CHAPTER 10

838 Words
kinaumagahan, nang mabanggit ko ito kay Ashley nagulat siya sa desisyon ko. "Rose naman di ka pa nakakatagal dito eh, maiiwan ako dito magisa." Sabi ni Ashley na nalulungkot siya dahil wala siyang makakasama dito. "Pasensya na, gusto ko na kasi agad makaalis si Tatay sa hospital tsaka kailangan ko pang ipaglaban si tatay dahil ipinakulong siya." sabi ko sa kanya. "Sinabi mo ba kay maam Cheska ito? mabibigla din yun sa sasabihin mo tsaka baka hindi iyon pumayag sa desisyon mo." sabi ni Ashley. "Saan ako hindi papayag?" sabay kaming napalingon ni Ashley ng makita namin si maam cheska na kadadating lang. "A-ahh wala po maam." sabi ni Ashley at bumalik na siya sa pwesto niya. "Maam pwede ho po ba kayo makausap?" Tanong ko. "Tara sa opisina." sabi ni Maam tinignan ako ni Ashley pero umiwas ito ng tingin sakin. Sorry Ashley. pinaupo ako ni maam sa upuan at tinignan ko siya ngunit mukhang alam niya ang sasabihin ko. "I knew you were going to talk about it about the proposal yesterday" Sabi ni Maam. alam niya? "When I was told na aalis ako kasi may pupuntahan ako? I met Joan and she told me everything." sabi niya so ibig sabihin magkakilala na sila bago kami? "At first ayokong pumayag, kahit kay Ashley di ako papayag." sabi nito at huminga ng malalim "Alam mo ba kung ano papasukan mo?" tanong niya sa akin umiling ako bilang sagot. "Alam mo ang history nung magiging amo mo?" tanong niya muli at umiling lang ulit ako. "How old are you?" tanong niya "17 po." sabi ko "Ang aalagaan mong amo ay isang 24 anyos na lalaki. naaksidente siya kasama ang magulang niya sa isang car crash paluwas ng Manila. His parents died but he survived the crash. Kilala ang pamilya nila bilang isang mataas at mayaman sa Santa Rosita." Kwento ni Maam cheska. "E-eh kung mayaman naman po pala bakit sa mansyon pinapaalagaan yung lalaki?" tanong ko. "Ewan ko, bali balita napaka misteryoso ang lugar ng Santa Rosita, infact sila mismo may magaari nun. sabi sabi dahil yun daw gusto ng Attorney nila kasi syempre usapang pera." sabi niya at tumango ako. "Ka-kaya lang ho ako papayag kasi kailangan ko po ng malaking pera para masagot na lahat ng problema namin" sabi ko sa kanya tumango naman ito. "Naiintindihan kita." sabi nito. "Naalala ko talaga sayo ang anak ko, katulad mo din, magkaiba din kulay ang mga mata niya. masipag sya at matalino, hinahangaan din siya ng lahat dito." sabi nito sa akin. "k-kung ganon po, asan po siya ngayon? nagtratrabaho na din po ba?" tanong ko sa kanya, ngumiti siya ng pilit at umiling. "She died when she was your age. Ginahasa siya ng tatlong lalaki na taga rito rito lang din. sa sobrang laki ng galit ko patuloy parin ako naghahanap ng hustisya kaya ako palaging umaalis dito sa shop. Nagpakamatay ang anak ko dahil hindi niya kinaya ang lahat kaya wala na siya." sabi nito pero nanatili parin siyang nakangiti. "Kaya nung nagapply ka dito agad kitang tinanggap dahil naaalala ko ang mga mata mo sa kanya. gusto kong mapalapit ng loob sayo ngunit alam ko parin bilang ina na hindi ikaw ang anak ko." sabi nito at dun siya tuluyang umiyak. "Maraming nagsasabi na magmove on na ako dahil hindi ko na mababalik ang lahat. Makakapagmove on ako kapag nabigyan ko na ng hustisya ang anak ko." sabi nito. "pasensya na po maam, h-hindi ko po alam." sabi ko. "Sige papayag akong makaalis ka, dahil hindi magiging sapat ang pagpapagamot mo sa tatay mo. hahayaan ko kung ano desisyon mo." sabi nito at ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. "Basta ipangako mo sakin na magiingat ka ng maigi. nandyan na sa cellphone mo ang number ko, tawagan mo ako anytime." sabi niya tumango aki sa kanya. "Maraming salamat maam sa pagintindi, pangako magiingat ako." sabi nito at yumakap ako sa kanya. pagkatapos naming magusap ay lumabas na ako, nakita ko si Ashley na malungkot at lumuluha. lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Mag isa na naman ako, akala ko pa naman ikaw na makakasama ko buong buhay ko." iyak nito sa akin. "Pasensya na talaga Ashley, pero magkaibigan parin tayo magkakalayo lang. syempre di kita pwedeng kalimutan dahil ikaw ang kaiisang kaibigan ko at kapatid ko narin kahit iilang araw lang tayo magkakilala." sabi ko sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko. "Pangako Ashley papadalahan din kita ng pera pagkatapos ay sabay tayong babalik sa pagaaral." sabi ko at tumingin siya sakin. "S-seryoso ka?" tanong niya ngumiti ako at tumango. "at pinapangako ko na kukunin natin ang kapatid mo at hahanap tayo ng matitirahan ninyo, basta magipon ka rin para sa iyo." sabi ko at tumawa. "pangako yan ahh, magtutulungan tayo." sabi niya at yumakap ako sa kanya. "Magiingat ka doon ahh, tawag ka sakin." sabi niya tumango ako. "Makakaya natin ito Ashley, konting tiis nalang." sabi ko tumango ito at naiwan ako ng isang matamis na ngiti. hinding hindi kita makakalimutan, kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD