CHAPTER 1

1344 Words
ROSE POV "Bili na ho kayo! palitaw! puto! kakanin!" patawag ko sa mga dumadaan na mga tao sa harap ng aming maliit na tindahan na puro panghimagas. "Ate, ate! baka gusto mo panghimagas, palitaw, puto. Ano pong gusto niyo?" pigil ko kay ate na dumaan sa harap namin ngunit ngumiti lang ito sa akin at nilagpasan ako. "Mga kuya, ate! bili na kayo samin!" sigaw ko ngunit tila wala silang naririnig at dumadaan lamang sila sa harap namin. maya maya pa ay nakaramdam ako ng mga kamay sa aking balikat. "Anak pahinga ka muna." sabi ni nanay sa akin. pilit akong ngumiti sa kanya at pumasok ako sa maliit naming tindahan at naupo. "wag ka na sumimangot Rose. Minsan talaga maraming bibili, minsan hindi." sabi ng aking ina habang tinataboy ang mga langaw na dumadapo sa aming paninda. Nakatakip naman ang mga paninda namin kaya naniniguro kaming malinis ito at hindi dinadapuan ng mga langaw. "ehh bakit hindi nalang palaging may bumibili." masungit kong sabi napatawa naman ang aking ina. "anak, di naman kasi araw araw sweswertihin ka. malay mo kapag nakapagtapos ka na sa college ehh swertehin tayo at yumaman diba?" sabi sa akin ni nanay, dun ko narealize na kailangan ko palang magbayad ng tuition sa panibagong semester sa aking school na pinapasukan. Halos kinakalimutan ko nalang ito para makaiwas ako sa paghingi ng malaking pera dahil kulang ito sa aming bigas at ulam, dagdag pa kuryente at tubig. pero kailangan ko na dahil kapag hindi ako makabayad ay hindi na ako makapasok sa susunod na semester. sasabihin ko na sana kay nanay ngunit biglang dumating si Aling Palya na galit na galit at may sigarilyo pa ito sa kanyang bibig. "Hoy Marites! baka gusto mo ng magbayad ng upa dito sa tindahan? ilang buwan ka na di nakakapagbayad sakin!" galit nitong sabi kay nanay. "naku Aling Palya paumanhin, m-magkano n-na ba utang ko?" pilit na sabi ni nanay at naka bewang naman si Aling Palya. "2000." napatayo ako sa gulat "Aling palya, w-wala pa po kaming ganyang kalaking pera." sabi ko ngunit hinawakan ako ni nanay at naglabas ito ng 2000 sa aming arinola kung saan dun namin inilalagay ang pera. agad na kinuha ito ni aling palya at umalis na. "Nay! bakit ninyo binigay? ang laki nun!" sabi ko "pasensya na anak, wala na akong magagawa, kaysa mawalan tayo ng hanap buhay." pero paano yung pang tuition ko? "n-nay yung tuition ko." dun napatigil si nanay. "magkano ba tuition mo ulit anak?" tanong ni nanay bumugtong hininga ako. "4,600 po nay, h-hindi po tayo nagbayad nung una kong semester. p-pinagbigyan ako ng dean namin kaya sabi nya sa susunod nalang daw na semester ako magbabayad." paliwanag ko akala ko iiyak si nanay dahil sa malaking halaga ng perang kakailanganin ngunit ngumiti ito sa akin. "wag kang magaalala anak, gagawa ako ng paraan, uutang muna ako kay Aling Ester." sabi nito sa akin. "pero nay, malaki na utang mo doon, baka nga mas malaki na utang mo kaysa sa tuition ko. nay pwede naman akong huminto--" pinutol niya ang sasabihin ko. "gagawin ko ang lahat lahat. wala akong pake kung malaki na utang ko sa mga kakilala natin. pero hinding hindi ako papayag na hihinto ka." sabi ni nanay at niyakap ako ng mahigpit. "aahon din tayo anak." sabi nito at niyakap ko sya pabalik. kahit laki ako sa hirap maswerte ako na may mabuti akong ina at ama ngunit si tatay may sakit pa ito sa bato. Dinala namin ito sa center ngunit sabi kailangan na itong maoperahan pero wala kaming pambayad kaya tumigil si tatay sa trabaho at nasa bahay na lamang ito at nagpapahinga. "tara na anak tulungan mo akong magsara." utos sa akin ni nanay kaya sumunod naman ako kaagad. meron pa akong kalahating buwan para bumalik ako sa school, gusto ko sana habang matagal pa ang pasukan ko ay makahanap man lang ako ng disenteng trabaho. tinulungan ko si nanay na mag bitbit ng aming gamit na iuuwi namin para magamit namin bukas. habang naglalakad kami napadaan kami sa isang tindahan na nagtitinda ng mga prutas at gulay at nakita ko sa harapan nito na may mga dyaryo. "nay bili mo ko dyaryo." nagtaka naman si nanay kung bakit pero hindi na ito sumagot at pumunta sya dun sa tindahan. "magkano ho itong dyaryo?" tanong ni nanay. "sampung piso lang po!" sagot nung tindera kaya naglabas si nanay ng sampung piso at binigay dun sa tindera at kinuha na ito ng dyaryo. ''aanhin mo yan anak?" tanong sa akin ni nanay at patuloy na kami sa paglalakad. "naisip ko ho na matagal pa naman po pasukan ko maghahanap muna ako ng trabaho nay." nanlaki ang mga mata ni nanay. "trabaho? anak hindi." sabi ko na nga ba tututol ito. "nay naman makakatulong ito sa atin diba? dalawa na tayong nagtratrabaho kaya kong umextra pa para may pang kain tayo at kuryente tubig." sabi ko pero hindi sumagot si nanay at nauna itong maglakad sa akin. ayaw talaga ni nanay na nagtratrabaho ako kaya sumasama ako sa pagtitinda ni nanay upang kahit dun man lang tumulong ako. kaya ang ginagawa ko nalang ay tumawag ng tumawag ng mga may gustong bumili sa paninda namin. nang makauwi na kami sa bahay nadatnan namin si tatay na naghanda ng mga plato sa lamesa upang kami ay makakain. "buti nakauwi na kayo ito oh! galing ito sa isang dumating na truck dyan nagbigay ng libreng ulam delata at bigas at nagluto na ako. ito anak oh paborito mo itlog at sardinas." masayang bungad sa amin ni tatay at umupo na si nanay sa hapag kainan at kumain. tumingin sakin si tatay at tila sinasabing 'anong nangyari' napabugtong ako ng hininga at umupo na rin. tahimik kaming kumakain at ni isa saming walang nagsasalita. maliit lamang ang bahay namin dalawang palapag lamang. "pasensya na Marites nagiging pabigat na ako dito kaya ko pa naman kaya kong maging karkador diyan malapit sa kanto kahit papaano makatulong ako." pag basag ng katahimikan ni tatay. "anak mo gustong maghanap ng trabaho." malamig na banggit ni nanay kay tatay at tumingin sakin si tatay. "eh tay para makatulong ako dito matagal pa pasukan ko. kahit naman siguro kapag nakapasok ako kahit yung magiging sweldo ko doon pede ng ipambayad sa tuition ko para wala na kayong iisipin pang gastos." paliwanag ko. "gusto ko mang pumayag anak pero hindi, bilang isang magulang dapat kami ang kumakayod para sa anak. pasensya na anak." sabi ni tatay hindi na lamang ako sumabat sa kanila mukhang aabot lang ito sa pagaaway namin at ayaw naman mangyari iyon. pagkatapos naming kumain ay naghugas na ako ng pinggan. nakita ko si nanay na nagwawalis at si nanay naman ang naglilinis ng lamesa. pagkatapos kong kumain ay agad kong tinago ang dyaryo sa loob ng damit ko at umakyat na ako papunta sa aking kwarto. nahiga ako sa maliit kong kama na gawa sa kahoy at may kutsyon ito. gawa ito ni tatay kaya nakakatuwa kahit papaano nararamdaman kong mukha akong prinsesa. 'haist tigilan mo nga Rose! hindi ka mukhang prinsesa dahil mahirap at squatter ka lang' bulong ko sa sarili ko at kinuha ko ang dyaryo at nagbasa. isa isa akong naghanap ng mga wanted na nangangailangan ng mga tao upang magtrabaho. ang kailangan ko ay yung kahit di pa tapos sa pagaaral ay pede akong pumasok. sobrang tuwa ko nakakita ako kahit di nakapagtapos sa pagaaral isang flower shop. kailangan nito ng taga bantay, taga alaga at palit ng bulaklak na nabubulok na, at taga bigay ng mga order ng cutomers. kayang kaya ko ito at madali lamang ito sa akin. pinunit ko ang dyaryo kung saan ang kinuha ko lamang ay yung wanted na kakailangan ng flower shop. keri ito sa akin. agad kong tinago ang dyaryo sa ilalim ng kama ko at yung papel na hawak ko ay tinago ko sa loob ng drawer at nahiga na ako. Balang araw nay, tay aahon din tayo sa kahirapan at mabibigyan ko rin kayo ng bahay na malaki at maluwag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD