CHAPTER 4

1008 Words
Nagdala ako ng kaunting pagkain at dinalaw ko muna ang aking ama sa kulungan. Nagaantay ako sa waiting at nakita ko si tatay naka bihis preso at nakaposas at dinala sya ng dalawang pulis sa akin at umupo si Tatay sa aking harapan. iniwan kami ng dalawang pulis at tinanggal ang posas saka kami iniwan. "Ang ganda ganda naman ng anak ko. San ka galing anak? nakabihis ka?" tanong ni Tatay gusto ko syang yakapin ng mahigpit pero hindi ko makuha syang lapitan dahil siguro mas lalo akong iiyak kapag niyakap ko siya. "Shhh tahan na Rose, sige ka mas lalong sasakit yan kapag di ka tumahan." "Tatay may sugat ako!" "ay sige ka talaga kapag di ka tumahan may kakain nyang sugat sa tuhod mo." biro ni tatay kaya napatigil ako kakaiyak. "wag kang iiyak ulit Rose ahh? nasasaktan si tatay kapag umiiyak ang prinsesa ko." sabay yakap sa akin ni tatay. "m-may pagkain ho ako, kainin nyo na po yan ngayon." sabi ko at pinaghanda ko sya ng pagkain. "Salamat anak." nakangiti nitong sabi sakin. Pinipigilan ko ang mga luha ko na bumagsak, kailangan kong maging matatag sa harap ni tatay. "Anak, pasensya na sa pagsisinungaling ko. ayokong maging pabigat sa inyo ng nanay mo. alam mo kung gaano ko kayo kamahal at kahalaga sa akin. pasensya na anak kung di kita mabigyan ng magandang buhay." sabi ni Tatay sa akin. "tay wala naman ho akong hinihiling na bigyan nyo ko ng magandang buhay. ang gusto ko lang makasama kayo ni nanay, kuntento na ko doon." sabi ko at ngumiti sakin si tatay at hinaplos nya ang pisnge ko. "Mahal na mahal ka talaga namin ng nanay mo. Prinsesa ka talaga namin." sabi nito gusto kong maiyak na pero pinigilan ko parin. "ano tay kamusta ka dito?" tanong ko ngumiti sya at kumain. "maayos naman, mabubuti ang mga kapreso ko tulad din nila nagnanakaw para mabuhay pero handa silang mag bago para sa pamilya. kaya hindi sila mahirap pakisamahan." sabi ni Tatay, salamat naman ay kahit malayo samin si tatay ay mabubuti parin ang mga tao sa preso. "Anak san ka ba galing? bat ang ganda mo ngayon?" tanong ni tatay tumawa ako. "Ahh pinayagan na ako mag apply ni mama. ito nga ho uniporme ko at yan bigay yan ni Ma'am Cheska mabait po amo ko." sabi ko nagulat sya pero akala ko kokontra sya pero hindi. "mabuti naman pumayag nanay mo. basta anak magiingat--" napatigil si tatay ng bigla syang dumaing. "tay? tay?" alala ko agad akong lumapit sa kanya at nagulat ako na napahiga na si tatay sa sahig. "TULONG! TULONG! TATAY! TAY!" sigaw at iyak ko habang ginigising si Tatay. h-hindi! hindi pwede! Agad kong nakita si Sir-- Bernard at agad kaming nilapitan. tumawag agad sila ng rescue at sumama din ako sa van kung saan inilagay si tatay. 'Wag naman sana!' "please po! pakidalian nalang po." sabi ko sa driver at mabilis itong nagmaneho. napatingin ako kay tatay na nakahiga at may inilagay yung nurse na oxygen sa ilong at bunganga nito. napabaling ng tingin sakin si tatay at dahan dahan nyang pinunas ang luha sa mukha ko at nagsalita. "Nasasaktan si tatay kapag umiiyak ang prinsesa ko." Sabi nya na mas lalo akong napaiyak. "tatay!" *10 minutes* tumakbo agad ang mga nurses at doctor sa amin kaya napatakbo din ako at dinala si tatay sa isang operating room. Papasok sana ako ng pinigilan ako ng isang nurse. "Bawal pong pumasok Ma'am." sabi nung nurse at sinarado na nya ang malaking pinto. hindi ako mapakali paikot ikot ako ng lakad. Hindi tumitigil ang luha sa mukha ko. Diyos ko, tulungan nyo ang tatay ko. "Rose!" napatingin ako ng makita ko at lumapit ako sa kanya at napayakap ako at umiyak ng malakas. "Shhh tahan na." pagpapatahan sakin ni Bernard. "ok-okay naman si tatay e-eh! pero bakit--" hindi na ako napatuloy at umiyak ako lalo at hinahagod lang ni Bernard ang likuran ko para tumahan. "magiging maayos din tatay mo, dasal ka lang." Sana nga bernard, sana. makalipas ng ilang oras lumabas na ang doctor na nagasikaso kay Tatay agad akong napatayo at tinignan si Doc. "Ka-kamusta po si tatay?" tanong ko. "mas lumala ang kalagayan ng tatay mo sa pagsuri namin hindi ata sya umiinom ng mga gamot na kinakailangang inumin. kailangan namin sya agad maoperahan para matanggal na yung bato sa kidney niya." napatingin ako kay Bernard. "magkano ho aabutin?" tanong ni Bernard. "umaabot 20,000 ang operation." napatalikod ako at huminga ng malalim 20,000?! san ako kukuha ng ganyang kalaking pera? "pero kung gusto nyo ng mababa ililipat nalang sya sa ibang hospital na---" "Sige, gawin ninyo ang lahat maghuhulog hulugan ako ng bayad" sabi ko at nagulat si Bernard sa sinabi ko. "Sige Ms?" "Rose, Rose Bautista." sabi ko. "Sige Ms. Bautista, punta nalang kayo sa registration para maiayos na ang mga papeles na kakailanganin before the operation." sabi ni doc. "Pano ho, mauna na po ako. marami pa po akong pasyente." paalam ni doc. naglakad kami ni Bernard papunta sa registration. "20,000? san ka kukuha ng ganung kalaking pera para hulug hulugan mo?" tanong sakin ni Bernard. "magiipon ako, nagkaroon ako ng trabaho sa bayan. dun muna ako magiipon ng pera para kay tatay." sabi ko at may mga binigay saking form ang accountant at sinimulan ko tong fill-upan. "oh heto." nagulat ako sa paglabas ng wallet ni Bernard at nagabot sakin ng 2000. "ito muna ibayad mo ngayon." sabi niya. "Nako bernard, masyado naman ito. kaya ko naman at tsaka pede ka na bumalik sa stasyon ninyo baka hinahanap ka na." sabi ko at pilit na tinatanggihan yung pera pero ang ginawa nya ay pinambayad na nya sa counter. "Bernard naman." sabi ko ngumiti ito sakin. "hayaan mong tulungan kita. parang di tayo magkakilala Rose." sabi nito sa akin. ngumiti ako kasabay non ay marinig ko ang boses ni Nanay. "Rose anak?" "nay!" agad akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya. "Si tatay." banggit ko at umiyak ako sa kanya at hinahagod nya lamang likuran ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD