Ngayon ay nakasakay kami sa Tricyle ni Manong George, balak ko sanang tawagan muna ang shop ngunit nakita ko cellphone number ang nakalagay kaya napagdesisyunan naming puntahan nalang kasi wala kaming cellphone at wala din kaming mahihiraman.
first time kong magsuot ng disenteng damit. Ipinahiram sakin ito ng anak ni Manong George na babae nakakahiya ngunit sabi ni manong george ay kailangan formal ka dahil baka sa pananamit ko palang daw ay hindi na ako matanggap sa shop. kaya nakasuot ako ng palda na fit sa aking hita hanggang tuhod hindi naman masikip o ano sakto lang sa aking bewang nakasuot din ako ng puting polo na naka tuck in sa palda ko para akong teacher at pagkatapos ay pinahiram din ako ng itim na flat shoes. nagagandahan ako sa sapatos na suot ko.
"bagay pala sayo anak, napakaganda mo." sabi ni nanay kaya napangiti ako. bumagay nga naman talaga sakin ang damit. dahil nakasanayan kong nakasuot ako ng t shirt na mukha pang basahan tapos ay p.e pants ng school ko nung last semester. kaya first time kong magsuot ng disenteng kasuotan.
nakarating kami sa bayan at bumaba na ako sa tricyle pero bago yun ay niyakap ako ni nanay.
"sigurado ka ba anak? samahan nalang kita." sabi ni nanay pero pinigilan ko siya.
"nay pangako uuwi ako kaagad kailangan nyo pang magbukas ng tindahan baka malugi tayo." sabi ko at tumawa naman siya.
"sigurado ka ahh? umuwi ka kaagad at balitaan mo ko ha?" sabi nito at tumango ako at niyakap siya.
"magiingat ka anak. mahal na mahal kita." sabi ni nanay napangiti naman ako.
"ako rin nay. Sige na nagaantay si Manong george, manong! maraming salamt ulit sa pagpapahiram nito ah!" banggit ko at ngumiti ito.
"Wala yun Rose, ikaw pa ba! malapit ka sa anak ko. Sige na Marites baka mahuli pa yan si Rose tulungan nalang kita sa pagbukas ng tindahan. una na kami Rose." paalam ni Manong kaya nagpaalam na din ako at kumaway.
nagtataka naman ako pagbaba ko sa bayan. Maraming tao ang nakatingin sakin. Hindi ba bagay sakin yung damit? sabi na nga ba eh
hindi ko nalang sila pinansin at hinanap ko ang shop na ang pangalan ay Sweet Stems at sinuswerte nga naman nakita ko na kaagad iyon at agad kong pinuntahan. Tama nga ang nakasaad sa dyaryo, nakita ko sa mga mababasaging pader na naghahanap sila ng trabahador. tinulak ko ang mabigat na pintuan na gawa sa salamin at bumungad sa akin ang malamig at mababango na nangagaling sa mga bulaklak. nakita ako ng isang babae sa counter at ningitian nya ako.
"May pinareserve po ba kayo Ma'am? paki sulat nalang po yung name at address." sabi nung babae sa counter pero umiling ako.
"w-wala ho,na-nandito po ako para sa trabaho." sabi ko at lumawak lalo ang ngiti nya.
"haist salamat naman may magaapply! nakakabagot dito magisa! btw ako pala si Ashley, iisang trahabador dito bilang cashier." masiglang sabi ni Ashley napangiti naman ako.
"a-ako si Rose, Rose Bautista." sabi ko.
"taga san ka Rose? taga dito ka ba? parang ngayon lang kita nakita. tsaka may lahi ka ba?" tanong nya bigla.
"a-ahh taga Santo Merdeces ako bihira lang kasi kami dito pumunta kasi malayo." sabi ko tumango tango ito.
"so may lahi ka bang kano?" tanong nya nagtaka ako.
"ha?"
"may lahi ka kako ng kano? like american blood or something half half." sabi nito sakin. sasagot na sana ako ng biglang may lumabas sa kanyang likuran.
"Ashley diba sabi ko wag mong daldalin ang costumer natin." sabi ng babae nagulat si Ashley.
"Si maam naman hindi po sya customer, naghahanap po sya ng aapplayan dito." sabay turo sa akin at napatingin sakin ang babae.
"Edi sana pinadiretsio mo sakin di yung dinaldal mo pa sinasayang mo ang oras. halika na iha." tawag sakin at tinignan ako ni Ashley at nag peace sign ito at tumawa.
pinaupo ako nung babae sa upuan na nakaharap sa table nya.
"Pagpasensyahan mo na si Ashley talagang madaldal yan at maingay. nabored na siguro dahil nagiisa lang sya dito madalas at walang nakausapm" paliwanag nito tumango naman ako bilang sagot.
"so anong applayan mo dito? may dala ka bang nga dokumento? resume? tumawag ka ba dito sa opisina? wala naman saking sinabi si Ashley about sa mga magaapply." dokyumento? resume? Tae di ko naisip yun gawin.
"hala maam biglaan po kasi ako magaapply, pasensya na po nawala na isip ko. p-pede po bang bumalik ako bukas?" tanong ko halos maiiyak ako dahil baka di ako matanggap.
"Easy there child, no worry. ang kailangan ko lang resume mo pero since babasahin ko rin naman ay pwede ko nalang itanong sayo lahat. wag kang magalala iha." sabi nito sa akin.
"Ma-maraming salamat po, ako po pala si Rose, Rose Bautista." sabi ko sa kanya tumango ito at may isinulat sa papel.
"So tell me Rose, may lahi ka bang kano?" tanong nya sa akin. Pati rin siya?
"tatay mo ba americano? tas nanay mo filipino?" tanong nya muli pero umiling ako nagtaka naman siya.
"Imposibleng wala kang lahi anak. base sa nakikita ko sayo. Magkaiba ang kulay ng mga mata mo, isang Gray sa kaliwa mong mata at isang light green sa kanan mo. maputi ka rin at makinis, sobrang tangos ng ilong mo." sabi nito sa akin.
"baka ho sa nanay ko po ako nagmana. marami din pong kwento sa lugar namin na maganda po ang nanay ko nung sinauna, pero mas maganda po siya ngayon." sabi ko at ngumiti naman ito.
"So nagaaral ka pa?" tanong nya ulit
"Opo, Second semester na po sa susunod na pasukan kaya po nagaapply po ako para pambayad sa tuition ko po tsaka mapalaya ang tatay ko sa kulungan at makabayad po sa mga utang po namin." nabigla ako ng sinabi ko lahat ng detalye kaya humingi ako ng paumanhin.
"hindi hindi ayos lang atleast alam ko na dahilan bat kailangan mo ng trabaho." sabi nya kaya ngumiti ako.
"Oh sige tatanggapin kita bilang ikaw tagapagalaga sa mga bulaklak, kailangan mapanatili silang basa at fresh pa at kailangan mong mabantayan dahil sa mga pesteng nangangain sa mga bulaklak. bukas na bukas ito ang schedule mo, ito din magiging uniforme mo. Sasabihan ko si Ashley na turuan kang magbalot ng mga bulaklak." sabi nito at inabot sakin ang uniform at schedule ko.
"hala maam maraming maraming salamat po! sobang bait ninyo. pagpalain pa po sana kayo." sabi ko sa sobrang tuwa at napatawa naman ito.
"I remember my daughter to you." May sinabi itong pabulong kaso hindi ko narinig.
"Sige maam pagbubutihin ko trabaho ko, aagahan ko po bukas. pangako di kayo mabibigo sa akin." sabi ko at ngumiti naman ito at nagpaalam ako.
magiging masaya at magandang balita ito kay nanay.