Nagbago ulit ang imahe at napalitan ito ng tumatakbong babae at lalaki palayo sa palasyo. May pagkakahawig ang palasyo sa palasyong tinakasan ko noon.
"Tumigil kayo!" Sigaw ng matangkad na lalaki na nakasagutan ng babae kanina sa kulungan.
Huminto ang babae at humarap sa lalaki.
"Let us go....please" wika ng babae.
"Isinusumpa ko ang magiging una mong anak." Aniya kaya natakip ng babae ang kaniyang bibig habang umiiling.
"Now go!"
Magsasalita pa sana ang babae pero hinila na siya ng kasintahan niya paalis.
Sa pangatlong pagkakataon, nagbago ulit ang imahe.
Masyadong magulo ang paligid. Maraming mga nakahandusay na may nakabaong espada at iba't ibang klase ng armas sa kanilang katawan at mga dugong umaagos galing dito.
Ang iba ay patuloy sa pakikipaglaban na maliliksi ang galaw.
Nakita ko ang ama ng tatlong bata na pinalilibutan ng maraming kalaban, mayroon siyang hawak na espada na may pagkakahawig sa espada ko. Ang kasintahan naman niya ay malayo sa kung nasaan siya at nakikipaglaban din kasama ng isang babae na pamilyar sa'kin.
Inilibot ng babae ang kaniyang mata sa paligid na parang may hinahanap. Napatingin ito sa kaniyang kasintahan at agad siyang tumakbo patungo roon.
Sinugod niya ang mga nakapalibot sa lalaki at isa isa itong pinatumba. Ang lalaki naman ay sumugod na din at mabilis niyang napatay ang natirang mga kalaban na nakapalibot sakaniya.
"Until the end of our life, I will always love you with all my heart. You are the first and last person that I will trully love, my love." Wika ng babae habang nakatingin direkta sa mata ng kaniyang kasintahan.
"You will always be my queen, my love. I'm sorry if I cannot give you a peaceful and happy life as you wanted. But remember this my love, if I die today, I promise you that you and our children will live peacefully and happily even without me. Take a good care of our children and don't forget to tell them that I love them so much and they are my eternal princesses." Sambit ng lalaki at hinalikan sa labi ang kaniyang kasintahan habang ito ay umiiyak.
Biglang may lumipad na palaso papunta sa direksyon ng dalawa. Naging alerto ang dalawa at ihinarang ng lalaki ang kaniyang sarili para maprotektahan ang kaniyang kasintahan, pero dahil sa bilis ng galaw ng babae ay nagawa niyang umikot papunta sa harapan ng lalaki at sakaniya tumama ang palaso.
Nagulat ang lalaki sa ginawa ng babae kung kaya't hindi siya nakagalaw agad. Nakaharap at nakakapit ang babae sakaniya habang ang mga luha niya'y naguunahan sa pag-agos. Inalalayan naman siya ng lalaki hanggang siya ay makahiga sa kandungan nito.
"You will always be my king, my love. It's ok if our life is not that peaceful. You are enough to make my life full, and also our children. I've never imagined myself fighting for my love...."
Umubo ito at naglabas ng dugo. Hindi na nakapag pigil ang lalaki kaya't bumuhos na ang kaniyang mga luha. Hinawakan naman ng babae ang gilid ng mukha ng kaniyang kasintahan at pinupunasan ito.
"I have.... one wish... to..... ask....my love" sambit niya.
"Anything my love....anything."
"Kiss me"
Hinalikan ng buong puso ng lalaki ang babae. Sa paghalik nila ay may lumipad ulit na dalawang magkasabay na palaso na tumama sa likod ng lalaki. Hindi niya ininda ang pagtama nito at patuloy lang sa paghalik sa kaniyang kasintahan.
May sumugod sa kanila na dalawang kalaban at agad iyong nasangga ng espada ng babae na kasama kanina ng kasintahan ng lalaki.
"You will always be my stupid bestfriend...." wika niya kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha. Nilapitan niya ang nanghihina at nakahigang babae at yinakap ito. Ang lalaki naman ay pinahiga niya din katabi ng kasintahan niya.
"You two are unfair.. hindi niyo man lang nakita ang mahal ko" wika niya ulit at humagulgol na sa iyak.
"I'.....m...s-o....rr-y" nahihirapang sambit ng babae sa kaibigan niya.
"It's ok. Wag ka ng magsalita." Sagot niya na patuloy sa pag iyak.
Sabay ng pumikit ang mga mata ng dalawang mag kasintahan. Kinuha naman ng babae ang kamay ng mga ito at pinaghawak.
"Your eternal love from each other was witnessed by me. Your story will always be in my heart and I will treasure it. Both of you....sleep and rest now. Pinapangako ko na ang pagkamatay niyo ay masusuklian din. Hindi man sa ngayon, pero nakasisiguro ako na magbabayad sila" sambit niya at pinunasan ang mga luha.
Namatay na ang imahe, inaasahan kong magbabago ito pero hindi na.
Napahawak nanaman ako sa aking dibdib sa sakit. Mas sumisikip ito, hindi ko alam kung bakit. Sobrang sakit.
"May nalaman ka ba?" Tanong ng matanda sa akin.
Hindi ako makasagot. Nahihirapan akong huminga at naninikip ng sobra ang puso ko.
Lumapit siya saakin at hinawakan ang noo ko. May naramdaman akong kakaibang enerhiya na dumaloy papunta sa katawan ko. Bumitaw siya at bumalik sa pwesto niya kanina.
Unti unti ng nawawala ang sakit ng puso ko at bumabalik na ang dati kong pag hinga.
"Pansamantala lamang 'yan. Masyadong malakas ang sumpa..."
"Ano may nalaman ka ba?" Ulit niya.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Masyado akong nasasaktan sa nasaksihan ko.
"Your parents....." hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil sa pag bukas ng pintuan.
Iniluwa nito ang lalaki na hindi ko alam kung nakita ko na ba sa kung saan.
"Hey Denver..." bati ng matandang lalaki sakaniya.
Napatingin naman ito sa amin ng prinsesa na tila gulat na gulat.
"T-tala?"
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Bakit niya ako kilala? Sino ba siya?
"You know her?"
"How'd you get here? When?" Tanong niya ulit sa akin at hindi pinansin ang tanong ng matanda.
"Who are you?" Sagot ko.
"She didn't tel..... forget about it. I'm Denver." Wika niya at naglahad ng kamay sa akin.
"Tala."
"Denver." Wika niya naman sa prinsesa.
"Princess Agnes" tipid niyang sagot.
Ilang saglit akong napatigil nang mag sink in sa utak ko ang sinabi niya.
Agnes? Ilang beses ko ng narinig ang pangalan na yan. Hindi ko na matandaan kung saang lugar ko iyon narinig. Ang tanging natatandaan ko lamang ay noong gabing tumakas ako sa palasyo kung saan ako kinulong at narinig kong tinawag ng ang kaniyang pangalan.
"Nasaan yung inumin ko?" Wika nung denver sa matanda.
Binigay naman ng matanda ang isang bote na may pagkakatulad sa iniinom niya kanina.
Habang umiinom ang lalaki ay napatingin ako sa tattoo nito sa gilid ng kaniyang tenga. Parang nakita ko na ito, hindi ko lang maalala kung saan.
"So, alam mo na ba ang pagkatao mo?" Tanong niya sa akin at umupo sa bakanteng upuan.
"Hindi ko alam" tipid kong sagot.
"Ikaw?" Tingin niya naman sa prinsesa na kanina pa walang imik.
"I'm working on it" sagot niya naman.
"Ikaw tala..." uminom ulit siya sa bote na hawak niya
"Alam ba ng tita clara mo na andito ka?"
Napatingin ako sakaniya sa sinabi niya. Kilala niya si tita clara?
Bakit halos lahat ng andito ay may alam sa pagkatao ko. Bakit hindi na lang nila sabihin sa akin ang lahat? Bakit kailangan pang mag bigay sila ng mga tanong na mahirap sagutin? Sumasakit na ang ulo ko.
"Bakit mo siya kilala? Sino ka ba talaga?"
Uminom ulit siya kaya napatingin ulit ako sa kaniyang tattoo. Biglang umawang ang bibig ko nang mapagtanto ko ito.
"How in the f*****g world....."
Sabi ko na nga ba. Parang nakita ko na ang tattoo niya.
"Ikaw 'yong pumunta sa bahay namin ano? Iyong bumisita kay tita clara? Ikaw 'yong kaibigan niya hindi ba?"
Tumaas naman ang kilay niya at ibinaba ang boteng hawak niya.
"Kaibigan?" Sarkastiko niyang tanong.
May sinabi pa siya pero hindi ko narinig dahil mahina lamang ito.
"Pa'no mo nalama- oh just like your father. I can't hide from those eyes." Wika niya na parang kinakausap ang sarili.
Uminom ulit siya atsaka ako hinarap.
"Ako nga" sagot niya.
"Anong alam mo sa pagkatao ko? Bakit kilala mo si tita clara? Bakit ka andito? Anong kinalaman mo sa magulang ko?" Sunod sunod kong tanong.
Ang tagal ko na dito sa lugar na ito. Ang dati ay gusto ko lang iligtas si luna sa kapahamakan. Wala sa isip ko ang pag hahanap sa totoong pagkatao ko o kung sino ba talaga ang magulang ko at kung saan ba talaga kami galing.
"I can't"
"Why?" Medyo napalakas ang pagkakasabi ko sa inis.
Bakit hindi na lang ba nila sabihin? Bakit kailangan pa nila akong pahirapan?
"Gusto kong ikaw mismo ang makaalam." Wika niya at uminom ulit kaya ako napailing dahil sa inis.
"Why can't you just tell us who we really are?" Tanong ng prinsesa.
"As i've said, I can't. Hindi ko pwedeng pangunahan..... basta. Gusto kong kayo mismo ang makatuklas sa inyong pagkatao"
"You two need to go back." Basag niya sa katahimikang bumalot saamin.
Tumayo na kami at akmang lalabas na sa pinto ng magsalita ang matanda.
"Denver, ihatid mo na ang dalawang prinsesa" wika niya at ngumiti ng malaki saamin.
"Why me?" Irita niyang tanong.
"Sige na" pagpipilit naman ng matanda.
Padabog niyang inilapag ang bote at tumungo sa prinsesang katabi ko.
"Siya muna" wika niya sa akin.
Ang inaasahan ko ay tutungo sila sa pintuan pero hindi. Yinakap niya ang prinsesa at bigla na lamang silang naglaho.
"That kid again" natatawang sambit ng matanda.
"Where did they go?"
Bakit bigla silang naglaho? Anong nangyari? Saan sila nagpunta?
"Teleport." Tamad niyang sabi. Siya naman ang uminom sa hawak niya hanggang sa naubos ito. Nagbukas ulit siya ng bote at sumipsip dito.
"Ang batang iyon talaga, napakatamad. Ibang iba sila ng kaniyang kapatid." Wika niya at uminom ulit.
Hindi ko nalang siya pinansin dahil hindi ko naman alam ang sinasabi niya.
Nagantay ako ng ilang minuto at biglang lumitaw yung denver sa harapan ko. Nabigla ako sakaniya pero hindi ko 'yon pinahalata.
"How'd you get here? Pa'no mo nahanap ang lugar na ito?" Sambit niya atsaka tumungo sa lamesa at inubos ang iniinom niya kanina.
"Dahil sa kaibigan ko kaya ako nakapunta dito."