Chapter 19

1500 Words
Nakaramdam ako ng marahang paghaplos sa buhok ko kaya't naibukas ko kaagad ang aking mga mata. Bumungad saakin ang babaeng gulat ang reaksyon "Akala ko'y mahimbing ang iyong pagtulog, pasensya na kung ika'y nagising ko." She is a goddess-like. Nakakabighani ang ganda niya. Bumangon naman ako at inilibot ang tingin sa paligid. "Nasaan ako?" "You're at my castle" Naibalik ko ang mga tingin ko sakaniya ng may salubong na kilay. Castle? What castle? Nasaan si damon? Bakit ako nandito? "Where's my friend?" Hindi siya sumagot at tumayo lang patungo sa pinto. "Nandoon na sa ibaba. Halika na at saluhan mo din ako sa pagkain." Sambit niya at ngumiti saakin. She's f*****g gorgeous. If I'm a man, I would literally fall for her at first glance. If this is her castle, that means she's a queen? Pero bakit niya kami inaayang saluhan siya sa hapag kainan? Tumayo na ako at lumabas para sumunod. Bumungad sa akin ang pasilyo, mayroong mga kawal na nakatayo sa bawat pintuan ng silid. Naglakad ako sa pulang karpet at tinahak ito ng tahimik. Nakakahiyang mag lakad dito dahil sa kagarbohang tinataglay nito. Ang kisame naman ay may mga nakasabit na magagarang chandelier. Nagmadali akong maglakad hanggang sa marating ko ang hagdan. Dahan- dahan akong bumaba upang hindi ko madumihan ang karpet at hindi ko ito magasgas. Napakalawak nito. Hindi ko alam kung saan ako didiretso ngayon. Nasaan ba ang lintik na kusina? "Magandang binibini. Dito po tayo" Kumabog ng malakas ang dibdib ko sa pagkabigla dahil sa boses saaking likuran. Buti na lamang ay nakontrol ko ang sarili ko para hindi makapag mura. Fuck! Tumungo naman ako sa sinabi ng katulong ata nila, base kase sa kaniyang kasuotan kaya ko nasabing katulong. Naabutan ko naman sila damon at ang reyna na tahimik na nag uusap. Napangiti ako ng maliit ng makitang maayos ang kalagayan ni Damon. Napatingin naman ang reyna saakin kaya't nawala ang ngiti sa mga labi ko. "Sit here." Wika ng reyna at ngumiti ulit. Ang inaakala ko'y mahaba ang lamesa na pagkakainan namin pero hindi pala. Isa lamang itong maliit na lamesa na kakasya para sa lima hanggang pitong katao. Nagkatitigan muna kami ni damon atsaka ako umupo sa tabi niya. Nasa harapan naman niya ang reyna. "Mahal na reyna. Bakit niyo kami dinala rito? Bakit hindi sa kulungan? Diba't tumungo kami sa lugar niyo ng walang pahintulot?" Wika ni damon. Oo nga naman. Bakit gusto niya pa kaming saluhan siya sa pagkain? Tumawa siya ng marahan at tumingin kay damon. "Sweetie, as I've said earlier I'm not that kind of Queen" Hindi naman umimik si damon sa sinabi niya. She's freaking kind and humble. "Let's just eat, before this gets cold. " Aniya. Natapos kami at niyaya niya kaming libutin ang palasyo. Bakit niya kami pinapayagang makita ang mga ito. Hindi ba dapat sagrado ito at hindi basta-basta pinapakita sa mga estranghero gaya namin. "After a long long years, may nakausap akong ibang tao. Aside from my maids, guards and leader of my soldiers, I don't have anyone to talk to." Sambit niya at huminga ng malalim at nagumpisa ng maglakad. "Siguro ay nagtataka kayo kung bakit" lingon niya saamin at binalik din ang tingin sa daan. "There's an unexpected war, I mean it was unexpected to me because I don't have any idea about it. My husband, the king, he knew it all and did not even dared to tell me" huminto siya at hinarap ang isang malaking picture frame na nakasabit sa pader. "He is a loving husband and a King" wika niya habang may ngiti sakaniyang mga labi. It was not just a smile, it was a sad smile. "Where is the king?" I asked. Lumingon siya saakin at ngumiti ng mapait. "He's dead" aniya at naglakad na ulit. "He was killed during the war. Matatanggap ko pa sana kung siya lang. Don't get me wrong, hindi ko siya gustong mamatay, it was just, my son also got killed during the war. I lost my king and also my prince" sambit niya at alam kong umiiyak siya kahit siya pa ay nakatalikod. Nasasaktan ako para sakaniya. Alam kong hindi madali ang mga napagdaanan niya, pero sa kabila ng mga iyon, ito siya ngayon, nakatayo ng matuwid at namumuno sa kanilang kaharian. I really admire her "Until then, I need to be heartless as needed. Hindi ako ganito kung kaharap ko ang iba, I am known as a heartless and stonecold Queen, pero noong hinarap kayong dalawa saakin ng walang malay, hindi ko alam pero bigla akong nanlambot." Sabi niya at tumigil para harapin kami. "Are you two lovers?" Namilog ang mata ko sa bigla niyang tanong. How can she ask that in the middle of this kind of conversation. "She's my wife." Wika ni Damon na nagpaharap saakin sakaniya. "Ohh...your wife...?" Wika niya ng may nakakalokong tono. Damn it nag iinit nanaman ang pisngi ko! "Ok so back to our topic. He is my son, Prince Van Ashley." Sabi niya at masayang nakatingin sa imaheng kaharap niya. He's a cute innocent boy with his small crown on his head. Medyo nakatagilid ang korona niya dahil siguro sakaniyang kalikutan. May hawak siyang bola at halatang tumatawa sa ayos niya. Medyo may kahawig siya, hindi ko nga lang alam kung sino. "His eyes is just like his father, palaging nakangiti." Nagpakawala siya ng malalim na pag hinga at nag umpisa nanaman maglakad. "He was just an innocent angel but look what they've done, hindi ko alam kung saan nila nakukuha ang lakas ng loob para makayanang pumatay ng isang walang kamuwang muwang na anghel." "I guess you two are trustworthy. Kayo lang ang pinagsabihan ko nito. Sekreto lang natin ito ha" wika niya ng may matamis na ngiti "Makakaasa kayo Mahal na Reyna" sabay naming sabi ni Damon. "Hindi ko inaasahan na kayo pa ang may lakas ng loob na sabihing ikulong kayo." Patawang sambit niya. "Isa iyon sa dahilan kaya't magaan ang loob ko sainyo. Sa lahat kasi ng mga hinaharap saakin ng mga kawal ko ay parepareho silang nagmamakaawa na huwag daw ikukulong o papatayin." Sabi niya. "Pathetic" dagdag niya "Maiba tayo, saan ba kayo galing na dalawa? Bakit kayo napadpad dito?" Hindi ko naman alam ang isasagot ko. Sinamahan ko lang si Damon kasi hiniling niya, hindi ko naman alam na mapapadpad kami dito sa kung saang lugar 'to. "Galing kami sa..." tumigil ng bahagya si Damon at nagsalita ulit. "Sa kaharian ni-" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil sa pagtawag ng mga kawal. "Mahal na Reyna, ipagpaumanhin niyo ho dahil ako'y nakaistorbo sa inyong pag uusap. May mga kalaban sa labas at sa palagay ko'y kawal sila ng Hari." Hingal na wika nito. Hindi na nagsalita ang reyna at dali dali siyang nagpunta sa labas. "Don't come out. Hindi nila kayo maaaring makita." Sabi niya bago pa kami makasunod sakaniya palabas. Umakyat muna kami sa silid na pinanggalingan namin kanina. "Guards!" Rinig kong sigaw ng reyna makalipas ang ilang minuto. "Where are they?!" Galit niyang wika. Sino ang tinutukoy niya? Nakaalis na ba yung mga kalaban? Anong nangyari? Lumabas ako ng kwarto at nakita si Damon na patungo din sa reyna. Bakit parang galit na galit ang reyna? "You! The two of you! Tell me where are you really from!" Bungad niya saamin. "Sa kaharian ni Haring Deven" sagot ni Damon. "Fraud!" "Guards!" Tawag niya at biglang dumating ang mga kawal. "Throw them at the dungeon, NOW!" Kitang kita ko ang galit sa kaniya. Hindi ko din alam bakit niya kami ikukulong. Hinila kami ni Damon paalis at sa huling sulyap ko sa reyna ay nakita kong umiiyak na ito. ... "May problema ba bukod dito, Damon?" Ilang araw na kasi siyang parang malalim ang iniisp magmula noong pinatapon kami dito. Namomoblema na nga kami kung papaano kami makakaalis dito. Sila kuya, alam kong nagaalala na sila. Kamusta na kaya sila? "It's just.." bumuntong hininga muna siya at hinarap ako. "There's something on my mind that's making me sick. I'll figure it out and tell you everything, let's just rest together for now and think for our plan to escape after." Wika niya at hinalikan ako sa noo habang hawak ang magkabilang pisngi ko. "Baka hinahanap na tayo. Remember, me and your brother have planned to watch the actions of the soldiers who kept chasing us." Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto kung saan kami nakakulong. Kumalas si Damon sa pagkakahawak saakin at sabay kaming humarap sa reyna "I thought you two deserves my trust" sambit ng reyna. "So, sino ang naglolokohan dito?" Sabi niya at tumingin kay Damon. "You don't have an idea about your frien- I mean husband, don't you?" Wika niya at saakin tumingin. Ano ang sinasabi niya? Is she playing with us? "Do you want to find out?" Dagdag niya at tumingin kay damon ng may nakakalokong ngiti. "Don't!" Pagpipigil ni Damon. Napatingin ako sakaniya na tila nagtatanong pero hindi niya ako pinansin. "Don't" ulit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD