ISANG buwan na ang nakakalipas nang magkakilala kami ni Tryke. Hanggang ngayon ay nililigawan pa rin niya ako, kaya ngayong araw ay nagpasya kaming magkita sa Mall. Hindi ko alam kung anong dahilan niya pero sabi niya sa akin ay mag-date kami today.
Kaya heto ako ngayon ay nakabihis na, isang vintage itong suot kong dress, isang apricot long-sleeved shirt plaid vest and ang sling bag ko ay kulay brown din para bago sa outfit kong mala-vintage. Tinext ko nga rin si tandang Tryke na mag-brown din na tops para matchy-matchy kaming dalawa.
“Amaryllis, nandito na si Tryke! Bilisan mong mag-ayos sa room mo! Nakakahiya kung paghihintayin mo siya nang matagal!”
Narinig ko ang sabi ni mommy, sobrang lakas naman kasi nuʼn. “Wait lang po, mommy!” sagot ko sa kanya. Mabuti na lamang ay nagli-liptint na lamang ako.
Katetext ko lamang sa kanya kanina na mag-brown ng shirt para matchy kaming dalawa, mukhang late na niya nabasa.
“Heto na po, pababa na ako!” sabi ko sa kanila. Kinuha ko ang sling bag ko at muling pinasadahan ang aking tingin sa huling pagkakataon sa salamin.
Lumabas na rin ako sa room ko at sinarado na ang pinto. Nakita ko roon sa sofa na nakaupo si tandang Tryke. Napangiti ako nang makitang naka-brown shirt siya!
“Hello, tandang Tryke! Na-receive mo po text ko sa iyo?” pagtatanong ko sa kanya.
Tumango siya sa akin. Nakalapit na ako sa kanya. “Yes, Amaryllis, pero papunta na ako rito nang ma-receive ko iyon. Lucky, naka-brown polo shirt ako today,” nakangiting sabi niya sa akin.
“So, weʼre perfect match!” sabi ko sa kanya.
Tinignan lamang niya ako at kinuha ang ilang hibla ng aking buhok. Inamoy niya iyon. Napangiti na lamang ako sa kanyang ginagawa. “Tara na po, alis na tayo?” yaya ko na sa kanya, kaya tumayo na siya sa pagkakaupo sa sofa.
“Um, Mrs. Laure, aalis na po kami. Iuuwi ko rin po agad si Amaryllis bago mag-alas siyete po!” magalang na sabi ni tandang Tryke kay mommy.
“Sure, Tryke, ingatan mo ang anak namin, ha? Mag-iingat sa pagda-drive. Enjoy sa date niyong dalawa,” nakangiting sabi ni mommy sa amin at tumango kami sa kanya.
Lumabas na kami sa bahay at wala sina daddy and kuya Amir ngayon, may inaasikaso sila ngayon sa hardware namin. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat at saka siya umikot papunta sa driver seat. Napatigil siya nang makitang suot ko na ang seat belt ko.
“Sorry po, tandang Tryke!” saad ko sa kanya. Hinalikan na lamang niya ako sa aking noo. Nanliligaw pa lang iyan, ha?
Pina-andar na niya ang kotse at saka pumunta na kami sa Mall. Hindi ko alam sa isang ito bakit nag-yaya mag-date kaming dalawa today. Hindi naman ako makatanggi dahil bored na rin ako sa bahay.
Wala pang isang oras nang makarating kami sa Mall. Nagpark na siya at muli niya akong pinagbuksan ng pinto. Magkahawak kamay kaming naglalakad na dalawa rito sa loob ng Mall.
“Saan po tayo unang pupunta?” tanong ko sa kanya habang naglilibot kami rito.
“Salon, Amaryllis? Ipa-treatment natin iyong hair mo? What about your nails sa kamay and sa paa mo?” sabi niya sa akin.
Nagulat ako sa kanyang sinabi. “Pamper days ko po ba today, Tryke?” nakangiting tanong ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin at nakita ko ang ngisi niya. “Yes, Amaryllis, gusto kitang i-treat and I-pamper today!” saad niya sa akin, pero ang tingin niya ay napaka-seryoso.
“Hindi ba uso ang ngiti sa iyo, tandang Tryke? Ngiti naman po dʼyan, nakakabata kaya kapag ngumingiti!” pang-aasar na sabi ko sa kanya at napailing na lamang siya sa akin.
“Okay na ba ito?” tanong niya sa akin at ngumiti nang napakalaki.
Napatawa ako dahil sa ginawa niya. “Para ka naman pong papatay niyan! Tara na nga po sa salonpara maumpisahan na akong ayusan!” sabi ko sa kanya at hinila ang kanyang kaliwang kamay papunta roon.
Pumasok kami sa salon, nilapitan agad kami ng staff doon para asikasuhin ako. Pinaupo ako sa harap ng salamin. Nakita ko si tandang Tryke sa may salamin na nakaupo laamg doon sa may sofa. Para siyang bata na naghihintay roon sa mommy niya!
Cutie talaga ni tandang Tryke!
Inumpisahan ng ayusan ang aking buhok, bibigyan ng treatment and pina-change color ko na rin ang buhok ko sa chestnut. Hindi lamang iyon dahil habang inaayos ang buhok ay inaayusan na rin ang aking kuko sa paa.
Kinuha ko ang phone kong palihim at pinicture-an siya. Ang cute kasi ni tandang Tryke na nakaupo roon habang hinihintay ako.
“Boyfriend niyo po ba iyong nakaupo ngayon doon, Ma'am?”
Napatingin ako sa nag-aayos sa akin at ngumiti. “Um, nanliligaw pa lang po,” sagot ko sa kanya.
“Ganoʼn po ba, Ma'am? Iilan na lang po na mga lalaki ang naghihintay sa mga girlfriend nila habang nagpapaayos po. Ang ibang inaayusan ko po ang mga boyfriend nila ay iniiwan sila rito at babalik na lamang in case na tapos na silang ayusan,” saad niya sa akin. “Swerte niyo po sa boy dahil sobrang tiyaga niya po,” dagdag na sabi niya sa akin.
Napatawa na lamang ako nang mahina. “Siya po ang nagsabi na magpaayos po ako, ate!” sabi ko sa kanya.
“Ganoon po ba? Sobrang sweet naman po niya. Huwag niyo na pong iwan!” nakangiting sabi ni ate sa akin at tumango ako sa kanyang sinabi.
Tatlong oras din ang tinagal namin sa salon nang matapos akong ayusan. Sobrang ganda ng buhok ko at hindi lamang iyon maging ang paa at kuko ko ay maayos na rin.
Lumapit na ako kay tandang Tryke para ipakita sa kanya ang itsura ko ngayon.
“You're so beautiful, Amaryllis!” saad niya sa akin, kaya napangiti ako. “Come on, labas na tayo? Alam kong nagugutom ka na!” saad niya sa akin.
Inakla ko ang aking kamay sa kaliwang braso niya at tumango ako sa kanya. “Yay, hungry na po ako! Letʼs eat na po, tandang Tryke!” hagikhik na sabi ko sa kanya at lumakad na kami.
Hinayaan ko na lamang siya ang mamili kung saan kami kakain today. Treat naman niya and I believe the food we go to restaurants is delicious.
Pumasok kami sa 'Chilli's' ang restaurant na sobrang ganda ng ambiance. Inasikaso kami ng isang staff nila at pinaupo sa table na goods for two.
“Whatʼs your order, Amaryllis?” tanong niya sa akin.
Napanguso ako sa sinabi. “Amaryllis pa rin ang tawag mo sa akin, tandang Tryke?” nakangusong sabi ko sa kanya. “How about we have an endearment to each other? Katulad ng ginagawa ko sa iyo, tinatawag kitang tandang Tryke!” sabi ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin at mukhang nag-iisip. “What do you want me to call you, Amaryllis?” mahinahon niyang tanong sa akin.
Napahinto ako sa pagpili ng food ko. “Um, baby? Babe? Love? Wife? Pick one?” suggest na sabi ko sa kanya.
Iyon lang din kasi ang alam and madalas kong naririnig kay Rose and sa ibang couples sa paligid ko.
“Baby? You want baby to be my endearment to you?” sabi niya sa akin.
Napangisi ako sa kanya at tumango. “Sure, tandang Tryke! Iʼm your baby and you are my tandang Tryke!” nakangising sabi ko sa kanya ay umorder na kami.
Hindi rin naman kami nagtagal na kumain sa Chilli's dahil nag-aya na rin akong lumabas para makapaglibot-libot kaming dalawa rito sa mall.
“This is my first time... I mean, lumibot sa mall na lalaki ang kasama ko and hindi ko kamag-anak...” sabi ko sa kanya habang naglalakad kami. “Mostly, ang kasama kong mag-mall ay either sila mom, my cousins and my friends!” dagdag na sabi ko sa kanya.
Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakapit niya sa aking kamay. “Always na akong ang kasama mo starting today, baby! Always na akong nasa tabi mo and magka-holding hands tayong dalawa habang naglilibot tayo rito,” nakangiting sabi niya sa akin.
Napangiti ako sa kanyang sinabi at tumango. “Promise po?” sabi ko sa kanya at tumango siya sa akin.
“Yes, my baby Amaryllis!” sabi niya sa akin at tinaas pa niya ang aming kamay at hinalikan ang aking palad. “I love you, Amaryllis!” Nakatingin na sabi niya sa akin.
Namula ang mga mata ko at napaiwas sa kanya. Mukhang malapit ko ng sagutin si tandang Tryke, ha? Kung ganito pa man din ang sinasabi niya sa akin ay talagang hindi ko maiiwasang mahulog nang mahulog sa kanya.