CHAPTER 7

1339 Words
hangang hanga ako kay Ashley dahil sa taglay nitong katapangan na hinaharap nya. Pero atleast sa likod ng kanyang pagtawa at ngiti kahapon ay nakita ko na rin ang kanyang kalungkutan. ngayon ay balik trabaho kami ulit at bumalik ulit sa masayahing babae si Ashley. *Door's open* "Rose? I need to talk to you." Sabi ni Miss Cheska, siniko siko pa ako ni Ashley at ngumiti ako at sumunod kay Miss Cheska. "maupo ka iha." sabi nito kaya sumunod naman ako sa sinabi nya. "Ba-bakit po?" tanong ko. Hala may nagawa ba ako? baka tanggalan ako sa trabaho. "yesterday, hindi naman sa nakikichismis ako sa inyo ni Ashley but I heard na wala ka palang phone." sabi nito tumango ako bilang sagot. Haist akala ko pa naman kung ano. "Is that so? would you mind..." Tapos ay may inabot sya saking box na may larawan ng isang cellphone na may keyboard. nanlaki ang mga mata ko. "Na-naku maam wag na po." sabi ko at tinanggihan ang phone. ngumiti siya sakin at inabot nya muli sakin ang phone. "Don't worry, Kailangan mo ng Phone kung sakali ay pede kitang matawagan o matawagan ka ni Ashley. sige na tanggapin mo na." sabi nito napayuko ako sa hiya. "I-ikaltas nyo nalang ho sa sahod ko." nahihiya kong sabi natawa sya. "No, just take it okay? walang bawas sweldo yan." sabi nito halos maluha luha ako at nagpapasalamat kay Maam. "pagbubutihin ko po talaga trabaho ko." hindi ko maiwasang umiyak pa lalo at napayakap ako sa kanya ng biglaan hindi naman sya umangal at niyakap nya ako pabalik. "Sige, may pupuntahan pa ako. kayo muna bahala dito ni Ashley." sabi nito tumango ako at kinuha nito ang bag saka nagpaalam sakin. lumabas na din ako at nagpaalam din ito kay Ashley at masiglang nagpaalam si Ashley. "Uy girl rinig ko usapan ninyo. patingin nga ako." sabi nya at sya na mismo nagbukas ng phone. "Taray parehas tayo, binigyan din ako ni Maam cheska." sabi nito, edi parehas pala kami binigyan ng phone. "kunin ko number mo ah." sabi nito tumango ako. "Kailangan ko ding bilhan si nanay upang kahit papaano alam ko nangyayari sa hospital." sabi ko. "Dun oh samahan kita mamaya paguwi." saad nito tumango ako. "Balik na tayo sa trabaho." sabi ko ngumiti ito at tumango. tulad ng sinabi ko at bumalik kami sa trabaho, natapos ko ng diligan at alagaan ang mga bulaklak at ngayon naman ay naglilinis ako sa opisina ni Ma'am bilang pasasalamat na isa syang mabuting amo. wala naman sigurong masama kung lilinisin ko ang opisina ni maam para din naman matuwa sya sa madadatnan nya na malinis ang kanyang opisina. rinig ko si Ashley na may kausap syang customer sa labas. magaling si Ashley pakipagusap sa mga tao kaya sobrang humahanga ako sa kanya. *Glass Scattered* napalabas ako ng makita ko si Ashley ay nakatayo lamang habang basang basa sya ng tubig na galing sa vase ng bulaklak at nagsitapon ang mga bulaklak sa counter. Isang galit na galit na customer na binubulyawan si Ashley. "Tanga ka ba?! hindi itong kulay ang pinapaayos ko sayo diba?! ano to? bulaklak ng patay?!" Bulyaw ng isang mayaman na customer "Pa-pasensya na po m-maam, t-tinat-tawagan po ka-kasi kayo para po m-malaman ninyo n-na wala na p-po kasing stock nung g-gusto ninyong kulay. H-indi po k-kasi kayo makontak, a-ayan nalang po k-kasi available na-namin na kulay." saad ni Ashley. "so is it my fault now?! baka nakakalimutan mo customer is always right! edi sana ginawan ninyo ng paraan diba? ang taas taas ng binibigay ko sa inyo tas ginagago niyo lang ako!" bulyaw nya. "a-ahh maam pwede ho natin baguhin yung bulaklak." singit ko sa kanila at napatingin sakin ang masungit na babae. sa itsura nito nakaformal syang kasuotan, naka white polo sya habang naka fit ang kanyang pantalon at naka two inch heels, nakabag din ito ng mamahalin at may hawak na cellphone din. pagtingin ko sa labas ay may dala pa itong sasakyan na kulay itim. "Ano?! babaguhin?! so ano paggagastusan ninyo na naman ba ako?!" galit nyang saad sakin. "H-hindi po! ahmm ganito nalang ho. tulad na po ng kanyang sinabi wala na pong stock na gusto ninyong klase ng bulaklak at kulay nito pero kung gusto ninyo hanap nalang po kayo ng ibang klaseng bulaklak at kulay nito and bibigyan nalang po namin kayo ng discount para dun sa binayaran po ninyo? ayus po ba? kung gusto nyo rin ho ay baka may lakad pa po kayo ehh pwede nalang ho namin ipadeliver narin po sa inyo tapos libre na po yung pagayos po sa bulaklak." sabi ko at tila kumalma naman ito. "Sige, hahanap nalang ako ng panibagong bulaklak kahit papaano magkaroon man lang ng silbi ang mga tao dito." sabay tingin kay Ashley. Naglakbay na si Maam sa loob ng shop at naghahanap ng gusto nyang bulaklak. lumapit ako kay Ashley at pinunasan ang mukha niya. "ayus ka lang ba? sige na ako muna bahala dito. magpalit ka muna sa loob." sabi ko ngumiti ito sakin at tumango. "Salamat ah." sabi nito at ngumiti lamang ako at pumasok na ito sa loob. "I love this one." sabay turo ni Maam sa bulaklak. Sa totoo lang wala talaga akong alam sa mga bulaklak hindi ko alam mga pangalan nila pero mababango silang lahat. maliban lang sa Rosas dahil dun ako pinangalan ng magulang ko. "Ahh ito po maam? sige po." sabi ko at dahan dahan kong kinuha ang tinuro niyang bulaklak. dali dali kong inasikaso ang bulaklak na gusto nya at agad akong pumunta sa counter at nilinis yung kinalat nyang bulaklak na binigay sa kanya ni Ashley at itinabi muna ito sa gilid at inasikaso ko at binalot ang bulaklak. "What's your name?" malamig niyang tanong sa akin. "Rose po." sagot ko at hindi na ito sumagot pa. tulad ng usapan namin ay binigyan ko nalang sya ng discount. alam ko ang ginagawa ko dahil pinapangarap kong maging isang business woman balang araw. inabot ko ang bulaklak kay Maam at ngumiti ako sa kanya pero hindi na niya ako pinansin. "wala na ba sya?" biglang singit ni Ashley. napabugtong hininga ako at tumango. "Kala mo kung sino, porket mayaman siya kaya na niyang magmaliit ng ibang tao." sabi niya habang nagpupunas sya ng buhok. "hayaan mo na, masama lang siguro ang araw niya." sabi ko. "Magaling ka rin pala eh, napapaamo mo yung mga ganyang tao." sabi nito tinignan ko siya. "Ang ganda kasi ng mata mo tila na parang anghel na may bumubulong. Ang weird ba? kasi sa tuwing tinitignan kita sa mga mata mo para kang kumakalma at may kausap na anghel. kaya mabilis akong mag open sayo." paliwanag nito. kakaiba pero siguro nga dahil magkaiba kulay ng mga mata ko. bumalik nalang ulit kami sa trabaho at nilinis ang kalat na nangyari kanina. Sinara ni Ashley ang shop at kinandato ito ng mabuti. nagpasama ako saglit kay Ashley na tumingin ng mumurahing Cellphone. "Ito girl oh, 430 pinaka mababa" 430?! "nako ash, wag yan masyadong mahal sakin yan. siguro sa ibang araw nalang kapag nakuha ko na sweldo ko." sabi ko at tumingin siya sakin. "Haist, ito nalang papautangin muna kita, kailangan mo ng cellphone para makontak mo nanay mo." sabi niya "naku ashley lalo lang dadagdag yung utang ko." sabi ko sa kanya "hindi naman kita agad sisingilin basta makaluwag luwag ka kahit ako pa pinakapanghuli mong bayaran. sige na. kuya ito nalang po, pakisamahan na rin po ng sim card." sabi ni Ashley at bumunot sya ng pera sa wallet niya. "Pangako ashley, unang sweldo ko babayaran kita kaagad." sabi ko umiling siya. "Wag mong isipin ang utang mo sakin. sinabi ko na sayo hanggat makaluwag luwag ka sa gastusin at kahit maging taon pa yan walang problema sakin, wala nga lang kalimutan ha?" sabay tawa nito tumango ako. isa siyang napakabuting kaibigan. "Oh siya, sige kailangan ko pang mamalengke. mauna na ako ah." sabay yakap sakin ni Ashley. "Magiingat ka." sabi ko at nagpaalam kami sa isat isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD