Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa ibaba kaya agad akong bumangon at agad na bumaba at nakita ko si nanay na umiiyak at nakita ko si tatay naka posas sa mga pulis.
"T-teka anong ginagawa ninyo sa tatay ko?" Sabi ko sa mga pulis at nakatingin sila sa akin at pagtingin ko sa aking ama lumuluha na ito pero pilit na ngumiti sa akin.
"Wala na kaming oras. Dalhin nyo na yan sa presinto!" Sabi nung isang pulis.
"Teka dahan-dahan naman po!" Nagmamakaawa ni nanay dali akong sumunod sa mga pulis at ipinasok nila si tatay sa sasakyan nila. Hindi ako nagpatigil at hinawakan ko ang braso ng isang pulis.
"Saan nyo dadalhin tatay ko? Bakit anong ginawa ng tatay ko!" Sigaw ko sa kanya at tumingin sya sa akin.
"Rose, may kasalan ang tatay mo. Nagnakaw sya ng bigas at mga ulam sa isang tindahan. kung ayaw mong maniwala sumama ka sa amin para makita mo yung cctv na talagang nagnakaw ang tatay mo Rose." nabigla ako sa sinabi nya at umiling habang umiiyak.
"YAN! YUNG TATAY MO!NAGNAKAW YAN!" Sigaw nung tinderang sya ata nagsumbong.
"HINDI! HINDI MAGNANAKAW ANG TATAY KO!" Lumapit ako sa sasakyan ng pulis.
"Itay umamin ka, wala kang kasalanan diba?" Iyak ko sa kanya at ngumiti sya sakin at hinawakan ang pisngi kong lumuluha.
"Tahan na anak magiging maayos din si tatay. Wag mong pababayaan ang nanay mo at pag aaral mo. Pasensya na anak gusto ko lang makatulong sa pamilya natin. Patawarin mo ako." banggit nito at napatigil ako.
"UMAMIN KA RIN NA IKAW NAGNANAKAW SA PANINDA KO!" Sigaw nung tindera.
"misis tama na hinahon kayo." sabi ng pulis at ina awat yung tinderang bungangera.
"WALA KANG KARAPATANG SIGAWAN ANG ASAWA KO!" Hanggang sa umabot na sa palaaway si nanay at yung tindera agad akong lumapit at inawat si nanay ay tinatawag naman ng pulis yung tindera.
"ISA KA PA MARITES HINDI KA PA NAGBABAYAD NG UPA DIYAN PASALAMAT KA ASAWA MO LANG DINAMAY KO AT HINDI KAYONG DALAWA!" Sigaw nung tindera kaya hindi ako nagpatigil nagsalita na rin ako.
"Babayaran namin lahat! Babayaran ko lahat ng ginawa ni tatay. Babayaran ko rin yung upa! Para matigil nyang bunganga mo makalabas puro pera!" Sigaw ko pabalik sa tindera kaya napatigil ito.
"Tama na! Tama na Rose. Misis sumama nalang kayo sa presinto para sa pagpirma sayo ng mga papeles." Sabi ng pulis at umalis na ang ibang pulis at naiwan ang pulis at lumapit ito sa amin.
"Pasensya na po misis at Rose. Ginagawa lang namin ang tamang sa batas." Paghingi ng paumanhin nito sa amin.
"P-pero sabi ni tatay galing sa pa libre dyan sa kanto."naiiyak kong sabi sa kanya pero hinawakan nya lang balikat ko.
"Rose anak ka ni manong Pedro at alam naman nating mabuti syang tao at asawa at ama, ngunit sa buhay natin kailangan na nating gumawa nang masama para sa ika kabuti ng pamilya." sabi nya.
"hindi magagawa yun ng asawa ko." iyak na sabi ni nanay.
"Pasensya na talaga Aling Marites, may ebidensya na talagang nagnakaw ang asawa ninyo, pero wag po kayong mag alala kung kaya ninyong humarap sa korte, makalabas sya." sabi nya.
"Pero wala kaming pera." sabi ni nanay mapa bugtong hininga sya.
"Pasensya na talaga. Sige mauna na ako Aling Marites, Rose." sabi nito at pagsakay na sana sya ng tinawag ko siya.
"Sir! Kung pwede ba po sanang paki bantayan si tatay ng mabuti. May sakit po sya sa bato baka di nya kayanin." sabi ko, ngumiti ito sa akin at tumango.
"Sige Rose, pangako yan saka wag mo na akong i-sir kahit Bernard nalang tawag mo sakin." sabi nito at tumango ako at nagpaalam na ulit ito at umalis na.
Yumakap ako kay nanay at hindi parin kami tumitigil kaka iyak dahil wala si tatay sa tabi namin. Baka hindi namin kayanin na wala si tatay.
Tahimik na nagluluto si nanay ng katanghalian namin, di parin ni isa amin ay kumibo pero alam ko na umiiyak parin si nanay dahil sa pagkawala ni tatay dito sa bahay. Kahit ako di ko mapigilan umiyak dahil wala si tatay.
Naisip ko bigla ang diyaryo ito na siguro ang chance para makatulong ako kay nanay. Kinuha ko ang papel na pinunit ko na nakalagay na sa drawer at bumaba ako at lumapit kay nanay.
"Inay?" Tawag ko narinig ko pa itong sumisinghot dahil sa kaka iyak.
"B-bakit anak?" Tanong nito habang hindi ito lumingon man lang sa akin. Ayaw ni nanay nakikita ko syang umiiyak.
"Inay pagbigyan mo na ako papasukin ko na itong trabaho. Para rin ito sa atin at kay tatay." sabi ko at dun na sya lumingon sa akin, punong puno sya ng luha at lungkot sa mga mata niya
"Hindi! Hindi! Sinabi rin ng tatay mo na hindi ka magtatrabaho." sabi ni nanay.
"Nanay naman! Hirap na nga tayo sa buhay! Wala na tayong pambayad dun sa tinderang ninakawan ni tatay---"
"Hindi magnanakaw ang tatay mo!" Sigaw nito sa akin at tumalikod ito.
"Nanay naman ano ba! Walang mangyayari sa atin kung hindi ninyo ako papayagang magtrabaho! Hindi ko naman pababayaan ang pag aaral ko. hindi naman ako titigil sa pag aaral kaya sana naman ibaba nyo naman pride ninyo at ako naman pakinggan mo!" Sabi ko at hindi ko na mapigil ang umiyak. Hindi sumagot sa akin si nanay tila naiiyak lang siya.
"May nakita akong pwede kong pasukan. Malaki ang sweldo tiyak magkakasiya ito sa atin." malamig kong tugon at lumingon ulit sakin si nanay.
"Malaki ang sweldo? Anong trabaho yan? Baka ilegal yan?" Alala ni nanay.
"inay hindi, isang flower shop sa bayan, pwede ako rito kahit di pa graduated." sabi ko napabugtong hininga si nanay.
"Wala na akong magagawa anak. Ayaw lang talaga namin ng tatay mo kasi sa edad mong yan dapat masaya ka sa buhay at hindi nagi isip ng problema." sabi ni nanay.
"Wala naman po akong sinabing hindi ako masaya sa buhay natin, masaya ako kahit mahirap tayo. kahit gutom na tayo at walang makain, kahit wala tayong kuryente at tubig. Basta kasama ko kayo ni tatay masaya na ako roon." sa sinabi kong iyon niyakap ako ni nanay ng mahigpit kaya niyakap ko rin sya pabalik.
"napakaswerte namin sayo ng tatay mo. Ikaw ang pinakamahalagang kayamanan namin, patawarin mo kami anak. Hindi mo dapat maranasan ito dahil anak ka namin at kami ang magulang. Pangako kapag makakaipon na ako sa mga paninda ko ay mabawi ako sayo." sabi ni nanay nakangiti naman ako dahil hahayaan na nya ako sa desisyon ko.
"eh ngayon ba lakad mo papuntang bayan? Samahan na kita paghahatid tayo kay Manong George. Malayo ang bayan." sabi ni nanay kaya laking tuwa naman ako at naghanda na papaalis.