Chapter 15

1641 Words
"Damon protect her." Hinawakan ni kuya ang mama niya at ganon din si damon sa akin. Napatingin ako sa kaliwa ko at nakitang lumipad ang isang palaso papunta sa direksyon namin. Itinulak ko sila kuya atsaka ako yumuko kasabay si damon. Sumugod sa amin ang pitong kawal na may mga armas kaya't tumayo kami kaagad ng maayos. Hindi namin kakayanin ang mga ito dahil tatlo lang kaming marunong makipaglaban. Ang mama ni kuya ay hindi marunong dito. "Hindi pa sila kumpleto. Asa'n ang iba?" Tanong ni kuya nang sanggain ang espada ng sumugod sakaniya. Ang lalakas nila. Isinangga ko naman ang espada ko sa dalawang kawal na sumugod sa akin. Napatingin ako sa mama ni kuya, may isang kawal papunta sakanilang direksyon kaya ako tumakbo doon at isinaksak sa dibdib ng kalaban ang aking espada. "Thank you. Mag iingat ka" Anila. Hindi ko napansin ang dalawang kawal na sumugod sa akin kaya't hindi ako naging alerto. "s**t" Pag kasabi ko non ay may bumaon na punyal sa ulo ng dalawang kalaban na sumugod sa akin. "Sana ay tinawag mo ako para naman makasama ako dito sa pagdiriwang nagaganap." natatawang wika ni jack atsaka tumalon pababa. "Nice timing jack. Thanks" buti na lang talaga ay dumating siya, kung hindi baka natuluyan ako ng dalawang hayop na 'yon. "Always welcome." Sagot niya sabay kindat. Napangisi naman ako. Nakita ko si kuya at damon na kalaban ang tatlong kawal habang kami ni jack ay dalawa. Ihinarang ko ang espada ko sa umatake kay jack at itinulak ito. Sinuntok din ni jack ang kalaban niya kaya napahiga rin ito. "Ako ng bahala dito sa dalawang 'to. Kayong dalawang babae dapat ang mag kasama. Ikaw tala pumunta ka doon sakaniya at bantayan mo." Sambit ni jack at muling sumugod sa dalawang kalaban. "Mag iingat ka." Sagot ko atsaka pumunta sa mama ni kuya. Kinuha niya ang katana ng pinatay niyang kawal kanina at ginamit iyon sa pakikipaglaban. Sobrang liksi niya kaya't hindi ito gaano masundan ng mga kalaban. Una niyang sinugod ang isang kalaban at itinusok ang espada niya sa dibdib nito. Tumalon siya at umikot ikot sa ere atsaka niya itinapon ang katana na hawak niya papunta sa ulo ng isa pang kawal. Ang pagdapo ng mga paa niya sa lupa ay kasabay ng pagtumba ng mga kalaban. Napatay nilang tatlo ang limang kawal at nagmadali kaming umalis. Si jack ang nangunguna kasi may alam daw siyang lugar na pwede naming matuluyan. "I heard they were searching for you tala." "Yeah" tipid kong sagot. "Why?" Hindi niya pa pala alam yung nangyari sa akin. Ayoko ng malaman niya, tama na yung kaming apat lang nila kuya ang may alam. "I don't know either" pagsisinungaling ko. But he's my bestfriend. Argh! Napatingin sa akin sina kuya at ang mama niya kaya nginitian ko lamang sila ng maliit. Naintindihan naman nila iyon kaya binalik na nila ang tingin sa daan. "Malayo pa ba tayo?" Pag iiba ko. Napakatahimik kasi. Parang kami lang ni jack ang tao sa katahimikan na bumabalot sa aming lima. "Malayo pa ng konti." Naglakad kami ng naglakad hanggang sa marating namin ang isang tulay kung saan mayroong talon na naghahati dito. Ang apakan ng tulay ay gawa sa isang makapal na trunk ng puno, at sa baba nito ay tubig. "The THREE of you should trust me." wika niya habang tinignan isa isa sila kuya. "Follow me" sambit niya atsaka naglakad ng maingat sa tulay. Sumunod ang mama ni kuya atsaka ako. Napakasarap sa tenga na marinig ang pagtunog ng tubig na nangggagaling sa talon. Nakatawid kami ng maayos atsaka ulit naglakad. Mas maganda ang itsura ng mga puno dito. Para kaming pumasok ulit sa isa pang paraiso na kung saan napaka payapa at napakaganda. Ang bawat puno dito ay kumikinang, hindi katulad doon sa kabila na ang mga bunga lamang ang kumikinang. Magmula sa ugat hanggang sa mga dahon ay kumikinang ito. Ang mga nutrients na dumadaloy sa bawat puno ay nakikita kung papa'no ito nag pupunta sa kung saan saang parte nito. "How did you found this such a beautiful place?" "Remember that I am obsessed with spectacular and hidden places like this" Hindi na ako nagsalita ulit at tinignan na lamang ang kagandahan ng mga puno. Naglakad pa kami hanggang sa marating namin ang isang mataba at malaking puno na kumikinang din ngunit mayro'ng bahay sa itaas nito. "Pa'no tayo makakapunta jan?" Tanong ng mama ni kuya. "I'll carry the two ladies and the two of you should stay here and wait for me." Sambit ni jack sakanila kuya at damon. Una niyang binuhat ang mama ni kuya atsaka siya tumalon ng mataas papunta sa bahay. Ilang minuto pa ay tumalon siya pababa atsaka ako hinarap. "Don't be afraid. You've already experienced this" Wika niya at ngumiti ng nakakaloko. Tinaasan ko na lang siya ng kilay bilang tugon. "What do you want. A piggy back carry or a bridal carry?" Ngisi nitong tanong. "Piggy back carry" sagot ko. Sumakay na ako sa likod niya at pagkatalon niya ay bumaba rin ako agad. Pumasok kami sa loob at siya'y dire-diretso sa may bandang kusina. Pagbalik niya'y may hawak na siyang lubid na itinapon niya sakanila kuya pagkatapos niyang itali ang dulo nito sa makapal na sanga ng puno. "Climb!" Aniya. Nakaakyat na sila kuya at damon kaya't dumiretso na kami sa sala. Hindi gawa sa ginto at dyamante ang mga gamit dito, di tulad ng sakanila kuya. "We should take some rest everyone. Alam kong napagod kayo kaya't matulog muna tayo. This place is safe so don't worry" "Madame.... I forgot to formally introduce myself to you.." wika ni jack atsaka naglakad papunta sa mama ni kuya. "Hello, my name is Jack. It's a pleasure to know your name madame?" Nag bow ito atsaka marahang hinalikan ang likod ng kamay ng mama ni kuya. "Don't be so formal jack. I'm Olivia." Sagot ng mama ni kuya at tumawa ng maliit. Ngayon ko lang nalaman ang pangalan nila. "My name is Gerald." Singit naman ni kuya. "Jack" atsaka siya ulit ngumiti. "Mom, you should sleep." Tumungo na silang dalawa sa kwarto at tanging kami nila jack at damon ang naiwan. This is going to be a disaster. "Hey grumpy boy. You should also sleep." Pangaasar nanaman ni jack. Kinuyom ni damon ang kamao niya kaya't napalapit ako sakaniya ng wala sa oras. "Stop." Humarap siya sa akin at nagpakawala ng malalim na paghinga. "Doon ka na sa kabilang kwarto. Dito na ako matutulog" wika niya. "Jack stop making fun of him. Huwag kayong mag away kung ayaw niyong makatikim ng sampal sa akin." Pagbabanta ko naman. "I wont" sagot ni jack. Pumunta na ako sa kabilang kwarto at humiga. Ang sakit ng katawan ko pero hindi ko pa ramdam ang antok ko. Hindi ko kayang matulog dahil sa mga nangyari. Hinahanap nila ang prinsesa at ang babaeng tumakas. Ako 'yong tumakas at sa palagay ko'y ang prinsesang hinahanap nila ay ang prinsesang nakausap ko kanina lang. There's something about that girl. Bakit ang gaan ng pakiramdam ko sakaniya? Ilang minuto akong nakatingin sa kawalan para mag isip ng kasagutan pero wala talaga akong maisip. Umupo ulit ako at napagdesisyunang lumabas muna. Nadaanan kong natutulog si damon sa sofa. Hinanap ko naman si jack pero hindi ko siya nakita. "Where is he?" Naglakad ako ng maingat para hindi gumawa ng ingay papunta sa labas. "Asa'n nanaman kaya 'yong lalaking yun" Ang akala ko'y nagpapahangin siya dito. Kinuha ko ang aking espada sa may gilid ng pintuan. Itinapon ko ito pababa ng puno atsaka ako kumapit sa may tali. Dahan dahan akong bumaba at kinuha ang espada ko na nasa lapag. Medyo lumalamig na ang simoy ng hangin kumpara no'ng mga nakaraang linggo. Nakarinig ako ng kakaibang tunog sa may silangan kaya't sinundan ko ito. May mga hayop ba dito? Nakarinig ulit ako ng kaluskos kaya't napahawak ako ng mahigpit sa espada ko. Medyo napapalayo na ako sa bahay, pero nacurios kasi ako kung ano ang naririnig ko. Nakita ko ang isang usang malayo sa akin, payapa itong kumakain ng d**o. Tumigil ako at inobserbahan ito. Hindi ako makakatago sa mga puno dahil kumikinang ito kaya't makikita ako. Hindi ko nasundan ang sumunod na pangyayari. Nakita ko na lang na nakahandusay na ang usa habang may nilalang na sumisip-sip ng kaniyang dugo sa may bandang leeg nito. "What the f**k? Sa'n nanggaling 'yon?" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang nilalang na'yon. Ambilis ng galaw niya, ni hindi ko napansin ang prisensya niya. Parang pamilyar sa'kin ang nilalang na'to. Hindi ko alam kung nakita ko na ba siya. Dahan dahan akong lumapit pero alerto kung sakaling atakihin niya ako. Nasa harapan ko na siya at hindi man lang ako napansin dahil sa pagsipsip nito ng dugo sa usa. Napatigil ito ng bahagya ng maramdaman ang aking prisensya. Hinarap niya ako't sinalubong ang mga mata ko. "What...the...fuck?" Ang magaganda niyang mata noon ay napalitan na ng kulay pula- parang dugo. "You're.....a.....v-vampire?" "f**k" Pagmumura niya. Tumayo siya at pinunasan ang bibig niyang punong puno ng dugo kaya ako napaatras. "I'm sorry. I was afraid to tell you....tala" Hindi na siya katulad ng dati. "Tala..." humakbang siya kaya't napaatras ako. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. I can't utter a single word. "Please don't be afraid. Don't run away...please" Humakbang ulit siya, and this time hindi na ako umatras. Nakatitig lamang ako sa mga mata niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin, hindi ko alam kung anong gagawin ko. "I'm so sorry. Hindi ko ginusto na ikaw pa ang makasaksi. Matagal ko ng pinag iisipang aminin ito sa'yo. Pero natatakot ako...." "Hindi ako natatakot kung papatayin mo ako, natatakot ako na baka kalimutan mo ako, baka isumpa o takbuhan. Hindi ko gustong takutin ka, Tala. Please..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD