ito na ang first day ko sa aking trabaho. suot suot ko ngayon ang uniporme na binigay sakin ng libre ng aking amo, pagbubutihin ko talaga ng maigi ang trabaho ko.
"Rose ano, handa ka na?" Rinig kong sabi ni Manong George.
nagpatulong ako kay Manong George sa mga damit para dun muna magiistay si nanay sa Hospital pansamantala dahil walang maiiwan kay tatay. since ako ang uuwi dito ay nasa akin ang susi at kinandado ko na ang pintuan namin.
"hoy hoy hoy! bakit mo ilolock yan? hindi nyo pwedeng ilock yan dahil di pa kayo nagbabayad ng renta." Biglang singit ng landlord mismo ng inuupahan namin na sya din mismo ang tindera na kinasuhan nya si Tatay.
"Haist Aling Terisita ang aga aga naniningil ka ehh nahospital ang tatay ni Rose tsaka unang araw palang ni Rose sa trabaho niya." Singit ni Manong George.
"Wala akong pakialam! kailan ba kayo magbabayad ng renta? dahil kung hindi pa kayo magbabayad ay magbitbit na kayo nang---" pinatigil ko siya.
"oh ito po saksak nyo sa baga nyo!" inis kong saad at binato sa kanya ang 200 pesos, bastos na kung bastos pero wala siyang karapatan bastusin ang magulang ko sa harapan ko.
"Halika na Manong George masama ang araw dito." sabi ko at sumakay na sa tricyle nya.
Patawarin niyo ako Panginoon, patawarin ninyo ako Tay.
Suot ko parin ang Flat shoes ng anak ni Manong George isasauli ko na sana ngunit tumanggi sila na wag muna at gamitin ko munang pamasok. nakakatuwa naman kaya tinanggap ko nalang. nagagandahan talaga ako sa flat shoes na to, kulay itim ito na may malaking kristal sa gitna nito na kumikinang na parang totoong kristal.
hindi kasi ako palahingi o humihingi or nagpapabili kila nanay ng mga bagay na gusto ko. kahit gustong gusto kong makuha ay hindi. alam ko ang limitasyon ko at alam ko bilang anak kung anong buhay na meron kami.
"oh andito na tayo iha, ako na bahala sa gamit para madala sa hospital." sabi ko kay Manong George.
maglalabas sana ako ng pera pambayad ngunit piniglan nya ako ulit.
"Wag na iha isipin mo nalang na ako din ang ama mo. alam ko nararamdaman mo bilang anak kaya wag mo na isipin yung pambayad." sabi ni Manong natuwa naman ako at nagpasalamat ng marami.
nang makaalis na si Manong George ay dali dali akong pumasok sa shop at bumungad sakin ang masigla na si Ashley.
"Naks naman girl! lakas maka awra hahaha Magandang umaga!" sabi ni Ashley at ningitian ko siya.
"magandang umaga din." bati ko.
"bayan girl! siglahan mo dapat lalo na masaya ako kasi may kasama na ako dito sa shop." sabi ni Ashley at lumapit ako sa kanya at ito ang araw na tuturuan nya ako pano magbalot ng bulaklak.
habang tinuturuan nya ako ay ginagaya ko, mabuti naman at nagets ko ang turo nya kahit habang nagtuturo siya ay dumadaldal sya. nagkwekwento ng kung ano ano nangyayari sa buhay niya, sino pamilya niya at anong ginagawa niya.
"Huy bakit ba nakasimangot ka? ang ganda ganda mo tas nakabusangot yang mukha mo, ano ka ba Rose mabait naman ako tsaka madaldal di ka maboboring sakin." sabi nya at tumawa, natawa naman ako ng mahina.
"Pasensya na Ash medyo problemado lang ako." sabi ko at nagawa ko ang tinuro niya
"Wow! ang galing mo! Beauty ka na nga, creative pa! oo nga pala, bakit anong problema mo? pwede mo kong kausapin para mailabas yan. pagkakatiwalaan mo naman ako." sabi niya at napabugtong hininga ako.
"Si tatay nahospital at kailangang operahan kaagad kaya kailangan kong makaipon ng marami pambayad sa operasyon." sabi ko nalungkot siya bigla
"hala pasensya na hindi ko alam dapat sinabi mo man lang sakin o di kaya tinext. pahingi ako ng number mo para textmate tayo. pede kitang samahan sa pagbisita sa tatay mo at para din makilala ako ng magulang ko di kaya samahan kita sa bahay mo para di ka magisa." sabi nito. ang bait ni ashley.
"sobrang bait mo naman, maganda at mabait." sabi ko tumawa siya.
"ganyan talaga pag pinagpapala tayo. so akin na number mo." sabi niya umiling ako.
"pasensya na, mahirap lang ako wala akong cellphone." sabi ko.
"ay ganun ba, edi after ng trabaho samahan kita diyan sa labas may mga mumurahing cellphone lang yan at panigurado kasya sa budget mo." sabi nya sa akin.
"m-magkano ba sweldo dito?" nahihiya kong tanong.
"malaki magpasweldo si maam, nagtataka nga ako kung bakit kasi di naman masyadong kumikita dito sa shop. pero ang malaki nyang pasweldo sa akin ay 7,500 sigurado ako makakatulong na kaagad yun sayo. pero magtira ka sa sarili mo ahh para pede tayong magshopping diba." sabi nito at nagulat ako sa sweldo. tama sya, malaki na ang 7,500 pede na sa akin ang 500 at kila nanay ang 7,000.
"sige na girl, ito yung water spray babasahin mo lang yung mga bulaklak para di sila malunod. baka mahuli tayo ni maam hahaha." sabi nito at kinuha ko na yung spray at ginawa ko ang trabaho ko.
at sakto doon na may dumaan na sasakyang pula sa harapan ng shop at nakita ko si Maam cheska pagkapasok nito ay binati namin sya. bumati naman ito pabalik at pumunta na sa kanyang opisina.
mahigit dalawang oras na may nag pipick up ng mga order ng bulaklak at si Ashley ang bahala sa p*****t ng mga ito at ako ang nag babalot sa mga ito at nagbibigay sa mga customers. masaya at masarap kasama si Ashley kaya di ka mabobored sa trabaho kahit ganito lang kasimple.
buti nalang di naiinis o nagagalit si Maam cheska habang nagkwekwentuhan kami, sabi ni ashley nasanay na daw si maam na maingay sya dahil nga nagiisa ito sa shop ay ang kadaldalan nya si maam.
inabutan kami ng mahigit siyam na oras dito din kami kumain sa loob ng shop at wala namang problema doon si maam as long daw na di kami makalat. bumili lang kami kanina ng pagkaing karinderya at bumalik din sa shop, delikado din naman kung magiistay ka sa labas.
"Bye po maam cheska! ingat ka po." paalam ni Ashley.
"Hoy kayo ahh lalo ka na ashley wag mong dalhin yang si Rose kung san san pa at umuwi ka kaagad. magiingat kayo." sabi ni maam at nagpaalam ulit kami.
"Tara hatid kita." sabi ni Ashley pero huminto ako.
"nako hindi na ashley hapon na umuwi ka na sa inyo." sabi ko pero kumapit lang sya sa braso ko at naglakad.
"haist wag ka na magulo, basta samahan kita muna sa inyo." sabi nito di na ako nagpaawat at naglakad na kami.
panay kwento parin si Ashley kung ano ano, napakasigla nya at masayahing babae.
"Ash sigurado ka bang samin ka muna?" tanong ko.
"kung pede dun muna ako hahaha." sabi nito.
"teka nga, baka mapagalitan ka kapag di ka umuwi agad. baka magalala magulang mo." sabi ko pero yung ngiti nya parang may halong lungkot sa mga mata nya.
"Wala namang magaalala sakin. wala namang may pake sa bahay." banggit nito.
"Oo nabanggit ko sayo magulang ko, dati kong magulang. masaya talaga ang pamilya namin. dalawa kaming magkakapatid na nagaaral, ako ang panganay. Masaya naman talaga sa una, pero hanggang dun lang." sabi nito at patuloy parin kami sa paglalakad. mabuti walang gaanong tao sa dinadaanan namin dahil hapon na rin at maagang nagsisikain ng hapunan ang mga tao at natutulog.
"Sa tuwing uuwi si papa palaging may pasalubong, si Mama naman laging nagluluto ng masasarap na ulam. tapos kaming mga anak, nagaaral at naglalaro. pero yung pag gising mo nawala bigla." kwento nito.
"Dahil lingguhan lang kung umuwi si papa kasi stay in, napansin namin na may kakaiba na kay mama. lagi na itong naguuwi ng lalaki sa amin at sinasabi na kaibigan o tito daw namin sya pero bilang panganay alam ko ang kagaguhan na nangyayari sa bahay. ayokong banggitin kay papa kasi alam ko kung gaano nya kamahal si mama halos di nya ito kayang iwan at ipagpalit sa iba." kwento pa nito, nakaramdam na ako ng lungkot mula kay Ashley.
"Ang kinasama ng loob ko ay nakita ng kapatid ko na nakikipagtalik si mama sa iba't ibang lalaki. pinagtataksilan nya si papa, hanggang sa nalaman namin na buntis si mama. ang akala ni papa ay sa kanya yung dinadala ni mama pero hindi. isang araw nagsinungaling ako kay papa na umuwi sya agad kasi may nangyaring hindii maganda. kaya ayun bungad kay papa ang naghahalikan si mama kasama ng kabit nya. sa galit ni papa pinalayas nya sila mama, nakiusap si mama na wag pero hindi nasaktan ng sobra si papa kaya hindi na nya ito hinayaang magpaliwanag at magusap." habang nagkwekwento siya napansin kong nakangiti na may halong lungkot ang mukha niya.
"Simula non nasira na ang lahat. si papa nawalan ng trabaho kasi pumapasok daw ito na lasing at natutulog sa trabaho. nabuntod ang galit ni papa sa kapatid ko kasi kamukha ito ni mama kaya sa tuwing lasing ito sinasaktan nya kapatid ko kaya nagdesisyon akong ilayo ang kapatid ko at dinala sa kaanak ni Papa." sabi nito
"bakit di ka sumama?" tanong ko at ngumiti lang siya.
"Panganay ako, kailangan ako ng kapatid ko." sabi niya .
"sinasaktan ka rin ba ng papa mo?" dun siya napahinto at nawala ang ngiti niya sa mga labi niya.
"Oo." maikli nyang sagot.
dumating kami sa bahay at inalok ko sya ng maiinom at umupo sya sa maliit naming sala.
"masaya ka no? kasi kompleto magulang mo kahit mahirap lang atleast masaya." sabi ni Ashley napangiti naman ako.
"Siguro hirap pang makaadjust ang papa mo, hintayin mo lang magbabago yon." sabi ko pero umiling siya.
"hindi na, demonyo yun." sabi nito at di na ako nakasagot pa.
"Kahit ilang beses ko sabihan si papa ay hindi yun nakikinig. sinasaktan nya ako at sinasabing wala akong kwenta at nagmana daw ako kay mama." sabi niya at tila naluluha na siya.
"Minsan napapatanong ako sa sarili ko na bakit di kami kinuha ni mama. hindi nya ba kami mahal?" sabi pa nito.
"Pasensya na ahh, maya maya siguro uuwi na ako."