AFTER naming bumili ng cake and pizzas ay naglalakad na ulit kami papunta sa parking kung saan siya pumarada. Nagulat na lamang ako ng bumili kami ng cake and two pizzas, malalaki pa ang mga iyon.
“Para kanino ang mga ito?” pagtatanong ko sa kanya at pinagbuksan niya ako ng pinto. “Thanks!” nakangiting sabi ko sa kanya.
Hinintay ko siyang makasakay at muling siyang tinanong. “Para kanino ang mga iyan? Donʼt tell me para sa family ko?”
Ningitian niya ako nang malaki. “No, baby! Today is a meet a parents!” nakangiting sabi niya sa akin.
Napalunok ako sa sinabi niyang iyon. “Huh? As in, now na?” kinabahan kong tanong sa kanya.
“Yes, baby! So, letʼs go!” nakangiti pa rin niyang sabi sa akin at pinaandar na niya ang kotse.
Napalunok ako at hindi ako makapagsalita ngayon habang bumabyahe kami. “Hey, are you okay, baby? Are you nervous?” pagtatanong niya sa akin at hinawakan ang aking hita.
Napatingin ako sa kanya at dahan-dahan umiling. “Iʼm not! I mean, wala akong dala ni-isa para sa family mo, tandang Tryke!” sabi ko sa kanya.
“Itʼs okay, Amaryllis! Sarili mo lamang ay okay na and matagal ka na rin gustong makilala nila mom and dad,” saad niya sa akin.
Napasandal na lamang ako sa passenger seat at napapikit. “Kahit na! Sana naman ay bumili ako ng flowers, right? Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko later?” kinakabahan na sabi ko sa kanya.
“Relax, baby! You can call my mom and dad, na tita Fiona and tito Tamus. Thatʼs their names!” sabi niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya. “Really? Thanks! Tatandaan ko ang names nila!” sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay ni tandang Tryke sa aking hita.
Hindi rin naman nagtagal ang byahe namin papunta sa village nila, ang Spencer Village. Alam ko ay exclusive village ito ay puro mayayaman lamang ang nakatira sa village ito.
“Weʼre here, baby!” malakas na sabi ni tandang Tryke sa akin at bumusina sa tapat ng black and silver na gate. Bumukas iyon kaya pumasok na roon ang car niya.
Huminga ako nang malalim nang huminto na ang car niya sa tapat ng main door nila. Bumukas ang pinto sa side ni tandang Tryke at hinintay ko lamang siyang pagbuksan ako. “So, come on, baby?” sabi niya sa akin at nakalahad na sa aking harapan ang kamay niya. Kinuha ko iyon at lumabas na ako, sunod niyang kinuha ay ang binili naming cake and pizzas.
“Mom! Dad! We are here!” malakas na sabi ni tandang Tryke kaya napakapit ako sa kanyang braso.
Napahinto kaming dalawa nang pagpasok namin ay nakita namin doon ang magulang niya, sina tito Tamus and tita Fiona. “Hello po! Iʼm Amaryllis Laure and I just graduated this year. Nice to meet you po!” malakas na sabi ko sa kanilang dalawa.
“Oh my! Are you Amaryllis? Are you for real?” bulalas na sabi ni tita Fiona sa akin. Banat na banat ang kanyang labi habang nakatingin sa akin ngayon. “Youʼre so pretty, Amaryllis! Iʼm sorry if ganito ako, ha? First time magdala ng panganay kong anak na babae sa house namin! Always kasing pangalawang anak ko ang nagdadala ng girlfriends dito but in the end naghihiwalay rin sila. I hope na hindi mangyari iyon sa inyo, okay?” sabi ni Tita Fiona at dinala niya ako sa dining hall nila.
“Mom! Donʼt harass, Amaryllis!” Narinig ko ang sinabi ni tandang Tryke pero ngumiti lamang ako sa kanya at sinenyasan na 'okay lang ako.'
“Iʼm not harassing her, Tryke! Gusto ko lang siya makilala nang lubusan, okay?” sabi ni Tita Fiona. “Oh by the way, How did my son flirt with you? And, also, how did you meet? I want to know, Amaryllis! Lalo na about him!” pagtatanong ni Tita Fiona sa akin.
Pinaupo na niya ako sa dining table nila. Tumabi rin agad sa akin si tandang Tryke, napatingin ako sa kanya para malaman kung anong sasabihin ko kay Tita Fiona. Sabihin ko ba ang totoo na we meet each other dahil dating app?
“Mom, Laure has a small business about hardware. And, we meet accidentally!” sabi ni tandang Tryke.
Napangiwi ako sa sinabi niyang iyon. Hindi siya marunong magpaliwanag. Hindi maniniwala ang mom niya sa sinabi niyang iyon!
“Oh, really? Thatʼs good to hear! Na-love at first sight kayong dalawa!” malakas na sabi ng mom niya sa amin.
Napangiwi ako nang dahil doon. Naniwala siya?
“Hardware? Nagsu-supply kayo ng mga gamit for the construction, iha?” pagtatanong ni Tito Tamus sa akin.
Ngumiting tumango ako sa kanya. “Um, y-yes po! Actually, iyong grandparents po sa side ng dad ko po ay may-ari ng construction firm po and kaya ang business na ginawa ng family ko po ay hardware,” pagpapaliwanag ko sa kanila.
Nakita ko ang pagtango ni Tito Tamus sa akin. “Thatʼs nice! At least, if we need to supply to build another business ay sa kanya na lang tayo kumuha, Tryke!” sabi ni tito Tamus.
“Business po?” pagtatanong ko sa kanila.
“Un, yes, iha! Hindi ba nasabi ni Tryke sa iyo na we have alcoholic business, itʼs Nativity Beverages,” nakangiting sabi ni Tita Fiona sa akin. Sasagot na sana ako nang magsalita muli si Tita Fiona. “Finally, nakauwi na rin kayong dalawa!” malakas na sabi ni Tita Fiona kaya napalingon ako sa hamba ng dining hall nila. “Iha, this is my second son, Tristan, heʼs 31 years old and my youngest, Trixia, sheʼs only 19 years old. Ang laki ng agwat nila, right?” sabi ni Tita Fiona sa akin kaya tumango ako sa kanya.
Tatayo pa sana ako para batiin sila pero inawat ako ni tandang Tryke. “No need,” mahinang sabi niya sa akin.
Tumango ako sa kanya at umayos ng pagkakaupo. “Hi, Tristan ang Trixia! Iʼm Amaryllis Laure, nice to meet you!” nakangiting sabi ko sa kanila.
Nakita ko ang pagbanat ng ngiti ni Trixia sa akin. “Hello po, ate Amaryllis! Nice to meet you rin po!” nakangiting bati niya sa akin. Si Tristan naman ay tinanguhan lamang niya ako.
“Oh, siya, mamaya na tayong mag-kʼwentuhan muli. Baka nagugutom ka na, iha! So, letʼs eat first!” sabat ni tito Tamus at pinasok na rito ang mga pagkain na pinahanda nila.
Tatlong kasambahay ang nagdala ng limang klaseng putahe sa table ngayon, may meat, chicken, crab and shrimp na nakahain, also mayroʼn ding salad dito.
“Amaryllis, huwag kang mahihiya, okay? Kumain lang nang kumain, okay?” nakangiting sabi niya sa akin at tumango ako.
Napangiti ako nang matanggap ako ng parents niya. Sina tito Tamus and tita Fiona, maging ang dalawang kapatid niyang sina Tristan and Trixia. Sobrang babait nilang lahat kaya hindi na ako masyadong nahiya kanina.
Two days ago nang makilala ko ang ang parents ni tandang Tryke. Always na akong nakaka-receive ng text message, calls and chats mula sa mommy niya and sa kapatid niyang babae na si Trixia, sobrang bait talaga nila and hindi lamang iyon dahil nagpapadala rin ng food si Tita Fiona, iyong mga bine-bake niya kaya nagkakilala na rin sina mommy and Tita Fiona. Naging close nga rin agad silang dalawa.
Napangiti ako nang makita ang chats ni tandang Tryke sa akin. Marami iyon pero isa lamang ang pumukaw sa mga mata ko.
“Hello, baby, good morning! Wake up na po! Do you want to come to my company? And, after ng work ko ay letʼs date again? Can you, baby? I love you po!”
Napangiti ako habang binabasa ko iyon dahil dama ko ang sweetness habang tina-type niya iyon sa akin.
Napasandal ako sa headboard ng kama ko and i started to type para reply-an siya. “Sure po, tandang Tryke! Before 11AM ay nandʼyan na ako sa company niyo, okay? I will call na lang kapag nasa baba na ako. I love you too po!”
Napatayo na ako sa bed ko and agad na pumasok sa bathroom para makaligo na ako.
First time kong pupunta sa company ni tandang Tryke! Kinakabahan tuloy ako!