
"Wala!" Sigaw ko naman sakaniya. Kumukulo na ang dugo ko.
Umupo ako atsaka tumalon pababa. Hindi na ako umaasa na tutulungan niya akong bumaba katulad ng mga napapanood ko sa teleserye.
Lumakad naman na ako paalis ng hindi man lang siya tinignan. Hindi ko alam baka kung anong magawa ko dito sa lalaking 'to. He is indeed hamdsome but his freaking attitude is getting into my nerves.
"Thank you would be nice" sabi niya naman.
Alam kong nakatingin na siya sa direksyon ko ngayon. Hindi ko siya pinansin at dirediretso lang sa paglalakad.
Napatigil ako ng marealize ko na hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Damn that freaking creature! Kung hindi niya sana ako hinabol, hindi sana ako mapapadpad dito.
Humarap ako sa lalaki na ngayon ay nakangisi. He is sexy, f**k that.
"Now you need me again" sabi nito na parang wala na siyang choice.
"f**k you! Jerk." Sabi ko na lang sakaniya.
Wala naman talaga akong choice kundi humingi ng tulong sakaniya, baka mas malala pa ang sasalubong sa akin.
"You're cute" tawa niya atsaka lumakad papunta sa akin.
Pinigilan ko namang mapangiti sa sinabi niya.
Nang makarating siya sa harapan ko ay inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin.
"Jack" buong ngiti niyang sabi.
Napataas naman ang kilay ko sa ginawa niya.
"Why would I?" Sagot ko naman sakaniya.
Mas lumapad ang mga ngiti nito dahilan ng marahang pagkakunot ng noo ko.
"What?" Iritang tanong ko.
Gusto ko ng bumalik sakanila kuya at matulog na lamang.
Ibinaba niya naman na ang kamay niya atsaka tumalikod paalis. Now what. Sa'n siya pupunta?
"Hoy wag mo akong iwan dito!" Sigaw ko atsaka tumakbo palapit sakaniya.
"Ihatid mo ako sa bahay namin" sambit ko ng makarating ako sa tabi niya.
Tumawa naman siya ng hindi makapaniwala atsaka ako hinarap.
"Why would I?" Tanong niya atsaka ngumisi.
This stupid creature is getting into my nerves.
"Because you have to" sagot ko naman.
"Sana di na kita tinulungan" sabi niya ng humiwalay siya ng tingin sa akin.
"Sino ba kasing may sabi na tulungan mo ako" iritang sabi ko naman sakaniya.
"God! You reckless stupid lady!"
Hinarap niya ulit ako at nakikita ko ang pagpipigil nito.
"Ikaw na nga 'tong tinulungan, ikaw pa itong may ganang mag demand! Hindi ka na nga marunong humingi ng pasalamat!" Galit na sabi niya sa akin.
"Then THANK YOU.! You know what, I dont know why i'm still following you even if you're Goddamn stubborn!" Sagot ko naman.
Feeling ko umakyat na ng tuluyan ang mga dugo ko papunta sa ulo ko.
"Excuse me! Jerk!" Saka ako umalis.
Hindi ko alam kung mahahanap ko pa ba ang bahay nila kuya pero mas gusto ko na 'yon kaysa sa makasama ko ang isang katulad non.
Binilisan ko ang lakad ko papunta sa pinanggalingan ko kanina, no'ng hinahabol pa ako ng pangit na nilalang na siyang punot dulo ng lahat ng ito.
Naglakad ako ng naglakad hanggang sa nakikita ko na ang ilog. Hinanap ko ang mga dahon na pinutol putol ko kanina para may masundan ako.
Buti na lamang ay may maitutulong ang habbit kong 'yon.
Nakita ko naman ang maliit na kulay berdeng dahon, sinundan ko ito at napadpad ako sa kung saan ako naligo kanina.
Tinignan ko ang malinaw at malinis na ilog. Napakakalma pa din nito kumpara sa dugo kong kumukulo. Tumingin naman ako sa aking likuran at nakita ang bahay nila kuya sa may di kalayuan.
Patakbo akong dumiretso doon hanggang sa kaharap ko na ang bintana. Inakyat ko ito at humiga sa kama.
"Hindi ko naman pala kailangan ang tulong nong nilalang na 'yon" mahinang sabi ko sa sarili ko.
Those creatures are pain in my ass.