AMARYLLIS: CHAPTER 6

2068 Words
ALMOST a weeks na nang magkita kami sa personal ni Tryke, until now ay nahihiya pa rin siya sa akin. Kaya always kaming nagbi-video call. Kinuha ko na rin namin ang facetagram namin. Katulad na lamang ngayon ay ka-video call ko siya habang nasa office siya ngayon. “Ano pong ginagawa mo, tandang Tryke?” tanong ko sa kanya habang nagpapa-cute rito sa harap ng phone ko. “Doing some paper works po, Amaryllis!” sagot niya sa akin at tumango lamang ako. “Nababagot ka na ba na panoorin ako? You want to eat something? Pa-deliver ako if you want,” saad niya sa akin. Umiling ako sa kanya. “Kakakain ko lang po, tandang Tryke! Mahirap po ba ang work mo? Gusto ko na tuloy magwork din para matulungan kita sa ginagawa mo po,” sabi ko sa kanya. “Um, medyo mahirap ang work ko pero ayos lang naman, Amaryllis! By the way, sinabi mo na may hardware kayo, right?” tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. “Yes po! Sina daddy and kuya Amir ang nag-aasikaso po roon!” sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin. “By the way, Amaryllis, may gagawin ka ba this Sunday? Pʼwede ba tayong magkita sa may simbahan malapit sa inyo?” nahihiyang tanong niya sa akin at tumango ako sa kanya. “Of course! So, this Sunday po, tandang Tryke?” Tumango siya sa tanong ko. “Okay po, see you sa Sunday!” masayang sabi ko sa kanya. Ngayon ang araw na'ng magkikita kami ni Tryke. Sunday ngayon at ang kitaan namin ay sa simbahan. Heto na ba ang sign na ang unang boyfriend ko ay panglife time na agad? Gusto ko lang naman humanap ng boyfriend na paiinggitin sa mga kamag-anak ni dad pero pangmatagalan na pala ang hinahanap ko! Naka suot na ako ngayon ng red dress, sinunod ko ang sinabi ni Rose sa akin na mag-dress sa first meet para malaki ang impact sa lalaki. Ang suot kong dress ay isang dark red dress na hanggang sa aking talampakan. Pa-square ang hugis ng dress na ito kaya medyo exposed ang aking leeg pero ang dibdib ko naman ay hindi kita. Pero, magdadala pa rin ako ng cardigan in case ay mapagalitan ako sa may simbahan. Naglagay na rin ako ng makeup sa mukha ko, light makeup lamang ang ginawa ko para hindi halatang pinaghandaan ko ang araw ng pagkikita naming dalawa. Ang buhok ko naman ay hinayaan ko na lamang nakalagay, straight ito dahil kakapa-rebond ko lamang last two months. Nang makitang maayos na ako ay kinuha ko na ang black sling bag ko, nandoon kasi ang wallet, phone, liptint and powder ko in case na mag-retouch ako. Sinuot ko rin pala ang necklace kong hugis heart and bracelet na ang design naman ay may key. Lumabas na ako sa kʼwarto ko at bumaba na, nakita ko roon si daddy na naghihintay sa akin. Siya kasi ang maghahatid sa akin sa simbahan. “Daddy, alis na po tayo!” nakangiting sabi ko sa kanya. Nakita kong nakatingin siya sa akin. “Are you sure na makikipagkita ka dʼyan?” tanong niya sa akin. Ngumiting tumango ako sa kanya. “Yes po, dad! Napag-usapan na natin po ito and kapag may ginawa siyang masama sa akin ay sisigaw ako ng tulong para matulungan po ako ng mga tao roon,” sabi ko sa kanya. Kahapon ko pa sinabi ito kay daddy. Sinabi ko sa kanya na may ime-meet akong friend na lalaki na pinakilala nila Rose sa akin. Mabuti na lamang ay nasabihan ko na ang pinsan kong iyon kaya nang tanungin siya nila daddy tungkol dito ay tumango lamang siya. “Baby, dalhin mo na rin itong pepper spray. Makakatulong niyan,” sabi ni mommy sa akin kaya kinuha ko iyon. Nilagay ko na rin iyon sa bag na dala ko. Para mapanatag silang lahat. Saka pakiramdam ko ay hindi ganoʼn si Tryke, sa mga video call namin nitong nakalipas na araw ay sobrang bait at mahiyain pa rin siya, kaya gusto ko talaga siyang makita. “Sige na, Hunter, ihatid mo na ang anak natin. Hindi naman katulad si Amaryllis sa mga pinsan niya, at matalino ang anak natin kaya alam niya kung ano ang tama at mali,” sabi ni mommy kay daddy, nakita kong tumango na si daddy at lumakad na siya palabas. “Amaryllis, ang bilin namin sa iyo. Kilalanin nang mabuti and kapag pumasa sa iyo ay ipakilala sa amin, okay? Kahit mas matanda siya sa iyo ay ayos lang sa amin basta mahal mo iyong lalaki at hindi mo gagamitin para sa kapakanan mo,” seryosong sabi ni mommy sa akin. Tumango ako sa kanya. “Opo, mommy! Alis na po ako!” saad ko sa kanya. Sinabi ko na rin kasi sa kanila na 10 years ang agwat naming dalawa pero umokay lang sila. Nakasakay na ako sa kotse at papunta na kami ngayon sa simbahan. “Baby, call me kapag may nangyari sa iyo, okay? Pupuntahan ka agad ng dad mo!” sabi ni daddy sa akin. Tumango ako sa kanya. “Opo, dad! Pero, ramdam ko pong mabait itong si Tryke kaya donʼt worry po! And, kapag nakilala ko po siya nang lubusan ay ipapakilala ko po sa inyo siya!” sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang aking buhok. “Iʼm proud of you, Amaryllis!” saad ni daddy sa akin kaya napangiti na lamang ako. Bumaba na ako sa kotse ni daddy at nagpaalam sa kanya. Lumakad na ako papasok sa simbahan at kinuha ko ang aking phone, baka nagtext siya sa akin today. Kinuha na namin ang phone number ng isa't-isa. Tryke: Amaryllis, nandito ako sa may simbahan. Nakatayo ako rito sa may gilid ng pinto. Basa ko roon sa text message niya sa akin. Napalingon-lingon ako sa paligid at nakita ko ang isang lalaking may hawak na phone roon. Naka-black pants and gray na polo shirt, may cap rin siyang black na suot ngayon. Si Tryke na ba iyon? Bakit sobrang hot niya sa suot niya ngayon. Napatingin ako sa paligid ko ngayon, may iilang napapatingin din sa kanya mostly ay babae. “Hey, sa akin iyan, ano! Maghanap kayo sa dating app!” saad ko sa aking isipan at lumakad na ako papunta roon sa lalaking nakatayo. Baka unahan pa ako ng mga babae rito. “Um, hi, ikaw ba si Tryke Natividad?” nakangiting tanong ko sa lalaking nakayuko pa rin. Hindi ko makita tuloy ang eyes niya. Nanlaki ang mga mata ko nang napatingin siya sa akin. Nakita ko ang peklat sa mata ng lalaki. Si Tryke nga ito! “Hello, I'm Amaryllis, Tryke! Nice to meet you!” nakangiting sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagtingin niya sa akin. “Hello, Amaryllis, nice to meet you too! I'm Tryke Natividad,” pagpapakilala niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya. “Sure! Sure! Tara pasok na tayo sa loob baka mawalan pa tayo nang mauupuan, maraming nagsisimba rito!” sabi ko sa kanya at kinuha ang kaliwang kamay niya. Ang lambot ng kamay niya. Sigurado ba siyang 33 years old na siya? Bakit parang bata niyang tignan, ano? Nakaupo na kami sa may gilid ng simbahan. Nasa dulo kami ng upuan at nasa kaliwang side ko siya. Palihim kong sinukat ang height namin hanggang kili-kili lang niya ako. Perfect height for lovers! Nag-umpisa na ang misa at nakikinig na ako rito, maging si Tryke ay nakikinig din sa holy mass ngayong Sunday. Hinawakan ko ang kamay niya nang mapunta na sa 'Ama Namin'. Nagulat siya sa ginawa ko pero naramdaman kong naging komportable rin siya sa ginawa ko. Aalisin ko na sana ang kamay ko sa kanyang kamay pero hinawakan niya iyon nang mahigpit. Napatingin ako sa kanya at ningitian lamang niya ako, kaya ngumiti rin ako sa kanya. See? No boyfriend since birth ako, pero nakatulong ang pagbabasa ko ng mga romance stories! “Peace be with you,” saad ko sa kanya at hinalikan siya sa kanyang pisngi. Gulat siyang napatingin sa akin at binawian niya ako. “Peace be with you,” baritonong sabi niya sa akin kaya ngumiti ako. Sobrang hot niya! Maging iyong halik niya dama ko sa pisngi ko! Hindi ako maghihilamos tonight! Natapos ang misa at akala ko ay uuwi na ako sa amin, pero niyaya niya akong mag-lunch ngayon kaya sumang-ayon na ako. Libre naman niya. Lumakad kami papunta sa kotse niya at pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat at siya na rin ang nagsarado. Nakita ko ang mabilis niyang paglalakad para makapunta agad siya sa driver seat. Nang makapasok ay siya na rin ang naglagay ng seatbelt sa akin. “Saan mo gustong kumain, Amaryllis? May prefer ka bang food today?” mahinahon niyang tanong sa akin. Napatingin ako sa kanya at umiling. “Wala naman! Pero, nag-crave ako today sa manok ng pulang bubuyog! Doon na lang tayo mag-eat kung gusto mo, Tryke?” balik na tanong ko sa kanya. Napatingin siya at agad ding bumalik ang tingin niya sa kalsada. “Sure! Doon na lang tayo if gusto mo!” sabi niya sa akin. Plus points ka sa akin, Tryke! Natapos ang araw namin na ako lamang ang dumadaldal sa kanya pero sinasagot naman niya lahat ang mga tanong ko sa kanya. Bago kami umuwi ay bumili pa siya ng cake, pasalubong daw for may parents. Nice, nagpapabango agad ng name sa parents ko, ha? Tinanggap ko naman ang cake para maging masaya sina mommy at daddy. Nakarating na ako sa bahay namin at aalis na sana siya pero hindi ako pumayag. “Gusto ka na rin makilala nina mommy and daddy, tandang Tryke, kaya magpakilala ka na rin today!” sabi ko sa kanya. Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko pero pinaawa ko ang aking mukha sa kanya. “Pretty please, para maging panatag na sina mommy and daddy kapag aalis ako kasama ka, Tryke,” nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Nakita ko ang tingin niya sa akin at tumango sa sinabi ko. Napangiti ako at hinalikan siya sa kanyang labi. “Thank you! Donʼt worry mababait ang parents and kuya Amir ko, Tryke! And, sa susunod pʼwede mo na rin akong ipakilala sa parents mo!” sabi ko sa kanya at pinababa na rin siya sa kotse niya. Pumasok kami sa loob ng bahay namin na magkahawak ang kamay, siya na ang nagdala ng cake for me. “Mommy! Daddy, Tryke is here! Gusto niya po kayong makilala!” malakas na sabi ko nang makapasok kami sa living room. Hawak ko pa rin ang kamay ni Tryke at hindi ko iyon binibitawan. “H-Hi po, I'm Tryke Natividad po! A-and, g-good intention po ang balak ko sa anak niyo!” kinakabahan niyang sabi kina mommy and daddy. Mabuti na lamang ay wala pa si kuya Amir, siguro overtime na naman siya. Tumayo si daddy at lumapit sa amin. “No boyfriend since birth ang anak namin. At, kung magiging boyfriend ka niya ay ikaw ang first! Maipapangako mo bang hindi mo iiwan at paiiyakin ang anak namin?” Nagulat ako sa sinabi ni daddy. Napatingin ako kay mommy pero ningitian lamang niya ako. “Um, yes po, Mr. Laure! Actually, wife material po ang hinahanap ko at nakita ko po iyon kay Amaryllis! Kaya pinapangako kong hindi ko po paiiyakin at sasaktan ang anak niyo, Mr. and Mrs. Laure!” Napatingin din ako tandang Tryke nang sabihin niya iyon. Ganoʼn na lamang ang gulat ko nang tumawa si daddy. “Good! Come on, umiinom ka ba ng alak? May alak ako ngayon dito! Sinabi na rin ni Amaryllis sa amin na 10 years ang agwat niyo!” saad ni daddy at nagulat na lamang ako ng hilahin niya si Tryke papunta sa kitchen namin. “Mommy...” tawag ko sa kanya pero ningitian lamang niya ako. “Gusto siya ng dad mo, baby! So, magpalit ka na roon sa room mo. Huwag mo na alalahanin ang boyfriend mo,” sabi ni mommy sa akin. Tumango na lamang ako at umakyat na sa room ko. Gusto ko sana i-correct ni mommy about kay Tryke na boyfriend ko, dahil hindi ko pa siya sinasagot. So, need ko na ba siyang sagutin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD