masaya ang araw ko ngayon dahil napakaraming mabubuting tao sa paligid ko. Ngayon ay dadalawin ko si nanay at tatay sa hospital para din mabigay ko agad kay nanay ang cellphone. habang naglalakad ako inaayos ko ang cellphone para ipasok ang sim card sa loob. wala namang gaanong tao na naglalakad sa dinadaanan ko kaya ligtas naman ako at walang mananakaw sa akin.
*Car honk*
napalingon ako na may isang kotseng itim na parating kaya gumilid ako at nagpatuloy sa paglakad. pero habang naglalakad ako patuloy na bumibusina ang kotse. nakaramdam ako ng kaba na baka kidnapper ito o magnanakaw kaya binilisan ko ang paglalakad.
"Rose!" napatigil ako ng binanggit ang pangalan ko. please wala akong pera.
teka pano niya nalaman pangalan ko?
napalingon ako at may isang magandang babae, sobrang gandang babae na nakasilip sa bintana sa likod. wow
"a-ah ako p-po ba?" tanong ko na nagmukha pa akong tanga sa harapan ng isang magandang babae.
ngumiti siya sa akin at nagpakilala.
"Ako si Joan, san lakad mo? hatid ka na namin" Diyos ko! napakaganda ng babae pero baka kidnapper ito!
"h-ho?" sabi ko at tinapat nya ang sasakyan sa akin.
"Mali ka ng iniisip Rose, di ako masamang tao." sabi nung magandang babae na nagngangalang Joan. maya maya pa ay bumaba ang bintana sa harapan at dun ko nakita ang babaeng masungit na nambuhos kay Ashley ng vase na may lamang tubig.
"Nakita ko ginawa niya, pagpasensyahan mo na ahh. halika na isasabay ka na namin sa lakad mo." sabi ni Joan.
"n-nako miss wag na po." sabi ko.
"Sige na para makabawi man lang sa ginawa ni Felicia." sabi nito kaso nangangamba ako na baka nakawan ako nito. Ano ka ba Rose! ang ganda ganda niya at mayaman tas nanakawan ka? nagiisip ka ba?
"Pero na-nakakahiya po." sabi ko
"Dali na, mas nakakahiya ang ginawa ni Felicia." sabi nito. dahil narin sa pangungulit niya at sumakay ako sa kanyang sasakyan.
"San ba baba mo?" tanong nya at may kinuha sa bag nya na isang metal na rectangle at nung binuksan niya ito isa palang lalagyanan ng sigarilyo. kumuha siya ng isang sigarilyo at sinindihan, saka niya isinubo at nagbuga ng usok.
"Sa *****hostpital mo, malapit po yun." sabi ko napatingin siya sa akin.
"Hospital? bakit sa hospital?" tanong niya.
"Nahospital po si Tatay at kailangan po niyang maoperahan kaagad, bibisita lang ho ako tas uuwi kasi may pasok pa ho ako bukas." sabi ko sa kanya.
"Magkano ang opera?" tanong niya muli.
"Umaabot ho ng 20,000." sabi ko
"may pambayad ka?" Wala nga po eh.
"P-pagiipunan ko po." sabi ko. tumango tango sya.
"Nakita ko kung paano mo nahandle ang isang customer, tulad ni felicia. I like it na kinaya mo ang ginawa niya. mahaba haba pala pasensya mo." dahil kay tatay kung bakit ako mahaba haba ng pasensya.
"Nagaaral ka ba?" tanong niya ulit tumango ako.
"Kaya ba ng budget?" tanong nya ulit di naman ako makasagot.
"I have a proposal for you." napatingin ako sa kanya at may inilabas siyang papeles sa kanyang envelope. nakarating na pala kami sa hospital ngunit hindi muna ako bumaba.
binigay sakin ang papel at isa itong kasulatan o kasunduan.
"A-ano ho ito?" tanong ko.
"Kapag tinanggap mo yan, magkakasweldo ka ng mas malaki kesa sa pinapasukan mo, pede pa naming doblehin o triplehin kung gusto mo." nanlaki ang nga mata ko.
"Pwede din naming ipaopera ang tatay mo at isagot ang pagaaral mo at pwede ka rin naming ilipat sa mas maganda at maayos na eskwelahan. magkahiwalay ito sa magiging sweldo mo." biglang tumibok ang puso ko.
"ta-talaga ho? kung a-ano ho yan tatanggapin ko!" Teka Rose! nagiisip ka ba? pano kung magalok yan ng ibenta katawan mo?! o di kaya kunin mga laman loob mo?!
"Are you sure?" tae ito na nga ba sinasabi ko.
napayuko ako sa hiya at takot.
"Di-disenteng tr-trabaho ho yan?" Bigla syang natawa sa sinabi ko.
"okay dederetsuhin na kita. naghahanap kami ng isang tagapagalaga ng isang Mansyon, typical housekeeper, maglilinis, maglalaba, magluluto as long na mapanatili ang bahay na malinis at maayos." sabi nito at bumuga ng usok.
"Pero hindi lamang bahay ang aalagaan mo." dugtong nito dun ako tumingin sa kanya.
"Aalagaan mo din ang amo, ang may ari ng Mansyon." sabi nito.