Chapter 14

1787 Words
Ilang buwan na ang nakalipas simula no'ng nagumpisa akong mag ensayo. Napapansin ko din na lumiliksi na ang mga galaw ko; thanks to kuya. Kay kuya na ako nagpaturo dahil alam kong hindi ako matututo kung kay damon. Naglalakad ako ngayon sa gubat upang mag libot libot. Umalis kasi sila kuya at si damon para mag hanap ng makakain namin mamayang gabi. Nag paalam naman ako sa mama ni kuya na mag lilibot lamang at babalik bago mag dilim. Naalala ko naman 'yong kakayahan ni jack na tumalon sa matataas na puno. Gusto ko din matuto ng ganon. Napagdisesyunan ko namang pagaaralan 'yon ngayon. Kailangan kong matuto ng ganon para kung makita ko ulit 'yong nilalang na iyon ay makakayanan ko siyang habulin. Inilibot ko ang mga mata ko sa nagtataasang puno. Halos magkakalapit ang mga ito pero masyadong matataas ang mga sanga nito. "How can I freakin' reach that?" Ang tataas nila. Kailangan ko pang kumuha ng hagdan para makapunta ako sa pinakamababang sanga nito. Naghanap ako ng pwede kong gamiting lubid para makaakyat doon. I saw a liana hanging from a tree, I reach it and pull it. "Pwede ko siguro 'tong magamit" Naghanap naman ako ng bato para maitali 'yon sa dulo ng nahanap kong baging. Nang makahanap ay agad ko itong tinali atsaka pumwesto para itapon sa sanga ng puno. Sa unang tapon ko'y hindi umabot. Itinapon ko ulit pero sumangga ito sa isa pang sanga kaya hindi nanaman umabot. Sa pangatlong subok ko ay umabot ito at pumulupot sa sangang pinupuntirya ko. Hinila ko ito upang makasigurado na mahigpit na itong nakatali. Umakyat ako habang marahan na naglalakad sa makapal na trunk. Medyo nahihirapan lang ako dahil natatakot ako baka bigla itong maputol. Ang hirap pa naman nitong ipulupot sa sanga. Asa may bandang gitna na ako ng narinig kong tumunog ang sanga. Para itong bibigay. "f**k" Pagkamura ko'y bumigay ang sanga ng baging na pinagtalian ko. Tumama ang likod ko sa lupa at napadaing ako sa sakit. Naging alerto naman ako ng makitang malalaglag sa akin ang sanga na naputol. Gumulong ako sa gilid ko hanggang sa makalayo ako dito. Bumagsak ang sanga sa lupa na gumawa ng ingay. "Damn it" Hindi ko naisip na ang mapuputol ay ang sanga, ang akala kong bibigay ay ang baging pero nagkamali pala ako. Pinilit kong bumangon at pinagpag ang aking sarili. Buti na lamang at itim ang suot ko, kung puti ito ay napakadumi ko na. Nagisip naman ako ng paraan para maakyat ang napakataas na puno. Desperada na talaga akong akyatin ang lintik na punong 'yan. Napatingin naman ako sa dalawang halos magkadikit na puno. "I need to climb on imaginary ladder" Hindi na ako gagamit ng kung ano anong bagay para makaakyat jan. Ang kailangan ko lang ay ang sarili kong lakas at determinasyon. Lumayo ako sa dalawang puno na nakita ko at nagbwelo. Tumakbo ako ng napakabilis papunta sa isang puno na nakita ko at inakyat iyon. Ginawa kong parang hagdan ang trunk ng katabi nitong puno at nang abot kamay ko na ang isang sanga ng isa pang puno ay humawak ako dito. Maingat kong binuhat ang sarili ko para makaupo sa sanga nito. "I did it. I f*****g did it" Hindi ko na pala kailangan ng baging para makaakyat. Kung naisip ko lang ito ng mas maaga ay sana hindi ako nalaglag at nadumihan. "Please don't kill me....I'm begging you" Bigla akong naging alerto sa kinauupuan ko. Umayos ako para hindi ako mapansin, at hinanap kung saan nanggaling 'yong nagsalita. "I won't" sabi ng babae na nakasuot ng itim na natatakpan ang kaniyang mukha. "I'll do anything, please don't kill me..." pagmamakaawa ng lalaking nakaluhod. Medyo pamilyar yung lalaki. Parang nakita ko na siya sa school namin. Hindi kaya sila yung mga nauna ng nagpunta dito? Mayro'ng isang bagay na humiwalay sa katawan ng lalaki na hindi ko mawari kung ano. Tumayo siya atsaka ito naglakad palayo. Katulad siya nung pangit na nilalang na naghabol sa akin noon. "What on earth is that b***h?" Bulong kong wika. "Mag sama-sama kayo ng mga katulad mo. Lumayas kayo sa harapan ko!" Sigaw ng babae atsaka naglakad kasalungat ng nilakadan ng lalaki. "So siya ang dahilan kaya't nag kakaganito sila? Ang akala ko'y gano'n na talaga sila." Umayos ako ng pagkakaupo atsaka humawak ng maigi sa puno nang parating na ang babae. "Those creatures are so damn pain in my ass" Sinipa niya ang isang sanga na nalaglag dahil sa pagkakaputol nito kanina. "I should've killed those punks" atsaka siya tumingala. Huminto ang mundo ko ng biglang dumako ang tingin niya sa akin. How did she knew I'm here? "You! Come down here." Hindi ko alam ang gagawin ko. Tatakbo ba ako? Please somebody help me. I don't know what to do. Kinakabahan ako, ayokong matulad doon sa lalaki kanina. "Bingi ka ba? Bumaba ka dito at harapin mo ako!" Maawtoridad niyang sambit. Hindi ko namalayan na sumusunod na ako sa sinabi niya at ngayon ay kaharap ko na siya. "Sino ka? Bakit mo ako tinititigan? Bakit ka nandito?" Hindi ako makasagot. Ang pag tingin lang sa napakaganda niyang mata ang kaya kong gawin. Her eyes is a bright orange. "Magsalita ka. Bakit ka nandito? Sino ka? Ano ka?" Tanong niya ulit. "W-what....are you?" Inalis niya ang nakabalot sa kaniyang ulo at kitang kita ko ang kulay ginto niyang buhok. She's so damn gorgeous. Nakakahiyang mag pakita sa isang katulad niya. Para akong isang basura kapag katabi ko siya. "I am a princess. Now tell me, who are you?" "I'm....Tala" Hindi ko maiwas ang tingin ko sa mata niya. Napaka ganda nito...napakaganda niya. "Anong ginagawa mo dito? Saang lugar ka nanggaling?" Sabay taas niya ng kilay. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko siya pwedeng pagkatiwalaan, nakita ko ang ginawa niya sa lalaki kanina, baka gawin niya din 'to sa kanila kuya. I should be more intimidating than her, sa palagay ko'y mas matanda naman ako sakaniya, atsaka wala akong pakialam kung prinsesa siya, kailangan ko lang ipakita na hindi ako natatakot para makaalis ako ng buhay. "Nag lilibot lamang ako. Ikaw diba't prinsesa ka? Bakit ka nandito sa labas? Hindi ba't ang isang katulad mo'y nasa loob ng inyong kaharian?" Tanong ko. Umayos ako ng tindig at pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Bigla naman siyang natigilan at pilit kong basahin ang kaniyang emosyon ngunit hindi ko ito magawa. "Hindi ka ba gagalang sa akin? I'm a PRINCESS." Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Ganito ba talaga lahat ng maharlika? Ipinapamukha sa'yo na isa ka lamang sa alipin nila? "Paumanhin po mahal na prinsesa. Maiba naman po tayo, kung hindi niyo po mamasamain, nakita ko po ang ginawa niyo sa lalaki kanina. Papaano niyo po iyon nagawa?" "How did you saw it? What the f**k are you?" Gulat at nagtataka niyang tanong. "I just saw it. By the way, how'd you do that?" "Are you part of a royal family?" Napakunot naman ako sa tanong niya. "No." Mariin kong sagot. "Then how'd you do it?" "What?" Naguguluhan at irita kong tanong. "Forget it. Just don't report me. They're going to kill me if they knew that I have those ability." Pag irap niya. "Bakit ka nila papatayin? Prinsesa ka diba, you can defend your life because you have the power." Bakit hindi niya ito gamitin? Para saan pa ang pagiging prinsesa niya kung hindi niya ito magagamit. "You don't know them. Besides, my ability is cursed, and I don't fully know how to control it." Hindi naman siya mukhang masama. Hindi ko rin alam pero bigla na lang gumaan ang pakiramdam ko sakaniya. "You saw the man right? I might do that to you also."she said while giving me a mischievous smile. "Ok nevermind. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, pero I'll just keep it a secret. Wala akong pagsasabihan kahit na kanino na nakita ko ang ability mo." Pasalamat na lang talaga siya ay may ganiyan siyang abilidad. How I wish I have some ability too. Kahit makapag pagalaw o makapag gamot ay ayos na ito saakin. "Ok then. Nice meeting you...... what's your name again?" Paglalahad niya ng kamay. "Tala" sagot ko at iniabot ang kamay ko. Nakaramdam ako ng kuryente ng magdapo ang mga palad namin dahilan ng pag bitaw namin sa isa't isa. "Awww!" "f**k!" Pag mumura ko. "Don't tell me this is your ability. Stop fooling around!" Irita niyang sigaw. "I am not. I thought it was you" I was just wishing to have some powers. This girl is fooling me. "Then what was that? How did it happened?" "I don't know" Sagot ko. "I am too." Wika niya habang hinihimas himas ang palad. "I should go home, baka mahuli nila ako na nasa labas. By the way, ikaw lang ang bukod tanging babae ang nakausap ko. Be grateful because you saw the face of a princess." Ibinalik niya ulit ang itim na nakapalibot sa ulo niya kanina atsaka lumakad pa-kanluran. Hinayaan ko siya hanggang sa makaalis na ito ng tuluyan. Napatingin naman ako sa paligid at naging alerto. Baka biglang sumugod sa akin 'yong pangit na nilalang. Kailangan ko ng bumalik, mag didilim na. Bumalik na ako at buti na lamang ay may mga ilaw na siyang gumagabay sa dinadaanan ko. Nakarating ako at tanging ang mama lang ni kuya ang nakita ko na nakaupo sa may bato. "Tala. Mabuti't umuwi ka na." Bati sa akin. "Sila kuya po?" Tanong ko atsaka umupo sa tapat nila. "Pumasok kayo sa loob" Pigil na sigaw ni kuya. Nakita kong tumatakbo sila ni damon palapit sa amin at hawak nila ang kanilang armas. Naging alerto kami kaya tumakbo kaming apat sa loob ng kweba. "Anong nangyari anak?" "Narinig kasi namin sa mga kawal ng hari na naglilibot at hinahanap ang prinsesa." "Nakita namin na may pinatay silang isang nilalang. Masyado silang marami kaya hindi namin sila makakaya. Tumakas kami pero bago kami makaalis narinig namin na hinahanap din nila 'yong babaeng ikinulong nila kasi papatayin na nila." Pagkasabi ni damon no'n ay nanlamig ako. Ako yung tinutukoy nila, ako yung tumakas. "Ikaw tala, huwag kang lumalabas labas." Mariin na sabi ni kuya. "Hindi tayo pwede dito. Baka mahanap nila tayo." pagaalalang wika ng mama ni kuya. "Kailangan nating makaalis dito habang malayo pa sila." "Kunin niyo na ang mga armas niyo. Kailangan nating makaalis dito." Dagdag ulit ni kuya. Kinuha ko ang aking espada at sumunod sakanila kuya sa labas. Naglakad kami palayo sa kweba na tinuluyan namin ng ilang buwan. "Everybody search this place." Kinabahan ako ng marinig ko ang boses ng isa sa mga kawal. "They're here. Defend yourselves." Sambit ni kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD