Chapter 18

1662 Words
"This is unfair old man!" Malakas niyang sabi sa matanda. Kinuha kasi ng matanda ang tatlong bote na hindi pa nabubuksan na balak sanang kuhanin nung denver. "Oh come on Den. I'm still your father so....." wika ng matanda at yinakap ng mahigpit ang tatlong bote at ngumiti ng mapangasar. "Father my ass!" Iritang sagot niya sa matanda. Halos magkaedad sila ni kuya gerald base sa itsura niya. Mukha lang siyang matandang tignan dahil sa kaguluhan ng damit at buhok niya. "Bigyan mo ako ng isa!" "Ihahatid mo pa ang magandang binibini...... Prinsesa." natatawang sabi niya. "I can hadle it. Just give me one. Hindi ako aalis dito kung hindi mo ako bibigyan." Mariin niyang wika. "Haaayyy Denver.... oh ayan." Pailing iling ng matanda habang tumatawa. Uminom yung denver atsaka tumayo patungo sa akin. At ganon din, yinakap niya ako at biglang nandilim ang paningin ko. "We're here. You can open your eyes" Amoy na amoy ko ang hininga niya. Sabi ko na nga ba, alak yung iniinom niya. Pareho sila nung matanda. "Mag pahinga ka na. You will always be my stubborn yet loving niece." Aniya niya atsaka naglaho. Lasing na ata 'yon. Kung ano anong sinasabi. Pareho sila nung kasama niya, kung ano anong sinasabi. Nakatayo lamang ako at hinayaang balutin ng katahimikan ngunit napatingin ako saaking paanan at nakita ang aking espada. Hindi ko napansin ang espada ko kanina noong ando'n kami sa lugar nung matanda. Masyado akong abala sa mga nasaksihan ko kaya't hindi ko namalayan na nawawala na pala ito. How stupid. Pero papa'no nawala sa kamay ko 'yon? Iwinaksi ko na lang sa isip ko ang katanungang iyon. Masyado pa akong maraming kailangan pag tuonan ng pansin, wala na akong oras para diyan. Maya't maya'y naglakad na ako patungo sa bahay. It's almost dawn, hindi ko na namalayan ang oras. Baka hanapin na ako nila kuya. Umakyat ako sa lubid at dahan dahang naglakad patungo sa loob. Nakita ko sila jack at damon na nakahilerang natutulog sa lapag. Napangisi ako atsaka dumiretso sa kwarto. Hindi ko pa ramdam ang antok ko pero ramdam ko na ang pagod ko. Hindi rin mawala sa isip ko ang mga nakita't narinig ko kanina. Those people are driving me crazy. Kung sana ay sinabi na lang nila sa akin ang lahat, sana ay matatahimik na ang buhay ko. But when I saw those couple fighting for their love, I felt devastated and happy at the same time. I was happy when they're both dying but still they manage to say all their feelings to each other. Pero parang ang kalahati ng pagkatao ko ay namatay kasama nila. Tumulo ang mga luha ko ng hindi ko inaasahan. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon. Marahil ay nadala ako ng sobra sa nakita ko. ... Nagising ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko. "Goodmorning baby" Napatingin ako kay damon na nakaupo sa dulo ng higaan. "Anong ginagawa mo dito?" "Watching how you sleep" "Bakit?" "Wala lang. Bakit masama ba?" Tumayo siya at tumungo sa tabi ko. "Sa'n kayo galing kagabi?" Hindi ko gaano naintindihan ang ibig niyang sabihin kaya't napatingin ako sakaniya ng ilang segundo. "Ahhhh. Nagpahangin lang sa labas." Pagsisinungaling ko. Tumango tango naman siya bilang tugon. Naupo naman ako at bahagyang pumantay sakaniya. "Can you stay by my side this whole day?" Kahit naguguluhan ay pumayag ako. Lumabas kami at tumungo sa maliit na lamesa. Kumain muna kami at niyaya niya akong magpunta sa labas. "May kailangan kaming gawin ng kuya mo. Pansamantala muna kaming mawawala." Napatingin naman ako sa sinabi niya. "Sa'n kayo pupunta?" Nilingon niya ako at tumitig saaking mga mata. Diretso lang kami sa paglalakad pero hindi namin pinuputol ang tingin sa isa't isa. Nakalayo na kami sa bahay at hindi ko alam kung saan kami pupunta. "Bantayan ang kilos ng mga kalaban" wika niya at ibinalik na ang tingin sa daan. Napapansin ko na rin na palagi na lamang kaming hinahabol ng mga kawal ng hari. Ang humabol sa amin noong nasa tirahan pa kami ni kuya ay kapareho ng mga humabol saamin kagabi. Ano ba ang pakay nila sa amin? Siguro ay dahil sa pagtakas ko kaya kami hinabol kagabi. Pero noong una, bakit kami sinugod? Ano ang pakay nila? May ginawa ba si kuya? Ang mama niya? Ako? Wala naman akong matandaan na ginawa kong masama. Bakit ang dami daming katanungan? Gusto ko mang sagutin ay hindi ko alam kung saan ako kukuha ng sagot. Mag mula sa lugar kung saan ako lumaki hanggang dito ay maraming nangugulo sa isip ko. "Do you love me?" Hindi ako nakaimik agad sa bigla niyang tanong. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Parang may mali. "Bakit mo natanong?" Sagot ko. "Just answer" "How 'bout you. Do you love me?" "I love you Talisha" Mahal din kita Damon. Hindi ko lang masabi ng harapan. "Do you trust me?" Tanong niya ulit. Hindi ko alam ba't bigla bigla siyang nagtatanong ng mga ganito. "I do" Nabalot kami ng maikling katahimikan bago siya magsalita ulit. "I'm sorry. I sincerly apologize Talisha."sabi niya habang nakatingin sa akin. "Para saan?" "I'm really really sorry tala" "Why are you saying this kind of...." "I am so sorry. Please forgive me" Naguguluhan na ako sa sinasabi niya, sa mga kilos at galaw niya. Nakatingin lamang ako sa matatamlay niyang mata at pilit na inaalam kung bakit ganito ang kinikilos niya. "I'm so sorry" wika niya at hinalikan ako sa noo atsaka niyakap. "Dance with me baby." Inilagay niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya at ang kamay niya naman ay sa magkabilang beywang ko. Dahan dahan siyang gumalaw at sinabayan ko ito. Tanging katamlayan at lungkot ang nakikita ko sa pula niyang mata habang tinititigan ko ito. "I love you" wika niya. Ngumiti lamang ako ng maliit sakaniya at yinakap siya ng hindi pinuputol ang aming pagsayaw. Ilang minuto kaming nagsayaw hanggang sa nagyaya na siya. Naglalakad kami ngayon sa isang mahabang tulay na gawa sa pinagtagpi tagping kahoy. Mahaba at napakataas ng tulay na ito, at walang pwedeng hawakan. Nakasalalay sa pagbalanse mo ng iyong katawan ang kaligtasan mo para makarating ka ng buhay sa dulo. Ang sasalubong sa iyo kung sakaling ika'y nahulog ay ang malakas na agos ng tubig. Ang magkabilang dulo nito ay pawang nakadikit na sa ulap at ang kulay ng tubig ay parang kulay ng langit. Tumigil ako sa gitna at maingat na umupo. Pinapanood ang malakas na pag agos ng tubig at hinahayaang hampasin ng kalmadong hangin ang aking sarili. Umupo naman si damon sa tabi ko at pareho kaming nakatingin sa tubig. "I....." bumuntong hininga siya "I'm sorry" Tinignan ko siya habang siya ay nakatingin sa tubig. Bakit ba siya humihingi ng tawad? Dahil ba ito sa hindi niya mapigilan ang kaniyang sarili? Dahil ba ito sa mga halik na binibigay niya sa akin? "Is there something wrong damon? Bakit ka humihingi ng tawad sa'kin? Sa pagkakatanda ko, wala ka namang nagawang mali" Nagpakawala ulit siya ng malalim na paghinga at hinarap ako. "Please forgive me....." Hinawakan niya ang kamay ko at nagsalita ulit. "I promise... this time I will do whatever just to protect you. I can turn my back from them because I love you...." "I will never let you fall I'll stand up with you forever I'll be there for you through it all Even if saving you sends me to heaven 'Cause you're my You're my, my My true love My whole heart Please don't throw that away 'Cause I'm here for you Please don't walk away and Please tell me you'll stay, yeah Whoa Stay, whoa, whoa Use me as you will Pull my strings just for a thrill And I know I'll be okay Though my skies are turning grey" Ngayon ko lang siya narinig kumanta. Ang ganda ng boses niya. Pero hindi ko alam kung bakit niya ako kinakantahan ngayon, parang may mali sa nararamdaman ko pero hindi ko maintindihan. "I will never let you fall I'll stand up with you forever I'll be there for you through it all Even if saving you sends me to heaven" Hinalikan niya ako atsaka ako niyakap ng mahigpit na nagpaiyak saakin. Why am I crying? "I can be whatever to protect you, Tala. Even if saving you sends me to heaven or hell. But please don't run away and please stay by my side until the end. Trust me baby, please trust me." wika niya at hinalikan ako sa noo. Hindi ko mabasa ang emosyon niya. Naging tahimik kami ulit at ilang minuto kaming ganon hanggang sa nag-aya ulit siya. Nakarating kami sa dulo ng tulay at nilakad iyon. Maraming mga puno ang nandito. Hindi siya kakaiba at isa lamang itong tipikal na puno. Walang kumikinang o kung ano ano man. Nasa gitna na kami ng kagubatan nang biglang umingay ang paligid. Para itong mga kabayong tumatakbo patungo sa amin. "s**t" mahinang mura ko. Ano nanaman 'to? Pati ba naman dito? Damn it. Wala akong dalang armas. Pinalibutan kami ng mga ito. Mga kawal sila pero hindi sila kapareho ng mga humabol sa amin noon. Humarang sa akin si amon na nakatingin sa mga nakapalibot sa amin. "Sino kayo? Bakit kayo nakapunta dito?" Sabi ng isa sakanila. "Paumanhin dahil kami ay nagtungo dito..." "Wala pong kasalanan ang binibini kaya't kung gusto niyo ay ako na lamang ang inyong parusahan" pagputol niya saakin Nagkaroon ng maikling katahimikan nang bumaba sa kabayo ang isang lalaki at tumungo sa harap namin. "Ano ang iyong ngalan?" Tanong nito. "Ako ay si Damon." "At ikaw magandang binibini?" "Tala" tipid kong sagot. "Dalihin sila sa kaharian." Wika niya at sumakay ulit sa kabayo. May kung anong bagay na hinipan ang isang babaeng kawal sa mukha ko kaya't medyo nahilo ako. Nandidilim na ang paningin ko, pero nakita ko si damon na buhat buhat ng isa sa mga kawal at isinakay sa kabayo. ~~~~~~~~~~~~~~~~ Song: Your Guardian Angel by The Red Jumpsuit Apparatus
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD