Chapter 16

1773 Words
"J-jack?" "Please don't run away" "Y-you're a v-vampire?" "Tala don't be afraid of me. I promise I won't hurt you." "I'm not afraid jack. You are my bestfriend, I trust you. But why didn't you tell me?" "I was too afraid back then. Lahat na lang ng mga nakilala ko na akala ko'y tatanggapin ako ay tinatakbuhan at kinakalimutan ako. Natakot ako sa magiging reaksyon mo kung sinabi ko sa'yo. I'm sorry tala." "I just don't know how I'm going to react, knowing my bestfriend is a vampire. God! I never know that vampires do really exist, but not in human world." Napangiti na lang ako sakaniya. I can fully accept him, his true self. Hindi ko alam kung bakit ganito ko siya pinapahalagahan bilang kaibigan. "I think you forgot what i've told you before, don't you? Tatanggapin ko kung ano ka, kasi kaibigan kita. I am your bestfriend so don't be afraid to tell me the truth." Nagbago na ang itsura niya, bumalik na ang dating jack na nakita ko. Nawala na ang mga pangil at pula niyang mga mata. "Thank you tala." Ngiti niyang wika. Ngumiti din ako sakaniya. Yinakap niya ako kaya't gumanti rin ako. "How'd you find me anyway?" Naglalakad na kami ngayon pabalik. "Gusto ko kasing libutin itong lugar para makapag isip-isip, hindi ko naman akalain na nandito ka at masasaksihan ang pangyayari kanina." Sagot ko. "Natakot ka ba noong nakita mo ako?" "No. Hindi lang talaga ako makapaniwala. Hindi ko kasi alam na bampira ka." "Yung uhaw ko kanina biglang nawala nung nakita kita. Hindi talaga ako makagalaw non." Aniya atsaka tumawa. "Pa'no naman ako?" Natatawang wika ko. "Pero seryoso to, kaya hindi ako nagtatagal sa tabi mo kasi naaakit ako sa amoy ng dugo mo. Hindi ko alam kung anong klaseng dugo ang dumadaloy sa katawan mo." Napatahimik naman ako sa sinabi niya. Paano no'ng binuhat niya ako? Pa'no niya nakontrol sarili niya noon? "Noong dinala kita sa mga lugar na gusto ko, katatapos ko lang humuli ng usa no'n, kaya kahit papaano'y nakokontrol ko ang sarili ko. Pero hindi ibig sabihin na hindi na ako naakit sa dugo mo." "Hindi ko alam ang gagawin ko no'n nung biglang lumabas ang pagkabampira ko dahil sa amoy ng dugo mo, buti na lang hindi mo ako napansin kasi masyado kang nabibighani sa dagat." Natatawang sambit niya "Wala na akong pagpipilian kaya yinaya na kitang bumalik, kasi baka hindi ko mapigilan sarili ko't masipsip ko ang dugo mo." Dagdag niya ulit. Hindi ako makapagsalita sa pag amin niya. Kaya niya siguro nagagawa yung pagtakbo sa mga sanga ng puno kasi bampira siya, kaya din siguro siya maliksi. "Parang ngayon. Amoy na amoy ko ang dugo mo." Halakhak niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Wala akong nararamdamang takot sakaniya, kairitahan ang meron. "Ano kayang lasa ng dugo mo?" Patawa niyang tanong. "Gusto mo bang mamatay?" Mariin kong tanong kaya ulit siya tumawa. "Ikaw tigil tigilan mo ako. Baka bunutin ko yang dalawang pangil mo pag hindi ka tumigil sa pang aasar mo sa'kin." "Ok ok." Sabi niya atsaka bahagyang tumigil sa pagtawa. "That grumpy boy.....is he your boyfriend?" Pag iiba niya. Napalingon naman ako sakaniya, inaasahan na nagbibiro ngunit nakatingin lamang siya sa dinadaanan namin. "No. Why'd you ask?" Sagot ko lang. Para siyang babae, ang bilis mag palit ng mood. "Is it bad to ask?" Pabiro niyang sagot. "Wala ka talagang kwentang kausap." Iritang sagot ko. Akala ko'y seryoso na siya kanina. "Hindi ka na nasanay." Patawa niya ulit na sabi. Naglakad kami hanggang sa kaharap na namin ang puno kung nasaan ang bahay na tinutuluyan namin. "Mauna ka na muna" aniko sakaniya. May nararamdaman nanaman akong kakaiba sa paligid, hindi ito masamang enerhiya. Pamilyar ito sa'kin at kailangan kong malaman kung ano 'yon. "May nakalimutan ka ba? Samahan na kita" "No, mabilis lang ako. Susunod din ako." "But...." "Mabilis lang ako" Sambit ko sakaniya ng may maawtoridad na tono. "Sumunod ka din agad. Gabi na, kailangan mo na din mag pahinga." Tumango lang ako atsaka tinignan siyang tumalon papunta sa bahay. Naglakad naman ako para sundan ang enerhiyang nararamdaman ko. It's like it is pulling me towards to that person or a thing. Dinala ako ng mga paa ko sa isang masikip na daan at mayro'ng mga halaman sa paligid. Ang mga puno sa gilid ng dinadaanan ko ay nagmistulang pader. Tinahak ko 'yon at nakarating sa dulo. Binati ako ng malakas na hangin at mga dahong nagsisi-lagasan sa mga puno nito. "Hey...what are you doing here?" Napalingon naman ako dahil sa bigla sa nagsalita. Parang lalabas na yung puso ko sa bilis ng t***k nito. "What are YOU doing here?" Balik ko naman. "I just feel something. How 'bout you?" "Me either" Tinignan niya naman ako ng parang nag tatanong. "What?" "Wala lang. Nakita nanaman kita." "Oh come on princess, masanay ka na." Patawa kong wika sakaniya. Hindi ko alam na pati ba naman dito'y makikita ko siya. "Hindi ko alam pero bakit parang ang gaan ng loob ko sa'yo....but that doesn't mean na hindi mo na dapat ako igagalang." "Ako rin...but that doesn't mean din na gagalang na ako sa'yo. Besides i'm older than you." Patawang sagot ko. Para siyang si Luna, pero medyo may pagka-antipatika siya. "Tss" sabay irap niya. Magsasalita na sana ako ng may magsalita at kumuha ng aming atensyon. "You two. Come here" Isang matandang lalaki na mayro'ng hawak na bote sa magkabilang kamay. Para siyang lasing sa kilos niya. "Sundan niyo ako" Tumalikod na ito at naglakad. Hindi siya tipikal na matandang lalaki na uugod-ugod na, kulubot lamang at maputi na ang kaniyang buhok pero maayos pa din ang postura niya. "Who's that ugly old man?" "I don't know" Sagot ko naman. "Should we follow him?" "I don't know" Hindi ko alam kung anong gagawin. May parte sa akin na gustong sundan ang matanda, pero may parte din sa akin na kinakabahan. Ngayon ko lang siya nakita, atsaka may kasama akong prinsesa, baka mapahamak siya. "Come on let's follow him. I think you can defend us." Sambit niya at sinundan ang matanda. "This little...." wala na akong nagawa kundi sumunod. I am in a real f*****g trouble if something bad will happen to this girl. She's a f*****g princess and I was their f*****g prisoner. "f**k it. I didn't do anything wrong." Irita ngunit pabulong kong wika. Nakarating kami sa isang lumang bahay na gawa sa mga kahoy at napapalibutan ng mga halaman at puno. Ang mga puno dito ay hindi kumikinang, kaya't may kadiliman ang paligid. Ang nagbibigay lamang ng liwanag sa paligid ay ang mga ilaw na halos mamatay na. Ang daanan at sa bahay lang mismo ang may ilaw pero sapat na iyon para makita ko ang paligid. Pinapasok niya kami sa loob ng bahay niya at pinaupo. Inilapag niya naman ang hawak niyang bote sa lamesa. "Anong kailangan mo?" Bigla kong tanong. "Patience" sagot naman niya. Maliit lang ang kaniyang bahay. Ang laman ng bahay niya ay halos mga dahon at garapon na may tubig at mga dahon sa loob. May apat na lamesa na nakahilera sa gitna at nando'n ang iba pang garapon at mga dahon. "Ano ang mga ito?" "Wag masyadong maraming tanong" "Ano ba ang kailangan mo sa'min? Sino ka ba? Ano ka?" Sunod sunod kong tanong. Ano nga ba ang kailangan niya sa'min. Bakit niya kami pinapasunod sakaniya? "Pareho kayo ng tatay mo" Napakurap ako ng ilang beses sa narinig ko. May alam siya sa tatay ko. May alam siya sa pagkatao ko. "Pa'no mo nalaman ang tatay ko? Sino siya? Asa'n siya? Gusto ko siyang makita" Hindi ko alam pero bakit sumasakit nanaman ang puso ko. Nitong mga nakaraang linggo hindi na ito sumasakit, pero bakit sumasakit nanaman ito ngayon? Napahawak ako saaking dibdib dahil sa pamimilipit. Sobrang sakit. "Those bond is so powerful....I mean the curse" "What.....curse..?" Nahihirapan na akong makasagot sakaniya. "Give me your hands. The two of you" wika niya habang hindi inaalis ang tingin sa kanina niya pang hinahalo na tubig na nakalagay sa isang malaking lalagyan. Kahit nagdadalawang isip ako'y pinilit kong tumayo para makapunta sakaniya. Kumuha siya ng maliit na patalim at ginamit 'yon sa paghati sa palad ko. Napadaing ako sa hapdi ng ginawa niya at ganon din ang prinsesa. Pinatulo niya ang dugo namin sa hinahalo niya at umilaw ito. "This might help" sambit niya. Lumitaw ang mga imahe sa ere na nanggagaling sa likidong umiilaw na hinahalo niya. "Ang galing naman ng mga prinsesa ko" wika ng lalaki sa tatlong bata na may kulay electric blue na mata. Nasa gubat ang mga ito at ang tatlong bata ay nagtatanim kasama ang lalaki at babae- magulang ata nila. "Para saan po ba ito?" Tanong ng bata na may kulay golden brown na mata. "Ito ay sumisimbolo sa atin" masayang sagot ng kanilang ina na mayroon namang kulay kahel na may halong dilaw na mata. "Wag na wag niyong kalilimutan na kahit anong mangyari ay magkakapatid kayo. And also, remember that blood is much more thicker than water." Wika ng kanilang ama. "Opo" sabay sabay nilang sagot. Nagbago ang imahe at napalitan ito. Isang babae ang nakakulong sa madilim at walang bintanang silid. Kapareho nung kulungan na pinaglagyan sa'kin ng kung sino. Tumunog ang pinutan dahilan ng pagtingin ng babae dito. Iniluwa ng pinto ang lalaking matangkad. Hindi ko gaano maaninag ang mukha niya dahil madilim. "Nakapag isip ka na ba?" Tanong niya. Ilang minuto muna bago sumagot ang babae sakaniya. "Kahit kailan hinding hindi ako mag papakasal sa'yo. Mahal ko siya at alam kong mahal niya din ako. Walang kahit na anong pwedeng makapaghihiwalay saamin." Madiin niyang sagot. "Hindi ka nag iisip. Wala kayong magagawa kung ang paiiralin niyong dalawa ay ang walang kwenta niyong puso. Pareho kayong mapapahamak at ang pamilya mo ay madadamay. Maraming madadamay sa pilit niyong ipinaglalaban" Tumataas na ang tension sa pagitan ng dalawa. "Wala kang alam sa pagmamahal dahil wala kang puso. Ang tanging alam niyo lang ay ang mag hari at sambahin ng lahat!" "Ayusin mo ang pagsasalita mo!" "Totoo naman. Itinuring kitang tunay na kaibigan..." sambit ng babae na nagpipigil sa pag iyak. "Akala ko noon, ikaw ang kakampi ko at tutulungan mo ako sa lahat ng desisyon ko. Pero hindi ko alam na ganiyan ka pala. Nakalimutan mo na ang pinagsamahan natin dahil sa tukso." "Hindi na ako ang dati mong nakilala." Madiin niyang wika sa babae. Lumakad na ang lalaki papunta sa pinto pero humarap ulit ito sa babae. "Face the consequences." Sambit niya at tuluyan ng lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD