CHAPTER 11

1001 Words
Ito na, ito na ang araw na tinawagan ko si Joan at pumapayag ako sa kanyang proposal. umiiyak ngayon si nanay ng makita niya akong nagiimpake ng aking kagamitan dito sa hospital. "Nay naman wag ka na umiyak, malalayo lang ako ng mga ilang buwan as long na may makahanap ulit sakin ng panibago. Tsaka pangako sa unang sweldo ko ay ipapadala ko sa account ninyo at magpapadala din ako kaagad ng sulat o tatawag ako sa inyo kaagad pagkadating ko doon." Sabi ko at inaayos ko ang mga damit na kakailanganin ko. nako baka matagal na nagaantay sila sa labas! "A-anak, magiingat ka pakiusap." iyak ni nanay lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Opo nay magiingat ako syempre ako pa ba."sabi ko sa kanya "T-teka gisingin ko tatay mo." sabi niya umiling ako "wag na nay baka di ako lalo paalisin niyan, sige na nay baka kanina pa sila nagaantay sa labas." sabi ko at binuhat ang gamit ko. "Teka lang anak." sabi niya at tinanggal niya ang suot niyang bracelet at sa pagkakaalam ko ay bigay ito ni tatay nung kaarawan niya. "Isuot mo ito para maalala mo na bigay yan ng tatay mo at suot ko iyan." sabi niya napangiti naman ako at tumango. ayokong umiyak sa harapan ni nanay dahil mas lalo lang ako malulungkot kapag maalala ko siya. ito ang huling yakap ko sa aking nanay at hinalikan ito sa pisnge. lumapit ako kay tatay at hinalikan siya sa noo at bumulong. "Pagaling ka Tay, magtatayo pa tayo ng bahay." bulong ko at niyakap ko si Tatay. nagpaalam na ako kay nanay at huling yumakap. lumabas na agad ako ng kwarto dahil ayoko pang patagalin pa ang lahat dahil baka di ko pa kayanin at umayaw pa ako. mabilis akong nagtungo sa may parking lot dito sa hospital at nakita ko ang kotseng itim kung saan naninigarilyo si Joan sa labas. "Ayan na ba lahat ng gamit mo?" tanong niya sa akin bilang paniniguro, tumango ako sa kanya at binuksan niya ang likod ng kotse at dun ko inilagay ang mga gamit ko. "Are you ready?" tanong niya huminga muna ako ng malalim at saka tumango saka niya isinara ang likod at ngumiti. "Then, let's go." sabi nito at sumakay na kami sa kotse. sinimilan nang paandarin ang sasakyan. kasama parin namin ang babae na masungit dun sa shop at siya mismo nasa harapan at kami nasa likod ni Joan. "We found all your informations about yourself. Honor student ka pala." Sabi nito sa akin tumango ako bilang sagot. "Impressive. Gusto ko pala na malaman mo na habang nagpapaalam ka sa mga magulang mo, binayaran na ni Felicia ang pampaopera sa tatay mo, mga gamot na bibilhin at mga gastusin niyo sa bahay." nanlaki ang mga mata ko. Totoo ba yun? "Tulad ng ipinangako namin. Ihahanap namin ng bagong titirahan ang magulang mo para di na sila nakatira sa squatter area na mas makakasama sa tatay mo. May magsusundo sa kanilang van at nakasaad sa pangalan mo para sumama sila sa kanila." Paliwanag pa nito, hindi ko maiwasang maiyak at yumakap ako sa kanya. ikinabigla niya iyon pero hindi naman siya nagpumiglas o bumitaw kaya ako ang kusang bumitaw. "N-naku maam maraming salamat! malaking biyaya ito sa amin! sobrang maraning salamat. pangako pag bubutihin ko ang trabaho ko at kahit anong mangyari gagawin ko ang makakaya ko." sabi ko at ngumiti naman ito ng maliit at tumango. "Ito ang listahan na dapat mong gawin sa magiging amo/pasyente mo, hindi mo dapat makalimutan ang mga gamot na kailangang inumin na dapat din ay nasa tamang oras ito. kada linggo o buwan may bibisitang doktor, si Doc. Alonso, siya ang therapist ng amo mo para icheck ang condition ng amo mo. kapag nagkaroon ng improvement, mas tataasan namin ang sweldo mo. ang magiging sweldo mo ay 500,000 ngunit kaya namin yang doblehin kapag maganda ang asikaso mo." a-ano? 500,000? totoo ba narinig ko? "Kapag may ipinautos sayo ang doctor ay sundin mo. wala kang babayaran sa kanya o ano. Ito number niya upang matawagan mo siya ngunit may computer naman sa Mansyon sa opisina ng Master at pwede mo naman iyon gamitin. marunong ka naman sigurong gumamit?" tanong niya tumango ako. dahil marahil minsan ay nag rerent ako ng computer sa isang computer shop upang sa aking eskwelahan. "About sa pasukan mo, ipinasok ka namin sa ibang eskwelahan. Magiging modyular ang pasok mo since may trabaho ka. pinadala na namin ang mga text books mo ang kailangan mo lang magbasa at sa computer ka magsasagot. naka sign in ka na sa isang university at dun ka magsasagot." sabi nito. u-university? "Tinanggap ka dahil scholar ka kaya wala ka nang babayaran since scholar ka naman." sabi pa nito. "p-pwede pong ma-magtanong?" Singit ko at tumingin siya sakin. "ano iyon?" "Kaano ano ka po nung magiging amo ko?" tanong ko, tumingin siya sakin at ngumiti. "Hindi ko kaano ano ang magiging amo mo. Naging taga silbi ako sa Pamilya Harmony mahigit mga pitong taon na. Muling ikinasal si Mr. Robert kay Ms. Grace." tugon nito. "Masaya naman nung una bago makilala ni Mr. Robert si Ms. Grace, pero nung pumanaw na ang tunay na asawa ni Mr. Robert ay nagbago na lahat ng pakikitungo ng anak niya sa kanya. ang akala ni Mr. Robert ay siguro naghahanap ang anak niya ng isang mom material kaya nakilala niya si Ms. Grace, mabait naman kaya walang naging problema sa pakikitungo ni Ms. Grace sa mahihirap, ngunit hindi sa anak ni Mr. Robert. malayo at galit ang nararamdaman ng anak ni Mr. Robert." patuloy nito at tumingin ako muli sa bintana. "kaya maraming nalungkot ng mawala ang nagasawa dahil sa aksidente, ngunit naiwan lamang ang anak nito at binigay lahat ng ari-arian nito sa kanilang anak. Sa ngayon nangangailangan ng magbabantay sa anak nila dahil yun ang kautusan ng attorney nila." sabi nito at tumango ako. "Ano pong pangalan ng anak nila?" tanong ko at bumaling sa kanya. "Sven, Sven Floyd Harmony."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD