"Hello honey!" Wika ni Agnes. Lumapit siya dito at hinalikan sa labi.
"I miss you so much" masayang sabi ni Agnes at niyakap niya ng mahigpit.
"Oh! I'd like you to meet my beautiful sister, Tala" napatingin na parang gulat na gulat si damon kay agnes.
"Yes, I have a sister. Nagulat din ako noong malaman ko" nakangiti niyang sabi.
"Ate, he is Damon, my fiancé"
Pagkasabi niya ng katagang iyon ay para akong sinaksak ng sabay sabay ng maraming patalim. Napatingin ulit saakin si damon pero umiwas na ako.
Hindi ko siya kayang tignan. Masyado akong nasasaktan.
Kaya ko pa sana 'yong ginawa niya saakin na dalhin dito, pero ang hindi ko matanggap ay ikakasal na pala siya, at sa kapatid ko pa. Paano niya nagawang paikutin ako.
"Masaya ako para sa'yo Agnes. Can I excuse myself" sambit ko at tumungo na sa pinto.
Pagkalayo ko sakanila ay napahawak ako sa pader bilang alalay at sa puso kong naninikip. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at tumakbo na lamang.
Hindi ko alam kung saan ako mapapadpad dito sa loob ng kaharian nila pero wala akong pakialam. Sobrang sakit.
Seeing my sister who's deeply inlove with whom i'm inlove with is painful. Kung kailan nakilala ko ang kapatid ko na nagpabuo saakin, ito naman ang taong mahal ko na nagsira saakin.
I guess it's all true, that in every joy there's a sadness that is waiting.
Sa pagtakbo ko ay bigla akong may nabunggo dahilan ng malakas na pagkaupo ko sa sahig.
"You son of a witch! Bakit kasi harang harang ka sa daan!" Galit kong sabi dito.
Kahit malakas ang impact ko sa lapag ay wala akong maramdaman. Kinuha na ata ng puso ko lahat ng sakit.
"I'm so f*****g sorry. Are you alright?" Wika niya at bahagya akong inalalayan patayo.
"Holy s**t. Are you hurt? Masyado bang malakas ang pagkaupo mo? Bakit ka umiiyak?" Nagaalala niyang tanong.
"No. It's none of your f*****g business" madiin kong sagot.
Pinunasan ko naman na ang mga luha ko. Wala naman mapapala ang mga luhang ito kaya hindi na ako mag aaksaya ng oras para dito.
Naglakad na ako palayo pero tumabi saakin ang nilalang na hindi ko alam at sabay kaming naglakad papunta sa kung saan. Wala na akong lakas para makipag away sakaniya kaya pinabayaan ko na lang siyang sundan ako.
Nakarating kami sa likod ng kastilyo at binati kami ng mga puno na malayang nagsasayawan dahil sa hangin.
"Follow me"
Pamilyar ang likod ng lalaking sinusundan ko ngayon. Hindi ko din alam bakit ko siya sinusundan.
Huminto siya sa may mataas na puno na parang pinagaaralan ito.
"Gusto mo bang umakyat?" Tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ng tuluyan ang lalaking kaharap ko.
"Jack!" Masayang wika ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at bigla na lamang napayakap sa bestfriend ko.
I need him. Hindi ko na alam kung saan pa ako kukuha ng lakas ng loob dahil sa mga nangyari.
"I miss you" sabi ko habang nakayakap pa din.
"Akala ko galit ka saakin kasi umalis ako ng hindi ka man lang nakausap." Hindi ko kasi siya nakausap o nakapagpaalam man lang noong sinamahan ko ang lintik na lalaking iyon.
That f*****g Damon!
Kumalas na ako sa pagkakayakap sakaniya at napakunot sakaniya.
"May problema ba, Jack?"
"I'm not Jack. I'm his brother, or should I say his twin" wika niya.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Bigla akong namula sa ginawa ko. f**k it.
"I'm sorry I didn't introduce myself earlier. My name is Hiro" sabi niya at yumuko at inabot ang kamay ko. Hinalikan niya ang likod ng palad ko at tumayo ng maayos.
Kamukhang kamukha niya si Jack, ang pinagkaiba lang nila ay maawtoridad itong kaharap ko at mas may tikas at tindig.
"Huwag kang mag alala, saatin lang iyong nangyari kanina" aniya habang nakangiti ng maliit.
"By the way, kilala mo ang kapatid ko?"
Hindi ko maibuka ang bibig ko. Nahihiya ako ng sobra sakaniya. Bakit kasi padalos dalos ako
"Nasaan na siya? Kamusta na siya?"
"I'm his bestfriend. Hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ko pa siya nakikita ulit"
"Ahh ganon ba." tango niyang sagot.
Tumalon siya sa kaharap naming puno at nagpunta sa may sanga nito. Katulad niya din si jack.
Fuck these two brothers. Hindi naman ako bampira katulad nila para makayanan na talunin yan.
"Halika na din dito!" Pagtawag niya.
"I can't! I'm not vampire like you!" Sagot ko naman.
Biglang kumunot ang noo niya at tumalon pababa.
"Paano mo nalaman na.... that asshole! Sinabi niya saiyo na... Oh I forgot, he's your bestfriend" natatawa niyang wika.
Napangiti ako ng maliit sa reaksyon niya. Naaalala ko si Jack
"May I?" Tanong niya.
"Sige" sagot ko.
Marahan at maingat niya akong binuhat at tumalon papunta sa mataas na puno.
Kinakabahan ako baka mahulog ako. Hindi ko pa gaano kilala ang lalaking ito kaya't hindi ko siya mahihila kung malaglag man ako, di katulad ni Jack na pwede kong isama sa hukay.
Nanginginig ang mga binti ko ng mapatingin ako sa baba.
"Maupo tayo"
Naupo kaming dalawa at tumingin lang sa paligid.
"Can I ask a question?"
Kahit medyo nabigla ako ay sumagot pa din ako.
"Sige ba"
"How's Jack?" Kita ko sa mata niya ang pag-aalala.
"He's fine."
"I'm glad to hear that. Hindi ko na siya nakikita ulit. Even if that is a crazy asshole, he's still my family, my brother so I miss him and I care for him. Hindi niya lang nakikita pero mahal ko siya"
Bigla naman akong napaisip sa sinabi niya. Maybe, just maybe, our grandfather loves us, his grandchildren. Hindi ko din kasi alam kung ano ang mararamdaman ko sa kaniya.
"Don't tell this to him ok. Mas mabuti na saakin na kamuhian niya ako at isiping hindi ko siya mahal para hindi na siya mapahamak." Sabi niya.
"Bakit?"
"I'd rather accept the fact that he's mad and hate me for not choosing to be with his side than to see him suffer and beg for his freedom"
Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman niya. Hindi ko man alam ang tinutukoy niya pero alam kong mahal na mahal niya ang kapatid niya kaya niya ginawa ang alam niyang makakasakit sa kapatid niya para hindi ito magdusa.
"He loves you"
Alam kong mahal pa rin siya ni Jack. Masyado lang siyang nasaktan.
"Thank you" sagot niya at ngumiti saakin.
"Can you say your name please"
"I'm Tala" wika ko at ngumiti ng maliit.
"Holy f**k!"
"So you are the sister of Agnes. Ikaw iyong hinahanap nila dahil kailangan nila iyong dugo mo"
"Dugo?"
"Hiro!"
Napatingin kami sa baba at nakita si Agnes.
"Shhh. Don't make any sound" bulong niya.
"Stay here" sabi niya.
Nagtago ako at buti na lamang ay makapal ang sanga ng puno para hindi ako makita sa baba.
Tumalon si hiro sa ibang puno at doon siya bumaba.
"Hinahanap ka ni Andy. May sasabihin at may kailangan daw kayong pag usapan" wika ni Agnes.
"Sige. Halika na" pag aya ni hiro at naglakad pabalik.
"That asshole. Iniwanan ako dito, paano ako makakababa?"
Hindi ko na sila makita kaya umayos ako ng upo.
"Now what?!" Irita kong sabi.
Tsaka anong dugo ang sinasabi niya? Anong kailangan?