"Let the lady follow me" sambit niya kaya ang mga niya'y lumapit saakin upang hilain palabas.
Pinigilan sila ni Damon pero malalakas sila at marami kaya't wala siyang nagawa.
"Anong dapat kong malaman?"
"You really don't have an idea don't you?" Aniya.
"You should've choose the rightful one to give your trust sweetie"
"What do you mean?"
"Hindi lahat ng mga taong akala mo ay totoo, totoo talaga. Try to look on a different perspective, you might see what I was saying." Wika niya at umalis.
Naiwan akong naguguluhan sa mga katagang binitiwan niya.
"What did she mean? Para saan? Bakit?"
Nagpunta ako sa labas ng kastilyo para mag isip-isip. Hindi ko kayang huminga ng maayos sa loob kaya't mas mabuti sigurong dito muna ako.
Sa paglalakad ko ay hindi ko namamalayang nakarating na ako sa lugar kung saan kami nakita ng mga kawal ng reyna.
May nahagip ang mata ko sa di kalayuan kaya't sinundan ko ito. Biglang may nanghampas ng matigas na bagay sa ulo ko dahilan ng pagkatumba ko.
Hindi ko makita kung sino ang mga ito dahil sa telang nakatakip sa ulo ko. Hindi ko din maigalaw ang katawan ko dahil sa mga lubid na nakapulupot saakin. Basta sa pakiramdam ko ay nakasakay ako sa karwahe at may dalawang taong nasa magkabilang gilid ko.
Medyo nahihilo ako pero nilalabanan ko ito dahil ayoko ng mawalan ulit ng malay. Nagmumukha akong mahina dahil dito.
Mga isang oras ang nakalipas ng tumigil ang sinasakyan namin. Hinila ako palabas ng isa sa mga nasa gilid ko at kinaladkad.
Huminto kami at inalis nila ang telang nakalagay sa ulo ko. Binati ako ng lalaking makisig na naka korona na sa tingin ko ay hari at ang isang pamilyar na lalaki sa gilid nito.
"Just like your parents" wika ng hari.
Inilibot ko ang mata ko at napagtantong nasa kaharian ako ni Haring Deven.
Ito yung lugar kung saan ako tumakas at nandito nanaman ako. Damn it!
"Where's your son?" Tanong ng hari sa pamilyar na lalaki sa gilid niya.
"May inaasikaso lang siya sa labas" sagot naman nito.
"Mabilis ka lang din palang paikutin parang nanay mo" sambit ng hari saakin ng may ngisi sa mga labi.
Nag iinit na ang ulo ko sa mga sinasabi niya. How dare he. Kahit hari siya'y wala akong pakialam.
"Wala kang karapatang idamay ang mga magulang ko." Mariin kong sabi
Tinawanan lang niya ako kaya mas uminit ang ulo ko.
Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita ang pamilyar na lalaki.
"He's here" sambit niya kaya't napatingin ako sa tinutukoy niya.
Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong emosyon ang mararamdaman ko.
Sa pagpasok niya sa pintuan at sa pagtapak ng mga paa niya sa sahig ay parang kutsilyong paulit ulit na sumasaksak sa puso ko. Hindi niya ako tignan sa mga mata, ni hindi niya alintana ang presensya ko.
"Good job." Wika ng hari sakaniya.
"Hindi ako nagkamali sa pagpili. Alam kong ikaw lang ang makakapag dala sakaniya dito." Dagdag niya ulit habang may malaking ngiti sa kaniyang mga labi.
Anong ibig sabihin nito? How could he do that to me? Bakit?
"Dalihin 'yan sa kulungan. Siguraduhin niyong hindi na ulit 'yan makakatakas"
May mga kawal na humila saakin at kahit kinakaladkad na nila ako ay hindi ko maalis ang tingin ko sa lalaking minahal ko na hindi ko akalaing magagawa saakin 'to.
"Damon how could you do this?" Mahinang bulong ko.
Bago sumara ang pinto ay nagkasalubong ang aming paningin, kasabay na din ito ng pagpatay ko sa nararamdaman ko sakaniya.
Mag mula ngayon, hindi ko na siya kilala at wala ng kahit katiting na pagmamahal ko ang natitira para sakaniya.
Tinapon ako ng mga kawal at bumagsak ang katawan ko sa malamig na sahig.
"Hindi ka na makakatakas ulit!" Sigaw ng isang kawal at sinarado ang pinto.
Hindi ko maramdaman ang mga sakit na dapat kong maramdaman. Bigla na lang nandilim ang paningin ko
Nandito ako ngayon sa madilim na lugar. Walang kahit na ano at tanging kadiliman lamang ang andito.
"You need to trust your guts" sabi ng boses.
Nilibot ko ang paningin ko at wala akong makita.
"Don't give up" sabi nanaman nito.
"Trust her"
"You need to work together"
"You are team"
Biglang lumiwanag at nakita ko ang dalawang bata na nakasabit sa puno habang nakapiring.
"Kaya natin ito Agnes" sabi ng isang babae.
"Naniniwala ako sa'yo ate" sagot niya.
Nakalas ng isang babae ang tali sa katawan niya kaya't nalaglag ito at dali daling tumayo at inalis ang takip niya sa mata.
"Kaya mo yan Agnes! Alisin mo! Nandito lang ako, sasaluhin kita!" Sabi niya.
Inalis nung Agnes ang tali sa katawan niya kaya't nalaglag ito. Nasalo naman ng isang babae si Agnes.
Tinitigan ko mabuti ang mata ni Agnes at nabigla ako ng mapagtantong ito iyong prinsesang nakausap ko dati. They have the same eyes
Sabi ko na nga ba pamilyar 'yong Agnes na pangalan.
Sunod ko namang tinignan ng maigi yung isang babae. Napaupo ako at hindi makapaniwala sa nakikita ko ngayon.
Dumating naman ang babae at lalaki na palaging nasa panaginip ko na may kasamang batang babae.
"Sabi ko na nga ba, kaya niyo" masayang bungad ng babae habang nakangiti.
Ngumiti din ang lalaki na hawak ang isang batang babae.
"Luna kapag lumaki ka sasama ka na din saamin ni ate Tala kaya bilisan mong lumaki" wika ni Agnes.
Para akong estatwa sa ayos ko ngayon. Hindi ko alam kung tama ba ang mga naririnig ko.
Pareho ng mata si Luna at ang batang kaharap ko ngayon. Ibig sabihin hindi lang kami ni Luna ang mag kapatid? Pati si Agnes kapatid ko?
Bigla akong bumalik sa kulungan na kinalalagyan ko at nakitang nakaupo sa sahig habang takip pa din ang bibig.
"What the f**k is that?"
"What on...."
Marahas na bumukas ang pintuan at iniluwa non ang prinsesa
"Is it true?" Bungad niya saakin na hinahabol ang paghinga.
Halata din sa mukha niya na nakita niya din ang mga nakita ko.
"I don't know?" Sagot ko.
"I knew it!" Sabi niya na parang tama ang hinala.
"Noong nag pakilala kang ikaw si Tala tapos iyong pakiramdaman ko sa'yo, nag hinala na ako noon. Tapos yung nakuryente tayo no'ng nag dikit ang kamay natin, nag uumpisa na akong mag isip na parang may koneksyon ka saakin"
"Tapos noong nag punta tayo doon sa matandang nilalang, 'yong mga nakita ko ay kasama ka" dagdag niya
"Sinubukan kitang hanapin ulit kaso hindi na kita makita. Tapos kanina lang may nakita ako, akala ko nga nananaginip ako pero ikaw din pala nakita mo."
All this time, akala ko ako lang ang nakakakita ng mga iyon.
"Kaya naman pala napaka gaan ng pakiramdam ko sa'yo." Wika niya na parang nasagot na ang mga tanong sa utak niya.
"Pero bakit hindi nila sinabi saakin? Tapos bakit ka nila kinulong?" Tanong niya sa sarili niya.
.
"Hindi ko alam kung ano ang pinaplano ng Andy na iyan. Basta ang alam ko ay ginagamit niya ang papa para sa masama niyang balak." Wika ni Agnes habang ginagamot ang sugat ko sa ulo.
Nandito kami ngayon sa silid niya. Itinakas niya kasi ako sa kulungan kanina.
Ayaw niya daw na nakikita ang kapatid niya sa kulungan dahil ngayon lang siya nagkaroon ng kapatid. Muntik na akong maluha noong sinabi niya iyon.
Naaawa din ako sakaniya dahil mag isa lamang siya dito, pero kung naayos na lahat ang mga problema ay dadalihin ko siya sakanila luna at tita clara para doon na kami manirahan.
"Pero alam ba ng papa na kapatid kita? Kung alam niya, bakit? Bakit ka niya kinulong?" Nabalik ako sa kasalukuyan ng magsalita ulit siya.
"Sinong papa?" Tanong ko naman.
"Ang hari" wika niya.
Napalingon ako sakaniya ng nakakunot.
"Papa? Hari? Kaano-ano mo- I mean natin and Hari?"
"He's our grandfather ate. His son is Prince Leon, our father" pagpapaliwanag niya.
Napatayo ako sa mga sinabi niya. All this time, ang tatay ko pala ang palagi kong napapanaginipan. So that means, yung kasama niyang babae ang..
"What's the name of our mother?"
"Granada"
So it's like a chain. Magkakadugtong ang mga ito. Ang mga napapanaginipan ko, ang mga sinabi ng mama ni.... f**k!
"Kilala mo ba si Gerald?"
Kumunot naman ang noo niya.
"No. Who's he? Your boyfriend?" Pabiro niyang sabi.
Sinamaan ko naman siya ng tingin. Wala akong panahon para sa biruan dahil mag iisang taon akong hindi pinapatulog ng mga katanungang ito.
"How about Olivia?"
"No! Sino ba ang mga iyan?"
"He's our grandmother Agnes. Olivia is the mother of our mother, and Gerald is the brother of our mother"
"Wait what?!"
"Papa said, all of them, I mean all of our family died. Kami na lang daw na dalawa ang natitira sa pamilya. Kaya noong nalaman kong kapatid kita, gustong gusto kong sabihin sakaniya na hindi lang kami ang buhay, mayroon pa."
"Look Agnes, I don't know what they've done to you or what they've told you but, we are alive. Luna and I are alive, just like our grandmother Olivia and our tito Gerald"
"Alam mo bang iyang papa mo ang nagpadukot saakin noong una, tumakas ako at heto nanaman ako, nahuli ulit. Hindi ko din alam kung bakit kami hinuhuli, lalo na ako, ng papa mo kahit alam naman nila kung sino talaga ang mga magulang ko." Sabi ko.
Halatang naguguluhan siya sa mga sinabi ko. Pati din ako hindi ko alam at hindi pa din mag sink in sa utak ko ang mga sinabi niya.
"No! Papa doesn't have a guts to do that. He's so kind and loving father. Mahal na mahal ko siya at ganoon din siya saakin, hindi niya magagawa iyan. He can't do that to his own granddaughter."
"I know you love him and he loves you, but look what he's doing. Catching and chasing his own granddaughter and what?"
"No."
"Hindi ko gustong sirain ang tiwala mo sakaniya. Ang akin lang ay gusto kong imulat ang mga mata mo sa mga ginagawa niya"
"I know he can't do that. I think that freaking Andy is the one who's in charge of this s**t" wika niya.
"Who's Andy?"
"Siya ang kanang kamay ng papa. Bata pa lang ako, hindi ko na gusto 'yang Andy na iyan. Kung ano anong sinasabi sa papa kaya't napapagalitan ako kahit hindi naman talaga ako pinapagalitan. f**k that d**k head." Madiin niyang sabi.
"Kung ganon, bakit niya ako gustong madakip?"
"I don't know"
Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa non ang lalaking kinamumuhian ko. Nakatitig kami sa isa't isa at walang sino man saamin ang may balak na umiwas ng tingin.