CHAPTER 5

744 Words
Inilipat si Tatay sa isang kwarto. masyado itong malaki para kay tatay pero mabuti na din iyon para mas ikakabuti ni tatay. "Maraming salamat talaga Ahh Bernard. kaya marami palang natutuwa sayo napakabuti mong bata at pulis." sabi ni Mama dahil nagpasama si mama kay Bernard na bumili ng mga prutas at si Bernard na mismo nagbayad. "wala ho iyon Aling Marites. di naman po kayo iba sakin." sabi ni Bernard. hindi ko na inistorbo ang usapan nila at nakatingin lamang ako kay Tatay. "anak sige na ako muna dito. samahan mo na si Bernard dahil baka hinahanap na siya." utos saa akin ni nanay tumango naman ako bilang sagot. lumabas muna kami sa kwarto ni tatay at naglakad na papunta sa Elevator. "Maraming salamat talaga Bernard ahh malaking tulong na sinamahan mo pa kami dito at nagbayad pa." sabi ko at nahihiya na din. "ano ka ba Rose, sabi ng wala iyon diba? hindi kayo iba sakin." sabi nito. "pero bakit mo ba kami tinutulungan? ibig kong sabihin kasi alam naming pulis ka pero parang sobra na tong pag tulong mo. may rason ka ba?" sabi ko at sakto bumukas ang elevator kaya naglakad kami palabas na ng hospital. "*chuckled* kailangan ko pa bang mag rason para lang sa pagtulong ko sayo?" sabi nito at nagpatuloy sa pag tawa. naihatid ko na sya sa labas ng hospital. magpapaalam na sana ako ng tinawag nya ang pangalan ko. "Bakit Bernard?" tanong ko at napakamot ito sa kanyang batok. "ahh sa susunod pede ba kitang yayain kumain sa labas kapag may time ka." alok nito, kakain sa labas? wala namang problema kaso kailangan ako ni tatay kaya hindi. "Ahh titignan ko nalang muna Bernard ayokong iwan dito si tatay." sabi ko tumango tango ito bilang sagot. "sige naiintindihan ko. mauna na ako." sabi nito kaya nagpaalam na ito at umalis. kahit papaano ay may mga tao talagang napakabuti sayo mahirap ka man. bumalik ako sa loob ng hospital at tila nakatingin sa akin ang mga tao dito sa loob doon ako napayuko dahil baka madungis na ang itsura ko kakaiyak nung dinala dito si tatay. dali dali akong tumakbo at bumalik sa kwarto ni Tatay kung saan nakita ko syang mahimbing na natutulog samantalang si nanay umiiyak parin. lumapit ako kay nanay at hinawakan ko sya sa balikat nang maramdaman nya ako ay hinawakan nya ang kamay ko. "Hindi ko kaya makita ang tatay mo dito." sabi ni Nanay hbang umiiyak. "Tahan na po." sabi ko at bumaling ito sa akin. "hanggang kailan ba sya dito?" tanong nya at bumugtong hininga ako. "Hindi ko pa po alam nay, kailangan pa syang maoperahan para matanggal yung infection sa kidney niya." sabi ko. "Diyos ko." bulong ni nanay. "ma-magkano ang operasyon?" tanong niya muli. "nay umaabot po ng 20,000." mas lalong naluha si nanay sa sinabi ko. "wag po kayong magalala, gagalingan ko ang trabaho ko bukas nay tutal matagal pa naman pasok ko pede ko pang pagipunan yon. tsaka mas mahala naman si tatay." sabi ko sa kanya at tumingin sakin si nanay at hinawakan nya ang magkabilang kamay ko. "a-anak wag ka sanang mabibigla." sabi nito. "bakit ho?" taka ko. "Kinuha na yung tindahan." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni nanay at bumitaw sa kanya. napatayo si nanay at umiyak lalo. "Pasensya na anak. sinubukan ko naman patigilin pero sabi ay utos daw ng governador yun at may itatayong panibago. sinubukan kong lapitan si aling palya kaso binantaan nya akong ipapakulong nya ako." sabi ni nanay kaya mas lalo lang kumulo ang dugo ko. "Alam mo anak ang galit walang mapapala yan, walang ikakaganda yan. kaya kung galit ka edi okay lang na sa isip mo lang ikaw magagalit, hindi mo ipapasa o ibubuntong ang galit mo sa tao. lahat tayo anak nagkakasala, ang Diyos na ang bahala sa kanila manghusga pero ikaw? hindi. kapag di mo na matiis huminga ka ng malalim at magbilang ka." paalala sa akin ni Tatay. napapikit ako at tila nagbibilang ako sa aking isipan. una.. pangalawa... pangatlo... pang apat... pang lima.. pang anim... *Inhale, exhale* "Sige nay okay lang yan, mabuti na rin yun nay para mabantayan mo dito si tatay, pangako unang sweldo ko maghuhulog tayo kaagad." sabi ko at niyakap ako ni nanay ng mahigpit. "Salamat anak balang araw bibiyayaan din tayo. ngayon lamang ito anak kaya pagtiisan mo muna." sabi ni nanay tumango ako at niyakap sya pabalik. Diyos ko, tulungan niyo po ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD