AMARYLLIS: CHAPTER 1
“Amaryllis, you're turning 22 years old, right? But, until now ay wala ka paring boyfriend?”
Napatigil ang aking pagsubo nang tanungin ako ng isa sa mga tita ko, panganay na kapatid ni Papa — si tita Marichu.
“Oo nga, Amaryllis? Wala ka bang balak mag-boyfriend?” sabat naman nitong isa ko pang tita na si tita Helen.
“Baka naman walang nanliligaw? Hindi naman kasi lapitin ng lalaki niyang si Amaryllis! Hindi tulad ng anak namin na si Catherine, nakakatatlong ex-boyfriend and hindi lamang iyon puro galing pa sa mayayamang angkan,” sabat din nitong si tita Cora — asawa siya ng bunsong kapatid nila Papa na si tito Xander.
Napangiwi na lamang ako sa sinasabi nila sa akin ngayon.
“Same, Cora, ang anak kong si Mara bago nakipag-engage ay sa long time boyfriend niya ay naka-apat na ex-boyfriend mo na!” proud na sabi ni tita Marichu sa amin.
“Paano naman ang dalawang anak kong babae? Si Paula, 21 years old na iyon ngayong taon pero naka-two ex-boyfriend! Iyong si Paola naman ay kaka-break pang sa boyfriend niya last week, 18 years old pa lang iyon!” natatawang sabi ni tita Helen.
Hala, pinagmalaki pa niyang kaka-break lang ng anak niya!
“Sorry, Alana, ha? Pero, hindi yata pang-masa ang mukha nitong si Amaryllis!” sabi ni tita Marichu sa akin at tumawa pa siya nang tumingin siya sa akin.
Nakita ko ang pagtawa ng iba dahil sa sinabi ni tita Marichu, maging ang iba kong pinsan ay tumawa pʼwera sina mommy, daddy, kuya Amir and Darren.
Kumunot ang noo ko sa kanila at nakita ko ang paghawak ni mommy sa aking hita at palihim na umiling. Napaawang ang aking labi pero hindi ako magpapatalo ngayon.
Lagi na lang ako ang pulutan sa kʼwentuhan nila kapag may ganitong occasion sa side nila dad! Mabuti pa sa side nila mommy ay walang pangda-drag na nangyayari kapag may ganitong salu-salo.
Ngumiti ako sa kanila. “Ay, talaga po ba, tita Marichu, tita Helen and tita Cora? So, kapag maraming ex-boyfriend pang-masa ang mukha? Hindi ba pʼwedeng malandi lang ang mga anak niyo? Ay, oopps, sorry hindi ko napigilan iyong bibig ko!” sabi ko sa kanila at tinakpak ang aking bibig. “May prize po ba kapag maraming ex-boyfriend? Hindi naman din akong na-inform doon, mga tita ko! Donʼt worry about myself po, hindi po kayo ang tatandang dalaga, eh, ako po iyon? Masyado naman kayong invested sa buhay ko! Kumbaga na lamang po ay every reunion about relationship ko po ang topic niyo! Hindi niyo po ba pʼwedeng i-share kung paano umiyak ang mga anak niyo sa akin, habang humihingi ng advice kasi naghiwalay sila ng ex-boyfriend nila?” dagdag na sabi ko sa kanilang lahat at maging sa mga pinsan kong babae.
Huwag silang hihingi sa akin na advice ulit! Humingi sila ng advice sa mga nanay nila!
Tumayo ako sa aking kinauupuan. “Oh, bakit po kayo tumahimik? Dahil nagsasabi ako ng totoo? Alam niyo po kaya hindi sumasama sina Lolo and Lola sa ganitong occasional dahil sa inyo po! Kasi imbis na pag-usapan niyo ang paglago ng negosyo niyo ay pinapakilaman niyo ang buhay ko! May mga buhay ang anak niyo, bakit hindi iyon ang gawin niyong pulutan every occasion? Oo nga naman, bakit niyo naman ibibida ang mga anak niyo? Eh, hindi nga makapagtapos ng college si Mara dahil na buntis na ng fiancé kuno niya! And si Paula naman, ilang beses na ba nag-shift ng course niyan? Tatlong beses? Eh, si Catherine, ilang beses bumabagsak sa minor subject lang nila? Hindi niyo maibida kasi, walang kabida-bida sa anak niyo po!” mahabang sabi ko sa kanila.
Nakita ko ang pagngitngit ng ngipin ni tita Marichu. Natamaan siya sa sinabi ko about sa anak niya.
“Amaryllis, enough na,” saway ni mommy sa akin at hinawakan ang aking magkabilang kamay.
“No, mommy! Always akong ginagawang pulutan sa kʼwentuhan na ito! Paano, mga inggit kasi sila sa atin! Si kuya Amir na grumaduate sa ibang bansa dahil pinag-aral nina Loloʼt lola, at ako grumaduate ngayong taon na Magna c*m Laude! Eh, mga anak nilang babae? Kinukulit ako para tulungan sila sa mga subject nila!” saad ko sa kanila.
“Ang yabang mong Amaryllis! Humihingi lang naman kami ng tu—” Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Catherine sa akin.
“Ay wow! Ako pa mayabang? Ganoʼng makatawa kayo kanina dahil until now no boyfriend since birth pa rin ako! Huwag din kasing puro landi, aral-aral din!” asik ko kay Catherine na siyang pagkatahimik niya.
“Donʼt worry, sa susunod na ganitong occasional ipapakilala ko ang boyfriend ko sa inyo! Iyong tipong CEO na isang company! Para naman mainggit kayo lalo! Uy, hindi impossible iyon lalo naʼt pinsan ko si Rose!” nakangising sabi ko sa kanilang lahat. “So, bye na po! Ayoko na pong makipag-plastikan sa inyong lahat!” dagdag na sabi ko at lumakad na paalis sa lugar na iyon.
Tsk! Napuno na kasi ako kaya nasabi ko na iyon sa kanila. Sino ba naman kasi hindi mabu-bwisit kung always ako ang pulutan nila.
Hindi na nga rin nagsasalita sina mommy and daddy, pero malakas akong galit na sila nuʼng sabihin ni tita Marichu!
Hindi pangmasa ang ganda ko? Paano kasi iyong anak niya laspag na bago mag-engage sa fiancé niya ngayon!
Hindi naman ma-e-engage iyon kung hindi mayaman iyong lalaki na fiancé niya ngayon.
Mukha naman silang pera dahil iyong business na binigay sa kanila nina loloʼt lola ay walang naputahan. Mabuti pa ang business namin ay lumago dahil na rin tinulungan kami ni tito Adam. Kaya iyong isang branch ng hardware store namin ay naging tatlo na.
“Hey, come on, uwi na tayo?!”
Nakita ko si kuya Amir na nasa likod ko ngayon. Nakita ko ang ngiti niya habang nakatingin sa akin.
Napanguso ako sa kanya at inakbayan niya ako. “Nasobrahan ba iyong pagkakasabi ko kanina, kuya Amir? Napuno na kasi ako!” sabi ko sa kanya habang papunta kami sa kotse niya.
May sarili na siyang kotse at isa na rin siya sa mga nagpapatakbo ng hardware namin.
Umiling siya sa akin. “No, tama lang iyong ginawa mo! At least, tatahimik na sila kaka-intriga sa buhay mo! Dapat matagal mo na iyong ginawa!” sabi niya sa akin at pinapasok na niya ako sa loob ng kotse, sa passenger seat.
“Eh, sina mommy and daddy, hindi pa ba sila uuwi? Hihingi ako nang sorry mamaya sa kanila,” sabi ko ulit pagkapasok niya.
“Pinagalitan ni dad si tita Marichu, tita Helen and tita Cora. Hindi sa iyo galit sina mom and dad, okay?” pagpapagaan niyang sabi sa akin at tumango sa kanya.
“Tama lang ang ginawa mo kanina, ha? At least, alam ko na kung paano magalit ang isang Amaryllis! Nakakatakot!” natatawa niyang sabi sa akin.
Pinalo ko siya sa hita niya. “Kuya Amir, huwag ka nga! Mag-drive ka na lang at baka ma-aksidente pa tayo! Hindi pa naman ako nagkakaroon ng boyfriend! Ipapakita ko sa mga tita natin na hahanap ako ng boyfriend na CEO! Para lalo silang mainggit at ma-bwisit! Lalo na iyang si tita Marichu. Kung makapag-proud sa anak niya dahil Supervisor ng isang kilalang company! Hindi naman tagapagmana iyon! Kaya ang target ko ay CEO!” mahabang sabi ko kay kuya Amir at napailing siya sa akin.
“Pumili ka ng lalaking mahal ka, okay? At, iyong lalaking iingatan ka, Amaryllis, okay?” sabi ni kuya Amir sa akin, kaya tumango ako sa kanya.
“Iyon nga, kuya Amir! Kaya hihingi ako ng help kay Rose and Anais!” masayang sabi ko sa kanya at siyang pag-iling na lamang sa akin.
Gaganti ako sa mga tita kong iyon!