CHAPTER 9

732 Words
"p-po?" "Comatose ang magiging amo mo at kailangan lang merong magaalaga sa kanya at sa mansyon niya. that's all" sabi nito "Lalakihan ang magiging sweldo mo at pwede naming sagutin lahat ng gastusin mo. as long na mapapanatili mo ang trabaho mo, napapakain mo sa tamang oras ang amo mo, napapainom ng gamot, nalilinis ang katawan. yun lang" sabi pa nito "but the thing is, hindi ka na muli makakauwi sa inyo unless wala pang nakakahanap ng kapalit sayo. hindi ka pwedeng umuwi bigla bigla, hindi ka pwedeng magpaalam na uuwi ka, hindi mo mabibisita ang tatay at nanay mo. in short malalayo ka sa kanila" dun naman bumagsak ang puso ko, malaki nga ang sweldo kung kapalit naman mahihiwalay ako kila nanay. "p-parang di k-ko po kaya" naiiyak kong sabi "alam ko, kaya bibigyan kita ng pagkakataon. Ricky yung calling card" sabi ni Joan at inabot nung driver ang card na sinasabi niya at binigay sakin. "pagisipan mo ng mabuti. Pwede sila magpadala ng liham sayo at pwede ka ring magpadala. kami na rin bahala sa pagpapadala gagawan namin kayo ng account sa banko para ang gagawin nalang ng magulang mo ay mag withdraw ng mag withdraw at dun din namin ipapasok yung sweldo mo. kukunin lang namin number ng telepono para malaman mo kung magkano ang mapapasok at malalabas na pera" paliwanag nito. "Pagisipan mo ng mabuti ah Rose? hihintayin namin response mo" sabi ni Joan at bumaba na ako ng sasakyan nila at saka sila umalis. napatingin ako sa calling card kung saan nandun ang number ni Joan. nagdadalawang isip pa ako kung papayag ba ako sa alok niya o hindi. magiging maganda ang buhay namin kung malaki ang magiging sweldo ko dito ngunit hindi ko makakasama ang magulang ko kapag pumayag ako at wala pang papalit sa akin. kailangan ko munang makausap dito si nanay. ********************** JOAN'S POV Nakita namin ang pagpasok ni Rose sa hospital. She looks very sad ng malaman niyang kailangan niyang mawalay sa pamilya niya pero kung iisipin malaking tulong ang alok namin sa kanya. "She got a beautiful eyes." rinig kong sabi ni Felicia, I smirked. "She is actually, may lahi ata siya." sabi ko at bumuga ng usok. "Ricky, find all the informations about her. I want to know about her more." sabi ko at tumango ang driver at nagmaneho na ito paalis sa mismong hospital. ************************ ROSE POV "Ano? sigurado ka ba anak?!" gulat na sabi ni Nanay habang nakwento ko about yung kanina. "Nay malaking chance ito sa atin. maaahon tayo sa hirap nay." masaya kong banggit. "Hanggang kailan ba yan?" tanong niya. "Sabi kapag nakahanap sila ng ipapalit sakin." sabi ko sa kanya nagpalakad lakad si nanay kaliwat kanan. mahimbing na natutulog si tatay sa kanyang higaan. "Nay, maganda na itong pagkakataon, ito na yung biyayang inaantay natin." sabi ko sa kanya. "Sagot na nila si Tatay at pagaaral ko, tapos yung magiging sweldo ko pwede nating ipagpatayo ng simpleng bahay at karinderya. Nay baka dito yumaman na tayo." masaya kong banggit. "P-pero malalayo ka sakin anak, samin! ayokong magisa dito, ayaw ng tatay mo yan." sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko. "Nay, pwede ninyo akong padalahan ng sulat, ay ito pala nay!" sabi ko at kinuha ko ang bag ko at inilabas ang cellphone. "pansamantala muna ito nay, balang araw bibilhan kita ng mas maganda diyan. sa ngayon pwede mo kong itext at tawagan." sabi ko at tinignan niya ang cellphone. "Mukhang mahal ito anak, san galing ito?" tanong niya at ngumiti ako. "Sa mabait kong bagong kaibigan nay pero utang lang muna yan kaya babayaran ko din sya kapag may sweldo na ako." sabi ko sa kanya. "ano nay? payag ka na ba? kahit ako labag sa kalooban ko na malayo sa inyo, ito na din ang pagkakataon satin para makaahon tayo sa hirap." sabi ko narinig ko syang bumugtong hininga at tumango siya ng dahan dahan. "Salamat nay!" niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit. "k-kailan alis mo?" tanong niya "Hindi ko pa po alam nay kakausapin ko pa amo ko para malaman niya na agad agaran akong aalis sa kanya." sabi ko sa kanya tumango ito. "Sana makatulong ito sa tatay mo, pangako anak iipunin ko yung pera na magiging sweldo mo." sabi ni Nanay at tumango ako. "Wag kang magalala nay, konting tiis nalang." sabi ko tumango ito. "Salamat anak, maraming salamat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD